Mag-log inIsang sikretong lagusan ang kinaroroonan namin. Madilim, amoy amag, at tila walang katapusan ang kipot ng bawat sulok nito. Habang hinihila ako ng magkapatid, ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat naming paghinga at ang kalansing ng mga armas na dala ng mga tauhan ni Gino. "Dalian niyo! We don't have all night!" utos ni Ethan. Lumabas kami sa isang sementadong bunker na nakatago sa gitna ng masukal na bahagi ng kagubatan, malayo sa mismong rest house. Doon ay naghihintay ang isang itim na van na walang plaka. Agad akong isinakay sa gitna nito, sa pagitan nina Ethan at Gino. "You’re shaking, Veronica," ani Ethan, pilit na inaabot ang kamay ko. "Don't be scared. This is just for a while. We’ll be in the city in no time, and then we’re flying out to where no Jornales can ever touch you again." Nandidiri kong binawi ang kamay ko at isiniksik ang sarili ko palayo sa kaniya. "Huwag mo akong hawakan! You’re both sick! How could you even look at me with those eyes, Ethan? Lahat ng p
"Ethan… you… you did this?" Ethan's face paled. The gun in his hand wavered for a split second. "Veronica, I can explain—” "Y-You monster!" hiyaw ko. Lalapit na sana siya sa akin kaso isang malakas na tunog ng sirena ng pulis ang narinig namin mula sa main gate ng farm ang nagpatigil sa amin lahat. Sabay-sabay na nag-on ang mga floodlights ng rest house, nililiwanagan ang buong hardin. "It's over, Justin," malamig na sabi ni Raz. Nagulat ako nang alisin ni Ethan ang pagkakatutok ng baril kay Raz at nilipat niya ito sa sarili niyang sentido. "If I can't have you, Veronica... then no one will ever see me lose you," Ethan whispered, his eyes wide with madness. "Ethan, no! Huwag!" Ang takot na baka dumanak ang dugo sa harap ko ang nagtulak sa akin para kumilos nang walang pag-iisip. Mabilis akong tumakbo patungo kay Ethan, ang tanging nasa isip ko ay pigilan siya sa pagpindot ng gatilyo sa sarili niyang sentido. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang braso niya ay isang mabilis na pa
Nabalot ng isang nakabibinging katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang mabilis na pagtibok ng sarili kong puso. Dahan-dahang humiwalay si Raz sa pagkakahapit sa akin, ngunit hindi niya inalis ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ito. "Veronica... lumabas ka riyan," muling utos ni Ethan. Kalmado, pero may talim ang boses niya. Huminga nang malalim si Raz. Isang nanunuyang ngiti ang sumilay sa labi niya. Tumuwid siya ng tayo at hinawakan ako sa kamay, bago ako dahan-dahang iginayak palabas mula sa likod ng malaking puno ng oak. Bumungad sa amin ang pigil na pigil nang si Ethan, nakatayo ilang metro lang ang layo. Ang liwanag ng buwan ay sapat na para makita ang umiigting na niyang panga habang ang kamay ay nanginginig na sa pagkakakuyom. "Good evening, Ethan," nanunuyang panimula ni Raz. “I must admit, you did a great job hiding here. This place is... charming. Though a bit too isolated for my taste." "Let go of her, Raz,"
Ang bawat yabag ko sa madilim na pasilyo ng rest house ay nagsisilbing tunog ng isang malakas na tambol sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay anumang sandali ay biglang lilitaw si Ethan mula sa kung saan, ngunit ang takot ko sa banta ni Raz sa text ay mas nangingibabaw. Tahimik kong binuksan ang glass door patungo sa likurang bahagi ng farm. Sinalubong ako ng malamig na hangin habang tinatahak ang daan patungo sa malaking puno ng oak. Doon, sa ilalim ng malalabay na sanga, natanaw ko ang isang pigura. Nakasandal siya sa puno, nakapamulsa, at kahit madilim ay ramdam ko ang titig niyang nakapako sa akin. Mabilis akong lumapit doon. "Anong ginagawa mo rito, Raz? Paano mo nalaman ang lugar na 'to? Bakit ngayon ka lang nagpakita pagkatapos ng—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Sa isang mabilis na galaw ay naramdaman ko ang paghila niya sa bewang ko, kasabay ng pagsiil niya sa labi ko ng isang marahas at mapusok na halik. Namilog ang mga mata ko sa gulat, ngunit ang pamilyar na lasa ng m
Hindi ko alam kung gaano katagal akong napatulala sa dilim, dinaramdam ang init ng mga hininga niya na patuloy na nananunuot sa balat kot. Ngunit bago pa man bumalik ang kuryente, naramdaman ko ang marahas niyang pagbitaw baywang ko. “Next time we see each other, you’ll finally know the whole truth. Get ready, Veronica. Your paradise is built on lies,” may pagbabanta niyang bulong. Kasabay ng muling pag-ilaw ng banyo ay ang paglamon muli ng katahimikan sa paligid. Wala na siya. Ang bintana sa gilid ay bahagyang nakaawang, hinahayaan ang malamig na hangin sa labas na pumasok dito sa loob. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang mabasag ang katahimikan ng magkakasunod at malalakas na katok mula sa pinto. “Veronica! Veronica! Open the door! Are you okay?!” Boses iyon ni Ethan. Bakas ang labis na takot at pag-aalala base sa tono niya. Nanginginig man ang mga kamay ko pero nagawa ko pa rin siya pagbuksan ng pintuan. Pagbukas ng pinto, agad niya akong sinalubong ng isang mahigpit na yak
Kinabukasan, naging abala si Ethan sa pag-aayos ng lahat. Hindi lang pala simpleng usapan ang kasal na sinasabi niya; gusto niya itong simulan sa isang pormal na engagement party sa mismong rest house na ito. “I want the world to know… well, at least our world here… na akin ka na, Veronica,” nakangiting sabi niya habang may kausap na caterer sa telepono. Sa loob ng isang linggo, napuno ang tahimik na rest house ng mga dekorasyon. Puti at gold ang tema, mga bulaklak na lila at puti ang nakakalat sa bawat sulok. Habang pinapanood ko ang mga tauhang nagkakabit ng mga kurtina at ilaw, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Engagement party… Isang hakbang na lang at tuluyan na akong magiging pag-aari ng isang tao… ni Ethan. Masaya dapat ako, ’di ba? Pero bakit… Sinubukan kong alisin ang mga isiping iyon. Tama! Dapat akong maging masaya. Ethan is a good man. He saved me. He loves me. Ito na ang pangarap ko, 'di ba? Isang tahimik na buhay malayo sa lahat ng gulo. Pero bakit sa tuwing tum







