(Alina’s POV)
Pagkatapos ng agahan, nagkulong ako sa library. Kahit anong pilit kong magbasa, hindi ako makapag-concentrate. Parang nakatingin pa rin siya sa akin kahit wala naman siya roon. Bumalik sa isip ko ang halik. Hindi, aksidente lang ‘yon. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko. Pero bakit ba’t parang mas malinaw pa kaysa sa lahat ng librong hawak ko ngayon? Lumipas ang ilang oras, halos tanghali na, at naroon pa rin ako sa parehong mesa. Nakatulala, nakabukas ang isang libro na hindi ko naman talaga binabasa. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto. “Hindi ka ba kakain ng tanghalian?” boses ni Ninong Sebastian ang narinig ko. Muntik na akong mapatalon. “Ah, opo… pupunta na po.” Tumango lang siya. “Huwag kang magpapa-gutom. Mas mahirap mag-isip kung walang laman ang tiyan mo.” At umalis siya na para bang simpleng paalala lang iyon. Pero para sa akin, mas mabigat. Dahil sa likod ng malamig niyang boses, naroon ang kakaibang lambing na ayaw kong maramdaman. Hapon na noon. Eksaktong alas-dos nang dumating si Ms. Regina, ang magiging tutor ko. “Magandang hapon, Alina!” masigla niyang bati, nakangiti at may bitbit na ilang makakapal na libro. “Magandang hapon po,” sagot ko, sabay yuko. “Mukhang masipag ka,” biro niya. “Handa ka na ba?” Bago pa ako makasagot, narinig ko ang pagbukas ng pinto. At ayun na naman siya, si Ninong Sebastian. Naka-long sleeves, medyo nakatupi ang manggas, hawak ang isang folder. Tumuloy siya sa loob at umupo sa sulok ng library, tahimik na nagbukas ng papel. “Don’t mind me,” sabi niya kay Ms. Regina. “Magpatuloy lang kayo.” Tumango si Ms. Regina, pero ako… ako ang hindi makapagsalita. “Okay, Alina,” panimula ni Ms. Regina, “uumpisahan natin sa basic comprehension exercises. Simple lang ito, babasahin mo ang mga passage, tapos sasagutin mo ang mga tanong. Handang-handa ka ba?” Nagkibit-balikat ako. “Susubukan ko po.” Ngumiti siya. “Good. Walang mali kung susubukan mo.” Kinuha ko ang ballpen at sinimulang sagutan ang unang set. Kaya lang, sa bawat pagsulat ko, ramdam ko ang bigat ng mga mata ni Ninong. Hindi siya nakatitig nang diretso, pero alam kong naroon siya. Parang anino. Parang bantay. “Relax, Alina,” bulong ni Ms. Regina. “Ako lang at ikaw, okay? Huwag mong isipin ang nasa pagilid mo.” Napakagat ako sa labi at tumango. Pilit kong iniwas ang tingin kay Ninong, pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin. At sa tuwing nagtatama ang mga mata namin, mabilis ko itong iniiwas. Lumipas ang halos dalawang oras. “Magaling ka ah. Very good,” sabi ni Ms. Regina, nakangiti. “Medyo mahiyain ka pa, pero nakikita ko ang potential mo. Kailangan mo lang ng confidence and you're okay.” “Salamat po,” sagot ko, halos pabulong na. Biglang nagsalita si Ninong Sebastian. “Kaya nga nandito ka, hindi ba? Para matuto. At para patunayan na hindi sayang ang oras at pera ko.” Napayuko ako. Hindi ko alam kung insulto ba iyon o papuri. Pero naramdaman ko ang kakaibang init na sumiksik sa dibdib ko. “Opo, Ninong,” iyon lang ang naisagot ko. Nang umalis si Ms. Regina, naiwan kaming dalawa. Tahimik ang library, tanging tunog ng paglapag niya ng folder sa mesa ang narinig ko. “Alina,” tawag niya. Nag-angat ako ng tingin, kinakabahan. “Masasanay ka rin. Huwag mong isipin na ginagawa ko ito para kontrolin ka. Lahat ng ito, para sa’yo. Para may marating ka. 22 years old ka na at ilang taon na lang ay matatapos ka na rin sa pag-aaral mo.” Hindi ako nakapagsalita agad. Tumango lang ako, kahit may kung anong kirot sa dibdib ko. Dahil habang tinititigan niya ako, pakiramdam ko hindi lang basta Ninong ang kaharap ko. At iyon ang mas kinatatakutan ko. “Alina,” ulit niya, mas malambot ang tono ngayon. “Kung nahihirapan ka, sabihin mo lang sa akin. Huwag kang magtitiis nang tahimik lang.” Parang tumigil ang oras. Bihira ko lang marinig ang ganitong klase ng tinig mula sa kanya, wala ang lamig, wala ang utos, kundi parang… inaalagaan niya ako. “Hindi po ako nahihirapan,” mahina kong sagot. “Kinakabahan lang siguro ako kasi bago ang lahat ng ito para sa akin.” Tahimik siyang tumango. “Normal lang ‘yan. Pero kaya mo iyan. Nasa’yo ang lahat para maging okay ang lahat.” Napatingin ako sa kanya at doon ko muling nakita ang mga mata niyang madilim pero matatag. Parang sinasalamin nila ang isang mundo na hindi ko pa lubusang kilala. At sa sandaling iyon, halos gusto kong itanong: Ninong, naaalala mo ba ang nangyari kagabi? Pero kinagat ko na lang ang dila ko. “Magpahinga ka na,” huli niyang sabi bago siya tuluyang lumabas ng library. Naiwan akong nakaupo, hawak ang ballpen na parang ngayon ko lang napansin na nanginginig ang kamay ko. Huminga ako nang malalim at pumikit sandali. Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gustong linawin. Pero heto ako, tahimik, parang batang takot mapagalitan. Kinagabihan, hindi na ako bumaba para sa hapunan. Sabihin na lang nating busog pa ako, pero ang totoo, hindi ko kayang makita siya ulit ngayon. Nakahiga ako sa kama, hawak ang lumang rosaryo ng tatay ko. “Papa…” bulong ko, “anong gagawin ko? Para akong nilulunod ng damdamin na hindi ko dapat maramdaman. Paano kung mahuli niya akong iniisip siya nang ganito? Paano kung… alam niya na?” Napapikit ako, at ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Sa isip ko, paulit-ulit lang ang parehong tanong. Hanggang kailan ko kayang itago ito? At bago ako tuluyang dalawin ng antok, ang mukha niya ang huling gumuhit sa isip ko, si Ninong Sebastian. Hindi ko alam kung bakit, pero lalo siyang nagiging palaisipan sa akin.(Sebastian’s POV)Alam ko ang nangyari kagabi.Alam kong nahalikan ko siya. Hindi iyon aksidente na basta ko nalimutan dahil lasing ako. Oo, lasing ako, pero malinaw pa rin sa akin ang lahat. Ang amoy ng buhok niya, ang gulat sa mga mata niya, ang init ng labi niya laban sa labi ko. At alam kong hindi ko dapat ginawa iyon. Ngayon, habang nakaupo ako sa mesa at nagkakape, pilit kong isinasantabi ang alaala na iyon. Tinitingnan ko si Alina na tahimik na kumakain sa kabilang dulo ng mesa. Hindi siya makatingin nang diretso. Lutang, kinakabahan. At doon ko nakikita ang epekto ng kagabi. Damn it, Sebastian. Bakit mo siya ginulo? She’s twenty-two. Matanda na siya. Hindi na siya bata. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong ginawang mali, hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko dapat tinitingnan ang inaanak ko nang gano’n. Pinanood ko siyang tahimik na tumayo matapos kumain, parang batang nahuli sa kalokohan. Doon ko lalong napatunayan: hindi n
(Alina’s POV) Pagkatapos ng agahan, nagkulong ako sa library. Kahit anong pilit kong magbasa, hindi ako makapag-concentrate. Parang nakatingin pa rin siya sa akin kahit wala naman siya roon. Bumalik sa isip ko ang halik. Hindi, aksidente lang ‘yon. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko. Pero bakit ba’t parang mas malinaw pa kaysa sa lahat ng librong hawak ko ngayon? Lumipas ang ilang oras, halos tanghali na, at naroon pa rin ako sa parehong mesa. Nakatulala, nakabukas ang isang libro na hindi ko naman talaga binabasa. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto. “Hindi ka ba kakain ng tanghalian?” boses ni Ninong Sebastian ang narinig ko. Muntik na akong mapatalon. “Ah, opo… pupunta na po.” Tumango lang siya. “Huwag kang magpapa-gutom. Mas mahirap mag-isip kung walang laman ang tiyan mo.” At umalis siya na para bang simpleng paalala lang iyon. Pero para sa akin, mas mabigat. Dahil sa likod ng malamig niyang boses, naroon ang kakaibang lambing na ayaw kong maramdaman. Hapon na
Madalas kong puntahan ang library sa mansyon. Doon lang kasi ako nakakaramdam ng kapayapaan. Tahimik, malayo sa bigat ng presensya ni Ninong Sebastian. At totoo lang, nakakatulong din na nalulunod ako sa mga librong iniwan ng kung sinu-sinong henerasyon na nauna sa kanya. Gabi na noon, mga alas-onse. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nagpasya akong magbasa. Naka-upo ako sa sofa, may hawak na makapal na libro, at tanging ilaw lang ng desk lamp ang nagbigay liwanag sa paligid. Nasa kalagitnaan ako ng isang page na binabasa ko nang marinig ang marahas na pagbukas ng pinto. Napaangat ako ng ulo. At doon ko siya nakita. Si Ninong Sebastian. Pero iba siya sa nakasanayan ko. Magulo ang buhok, mapupungay ang mata, at halatang lasing na lasing. May bahid ng alak ang hangin, at mabigat ang bawat hakbang niya. “Alina…” mahina niyang tawag, pero parang hindi niya ako nakikita ng malinaw. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago ko pa nama
(Alina’s POV) Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa opisina ni Ninong Sebastian. Para akong estudyanteng pinatawag ng principal. Pinagpapawisan ang palad ko kahit malamig ang hangin sa hallway. Hinahawakan ko nang mahigpit ang rosaryo ng tatay ko, pilit na kumukuha ng lakas ng loob. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, kumatok ako nang mahina. “Come in,” malamig niyang boses ang sumagot mula sa loob. Binuksan ko ang pinto, at agad akong sinalubong ng amoy ng kahoy at leather. Ang opisina niya ay parang kwadradong gawa sa kapangyarihan, makapal na mesa, mga bookshelf na puno ng libro at dokumento, at malaking bintana na tanaw ang hardin. Nandoon siya, nakaupo sa likod ng mesa, nakasuot pa rin ng puting polo na halos walang gusot. Kahit simpleng nakaupo, ramdam ang bigat ng presensya niya. “Umupo ka,” utos niya, hindi man lang tumingin agad sa akin. Dahan-dahan akong naupo sa upuang nasa tapat niya. Halos hindi ako makatingin. Sandali siyang tumahimik bago tuluyang ibaba ang
(Alina's POV) Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Siguro dahil sa pagod, siguro dahil sa luha, o baka dahil sa bigat ng isipin na nagbago na talaga ang buhay ko. Ang alam ko lang, nang imulat ko ang mga mata ko, hindi na kisame ng maliit naming bahay ang nakita ko kundi kisame ng isang kwartong parang galing sa isang magazine. Ang ganda. Mas maganda pa sa mga hotel na napapanood ko lang sa TV. Pero kahit ganoon, parang may kulang. Parang kahit gaano kaganda, hindi ko pa rin matawag na “akin.” Nag-ayos ako, mabilis na naghilamos at nagsuklay. Hindi ko alam kung anong oras ako dapat bumaba. Wala namang nagsabi. At isa pa, hindi ko rin alam kung paano ba makikisalamuha sa mga tauhan dito. Hinawakan ko ang rosaryo ng tatay ko bago ako lumabas ng kwarto. “Samahan mo ako, Tay. Hindi ko kaya mag-isa.” Pagbaba ko sa hagdan, halos matulala ako sa lawak ng sala. Ang daming painting, ang daming mamahaling bagay na parang bawal hawakan. Pakiramdam ko, bawat galaw ko ay may mata na
(Alina’s POV) Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang araw na ito. Tahimik lang ako sa gilid ng kabaong ng tatay ko, hawak ang luma niyang rosaryo na siya ring iniwan niya sa akin bago siya pumanaw. Wala akong kasama. Ni ang nanay ko, hindi man lang nagpakita. Sabi nila, nasa probinsya na raw siya, may bago nang pamilya. Kahit maraming tao sa paligid, pakiramdam ko sobrang nag-iisa ako. Hanggang sa bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat ay napalingon, pati ako. At doon siya dumating, matikas, naka-itim na amerikana, matangkad at malapad ang balikat. Parang biglang huminto ang oras. Si Ninong Sebastian. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bata pa lang ako, lagi ko nang naririnig ang mga kwento tungkol sa kanya—na istrikto, na matapang, na walang inuurungan. Kaya kahit pa siya ang nagbibigay ng pinakamahal na regalo tuwing Pasko, lagi kong iniiwasang lapitan siya. Ngayon, heto siya sa harap ko. Mas lalong nakakatakot kaysa sa alaala ko. Lumapit siya sa ka