Share

CHAPTER 6

last update Last Updated: 2025-09-11 19:12:44

(Sebastian’s POV)

Alam ko ang nangyari kagabi.

Alam kong nahalikan ko siya. Hindi iyon aksidente na basta ko nalimutan dahil lasing ako. Oo, lasing ako, pero malinaw pa rin sa akin ang lahat. Ang amoy ng buhok niya, ang gulat sa mga mata niya, ang init ng labi niya laban sa labi ko.

At alam kong hindi ko dapat ginawa iyon.

Ngayon, habang nakaupo ako sa mesa at nagkakape, pilit kong isinasantabi ang alaala na iyon. Tinitingnan ko si Alina na tahimik na kumakain sa kabilang dulo ng mesa. Hindi siya makatingin nang diretso. Lutang, kinakabahan. At doon ko nakikita ang epekto ng kagabi.

Damn it, Sebastian. Bakit mo siya ginulo?

She’s twenty-two. Matanda na siya. Hindi na siya bata. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong ginawang mali, hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko.

Hindi ko dapat tinitingnan ang inaanak ko nang gano’n.

Pinanood ko siyang tahimik na tumayo matapos kumain, parang batang nahuli sa kalokohan. Doon ko lalong napatunayan: hindi niya alam kung paano haharapin ako. At marahil iyon na rin ang mas mabuti.

Kung hindi ko babanggitin, baka akalain niyang wala akong maalala. Mas ligtas iyon para sa aming dalawa.

Pero buong umaga, hindi ko siya maalis sa isip ko. Kahit nasa opisina ako, kahit nakabukas ang mga report, hindi ko mabasa nang maayos. Palaging bumabalik ang larawan ng mga mata niyang gulat kagabi, ng katawan niyang nanigas sa bisig ko, at ng labi niyang mariing nakatikom matapos ang halik.

Akala ko ba tapos na ako sa ganito?

Akala ko ba matagal ko nang isinara ang parte ng puso kong marunong magmahal?

Alas-dos nang dumating ang tutor niya. Umupo ako sa gilid ng library, dala ang laptop, kunwari abala sa trabaho. Pero ang totoo, gusto kong makita kung paano siya haharap sa bagong yugto ng buhay niya.

Tahimik lang akong nakatingin habang pinapaliwanag ni Ms. Regina ang mga exercises. Nakita ko kung paano nanginginig ang kamay ni Alina sa ballpen. Hindi siya makapag-focus. At alam kong ako ang dahilan.

“Relax, Alina,” narinig kong sabi ng tutor niya. “Ako lang at ikaw.”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naiinis ba ako sa sarili ko dahil hadlang ako sa focus niya? O natutuwa dahil kahit papaano, ako pa rin ang laman ng isip niya?

Matapos ang session, pinuri siya ni Ms. Regina.

“Magaling si Alina. May potential. Kailangan lang ng confidence.”

Nagkibit-balikat ako. “Sabi ko naman sa kanya, hindi ko siya papasok dito kung wala akong nakikita sa kanya.”

Napayuko siya. At kahit hindi ko makita nang malinaw, alam kong namumula ang pisngi niya.

Nang makaalis ang tutor, naiwan kaming dalawa.

Tahimik. Mabigat ang hangin.

“Alina,” tawag ko.

Nag-angat siya ng tingin, halatang hindi mapakali.

“Masasanay ka rin. Huwag mong isipin na ginagawa ko ito para kontrolin ka. Para ito sa’yo. Para may marating ka. 22 years old ka na at ilang taon na lang ay matatapos ka na rin sa pag-aaral mo.””

Tumango siya, pero hindi nagsalita. At doon ko nakita ang luhang pilit niyang pinipigilan.

Damn it. Hindi ko kayang makita siyang ganyan.

Pag-uwi ko sa kwarto ko kinagabihan, matagal akong nakatitig sa kisame. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko ba siya hinahalikan kagabi? Dahil ba lasing ako? Dahil ba nagkamali ako ng akala?

Hindi.

Alam kong kahit hindi ako lasing, may parte sa akin na matagal nang nakatingin sa kanya. Hindi bilang inaanak. Hindi bilang batang kinupkop ko. Kundi bilang isang babae.

At iyon ang mas nakakatakot.

Dahil kung patuloy kong hahayaan ito, hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng damdamin kong matagal ko nang pilit tinatanggihan.

Pero isang bagay ang malinaw sa akin.

Hindi ko kayang kalimutan ang halik na iyon.

Kinagabihan, sa kwarto ko, matagal akong nakahiga pero hindi makatulog. Nakatingin lang ako sa kisame, paulit-ulit na binabalikan ang gabing iyon.

Lasing man ako, alam ko kung sino ang kaharap ko. Hindi ko siya napagkamalan sa iba. Hindi ko siya inakala bilang ex ko pero iyon na lang ang sinabi ko.

Si Alina iyon.

Si Alina, na ilang taon kong hindi nakita.

Si Alina, na dati’y takot na takot sa akin pero ngayon ay unti-unting lumalapit na.

Si Alina, na ngayon ay hindi ko na tinitingnan bilang isang batang inaanak ko.

At iyon ang mas nakakatakot.

Thirty-five na ako. Alam kong wala nang bawal kung gugustuhin ko siya. Legal siya, dalawampu’t dalawang taon na. Pero hindi iyon ang tanong. Ang tanong, dapat ba?

Kung hahayaan kong manaig ang nararamdaman ko, baka masira ko ang tiwala niya sa akin. Baka tuluyan kong itulak palayo ang nag-iisang taong bumuhay muli sa isang parte ng puso kong matagal nang patay.

Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko… isang bagay ang malinaw.

Baka hindi ko na kayang tanggihan ang nararamdaman kong matagal ko nang tinatago.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 6

    (Sebastian’s POV)Alam ko ang nangyari kagabi.Alam kong nahalikan ko siya. Hindi iyon aksidente na basta ko nalimutan dahil lasing ako. Oo, lasing ako, pero malinaw pa rin sa akin ang lahat. Ang amoy ng buhok niya, ang gulat sa mga mata niya, ang init ng labi niya laban sa labi ko. At alam kong hindi ko dapat ginawa iyon. Ngayon, habang nakaupo ako sa mesa at nagkakape, pilit kong isinasantabi ang alaala na iyon. Tinitingnan ko si Alina na tahimik na kumakain sa kabilang dulo ng mesa. Hindi siya makatingin nang diretso. Lutang, kinakabahan. At doon ko nakikita ang epekto ng kagabi. Damn it, Sebastian. Bakit mo siya ginulo? She’s twenty-two. Matanda na siya. Hindi na siya bata. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong ginawang mali, hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko dapat tinitingnan ang inaanak ko nang gano’n. Pinanood ko siyang tahimik na tumayo matapos kumain, parang batang nahuli sa kalokohan. Doon ko lalong napatunayan: hindi n

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 5

    (Alina’s POV) Pagkatapos ng agahan, nagkulong ako sa library. Kahit anong pilit kong magbasa, hindi ako makapag-concentrate. Parang nakatingin pa rin siya sa akin kahit wala naman siya roon. Bumalik sa isip ko ang halik. Hindi, aksidente lang ‘yon. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko. Pero bakit ba’t parang mas malinaw pa kaysa sa lahat ng librong hawak ko ngayon? Lumipas ang ilang oras, halos tanghali na, at naroon pa rin ako sa parehong mesa. Nakatulala, nakabukas ang isang libro na hindi ko naman talaga binabasa. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto. “Hindi ka ba kakain ng tanghalian?” boses ni Ninong Sebastian ang narinig ko. Muntik na akong mapatalon. “Ah, opo… pupunta na po.” Tumango lang siya. “Huwag kang magpapa-gutom. Mas mahirap mag-isip kung walang laman ang tiyan mo.” At umalis siya na para bang simpleng paalala lang iyon. Pero para sa akin, mas mabigat. Dahil sa likod ng malamig niyang boses, naroon ang kakaibang lambing na ayaw kong maramdaman. Hapon na

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 4

    Madalas kong puntahan ang library sa mansyon. Doon lang kasi ako nakakaramdam ng kapayapaan. Tahimik, malayo sa bigat ng presensya ni Ninong Sebastian. At totoo lang, nakakatulong din na nalulunod ako sa mga librong iniwan ng kung sinu-sinong henerasyon na nauna sa kanya. Gabi na noon, mga alas-onse. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nagpasya akong magbasa. Naka-upo ako sa sofa, may hawak na makapal na libro, at tanging ilaw lang ng desk lamp ang nagbigay liwanag sa paligid. Nasa kalagitnaan ako ng isang page na binabasa ko nang marinig ang marahas na pagbukas ng pinto. Napaangat ako ng ulo. At doon ko siya nakita. Si Ninong Sebastian. Pero iba siya sa nakasanayan ko. Magulo ang buhok, mapupungay ang mata, at halatang lasing na lasing. May bahid ng alak ang hangin, at mabigat ang bawat hakbang niya. “Alina…” mahina niyang tawag, pero parang hindi niya ako nakikita ng malinaw. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago ko pa nama

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 3

    (Alina’s POV) Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa opisina ni Ninong Sebastian. Para akong estudyanteng pinatawag ng principal. Pinagpapawisan ang palad ko kahit malamig ang hangin sa hallway. Hinahawakan ko nang mahigpit ang rosaryo ng tatay ko, pilit na kumukuha ng lakas ng loob. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, kumatok ako nang mahina. “Come in,” malamig niyang boses ang sumagot mula sa loob. Binuksan ko ang pinto, at agad akong sinalubong ng amoy ng kahoy at leather. Ang opisina niya ay parang kwadradong gawa sa kapangyarihan, makapal na mesa, mga bookshelf na puno ng libro at dokumento, at malaking bintana na tanaw ang hardin. Nandoon siya, nakaupo sa likod ng mesa, nakasuot pa rin ng puting polo na halos walang gusot. Kahit simpleng nakaupo, ramdam ang bigat ng presensya niya. “Umupo ka,” utos niya, hindi man lang tumingin agad sa akin. Dahan-dahan akong naupo sa upuang nasa tapat niya. Halos hindi ako makatingin. Sandali siyang tumahimik bago tuluyang ibaba ang

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 2

    (Alina's POV) Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Siguro dahil sa pagod, siguro dahil sa luha, o baka dahil sa bigat ng isipin na nagbago na talaga ang buhay ko. Ang alam ko lang, nang imulat ko ang mga mata ko, hindi na kisame ng maliit naming bahay ang nakita ko kundi kisame ng isang kwartong parang galing sa isang magazine. Ang ganda. Mas maganda pa sa mga hotel na napapanood ko lang sa TV. Pero kahit ganoon, parang may kulang. Parang kahit gaano kaganda, hindi ko pa rin matawag na “akin.” Nag-ayos ako, mabilis na naghilamos at nagsuklay. Hindi ko alam kung anong oras ako dapat bumaba. Wala namang nagsabi. At isa pa, hindi ko rin alam kung paano ba makikisalamuha sa mga tauhan dito. Hinawakan ko ang rosaryo ng tatay ko bago ako lumabas ng kwarto. “Samahan mo ako, Tay. Hindi ko kaya mag-isa.” Pagbaba ko sa hagdan, halos matulala ako sa lawak ng sala. Ang daming painting, ang daming mamahaling bagay na parang bawal hawakan. Pakiramdam ko, bawat galaw ko ay may mata na

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 1

    (Alina’s POV) Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang araw na ito. Tahimik lang ako sa gilid ng kabaong ng tatay ko, hawak ang luma niyang rosaryo na siya ring iniwan niya sa akin bago siya pumanaw. Wala akong kasama. Ni ang nanay ko, hindi man lang nagpakita. Sabi nila, nasa probinsya na raw siya, may bago nang pamilya. Kahit maraming tao sa paligid, pakiramdam ko sobrang nag-iisa ako. Hanggang sa bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat ay napalingon, pati ako. At doon siya dumating, matikas, naka-itim na amerikana, matangkad at malapad ang balikat. Parang biglang huminto ang oras. Si Ninong Sebastian. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bata pa lang ako, lagi ko nang naririnig ang mga kwento tungkol sa kanya—na istrikto, na matapang, na walang inuurungan. Kaya kahit pa siya ang nagbibigay ng pinakamahal na regalo tuwing Pasko, lagi kong iniiwasang lapitan siya. Ngayon, heto siya sa harap ko. Mas lalong nakakatakot kaysa sa alaala ko. Lumapit siya sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status