Share

CHAPTER 7

last update Last Updated: 2025-09-19 06:35:19

(Alina's POV)

Hindi ko alam kung paano ako hihinga sa mismong oras na iyon. Parang tumigil ang lahat nang sabihin ni Ninong Sebastian na alam niya ang tungkol sa nangyaring halikan sa pagitan namin. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Para akong batang nahuli sa maling gawain, isang lihim na pilit kong tinatago, pero ngayon ay malinaw na malinaw na nasa pagitan naming dalawa.

Hindi niya ako sinigawan. Hindi rin niya ako pinagalitan. Ang boses niya ay kalmado, halos malamig, pero may bigat na parang mas mabigat pa kaysa sa kahit anong sermon. “Alam ko, Alina,” iyon lang ang sinabi niya, ngunit sapat na iyon para lamunin ako ng hiya at kaba.

At ang sumunod niyang mga salita ang lalong bumasag sa akin ay aalis daw siya. Lalayo siya para hindi na ako ma-awkward, para hindi ko na kailangang maramdaman ang tensyon tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin.

Ramdam kong totoo siya sa sinabi niyang iyon. Hindi siya nagbibiro, hindi siya umaasa. Parang isang desisyon na matagal na niyan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 8

    Alina’s POV Pagmulat ko kinabukasan, tahimik ang buong bahay na parang may huminga na nawawala. Wala ang pamilyar na yabag niya sa sahig; wala ang amoy ng kape na iniwan niya palagi, simpleng mga bagay na biglang naging malaki para sa akin. Nang bumaba ako, si Yaya Loring lang ang nasa kusina, abala sa pag-aayos ng almusal. Ngumiti siya pero may liwanag sa mga mata na pilit tinatago ang lungkot. “Aba, gising na ang prinsesa,” biro niya, pero noong tumingin siya sa akin, alam kong nag-aalala siya. “Yaya… si Ninong?” tanong ko nang may pag-aatubili, kahit alam kong masakit ang sasabihin niya. Huminga si Yaya nang malalim. “Umuwi na kaninang madaling araw dito. Sinabi niya, uuwi-uwi na lang daw siya rito sa mansion kapag kailangan. Huwag ka na raw mag-alala sa kanya.” Hindi ko na iyon sinagot. Para bang biglang naging mabigat ang hangin, mabigat na hindi ko kayang buhatin. Umupo ako sa maliit na upuan sa tabi ng mesa, tinitigan ang isang plato ng sinangag at itlog na tila hindi

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 7

    (Alina's POV)Hindi ko alam kung paano ako hihinga sa mismong oras na iyon. Parang tumigil ang lahat nang sabihin ni Ninong Sebastian na alam niya ang tungkol sa nangyaring halikan sa pagitan namin. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Para akong batang nahuli sa maling gawain, isang lihim na pilit kong tinatago, pero ngayon ay malinaw na malinaw na nasa pagitan naming dalawa.Hindi niya ako sinigawan. Hindi rin niya ako pinagalitan. Ang boses niya ay kalmado, halos malamig, pero may bigat na parang mas mabigat pa kaysa sa kahit anong sermon. “Alam ko, Alina,” iyon lang ang sinabi niya, ngunit sapat na iyon para lamunin ako ng hiya at kaba.At ang sumunod niyang mga salita ang lalong bumasag sa akin ay aalis daw siya. Lalayo siya para hindi na ako ma-awkward, para hindi ko na kailangang maramdaman ang tensyon tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin.Ramdam kong totoo siya sa sinabi niyang iyon. Hindi siya nagbibiro, hindi siya umaasa. Parang isang desisyon na matagal na niyan

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 6

    (Sebastian’s POV)Alam ko ang nangyari kagabi.Alam kong nahalikan ko siya. Hindi iyon aksidente na basta ko nalimutan dahil lasing ako. Oo, lasing ako, pero malinaw pa rin sa akin ang lahat. Ang amoy ng buhok niya, ang gulat sa mga mata niya, ang init ng labi niya laban sa labi ko. At alam kong hindi ko dapat ginawa iyon. Ngayon, habang nakaupo ako sa mesa at nagkakape, pilit kong isinasantabi ang alaala na iyon. Tinitingnan ko si Alina na tahimik na kumakain sa kabilang dulo ng mesa. Hindi siya makatingin nang diretso. Lutang, kinakabahan. At doon ko nakikita ang epekto ng kagabi. Damn it, Sebastian. Bakit mo siya ginulo? She’s twenty-two. Matanda na siya. Hindi na siya bata. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong ginawang mali, hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko dapat tinitingnan ang inaanak ko nang gano’n. Pinanood ko siyang tahimik na tumayo matapos kumain, parang batang nahuli sa kalokohan. Doon ko lalong napatunayan: hindi n

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 5

    (Alina’s POV) Pagkatapos ng agahan, nagkulong ako sa library. Kahit anong pilit kong magbasa, hindi ako makapag-concentrate. Parang nakatingin pa rin siya sa akin kahit wala naman siya roon. Bumalik sa isip ko ang halik. Hindi, aksidente lang ‘yon. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko. Pero bakit ba’t parang mas malinaw pa kaysa sa lahat ng librong hawak ko ngayon? Lumipas ang ilang oras, halos tanghali na, at naroon pa rin ako sa parehong mesa. Nakatulala, nakabukas ang isang libro na hindi ko naman talaga binabasa. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto. “Hindi ka ba kakain ng tanghalian?” boses ni Ninong Sebastian ang narinig ko. Muntik na akong mapatalon. “Ah, opo… pupunta na po.” Tumango lang siya. “Huwag kang magpapa-gutom. Mas mahirap mag-isip kung walang laman ang tiyan mo.” At umalis siya na para bang simpleng paalala lang iyon. Pero para sa akin, mas mabigat. Dahil sa likod ng malamig niyang boses, naroon ang kakaibang lambing na ayaw kong maramdaman. Hapon na

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 4

    Madalas kong puntahan ang library sa mansyon. Doon lang kasi ako nakakaramdam ng kapayapaan. Tahimik, malayo sa bigat ng presensya ni Ninong Sebastian. At totoo lang, nakakatulong din na nalulunod ako sa mga librong iniwan ng kung sinu-sinong henerasyon na nauna sa kanya. Gabi na noon, mga alas-onse. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nagpasya akong magbasa. Naka-upo ako sa sofa, may hawak na makapal na libro, at tanging ilaw lang ng desk lamp ang nagbigay liwanag sa paligid. Nasa kalagitnaan ako ng isang page na binabasa ko nang marinig ang marahas na pagbukas ng pinto. Napaangat ako ng ulo. At doon ko siya nakita. Si Ninong Sebastian. Pero iba siya sa nakasanayan ko. Magulo ang buhok, mapupungay ang mata, at halatang lasing na lasing. May bahid ng alak ang hangin, at mabigat ang bawat hakbang niya. “Alina…” mahina niyang tawag, pero parang hindi niya ako nakikita ng malinaw. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago ko pa nama

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 3

    (Alina’s POV) Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa opisina ni Ninong Sebastian. Para akong estudyanteng pinatawag ng principal. Pinagpapawisan ang palad ko kahit malamig ang hangin sa hallway. Hinahawakan ko nang mahigpit ang rosaryo ng tatay ko, pilit na kumukuha ng lakas ng loob. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, kumatok ako nang mahina. “Come in,” malamig niyang boses ang sumagot mula sa loob. Binuksan ko ang pinto, at agad akong sinalubong ng amoy ng kahoy at leather. Ang opisina niya ay parang kwadradong gawa sa kapangyarihan, makapal na mesa, mga bookshelf na puno ng libro at dokumento, at malaking bintana na tanaw ang hardin. Nandoon siya, nakaupo sa likod ng mesa, nakasuot pa rin ng puting polo na halos walang gusot. Kahit simpleng nakaupo, ramdam ang bigat ng presensya niya. “Umupo ka,” utos niya, hindi man lang tumingin agad sa akin. Dahan-dahan akong naupo sa upuang nasa tapat niya. Halos hindi ako makatingin. Sandali siyang tumahimik bago tuluyang ibaba ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status