Ang lakas rin ng loob mong sirain ako ano. Talaga bang gusto mong ibaon kita sa hukay nang buhay?!”
Kinabahan si Francesca sa maaaring mangyari sa pagitan nina Sen. Javier at Lucas. Uminit na ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Buti na lamang at walang masyadong tao sa kinaroroonan nila. Dahil kung hindi baka malagot sa media ang senator na ito. Hindi na iyon simpleng away lang. Alam niyang nagagalit na ang senator sa kung paano ito tumitig sa ex-fiancé niya. Namumula na rin ang mukha nito nang mga sandaling iyon. “I warned you already, yet you didn't listen. This is what you deserved,” asik ni Sen. Javier. Lalapitan pa sana nito si Lucas pero pinigilan na niya ang senador. Tumingin ito sa kaniyang kamay na patuloy pa rin sa pagkakahawak sa braso nito. Kaagad naman niyang binawi ang kamay niya. Unti-unting huminahon ang senator. Pagkuwa'y pinapasok na siya sa loob ng kotse. Nilingon niya si Lucas na hawak pa rin ang pumutok na labi. Masama ang tingin nito sa kaniya lalung-lalo na kay Sen. Javier. “Drive safely, honey,” malambing na saad ni Sen. Javier. “Don’t worry I will fix this. I love you, good night.” “G-good night.” Muli siyang tumingin sa manibela at marahang pinaandar ang kotse. Tuluyan na niyang iniwan ang mga ito sa ganoong ayos. Habang nagmamaneho ay nag-aalala siya. Sana ay may isa itong salita. Pagkarating ng mansion ay kaagad siyang sinalubong ng kaniyang lolo’ng naka-wheelchair. She kissed on his cheek, gaya ng nakasanayan. “How’s the party hija?” “Well, not so good. I mean, it's fun,” pagod niyang sagot. Naupo siya sa couch at inilapag sa mesa ang dalang pouch. “Kailangan kong sumunod sa daddy mo sa States para sa pagpapagaling ko,” malungkot na saad ng kaniyang lolo. Napabuntong-hininga siya at niyakap ito. “Grandpa, alam kong nalulungkot ka na iwan akong mag-isa rito. But it's okay, I can handle. Matapang kaya ang apo mo. Malakas pa. Tingnan mo itong katawan ko na puno ng mga muscles, ‘di ba?” Ipinakita niya pa ang nanabang braso niya dahilan para mapangiti ito. Ang totoo nalulungkot din naman siya na aalis ang sweet grandpa niya. Lalo pa’t nasanay na rin siyang palagi itong kasama sa bahay. Pero naiintindihan naman niya ito. Kailangan nilang pareho na magpakatatag. Umaasa siya na gagaling ang lolo niya sa iniinda nitong karamdaman. Matanda na ang kaniyang lolo may sakit pa. Kailangan nitong mapagamot kaagad sa ibang bansa. Hindi niya rin dapat binibigyan ito ng sakit ng ulo. Ayaw niyang mag-isip ng masama sa lolo niya. Hindi niya lang maiwasang isipin na baka matulad ito sa mommy at sa kapatid niya na maagang nawalay sa kanila. Muli siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang mga ito pero itinago niya iyon sa kaniyang lolo. Ayaw niyang makita nito na nalulungkot siya. Kailangan ay nakangiti siyang parati sa harap nito. Alam niyang sensitive itong tao. Sana nga’y dinggin ang hiling niya na mas tumagal pa rito sa mundo ang lolo niya. Upang mas tumagal pa ang kanilang pagsasama. “Bakit ba kasi hindi ka na agad magpakasal sa fiancé mo at nang mapalagay naman ako?” mahinahon ngunit maawtoridad nitong tanong. Natahimik siya. Aaminin niya ba sa lolo niya ang mga nangyari kanina? “Ayoko, hindi ko deserved ang isang kagaya niya.” Napasimangot siya. “Aba, bakit mo naman nasabi iyan hija?” “Well, grandpa, isa lang naman siyang cheater. Ayoko sa mga katulad niya. Isa pa, there's someone who deserves my love..” Lihim siyang napangiti. “Sige na grandpa, maiwan na muna kita. I have to go upstairs, I have to change,” nagmamadali niyang saad. “Sabihin mo lang sa ‘kin kung kailan ang alis mo,” pahabol niyang dagdag. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito. Nagmamadali siyang pumasok ng kwarto. ‘Grrr…’ Napapapikit siya at nanggigigil habang dahan-dahang isinasara ang pinto. Napasandal siya roon. Muling pumasok sa alaala niya ang mga pangyayari kanina sa hotel. Patakbo siyang sumampa sa kama at mahigpit na niyakap ang unan. Kanina pang hindi maalis-alis sa mga labi niya ang ngiti. ‘Grabe naman si senator.. Totoo kaya ang offer niya? Ibig sabihin, may asawa na ako bukas?’ Kulang na lamang ay magtatalon siya kung hindi lang masisira ang ring ng kama niya. ‘Hays.. I like him, but, totoo kaya ang rumours tungkol sa kaniya? Sa tingin ko kasi hindi naman. What if i-seduce ko siya? Hindi naman siguro siya mandidiri..’ Napahagikgik siya. May kung anong kapilyuhan ang namuo sa isipan niya. Hindi siya mapakali. Oo nga pala't kailangan niya munang mag-wash-up. Naaamoy na niya ang tapang ng alak na dumikit sa dress niya. Napasimangot siya nang maalala ang babaeng may kagagawan niyon. ‘May araw ka rin sa ‘kin..’ Kuyom ang kamaong nagtungo siya sa shower room. Matapos maglinis ng katawan ay kaagad siyang nagbihis ng night gown. Pagkahiga pa lang niya ay kaagad na siyang tinukso ng inaantok niyang mga mata. Napabalikwas si Francesca ng bangon nang marinig ang sunud-sunod na katok sa pintuan. Napapikit siya. Magulo ang buhok niyang tinungo ang pinto at binuksan. “Ano ba ‘yon?” kunut-noong tanong niya. Kaagad pumasok si Manang Lena. Ang may edad na yaya niyang isang dekada nang naninilbihan sa kanila. “Hija, sino ba iyong lalaking naghahanap sa iyo sa baba?” “Bakit, ano daw’ng sabi Manang?” “Basta’t hinahanap ka. May usapan raw kayo ngayon. Ikaw ha, baka kung ano na namang gulo ang pinasok mo?” “Hay naku, Manang,” nagmamaktol na lumabas siya ng kwarto. “T-teka hija.. Y-yung…” Tinatamad siyang humakbang pababa ng hagdan. Inaantok pa siya. Gusto niya pang matulog kaya lang may kung sinong mapanggulong–. ‘Senator?!’ Hindi pa man tuluyang nakakababa ng hagdan nang manlaki ang mata niya. Napatitig siya sa panauhin. Wala sa isip na napasunod rin siya ng tingin sa kung saan ito nakatanaw. ‘Oh my gosh.. ‘Yung breasts ko..’ Mabilis niyang tinakpan ang kaniyang dibdib at nagtatakbong bumalik sa kwarto. Nakalimutan niyang lalaki nga pala ang bisitang nasa baba na sinabi ni Manang Lena kanina. Bakit hindi niya naisip ‘yon? ‘Talaga nga namang–’“Good morning, sir..” bati sa kaniya ni Laviña nang makipag-shake hands.“Good morning,” tugon naman niya nang maupo. “How's the company?”“Improving. Sa katunayan, mas lumakas ngayon ang hatak ng sales sa mga urban areas lalo na sa Georgia.”Tiningnan niya ang datos.“Good..” Tumango siya. “Ikalat mo pa sa ilang mga bayan at lungsod. At kapag tumaas pang muli ang sales, i-try mo hanggang sa kabilang kontinente.”“Yes, sir.”“Here's the files. Hindi na ako magtatagal dahil marami pa akong gagawin at makaka-meeting na new client.” Tumayo na siya. Matapos marinig ang huling tugon ni Laviña, kaagad na siyang lumabas ng resto.Niluwagan niya ang necktie. Nang matulin nang pinaandar ng kaniyang driver ang sasakyan, napatingin siya sa cellphone nang matanggap ang footage na kaniyang hinihingi. Napakunot ang kaniyang noo. Pamilyar sa kaniya ang kilos ng lalaki kahit pa naka-disguise ito. Napaisip siya nang malalim.‘Si Uncle Rod, pero.. ano ang kailangan niya? Bakit hindi siya pumasok?’ A
Malalim na ang gabi, hindi pa rin dinadalaw ng antok si Javier. Nasa balkonahe siya at malalim ang iniisip habang si Francesca ay mahimbing nang natutulog. Napakahaba ng araw para sa kaniya. Ang daming mga nangyari. Napabuntong-hininga siya. Nakatayo siya habang nakatanaw sa syudad. Nakagagaan ng pakiramdam ang tanawin sa gabi dahil sa mga city lights. Muli siyang uminom ng alak. Pampatulog sa gabi. Napasandal siya at napasinghap. Laman pa rin ng kaniyang isipan sina Lucas at Dionisio. Paano na lang kung magkasabwat ang dalawa? Napag-alaman pa naman niyang peke ang nakasaad sa article ng newspaper na nabasa ni Francesca nung isang araw. Ginawa lamang ito ni Dionisio para matakasan ang mga nakapatong na kaso sa ulo. He smirked. ‘Kahit pa anong gawin mong pandaraya, Dionisio. Hindi mo ako maloloko..” Umigting ang kaniyang panga. ‘Balang-araw, mahuhulog ka rin sa mga palad ko, gaya nang nangyari kay Selina..’ Kuyom ang kamaong saad niya. Sa ngayon, nakakulong si Lucas pero alam niy
Sa loob nang mga panahong wala na siyang kinikilalang kaibigan at kapatid. Kay Alona niya naramdamang muli ang isang bagay na ipinagpapasalamat niya na tanging siya lang ang nakakaalam. Gayunpaman, maraming bagay ang iniwan nito sa kaniya na hindi mapapalitan ng anumang ginto. Makalipas pa ang mga araw, muling bumalik sa dati ang kaniyang buhay. Tahimik at focus sa asawa’t anak. Ang mga ito ang natatangi niyang yaman. Isang araw, habang nasa park at pinagmamasdan ang kaniyang anak na naglalaro. Tahimik siyang nakangiti habang nakaupo sa bench. Si Delta, ang kalaro ng kaniyang anak na nagbabantay rito habang siya ay nakatingin lamang sa mga ito. Nakaramdam siyang bigla ng kaba, nang may kung anong bagay ang tumusok sa kanyang tagiliran.“Huwag kang sumigaw kung ayaw mong mabutas ang tagiliran mo..” malalim at mabagsik na bulong ng lalaking naupo sa kaniyang tabi. Hindi siya nakakibo. Kumakabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Iniisip kung si Dionisio nga ba ang nakasumbrero at na
Kinaumagahan ay nagising siyang wala na si Javier sa kaniyang tabi. Napakunot-noo siya. Tanging gusot na lamang ng bed sheet ang naging bakas. Naisip niyang baka nagkakape lang sa baba. Tumayo siya at pumasok ng banyo. Nag-ayos ng sarili at naglinis. Pagbaba niya ay narinig niya ang mga ito na masayang nagkukwentuhan. Kumpleto ang mga ito sa hapagkainan. Naroon na rin maging ang anak niyang si Lewis.“Good morning, hija.. anak.” nakangiting bati sa kaniya ng ina. Ngumiti siya. Gumaya na rin ang kaniyang anak na bumati sa kaniya. Inaya pa siya ni Lewis na mag-breakfast sabay ng mga ito. Ngumiti siya sa anak at tumugon. Natuon ang paningin niya sa isang babaeng mestisa na kasabayan ng mga ito sa mesa. Nakatingin rin ito sa kaniya. Ang mga mata nito ay kulay bughaw. Magandang tingnan. Subalit, napakunot ang kaniyang noo. Ang babaeng ito, ang modeling kausap ni Javier kagabi.“Good morning, kumain ka na, honey..” Napatingin siya sa platong inayos ni Javier na sinandukan pa nito ng p
“Nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Dionisio?” Hindi umimik si Javier. Inabot niya rito ang newspaper. Tinapunan lamang nito ng tingin ang diyaryo, ni walang komento.“Alam mo na ba ang tungkol dito?” muling tanong ni Francesca. Sumandal lamang si Javier at malalim na napahinga. Ilang sandali bago ito nagsalita.“I don't know.. I'm not sure about that..”“Bakit?” Napaupo siya sa harap nito. Kasalukuyang nasa opisina sila ni Javier nang mga oras na iyon. “Mukha kasing hindi siya ang taong iyon. Isa yatang impostor..” Nanlaki ang kaniyang mata. “Nakita mo ba? Paano mo naman nasabi?” Napasinghap ito. “Sasabihin ko sa ‘yo, once mapatunayan natin na siya nga iyon. Huwag ka munang pakampante..” Hindi siya kumibo. Nagsimula na sanang gumaan ang pakiramdam niya dahil akala niya totoo ang balitang kaniyang nabasa. “Kung gayon, ang tungkol kay Selina.. hindi rin iyon totoo?” maang niyang tanong.Umiling si Javier. “No, ‘yung kay Selina.. totoo ‘yun.” Napatingin siya sa asawa.“Napat
Tumingala siya sa kabuuan ng mansion mula sa labas ng gate. Distansya mula roon ang entrance ng bahay. “Ma'am, sino po sila?” bungad sa kaniya ng guwardiya. “Ano po ang kailangan ninyo?” Napatingin siya rito nang mapansin siya ng isa sa mga nagbabantay ng gate. “Uy, ano ka ba si Miss Francesca iyan, anak ni boss..” untag ng isang guard na nakakikilala sa kaniya sa kasamahan nito na tila baguhan pa lamang. Si Manong Benjo, ang halos sampung taon nang naninilbihan bilang guard sa pamilya na kinalakhan niya. Naroon pa rin ito at loyal na nagtatrabaho. “Ah, ganun ba? Pasensya na po. Pasok po kayo Ma'am..” napapakamot pang saad ng bagitong guard. “Salamat..” Itinago ni Francesca ang kaniyang kaba nang binagtas ang daan patungo sa entrance ng main door ng malaking bahay. Nagbabakasakaling naroroon pa si Manang Lena. Hinawi niya ang mga nakabitin na dahon mula sa may katamtamang taas ng puno ng halamang namumulaklak. Nilingon niya ang paligid at sinilip ang loob. Lakas loob siya