Share

Chapter 20 [Kagalakan]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-04-29 13:26:22
“Yes, señora.. Nice meeting you po, good evening.” Pinilit niyang gawing kalmado ang boses at nginitian ang may edad na babae sabay nang pagyuko bilang pagbibigay galang.

Unti-unting nagbago ang aura ng ginang. Maya-maya'y sumilay ang ngiti nito sa mga labi. Saka niya lang napagtanto ang itinatago nitong kabaitan.

“Apo ka raw ng dating presidente na si Mr. Barcelona.”

Tumango siya bilang tugon.

“Alam mo bang matalik siyang kaibigan ng yumao kong asawa na si Judeo? Malaki ang ipinagmana mo sa iyong lolo,” turan nito.

Napatitig siya rito. “Ahh, marami nga ho ang nagsabi..” humble niyang sagot.

“Umupo ka hija.” Iginiya siya nito upang maupo sa couch na naroon.

Humarap ito sa kaniya.

“Ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo sa ngayon, hija?” Maya-maya'y tanong nito habang marahang nagsasalin ng tsaa sa maliit na tasa.

“Ang totoo, kabubukas lang po namin ng restaurant ng kaibigan ko.”

“Talaga? That sounds interesting. Baka bukas pumunta ako at nang matikman ko naman ang s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 28 [Maling Akala]

    Isa na namang kakaibang panaginip. Napangiti si Sen. Javier habang patuloy pa rin na nakapikit at naglalaro sa kaniyang alaala ang wet dreams na kaniyang naranasan kagabi. Animo'y tunay na nangyari. Minsan lamang niyang maranasan ang ganoong bagay. Tila ayaw pang dumilat ng kaniyang mga mata nang mga oras na iyon. Sa wakas.. Matapos nang ilang linggo ay tuluyan na niyang napagtagumpayan at natuldukan ang nakasasabik na pangyayari sa kaniyang gabi-gabing panaginip. Tama siya, si Francesca nga ang babaeng laman parati niyon. Kahit pa malabo ang repleksyon nito sa tuwing nagpapakita ito sa kaniyang imahinasyon. Nakatatawang isipin. Mas tumindi na nga ang pagnanasa niya sa kaniyang inaanak. Na pati pa sa panaginip ay tagumpay niyang naangkin ito. Napalagay ang loob niya nang maalalang araw nga pala ng linggo. Wala siyang gagawin. Pwede siyang magkulong muna sa loob ng kaniyang kwarto at mamaya nang tanghali lumabas. Hangga't hindi pa nakakaalis si Francesca, hindi na muna siya lalaba

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 27[Paubaya]

    Halos hindi siya makahinga nang maayos dahil sa tindi ng kabog ng kaniyang dibdib. Napahawak siya sa laylayan ng kaniyang suot na sexy dress na halos punitin na niya sa tindi ng sensasyong bumabalot sa buo niyang pagkatao. Ni hindi niya magawang pumalag sa ginagawa ng senador. Bagkus ay nagugustuhan pa ng kaniyang katawan ang ginagawa nito. Amoy niya ang alak sa mainit na hininga nito at lasa ang pinaghalong tamis at pait na nagpapatunay na nakainom nga ang senador. Kakaiba ang pakiramdam na iyon para kay Francesca. Lalo pa't ngayon lamang niya naranasan ang bagay na iyon. Ramdam niya ang bawat galaw ng mga labi nito na wari'y tinuturuan rin siya kung paano sundin ang ginagawa nitong paggalugad sa bibig niya. Tila’y nag-aaya. Ninamnam niya ang malambot na mga labi nito na kay sarap ding papakin nang mga oras na iyon. Na para bang may kung anong tumutulak sa kaniyang gayahin rin ang ginagawa ni Sen. Javier. Maya-maya'y natagpuan na lamang niya ang sariling nakikipagsabayan na rin

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 26 [Halik]

    Hindi naman ito dapat ganoon kung makatitig sa kaniya kung wala itong narinig mula sa señora. Tama ang hinala niya, maaaring ipinagtapat rito ng ginang ang lahat ng napag-usapan nila ng matanda. Ni hindi ito kumukurap habang tiim bagang siyang tinititigan sa mata. Ano ba ang dapat niyang gawin? Paano niya rito ipaliliwanag ang lahat at sabihing hindi niya sinasadya? O ‘di kaya'y na-misunderstood lamang ng señora ang sinabi niya? Ikinuyom niya ang kamao at ipinikit na lamang ang mga mata. Kung magalit man ito, wala siyang pagpipilian kundi tanggapin ang masasakit at maaanghang na salita mula rito. Bahala na. Nakiramdam siya. Pilit na hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Hindi naman siguro siya makakatikim ng sampal ni suntok dahil lamang sa pagsisiwalat niya ng lihim sa ina nito. Dinig niya ang bawat hakbang ng senador na sigurado siyang ilang sentimetro na lamang ang layo sa pagitan nila. “Now, speak.” Idinilat niya ang kaniyang mga mata. ‘Ano raw?’ “What do you mean?” maang ni

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 25 [Drama]

    “Akala ko, iba ang magiging karibal ko pagdating kay Sen. Javier. Ikaw lang pala.” May lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa larawan na nakabitin sa wall. Huminga siya nang malalim. “Hindi ko rin naman kagustuhan– at inaasahan ang pangyayaring ito, Danica,” saad niya nang maupo sa swivel chair. “Paanong hindi? Alam mo naman na matagal ko na siyang pinapangarap, di ‘ba? Sa dinami-rami ng makakalaban ko sa puso niya, ikaw pa na kaibigan ko.” Napabuntong-hininga na lamang siya at pilit na pinakakalma ang sarili. “Kailangang pakinggan mo ‘ko, Danica. Iku-kuwento ko sayo ang lahat-lahat upang maliwanagan ka sa ano mang iniisip mong namamagitan sa aming dalawa ni Sen. Javier.” Tumingin ito sa kaniyang mga mata at tila binabasa ang nasa isipan niya. Ikinuwento niya rito ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa dulo kung paano sila humantong sa pagiging mag-asawa sa kontrata lamang. Natahimik ito at yumuko matapos niyang sabihin at ipaliwanag ang lahat-lahat. Matapos

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 24 [Paghaharap]

    Inaasahan na niya na makikita roon si Francesca ngunit hindi sa ganoong pagkakataon. Alam niyang ang inaanak niya at the same time, asawa niya sa kontrata sa ngayon na si Francesca ang nagmamay-ari ng restaurant na pinagkitaan nila ni Tiarra. Kung may ideya lamang siya na roon sila magkikita bago siya makarating sa lugar na iyon ay siguradong ipaka-cancel niya ang appointment rito. Natigilan siya nang titigan si Francesca na nakatitig rin sa kaniya. Nakikiramdam pa rin siya nang mga oras na iyon. Ibinaling niya ang tingin sa kaniyang ina na patuloy na binabasa ang bawat reaksyon sa mga mata. Agad siyang lumapit rito at humalik saka humarap kay Tiarra.“S-Si Francesca, ang tinutukoy kong asawa ko,” pagpapakilala niya kay Francesca upang ipahiwatig kay Tiarra na hindi na siya available sa kahit na sino man. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. Alam niyang hinahanap ng mga mata ni Tiarra sa mga daliri ni Francesca ang patunay na asawa niya nga ang babaeng katabi ng kaniyang i

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 23 [Pagkagulat]

    Nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ng señora sa gazebo kanina. Ibinahagi niya rito ang kaniyang problema. Matapos magtapat sa matanda ay pinayuhan siya nito. “Kung ako lang ang masusunod, Francesca, hija. Ipatitigil ko na kay Javier ang kalokohang ginagawa niya.” Naalala niyang saad nito. Mataman niyang tinitigan ang kaniyang mukha sa salamin. Hindi niya batid kung tama bang isiniwalat niya sa señora ang lahat-lahat ng tungkol sa kanila ng senador. Ang tungkol sa kung ano lamang ang batayan ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Gayunpaman, gumaan naman ang pakiramdam niya matapos niyang gawin ang bagay na iyon. Matapos mag-usap, biglang nabuhay ang pagnanais niyang magkaroon ng lola o ina na katulad ng personalidad ng señora. Yaong makakausap niya palagi sa mga personal na bagay. Sapagkat ang lolo lamang niya ang mayroon siyang malalim na ugnayan. Napagsasabihan niya ito ng kaniyang mga saloobin noon pa man. Though andiyan naman ang kaibigan niyang si Danica, iba pa rin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status