Share

Chapter 66 [Ganap]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-07-03 17:53:24
Iidlip na sana si Francesca nang sunud-sunod na buzzer ang kaniyang narinig. Bumaba siya upang malaman kung sino iyon. Huminga siya nang malalim nang makilala ang kanina pang nag-iingay.

“Pakibuksan nga ng gate, Danica.”

“Sino ba kasi ‘yon?” nakasimangot na tanong nito nang lumabas ng kwarto. Pati ito ay naiirita na rin dahil nagising ito nang wala sa oras mula sa masarap na pagkakatulog.

“Si Audrey.”

“Nasaan ba kasi ang katulong mo? Bakit wala ka yatang kasama sa bahay mula nang dumating ako?”

“Day off niya kasi ngayong araw. Bukas pa ang balik niya,” mahinahon niyang saad.

Hindi na ito umimik pa at tinungo na lamang ang gate. Naupo naman siya sa sofa at binuklat ang magazine habang hinihintay na makapasok si Audrey. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito. Baka tungkol na naman sa pagdududa nito.

“Nasaan na ang magaling na Francesca’ng iyan?!” Padabog itong pumasok ng pinto. “Sinasabi na nga ba, kunwari ka pang walang alam. Galing rito si Chris at alam kong may somethin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 93 [Pagligtas]

    Kung saan-saan pumasok si Francesca. May ilang mga tauhan na nakabantay. Medyo madilim sa loob kaya't hindi siya gaanong nakikita ng mga ito. Naalala niyang naikot nga pala niya isang beses ang lugar na iyon. Nagpatuloy siya hanggang sa marating niya ang mga rehas na dati ay maraming mga nakakulong na kababaihan na ngayon ay wala na ni isang laman.Muling pumasok sa alaala niya ang mga sinabi ni Dionisio. ‘Ngayong alam na ni Javier ang lahat. Sapagkat ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbagsak ko! Dahil sa ‘yo nasira ang pinaghirapan ko!’ Totoo nga siguro ang mga sinabi ni Dionisio. Malayo ang ayos nito ngayon kumpara noon. Ngayon ay parang pinagsakluban ng kahirapan at kamalasan. Lugar na tila nalulungkot. Madilim at tahimik. Ano kaya ang nangyari rito? Narating niya ang isang opisina. Saka lamang nagflashback sa kaniya ang mga natuklasan niya noon tungkol sa ama niya at sa babae nito. Muling nanumbalik sa kaniya ang alaala na ginawa niya dalawang taon na ang nakararaan. Noong

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 92 [Ang Pagdukot]

    Kinabukasan ay sinamahan siya ni Sen. Javier sa ospital. Humarap sila sa kakilala nitong doctor. Sinabi at ikinuwento nito sa manggagamot ang kaniyang kalagayan. Tiningnan naman siya ng kilalang neurologist kung ano na ang kaniyang health status sa ngayon. Nakita ng doctor kung gaanong napinsala ang kanyang utak sa aksidenteng natamo dalawang taon na ang nakararaan. Matapos ang ilang consultations at ilang procedures. Sinabi ng doctor sa kaniya na may tsansa pang bumalik ang memorya niya ngunit tatagal pa iyon nang mga buwan o ‘di kaya ay taon sapagkat hindi siya agad natingnan noon nang makita siya matapos mangyari ang aksidente.“Mahalaga na natingnan ka sana kaagad noon ng neurologist mo, hija. Napabilis sana ang iyong paggaling. But, don't worry. Even it takes time to heal, fortunately, malaki ang chance na bumalik ang iyong alaala.” Nakahinga siya nang maluwag sa balitang iyon.“Marami pong salamat, doc,” magalang niyang wika. Matapos siya nitong kausapin ay lumabas na siya

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 91 [Dilim]

    Mabilis siyang hinapit sa bewang ng senador at hinatak patungo sa kama. Muli ay pinagsaluhan nila ang isang mainit na sandali. Pampainit sa malamig na panahon. Hanggang sa matapos ang pagsasalo ng uhaw nilang mga katawan. Doon napagtanto ni Francesca ang tunay niyang nararamdaman sa senador.Makalipas ang ilang oras.. Malamig ang simoy ng hangin sa labas na humahampas sa window glass ng kanilang silid. Nagising si Francesca at siya'y bumangon. Nilingon niya si Javier. Nakatihaya ito at mahimbing na natutulog. Ang gwapo pa rin nito sa ayos kahit tulog. Labas ang matipunong pangangatawan sa suot na puting sando.‘Hays.. Tama nga sila, masuwerte nga ang babaeng nagmamay-ari ng puso niya.. Masuwerte ako kung gano’n.’ Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palabas. Isinara niya ang pinto at bumaba ng hagdan. Tanging ilaw lamang mula sa mga chandelier ang nagbibigay liwanag sa paligid. Patuloy siyang naglakad nang tahimik. Walang ingay na maririnig. Mukhang tulog na nga ang lahat.‘Anong

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 90 [Pekeng Kaibigan]

    Nakita niya kung paanong napaismid si Danica. Maya-maya'y nagpaalam ito sa senador na puntahan muna si Lewis. Alam niyang iba ang dahilan nito kung bakit ito umalis. Ang pakiramdam ng isang nagseselos. Wala siyang magawa, ayaw niya sanang paglaruan ang feelings ni Danica dahil babae rin siya. Kaya lang, wala na ito sa ayos. Kung anu-ano nang maisipang gawin makuha lamang ang gusto. Hindi nga niya alam kung ito ba ang may pakana ng mga pangyayari kanina sa school. Nagkaroon siya ng pagdududa rito.Tumayo siya at humarap sa malawak na hardin. Malalim ang iniisip habang malayo ang tingin. Napansin iyon ng senador kaya't lumapit ito at tumabi sa kaniya.“Francesca..” Humarap siya rito. Inililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na minsan pa’y naliligaw sa kaniyang mukha.“Sabihin mo sa ‘kin ang dapat kong malaman. Ipagtapat mo sa ‘kin ang lahat,” wika niya kasabay nang pagtitig sa seryosong mukha ng senador. Huminga ito nang malalim. Hindi pa man nakakapagsalita nang mag-ring ang ce

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 89 [Plastik]

    “Anong ginagawa n'yo at bakit hindi n'yo nabantayan nang maigi ang pangyayaring ito?” tiim-bagang na tanong ni Javier sa dalawa niyang tauhan.“Senator, pasensya na po nag-jingle ako kaya't si Brandon po ang naiwan rito kanina habang nasa banyo ako,” kinakabahang saad ng kaniyang driver saka muling yumuko. Ibinaling niya ang matalim na tingin sa bodyguard niyang si Brandon at hinintay na ito naman ang muling magsalita.“Se-Senator, pasensya na po. Hi-Hindi ko ho sinasadyang ma-makatulog. Hindi ko rin po na-napansin ang taong naglagay niyan sa sasakyan ninyo,” nauutal nitong saad. Mas lalong uminit ang ulo niya sa paliwanag ng dalawa. Masyadong naging pabaya ang mga ito. Napasinghap siya.“Brandon, lumayas ka sa harap ko. Simula ngayon, hindi ko na gustong makita ang pagmumukha mo. Hindi ko kailangan ang katamaran mo,” mariin niyang wika. Lumingon ito sa driver niya at pagkatapos ay malungkot na umalis. Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niyang pagsisante rito. Tama lamang iyon. W

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 88 [Pagsabog]

    Lumipas pa ang mga araw, hanggang sa maganap ang school event ni Lewis. Maraming mga palamuti ang bumungad sa kanila sa entrance pa lang ng international school. Marami ring parents ang makikitang abala sa pag-aayos ng kani-kanilang sarili na nakasuot rin ng mga printed na damit na kagaya rin nila na may kani-kaniyang kulay. Kinakabahan man sapagkat iyon ang kauna-unahang pagkakataon na pumunta siya roon at sumali sa pa-event ng school ng kaniyang anak. Nagkaroon naman siya ng lakas ng loob nang lapitan at yakapin siya ni Lewis. Bumulong ito ng mga salitang nagpaantig ng kaniyang puso. “I am so glad that God answered my prayers, mom. Thank you so much for being such a wonderful mom and a supportive parent as well.” Niyakap niya rin ito nang mahigpit. Sa pagkakataong iyon ay nanaig na sa puso niya ang pagiging isang tunay na ina at magulang ni Lewis. Pakiramdam niya ay pure ang pagmamahal na iyon at hindi pagpapanggap lamang. Mahal na mahal niya ang bata. Ramdam niya iyon sa kan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status