Masuk"As in? Talagang napakawalang kwentang fiancé ni Lucas. Ngayon naniniwala ka na? Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo ang ginagawang panloloko sa ‘yo ng Lucas na ‘yan,” matinis na saad ni Danica.
Tama ang hinala nito. Noong una ay nagdududa rin naman siya ngunit tinatalo siya ng salitang tiwala. Ayaw naman kasi niyang pag-isipan si Lucas nang masama lalo pa't wala pa naman siyang napapatunayan. Sabi-sabi lamang kasi ang kanyang mga naririnig. Ayaw niya kaagad maniwala dahil wala naman maipakitang ebidensya ang mga taong naninira rito. Kagabi lamang niya harap-harapang nakita ang panloloko nito. Akala siguro ni Lucas ay hindi siya makakapunta sa mga party na kagaya niyon. Kung hindi lamang nagkasakit ang lolo niya at pumunta ng States ang papa niya ay hindi naman makikita ang presensya niya roon. Talagang sinadya iyon ng tadhana. Wala naman kasing lihim ang hindi nabubunyag, ika nga ng karamihan. Kahit pa sabihin niyang walang kwenta si Lucas o hindi niya dapat iyakan ang traydor. Hindi niya maiwasang masaktan lalo pa't hindi siya ganoon katapang pagdating sa usapang pag-ibig. Labis na kahihiyan at kalungkutan ang natanggap niya mula sa lalaking akala niyang magmamahal sa kanya ng tunay at totoo. Na kataksilan lamang ang kayang isukli sa ibinay niyang tunay na pag-ibig. Buti na nga lang at hindi pa man sila naikakasal ni Lucas ay nakita na niya ang tunay nitong pagkatao. Talagang may dahilan ang lahat ng mga nangyayari. “Yes Danica, tama ka. At least nalaman ko nang mas maaga,” usal niya kasabay nang pagpunas ng kanyang sariling luha. “So what's your plan?” Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Actually may hindi pa ako sinasabi sa ‘yo. I'm not sure kung dapat ko bang sabihin sa ‘yo ‘to. But–” naputol ang sasabihin niya matapos marinig at mapanood ang isang balita sa television. Napatakip siya nang bibig nang lumabas ang rumored about sa ginawang pagpapakasal ng kilalang senador sa isang hindi kagandahang babae. ‘I’m not an artist or any celebrity.. Whatsoever. I have my own private life. But yes, inaamin kong nagpakasal nga ako sa babaeng itinakda sa akin ng kapalaran.' Halos lumuwa ang mata niya sa narinig na sagot mula kay Sen. Javier sa katanungan ng media. Sagot na nagpalakas ng kabog sa dibdib niya. “Sino kaya ‘yung maswerteng babae at nagawa niyang mapikot si Sen. Javier? Isipin mo ang sabi sa balita Francesca, ni hindi kagandahan? Ano naman kaya ang hitsura niya? Sigurado akong mas maganda ako roon, ano?” napapailing na lamang na saad ng kaibigang si Danica. Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Paano pa kaya kapag nalaman nito na siya ang tinutukoy sa balita? Ano na lamang kaya ang sasabihin ng kaibigan? May guts pa kaya itong sabihin nito ang ganoong mga bagay sa harapan niya? Totoo naman ang sinasabi ng lahat. Oo hindi siya kagandahan. Isa pa, mataba siyang babae na nakaka-turned off sa mga kalalakihan pero so what? Natawa na lamang siya. ‘I don't care what people thought about me. Anyway, that's not important though, wala na nga silang ambag nakikialam pa sa buhay nang may buhay. ’ tanging bulong na lamang niya sa sarili. Saka na lamang niya siguro sasabihin kay Danica ang tungkol sa bagay na itinatago niya. Kapag handa na siya saka lamang niya aaminin rito ang lahat. Sa ngayon, kailangan na muna niyang i-zip ang bibig niya. ‘Bahala na muna silang manghula tungkol sa ‘kin,’ napapangiti niyang saad sa isipan. ‘This will be interesting,’ dagdag niya pa. May kung anong kapilyuhan ang namuo sa kaniyang isipan nang mga oras na iyon. Lihim siyang napangiti habang pasimpleng sinulyapan si Danica na tahimik lamang na nakatingin sa pinalilinis na paa.Nasasabik niyang binuksan ang pintuan ng kwarto. Naroroon na si Francesca, ngunit tulog pa rin ito. Naupo siya sa bedside chair. Hindi niya napigilan ang hawakan at halikan si Francesca sa kamay nito. “I love you..” anas niya na nagpagising kay Francesca. Maya-maya pa’y may nurse na pumasok. Karga na nito ang kanilang baby. Nakangiti siyang napatingin kay Francesca. Muli niyang hinalikan ang kamay ng asawa. Kaagad namang tinangggap ng kaniyang mother-in-law ang sanggol mula sa nurse. Maliwanag ang mukha nitong lumapit sa kanila.“Look at this cute baby..” malumanay ngunit nasasabik na wika ni Natasha. Dahan-dahan nitong ipinasa sa kaniya ang sanggol. Kabado pa siya nitong una, natatakot na baka mabalian ng buto. Hanggang sa naihiga nito ng maayos ang sanggol sa kaniyang mga bisig. Hindi na naalis ang maluwang niyang ngiti habang pinagmamasdan ang munting anghel. Marahan niyang hinaplos ang malambot na balat ng anak. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ito sa maliit nitong k
Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan hanggang sa malapit na siyang manganak. Hindi siya natatakot dahil marami naman ang sumusuporta at tumutulong sa kaniya. Kung noon malakas ang loob niya kahit pa hindi madali ang magsilang ng sanggol. Ngayon mas lalong dumoble ang kaniyang tapang dahil sa tulong ng mga mahal niya sa buhay. Hindi lamang kasi siya ang mag-isang lumalaban, sapagkat marami sila.Isang umaga sa may veranda..“Hon, kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihirapan?” Huminga siya nang malalim at bahagyang napangiwi nang umayos ng upo sa rattan chair. “Okay naman ako. Sadyang medyo malikot lang itong bunso mo..” pagbibiro niya. Napangiti si Javier. “Kanino pa ba magmamana iyan?” pagsakay nito sa kaniyang biro.“Kanino pa, e ‘di sa ‘yo..” paikot ang mata niyang tugon. Lumuwang ang ngiti nito. Bahagya siya nitong pinasandal sa katawan at maingat na hinaplos ang braso. “Anong ipapangalan natin diyan sa baby girl natin?” maya-maya'y muli nitong tanong. Napasinghap si
Masayang sinalubong ni Francesca sa main door ang kaniyang asawang si Javier. Mahigit dalawang linggo rin itong nawala. Maiksi lamang iyon, pero sa kaniya ay tila isa na iyung taon. Labis niyang ikinaligaya ang muli nitong pagbabalik. “Hon..” usal niya nang makalapit. Mainit na yakap ang kaniyang isinalubong rito. “Do you miss me?” Kaagad naman siyang hinalikan ni Javier sa mga labi at saka niyakap nang mahigpit. “I missed you so much,” malambing niyang tugon. Kaagad na kinarga ni Javier si Lewis nang patakbo itong sumampa sa ama. Maluwang ang ngiti ni Javier habang hinahalik-halikan sa ulo ang anak. “Daddy, why did you take so long? I really missed you..” Pakiramdam niya ay nabiyak ang puso niya nang marinig ang pagsusumamo ng anak. “Don’t worry, daddy won't leave you again..” “Promise?” Itinaas pa ni Lewis ang palad. “Yeah, promise..” Muling naglabasan ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ng anak matapos ngumiti. “Kumain ka na, ipinagluto kita ng paborito
Nang kukunin na ni Rod ang bagay na iyon sa kaniyang kamay kaagad siyang umatras at umiwas. Ngunit ang malakas na suntok nito ay hindi niya napigilan at tumama sa kaniyang mukha. Kaagad niya itong naitulak nang muli siya nitong pagtangkaan. Tumama ang likod nito sa kanto ng mesa, dahilan para mamilipit ito sa sakit. Dumilim ang mukha ni Rod at mas lalong uminit ang dugo sa kaniya nang muli itong humarap. Sa pagkakataong iyon, tumakbo ito sa drawer at nagmamadaling kinuha ang baril. Kinabahan siya dahil wala pa naman siyang dalang baril nang mga oras na iyon. Naiwan niya iyon sa kotse. Tanging recorder lamang ang kaniyang nadala. Bago pa man maitutok sa kaniya ni Rod ang baril. Napalingon silang pareho sa kumalabog na pintuan. Iniluwa nito ang mga FBI. Nanlaki ang mga mata ni Rod. Hindi siya nakapaghanda nang hatakin siya ng lalaki at tutukan ng baril sa kaniyang ulo. Naitaas niyang bigla ang kaniyang mga kamay. “Put your gun down!” sigaw ng isa sa mga ito. Napaatras siya kasaba
“Aminin mo man o hindi, Uncle Rod. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa ‘yo, maging sa anak mo. At hindi mo ako masisindak kahit anong gawin mong pananakot,” matapang niyang saad. Napasinghap ito. “Talagang matalino ka, Ricardo. Pero hindi sapat ang katalinuhan mo, dahil hindi lahat ng bagay tungkol sa ‘kin ay alam mo.” Nagsalubong ang kaniyang kilay sa mga hindi mawaring salita na patuloy na ipinahihiwatig nito.“Ngayong wala ka na sa gobyerno, mas mapapadali ko na ang lahat ng binabalak ko sa ‘yo at sa pamilya mo. Sayang lang, at palaging pumapalpak noon si Dionisio sa mga utos ko.” Napakunot ang kaniyang noo. Iniintindi ang bawat salitang namutawi sa bibig nito. “Kilala mo si Dionisio?” Tumawa si Rod at naiiling na napatakla. “Ricardo, Ricardo. Mahina ka ring kagaya niya. Bakit hindi kayo nangangalahati sa kakayahan ko?” Nagsimula nang manginig ang kaniyang kamao na tila ba gustong magpakawala ng suntok. “Sa tingin mo, ang lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay n'yo, kaninon
Sinuyod niya ang buong CCTV footage ng lahat ng departamento mula nang araw na tumuntong ng kompanya ang kaniyang tiyuhin. Pinagtiyagaan niya iyon sa loob ng halos tatlong araw upang mapatunayan niya ang lahat ng kaniyang paghihinala. At sa huli, nang gabi ring iyon, sa loob mismo ng kompanya. Nasagot ang katanungan, matapos ang pasikretong pagmamasid. Sa sumunod na araw, natanggap niya ang mensahe mula kay Laviña. Napag-alaman niyang hindi pa nakababalik ng Pinas si Rod. Isang linggo na raw’ng nananatili sa Las Vegas ang kaniyang tiyuhin. Halos araw-araw raw ito roon sa casino para maglustay ng pera. Pinasundan niya si Rod at pinaimbestigahan. Hanggang sa nalaman niyang may mga galamay pala ang kaniyang tiyuhin na nagtatrabaho sa loob mismo ng kompanya. Ang mga spy, thief at hacker na nakapasok bago pa man makarating ng States si Rod. Ang mga tauhan nito, na naging daan sa ginawang pagnanakaw ng lalaki sa perang pinaghirapan ng mga tao sa kompanya. Planado ang lahat at malinis a







