Home / Romance / Ninong Senator's Contract Marriage / Chapter 76 [Muling Pagkikita]

Share

Chapter 76 [Muling Pagkikita]

Author: Dwendina
last update Huling Na-update: 2025-07-11 09:12:03

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ngunit walang Francesca ang lumitaw. Gayunpaman, hindi nawalan si Javier ng pag-asa na makita pang muli ang kaniyang inaanak. Buo ang tiwala niya na buhay pa si Francesca at muli itong babalik.

Napabuntong hininga siya habang tanaw ang sunrise sa tahimik na dalampasigan. Nasa private resort siya nang mga oras na iyon. Ipinasyal niya ang kaniyang anak upang makapag-enjoy ito kasama niya. Buti na lamang at palaging naririyan si Danica, handang samahan ang anak niyang si Lewis sa anumang oras. Hindi naman sila nahirapang masyado kahit pa minsan ay hinahanap nito ang ina.

Naibabaling naman nito kaagad ang pansin sa maraming bagay gaya ng pamamasyal at laro. Nalilibang kapag kasama siya. Ibinibigay niya sa anak ang lahat ng kagustuhan o anumang hilingin nito. Para lamang sa ikasasaya ng anak.

Gayunpaman, minsan ay hindi nawawala ang lungkot at awa niya sa kaniyang anak. Lumalaki itong walang ina at ayaw niyang magpatuloy iyon nang matagal. Su
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Bat short cut bat cia n amnesia lol
goodnovel comment avatar
Elisa Canoy Albior
wla pa po bang next chapter
goodnovel comment avatar
Genalene Mondares Sencil
bkit puro update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 78 [Yakap]

    “Naku, naku.. Daniela, mukhang malakas ang tama sa iyo ni senator, ah. Kita mo kung paano siya tumitig sa ‘yo kanina? Naku, Daniela kapag ikaw niligawan ni senator. Maiinggit kaming lahat. Kapag nangyari iyon, Daniela.. Umoo ka na agad, ah. Sure ako magiging maligaya ka sa piling niya dahil hindi lang katawan ang malaki sa kaniya kundi pati ang alaga niyang ahas.. Sarap nun manuklaw.. Sss..” Bungisngis na saad ni Josie habang umaaksyon pa sa kaniyang harapan dahilan para mahampas niya ito sa braso.“Loka-Loka.. Pati ba naman iyan..” Napapailing na lamang siya. “Oo nga, Daniela. Alam mo bang single na single iyang boss natin? Ang pagkakaalam ko, ikinasal na ‘yan siya dati pero hindi nagtagal nagkahiwalay rin kaagad. Kasi, hindi pa siya nakaka-move on doon sa high school sweetheart niya na matagal nang sawi. Sayang nga, e, gwapo at charismatic pa, good public servant na, mayaman at masarap pa.. kaso lang single. Kaya kung sakali mang ikaw ang magustuhan niya, go ka na agad, kagatin m

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 77 [Pagkalito]

    “Na-Naku, senator, ikaw po pala. Pasensya na ho. Ah, kilala nyo pala itong si Daniela.” Hinawakan ito ng baklita sa braso. “Sabihin n'yo ho, ano pong kailangan ninyo o nais ipag-utos sa kaniya?” sunud-sunod na tanong sa kaniya ng empleyadong baklita. Hindi niya malaman kung ano ang unang sasagutin sa sunud-sunod na katanungan nito. Ngunit ang nagpalito sa kaniya ay ang pangalang binanggit nito. Malayung-malayo sa tunay na pangalan ng kaniyang inaanak.“Daniela?” kunut-noo niyang tanong. Ngumiti ang kasama nito. “Ah, yes po, senator. Siya po si Daniela. May kailangan po ba kayong ipagawa sa kaniya? Sabihin n'yo lang po, masipag pa naman at mabait itong si Daniela. Magaling sa anumang mga trabaho rito sa resort.” Napangiti siya kahit sa kabila niyo'y naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Paanong naging Daniela ang pangalan ni Francesca? Nakita niya kung paano muling nanlaki ang mga mata ni Francesca nang mapagtantong siya ang senator na may-ari ng resort at ang natatangi nilang boss.

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 76 [Muling Pagkikita]

    Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ngunit walang Francesca ang lumitaw. Gayunpaman, hindi nawalan si Javier ng pag-asa na makita pang muli ang kaniyang inaanak. Buo ang tiwala niya na buhay pa si Francesca at muli itong babalik. Napabuntong hininga siya habang tanaw ang sunrise sa tahimik na dalampasigan. Nasa private resort siya nang mga oras na iyon. Ipinasyal niya ang kaniyang anak upang makapag-enjoy ito kasama niya. Buti na lamang at palaging naririyan si Danica, handang samahan ang anak niyang si Lewis sa anumang oras. Hindi naman sila nahirapang masyado kahit pa minsan ay hinahanap nito ang ina. Naibabaling naman nito kaagad ang pansin sa maraming bagay gaya ng pamamasyal at laro. Nalilibang kapag kasama siya. Ibinibigay niya sa anak ang lahat ng kagustuhan o anumang hilingin nito. Para lamang sa ikasasaya ng anak. Gayunpaman, minsan ay hindi nawawala ang lungkot at awa niya sa kaniyang anak. Lumalaki itong walang ina at ayaw niyang magpatuloy iyon nang matagal. Su

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 75 [Paghaharap ng Dalawa]

    Hindi tumigil si Javier na hanapin ang lokasyon ni Dionisio. Pinasundan niya ito sa secret agent niya. Nang matagumpay na matunton ang lugar nito ay kaagad siyang naghanda para harapin ang lalaki. Malaki ang duda niya na may kinalaman ito sa biglaang pagkawala ni Francesca.“Alam mo na ang ipinunta ko rito,” kalmado ngunit seryoso niyang saad nang tanungin siya nito nang siya'y makapasok. Alam niyang nasa teritoryo siya ni Dionisio. Anumang oras ay maaari siya nitong patayin kaya't lihim siyang naghanda kung sakali mang magkainitan silang dalawa. Tumawa ito sa harapan niya. Kahit pa naiinsulto ay pinili niyang maging kalmado.“Talagang nababaliw ka na, Javier. Bobo ka ba o talagang tanga ka lang.” Ini-spread pa nito ang mga kamay. “Nakikita mo bang napapalibutan ka ng mga tauhan ko? Anumang oras ay pwede kitang patayin dito sa teritoryo ko. Sino ang makakaalam kung ipatutumba kita, ngayon mismo?” may halong paninindak ang boses nito.“Hindi mo alam na mas lamang ako dahil napapalib

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 74 [Paghahanap]

    Ilang araw na niyang pinaghahanap si Francesca ngunit walang makapagsabi kung nasaan na ito. Maging si Manang Lena nang tawagan niya ay sinabing hindi nito alam kung nasaan na ito naroroon. Matagal na raw kasing hindi nakatutuntong ng mansion si Francesca. Ayon pa rito, nang tumawag ito sa ina na si Trinidad upang ipa-check kung bumalik sa Cagayan ang alaga ay nabigo ang ginang sa naging sagot ng matanda. Dahil mula nang araw na iyon ay hindi na raw nakita pang muli sa Cagayan ang kaniyang inaanak. Hanggang ngayon raw ay nakasarado pa rin ang bahay. Walang nakatira, at wala raw itong nakita ni anino ni Francesca. Kinakabahan na siya. Paano kung may nangyari ritong masama at kagagawan iyon ni Dionisio? Kailangan niyang komprontahin ang kinikilalang ama ni Francesca. Talagang sumusobra na ito. Hindi na tama ang ginagawa ng lalaki. Nakuyom niya ang kamao at tiim-bagang na tinitigan ang windshield ng sasakyan. Saan niya ngayon hahanapin ang ina ng kaniyang anak? Bakit biglaan na lama

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 73 [Mga Natuklasan]

    Hindi na maalis sa isipan ni Francesca ang kaniyang mga natuklasan kanina. Sabi na nga ba’t may itinatagong pagiging halimaw ang ama niya. Doon pa lang ay nalaman na niyang hindi nga dapat pagkatiwalaan ang kaniyang ama. Kaya pala noon pa mang nabubuhay pa ang ina niya ay wala na itong masyadong oras sa pamilya. Kaya pala dati hindi niya halos mahagilap sa bahay ang kaniyang ama dahil totoo nga'ng may iba itong babae. At iniiputan sa ulo ang kaniyang ina. Walang duda na ang mga ito nga ang totoong dahilan ng pagkasawi ng kaniyang kapatid at ina. At kahit nabubuhay pa noon ang ina niya ay niloloko na ito ng dalawa. Talagang napakawalang puso ng mga ito. Mga malulupit na nilalang na hindi dapat tularan at mas lalong hindi nararapat dumami. At ni hindi nararapat magtagal sa mundo. Kuyom ang kamaong tumingin siya sa bintana ng eroplano. Nasa ibabaw sila ng mga ulap. Patungo siya nang mga oras na iyon sa Cagayan upang makita at makasamang muli ang kaniyang anak. Masakit sa loob na iniwa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status