Share

Chapter 6 [Kalungkutan]

Penulis: Dwendina
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-04 08:34:57

Sa isang mahabang mesa ay pasimpleng sinusulyapan ni Francesca ang noo'y tahimik na kumakain na si Sen. Javier. Mabagal ang ginagawa nitong pagsubo. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya habang tinititigan ang bawat paggalaw ng malaki at may katulisan nitong adam’s apple. Sabay siyang napapalunok sa tuwing lumulunok ito.

Para siyang nananaginip lamang na kasalo na niya ngayon sa hapagkainan ang naririnig lamang niya noon na kahit suplado ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihang netizens. Ni hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla niyang naging asawa sa papel ang senador.

Ano ba ang bagyong dumating at ngayo'y nasa harap na niya ito? Kasabay sa pagkain at kasama sa iisang bubong? Maliban roon ay nakatali pa siya sa isang kontrata na may kung anu-anong kasunduan. Maging iyon ay lingid sa kaalaman ng kaniyang lolo at ama na nasa States sa ngayon.

Noon, tahimik lamang siya sa kaniyang pribadong buhay. Ngayon kakaiba na at kailangan niyang mag-adjust. Inisip na lamang niya na isa iyung challenge sa buhay niya ngayon. Lalo pa't kailangan niya ang pagkakaroon ng maraming experiences na hinihiling ng kaniyang ama para maging karapat-dapat sa pamumuno ng isang sekretong organisasyon.

‘Tama, this may help..’

Bigla siyang nasamid nang mapatingin ito sa kaniya. Mabilis niyang nadampot ang isang basong tubig sa kaniyang harapan at kaagad na ininom. Agaran siyang ngumiti rito. Hanggang sa mapalis iyon sa kaniyang mga labi.

Isang seryosong tingin ang ipinukol nito sa kaniya na animo'y para pa ring nanghuhubad ng babae. Iyon ang naging tugon nito sa kaniya. Napalunok siya. Minsan pa naman ay magaling itong mambasa at manghula ng isipan. Kaya't she quickly cleared her mind na kunwari ay hindi ito iniisip.

Ganoon ba talaga ang mga lalaki kung makatitig? Para siyang naka-hot seat na hindi alam ang maisasagot sa isang malalim na katanungan. Hindi niya makita sa mga mata nito ang pagiging bakla maging sa mga kilos nito. Sabagay, chismis lang naman ang kaniyang mga naririnig. Wala siyang pakialam.

“Nagbago na ang isip ko Francesca,” pagkuwa'y turan nito.

‘Wala ba talaga tayong kahit na callsign man lang?’ tanong niya na hindi na niya pinaalpas pa sa bibig.

Sabagay, isang peke lang naman ang kasal-kasalan na iyon. Ano pa nga ba ang aasahan niya?

Tumikhim ito bago muling nagsalita.

“We have two guest rooms here. Mamili ka nalang sa dalawa kung saan mo gusto. Sasamahan ka ni Manang Delia pagkatapos mo riyan. I have to go first, may aasikasuhin pa ako. Excuse me,” marahan itong tumayo pagkuwa'y tinalukaran siya at kaagad na umalis.

Naiwan siyang tahimik.

‘Anong ibig niyang sabihin, hindi na tuloy ang pagsasama namin sa iisang silid?’ Napasunod na lamang siya ng tingin sa disenteng lalaking naglalakad palayo.

Maya-maya’y napatingin siya sa gawi ng isang may edad na katulong. Ngumiti ito sa kaniya. Sinuklian na lamang niya ito ng isang mapait at tipid na ngiti.

Iginala ni Francesca ang tingin sa isang malawak na kwarto. Kahit pa napakaganda ng interior designs nito ay hindi pa rin niya maitatangging mas hinahanap niya ang sariling kwarto. Kwarto na hindi nalalayo sa kalakihan niyon.

“Miss, kung may kailangan pa ho kayo tumawag na lamang po kayo sa telepono sa kusina o ‘di kaya'y sa maid’s room. Maiwan ko na ho kayo,” wika ng katulong.

“Sige Manang Delia, salamat.”

Narinig niya ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga siya. Iyon na ba ang simula nang malungkot niyang buhay? Paano na lang kapag palaging wala sa mansyon ang asawa niya? Sino na lang ang kausap niya, mga katulong?

Naupo siya sa malapad ngunit malambot na kama. Napatingin siya sa nagri-ring na cellphone. Nabuhay muli ang masigla niyang boses nang sagutin iyon.

“Danica, what’s up?”

Nakalimutan niyang bigla na may kaibigan pa nga pala siya.

“Ikaw ha, hindi ka na nakipagkita sa ‘kin matapos mong pumunta kagabi sa party.” Naalala niyang may usapan nga pala sila ni Danica na magkikita sa bar. “Kamusta?” dagdag pa nito mula sa kabilang linya.

She rolled her eyes. Umusbong ang naiinis niyang nararamdaman. Ayaw niya sanang pag-usapan ang cheater niyang kasintahan na ngayo'y ex-fiancé na niya. Wala siyang pagpipilian kundi ang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.

“Ahm, Danica. M-May sasabihin sana ako sa ‘yo pero–”

Naghintay itong saglit.

“Sabihin mo na, ano huhulaan ko pa ba?” tila naiiritang tugon nito.

Sasabihin nga ba niya ang tungkol sa biglaang nangyari kung bakit hindi siya sumipot sa usapan nila? Alam niyang magugulat ito. Isa pa, kilala niya si Danica. Hindi ito titigil sa pangungulit sa kaniya hangga't may isinisekreto siya.

Lahat na lamang ng mga bagay tungkol sa kaniya ay alam nito. Maliban lamang roon sa nangyari kagabi sa eksklusibong party na pinuntahan niya.

“Alright, magkita tayo sa parlor mamayang bandang 4 pm.”

“S-Sige,” naging sagot na lamang ng kaniyang kaibigan bago ito mawala sa kabilang linya.

Napahiga siya at napatitig na lamang sa puting kisame. Pati tuloy siya ay nae-excite na ipaalam rito ang mga kaganapan sa kaniyang lovelife patungkol sa senador. Sigurado siyang hindi makakapaniwala ang best friend niya kapag nalaman nito. Lalo pa't crush rin nito ang senador na kaniyang napangasawa.

Kaya lang, biglang may kung anong lungkot ang kumudlit sa puso niya. Tama bang sabihin niya rito ang tungkol sa bagay na iyon?

“Ikaw ha, buti hindi mo na ‘ko pinaghintay nang matagal. Kararating ko lang and yeah, balak kong magpalinis rin nitong mga nails ko,” bungad sa kaniya ng kaibigan niyang si Danica matapos niyang lumapit rito pagkapasok ng parlor.

“Madame, ganun pa rin ba gaya nang dati?” tanong ng isang binabaeng lumapit.

Biglang pumasok sa isip niya ang senador nang mapatingin sa kaharap na bakla. Napalunok siya.

“Ah, y-yes.” Pumwesto na siya sa kung saan niya paboritong pwestuhan. Sa tuwing nagpapalinis siya ng mga kuko at nagpapaayos ng buhok.

Kabado siyang napasandal sa upuan.

“So, mag-explain ka na sa ‘kin kung bakit pinaghintay mo ako sa wala kagabi,” nakataas ang kilay na saad nito.

Hindi niya alam kung saan magsisimula. Hanggang sa namalayan na lamang niyang tumulo ang luha niya.

“T-Teka, m-masyado bang masakit akong magsalita?” concerned na tanong ni Danica matapos makita ang reaction niya.

Naalala niyang bigla ang kataksilan na ginawa ni Lucas sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ipagpapalit siya nito sa abogadang humawak ng kaso ng kaniyang ina at kapatid.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 182 [Wakas]

    Nasasabik niyang binuksan ang pintuan ng kwarto. Naroroon na si Francesca, ngunit tulog pa rin ito. Naupo siya sa bedside chair. Hindi niya napigilan ang hawakan at halikan si Francesca sa kamay nito. “I love you..” anas niya na nagpagising kay Francesca. Maya-maya pa’y may nurse na pumasok. Karga na nito ang kanilang baby. Nakangiti siyang napatingin kay Francesca. Muli niyang hinalikan ang kamay ng asawa. Kaagad namang tinangggap ng kaniyang mother-in-law ang sanggol mula sa nurse. Maliwanag ang mukha nitong lumapit sa kanila.“Look at this cute baby..” malumanay ngunit nasasabik na wika ni Natasha. Dahan-dahan nitong ipinasa sa kaniya ang sanggol. Kabado pa siya nitong una, natatakot na baka mabalian ng buto. Hanggang sa naihiga nito ng maayos ang sanggol sa kaniyang mga bisig. Hindi na naalis ang maluwang niyang ngiti habang pinagmamasdan ang munting anghel. Marahan niyang hinaplos ang malambot na balat ng anak. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ito sa maliit nitong k

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 181 [Labor]

    Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan hanggang sa malapit na siyang manganak. Hindi siya natatakot dahil marami naman ang sumusuporta at tumutulong sa kaniya. Kung noon malakas ang loob niya kahit pa hindi madali ang magsilang ng sanggol. Ngayon mas lalong dumoble ang kaniyang tapang dahil sa tulong ng mga mahal niya sa buhay. Hindi lamang kasi siya ang mag-isang lumalaban, sapagkat marami sila.Isang umaga sa may veranda..“Hon, kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihirapan?” Huminga siya nang malalim at bahagyang napangiwi nang umayos ng upo sa rattan chair. “Okay naman ako. Sadyang medyo malikot lang itong bunso mo..” pagbibiro niya. Napangiti si Javier. “Kanino pa ba magmamana iyan?” pagsakay nito sa kaniyang biro.“Kanino pa, e ‘di sa ‘yo..” paikot ang mata niyang tugon. Lumuwang ang ngiti nito. Bahagya siya nitong pinasandal sa katawan at maingat na hinaplos ang braso. “Anong ipapangalan natin diyan sa baby girl natin?” maya-maya'y muli nitong tanong. Napasinghap si

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 180 [Masayang Pagsalubong]

    Masayang sinalubong ni Francesca sa main door ang kaniyang asawang si Javier. Mahigit dalawang linggo rin itong nawala. Maiksi lamang iyon, pero sa kaniya ay tila isa na iyung taon. Labis niyang ikinaligaya ang muli nitong pagbabalik. “Hon..” usal niya nang makalapit. Mainit na yakap ang kaniyang isinalubong rito. “Do you miss me?” Kaagad naman siyang hinalikan ni Javier sa mga labi at saka niyakap nang mahigpit. “I missed you so much,” malambing niyang tugon. Kaagad na kinarga ni Javier si Lewis nang patakbo itong sumampa sa ama. Maluwang ang ngiti ni Javier habang hinahalik-halikan sa ulo ang anak. “Daddy, why did you take so long? I really missed you..” Pakiramdam niya ay nabiyak ang puso niya nang marinig ang pagsusumamo ng anak. “Don’t worry, daddy won't leave you again..” “Promise?” Itinaas pa ni Lewis ang palad. “Yeah, promise..” Muling naglabasan ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ng anak matapos ngumiti. “Kumain ka na, ipinagluto kita ng paborito

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 179 [Sentensya]

    Nang kukunin na ni Rod ang bagay na iyon sa kaniyang kamay kaagad siyang umatras at umiwas. Ngunit ang malakas na suntok nito ay hindi niya napigilan at tumama sa kaniyang mukha. Kaagad niya itong naitulak nang muli siya nitong pagtangkaan. Tumama ang likod nito sa kanto ng mesa, dahilan para mamilipit ito sa sakit. Dumilim ang mukha ni Rod at mas lalong uminit ang dugo sa kaniya nang muli itong humarap. Sa pagkakataong iyon, tumakbo ito sa drawer at nagmamadaling kinuha ang baril. Kinabahan siya dahil wala pa naman siyang dalang baril nang mga oras na iyon. Naiwan niya iyon sa kotse. Tanging recorder lamang ang kaniyang nadala. Bago pa man maitutok sa kaniya ni Rod ang baril. Napalingon silang pareho sa kumalabog na pintuan. Iniluwa nito ang mga FBI. Nanlaki ang mga mata ni Rod. Hindi siya nakapaghanda nang hatakin siya ng lalaki at tutukan ng baril sa kaniyang ulo. Naitaas niyang bigla ang kaniyang mga kamay. “Put your gun down!” sigaw ng isa sa mga ito. Napaatras siya kasaba

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 178 [Pagbubunyag ng Katotohanan]

    “Aminin mo man o hindi, Uncle Rod. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa ‘yo, maging sa anak mo. At hindi mo ako masisindak kahit anong gawin mong pananakot,” matapang niyang saad. Napasinghap ito. “Talagang matalino ka, Ricardo. Pero hindi sapat ang katalinuhan mo, dahil hindi lahat ng bagay tungkol sa ‘kin ay alam mo.” Nagsalubong ang kaniyang kilay sa mga hindi mawaring salita na patuloy na ipinahihiwatig nito.“Ngayong wala ka na sa gobyerno, mas mapapadali ko na ang lahat ng binabalak ko sa ‘yo at sa pamilya mo. Sayang lang, at palaging pumapalpak noon si Dionisio sa mga utos ko.” Napakunot ang kaniyang noo. Iniintindi ang bawat salitang namutawi sa bibig nito. “Kilala mo si Dionisio?” Tumawa si Rod at naiiling na napatakla. “Ricardo, Ricardo. Mahina ka ring kagaya niya. Bakit hindi kayo nangangalahati sa kakayahan ko?” Nagsimula nang manginig ang kaniyang kamao na tila ba gustong magpakawala ng suntok. “Sa tingin mo, ang lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay n'yo, kaninon

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 177 [Muling Paghaharap]

    Sinuyod niya ang buong CCTV footage ng lahat ng departamento mula nang araw na tumuntong ng kompanya ang kaniyang tiyuhin. Pinagtiyagaan niya iyon sa loob ng halos tatlong araw upang mapatunayan niya ang lahat ng kaniyang paghihinala. At sa huli, nang gabi ring iyon, sa loob mismo ng kompanya. Nasagot ang katanungan, matapos ang pasikretong pagmamasid. Sa sumunod na araw, natanggap niya ang mensahe mula kay Laviña. Napag-alaman niyang hindi pa nakababalik ng Pinas si Rod. Isang linggo na raw’ng nananatili sa Las Vegas ang kaniyang tiyuhin. Halos araw-araw raw ito roon sa casino para maglustay ng pera. Pinasundan niya si Rod at pinaimbestigahan. Hanggang sa nalaman niyang may mga galamay pala ang kaniyang tiyuhin na nagtatrabaho sa loob mismo ng kompanya. Ang mga spy, thief at hacker na nakapasok bago pa man makarating ng States si Rod. Ang mga tauhan nito, na naging daan sa ginawang pagnanakaw ng lalaki sa perang pinaghirapan ng mga tao sa kompanya. Planado ang lahat at malinis a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status