Share

BOOK II: CHAPTER 25

Author: HANIFAH
last update publish date: 2026-06-08 22:04:42

“Kami na lang kung ayaw mo, Chloe!"

“Ano ba ’yan! Ayaw pa tumayo, e!"

“Oo nga! Huwag mong paghintayin si Sir!"

Napilitan akong tumayo at kunin kay Mia ang mikropono nang magsunod-sunod ang sigawan na naman ng mga estudyante.

Kung bakit ba naman kasi! Mia! Patay ka talaga sa’kin mamaya!

"Can you introduce us your name, Miss?” sabi nung staff na nag-abot ng mikropono kanina kay Mia.

Tumikhim ako at saka tinutok sa harap ang paningin, pero nang makita kong titig na titig pa rin sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
Long time,No see,daw .. Chloe.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 63

    Dahan-dahang humarap sa akin si Alistair. Walang kahit anong emosyon sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang mukha ay nanatiling seryoso at malamig, tila ba ang mga salitang binanggit ko ay walang kahit anong bigat sa kaniya."Ang logo?" pormal na tanong niya. Mababa at walang kabuhay-buhay ang kaniyang boses. "Ipinagawa lang 'yan ng may-ari sa isang designer sa syudad bago kami magbukas. Wala akong alam sa disenyo niyan, miss. Panadero lang ako."Napatitig ako sa kaniya. Ang daling lumabas ng mga salitang 'yan sa bibig niya. Kung hindi ko lang siya kilala, baka naniwala na ako. Pero napansin ko kung paano bahagyang gumalaw ang kaniyang panga matapos siyang magsalita. Maliit na detalye, pero sapat na para mas lalong tumibay ang hinala ko. Nagpapanggap lang siya."Ah, ganoon ba?" pilit kong pinanatili ang kaswal kong boses, kahit na nadudurog na naman ang puso ko sa lamig ng pakikitungo niya. "Masyado kasing pulido ang pagkaka-sketch. Akala ko ay gawa ng isang propesyonal na arkitekto.""Ma

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 62

    Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang, kailangan kong lumayo sa bakeshop na iyon. Huminto ako sa tapat ng isang maliit, lumang inn malapit sa terminal ng tricycle. Pagod, puyat, at basag ang puso ko na nag-check in para sa isang gabi.Pagkapasok ko sa maliit na kwarto, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at doon tuluyang humagulgol. Mas masakit pala ito. Mas masakit na makita siyang buhay at maayos ang kalagayan, pero hindi ka naman na kilala.‘Magkakilala ba tayo?’Paulit-ulit na umuusbong ang boses niya sa utak ko. Ano, may amnesia na ba siya? Kung ganoon, paano nangyari 'yun? Naaksidente ba siya habang tumatakas papuntang Malaysia? Pero bakit pakiramdam ko ay siya ang may gawa nung nakita kong logo ng bakeshop? Kung tama nga ang hinala ko, bakit nandoon pa rin ang estilo ng isang arkitekto na nakilala ko?Pagsapit ng gabi, hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa bintana ng inn habang pinapakinggan ang tunog ng mga kuliglig sa la

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 61

    Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang unt-unting umawang ang aking mga labi. Ang mga matang pamilyar na pamilyar sa akin, ang tindig niya, at ang boses na gabi-gabi kong naririnig sa aking mga panaginip, narito siya sa harap ko. Buhay siya!"A-Alistair..." Ang unang salitang lumabas sa labi ko pagkatapos ng isang taon ng pangungulila. Halos pabulong ito, puno ng pag-asa at luha.Ngunit ang kasunod na nangyari ang nagpabagsak sa buong mundo ko.Matapos ang isang mabilis na sulyap, ibinalik din ni Alistair ang tingin niya sa babae. Walang emosyon ang kaniyang mukha. Walang gulat. Walang kahit anong senyales na nakilala niya ako. Para lang siyang tumingin sa isang ordinaryong kostumer na dumaan sa harap ng kaniyang bakeshop. "Eto na 'yung paper bags, Anna," kaswal niyang sabi sa babae habang inilalapag ang tray at iniabot ang mga supot sa babae.Napatulala ako. Pakiramdam ko ay sinaksak ang puso ko ng libu-libong karayom. Ang lalaking pinaglaanan ko ng isang taon ng pag-iyak at pagda

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 60

    "Mindanao?" halos pabulong kong ulit habang nakatitig sa monitor.Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Isang taon. Isang taon akong nangapa sa dilim, nag-aabang sa wala, at umiiyak bago matulog habang iniisip kung buhay pa ba siya o kung nasaan na siya. At ngayon, nasa harap ko ang isang pangalan ng probinsya sa timog."Sigurado ka ba riyan, Gab?" tanong ni Ate Claire, mahigpit ang hawak sa braso ng asawa niya."Oo. Ang account na ito ay nakapangalan sa isang lumang korporasyon ng pamilya na matagal nang sarado," seryosong sagot ni Kuya Gab habang pabilis nang pabilis ang pagpindot niya sa keyboard. "Kami lang ni Alistair ang nakakaalam ng access nito. Noong pumutok ang iskandalo, binalatan niya ang lahat ng ari-arian niya. Pero ang account na ito, mukhang itinira niya para sa ganitong sitwasyon.""Anong eksaktong bayan sa Mindanao, Kuya?" sumingit na ako. Hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko.Tiningnan ako ni Kuya Gab nang may halong pag-aalala. Isang malalim n

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 59

    Pagkatapos ng meeting, parang mabigat na bato ang bawat hakbang ko pabalik sa cubicle ko. Sinalubong ako ni Joaquin ng nag-aalalang tingin, pero umiling lang ako para ipahiwatig na huwag muna kaming mag-usap. Hindi ko kaya. Pakiramdam ko, kapag may nagsalita pa tungkol kay Alistair, tuluyan na akong maiiyak sa harap ng lahat.Inayos ko ang mga files sa laptop ko. Isang folder doon ang may pangalang 'Horizon Project - Lead: Arch. Alistair Montecillo'. Ilang beses kong tinitigan ang pangalan niya bago ko ito i-compress sa isang zip file. Bawat click ko sa mouse ay tila unti-unting pagbura sa presensya niya sa kompanyang ito."Chloe," isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likod ko.Si Architect Valderama. Agad akong tumayo at humarap sa kaniya, pilit na inaayos ang aking emosyon. "Sir Valderama. Hinihanda ko na po 'yung mga files para i-transfer sa inyo."Tumingin si Valderama sa paligid, sinisigurong walang ibang nakikinig sa amin, bago huminga nang malalim. "I'm sorry, Chloe. Ala

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 58

    Hindi naging madali sa akin ang paglipas ng weekend. Bawat oras ay tila taon kung gumapang. Walang text, walang tawag, at walang kahit anong paramdam mula kay Alistair. Literal na naglaho siya na parang bula pagkatapos ng balita sa Singapore. Ang tanging nagpapanatili sa akin sa katinuan ay ang mga yakap ni Ate Claire at ang tahimik ngunit determinadong pagkilos ni Kuya Gab para makipag-ugnayan sa mga awtoridad.Lunes ng umaga. Nakatayo ako sa harap ng salamin habang inaayos ang kwelyo ng aking corporate attire. Mugto ang mga mata ko, kaya idinaan ko na lang sa manipis na makeup para hindi halata. Huminga ako nang malalim. Kailangan kong maging matatag ngayon. Ito ang araw ng emergency meeting sa Vanguard.Pagpasok ko pa lang sa lobby ng kompanya, naramdaman ko na agad ang bigat ng atmospera. Ang mga security guard na madalas ay nakangiti sa akin ay pormal lang na tumango. Pag-akyat ko sa floor ng Architectural Department, tila huminto ang bulungan ng mga staff nang makita ako. Alam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status