Share

Chapter 61

Author: HANIFAH
last update publish date: 2026-05-12 17:46:09

Bago ako turukan ng anesthesia ay ang seryosong mukha ni Gab ang huling nakita ko. After that, everything went black when the anesthesia kicked in.

Pero ang akala kong payapang paggising ko ay sinalubong ng isang tensyong hindi ko inaasahan. Habang unti-unting nagbabalik ang malay ko, ang unang narinig ko ay ang dumadagundong boses ni Gab sa labas ng recovery room.

"I don't care about your protocols, Auntie! It's been hours! Bakit hindi pa siya gumigising?! You said this was a minor procedur
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
ha ha ha,Claire,salamat sa over O A mo na husband,grabe kung magmahal .........
goodnovel comment avatar
LR SBFC
salamat po sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ninong Stranger (TAGALOG STORY)   EPILOGUE

    Ito na ang araw na babago sa buhay ko. Wala na talagang atrasan ‘to! Nandito na ako… ito na…Nakatayo ako sa harap ng salamin sa loob ng holding room ng simbahan, suot ang simple kong white tube wedding gown. Maayos na nakataas ang buhok ko, at natatakpan ng manipis na belo ang mukha ko. Mahaba ang laylayan ng gown na nakalatag sa sahig.Three years.Tatlong taon kong sinubukang buuin ulit ang sarili ko. Akala ko, sapat nang ilibing ko ang nakaraan at magpatuloy sa buhay. Akala ko, kaya ko nang magsimula ulit nang hindi lumilingon.At ngayon na nga ang unang yugto ng panibagong tatahakin kong landas… ikakasal na ako."Napakaganda mo, Chloe!" masayang bati ni Ate Claire nang pumasok siya sa holding room. Hawak niya ang bouquet ng mga puting rosas na gagamitin ko. Lumapit siya para ayusin ang belo ko."Parang kailan lang, ang bata mo pa. Gusto kong umiyak kasi ngayon na ako sinampal ng katotohanan na hindi ka na talaga bata. Pakabait ka sa asawa mo ha! Kung magkakaproblema kayo sa futur

  • Ninong Stranger (TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 71 (LAST CHAPTER)

    BOOK II: Chapter 71Sabado ng gabi. Isang pormal at marangyang hapunan ang inihanda ng mga magulang ko sa loob ng isang pribadong function room ng isang sikat na hotel sa Makati. Isang linggo na lang bago ang araw ng aking kasal, at naging tradisyon na yata sa pamilya namin na magtipon-tipon para sa huling hirit ng seryosong pag-uusap bilang isang buong pamilya bago ako tuluyan at opisyal na lumipat sa bagong yunit ng buhay ko bilang isang asawa. Kasama namin sa mahabang lamesa si Ate Claire at si Kuya Gab, na parehong bakas ang kaunting pagod sa kanilang mga mukha mula sa maghapong pag-aasikaso ng kani-kanilang mga negosyo at mga legal na dokumento para sa pamilya Montecillo.Naging masaya at magaan ang simula ng gabi, punong-puno ng tawanan at mga asaran. Nagpapalitan kami ng kwento tungkol sa mga huling detalye ng isusuot kong belo, ang mga huling adjustments sa pagkain, at ang walang katapusang biro ni Papa tungkol sa kung paano niya ako ihahatid sa altar sa susunod na linggo na

  • Ninong Stranger (TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 70

    ONE WEEK BEFORE THE WEDDING... Isang linggo na lang bago ang kasal. Sa halip na magmukmok sa bahay para mag-asikaso ng mga huling detalye ng reception, pinili kong pumasok sa opisina. Dito ko nailalabas ang lahat ng natitirang kaba sa dibdib ko. Mas gusto kong hawakan ang t-square at tumitig sa monitor ng computer kaysa sa paulit-ulit na pagrerebisa ng seating arrangement ng mga bisita. Negosyo at karera ang naging takbuhan ko sa loob ng mga nagdaang taon. At hindi ako bibitiw doon ngayon."Architect, nandito na po 'yung kinatawan mula sa Green Space Development," wika ng sekretarya ko pagkapasok sa aking cubicle. "Nasa main conference room na po sila para sa pinal na pirmahan ng eco-lounge project natin.""Salamat, Jenny. Susunod na ako," sagot ko habang inaayos ang aking salamin. Kinuha ko ang aking itim na folder na naglalaman ng mga aprubadong blueprint. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng aking sariling architectural firm, hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. Malayo na an

  • Ninong Stranger (TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 69

    Tatlong taon. Tatlong mahabang taon na naman ang ninakaw ng tadhana sa akin. Akala ko noong gabing iyon sa safehouse sa Tagaytay, noong naramdaman ko ang higpit ng yakap niya at ang init ng kaniyang hininga sa aking balikat, ay tapos na ang laro ng taguan. Akala ko, sapat na ang katotohanang malaya na siya para tuluyan na siyang malagay sa tahimik at ipagpatuloy na talaga ang kaniyang Buhay dito. Dito sa lungsod na ito kung saan siya ipinanganak at nakilala bilang mahusay na architect, kung saan niya unang binuo ang kaniyang blueprint. Pero nagkamali ako. Maling mali pala ako. Masyado akong naging kampante sa piraso ng kaligayahan na ipinahiram sa akin noon.Noong nagpaalam siya na babalik lang siya ng Mindanao para ayusin ang mga natitirang gamit niya at magpasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya roon, tumango lang ako nang may ngiti. Kasi inuulit ko, sino nga naman ako para humadlang? Karapatan niyang magpasalamat, lalo na kay Anna at sa mga taong kumalinga sa kaniya noong panah

  • Ninong Stranger (TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 68

    BOOK II: Chapter 68Lumipas ang dalawang linggo na puno ng puyat, kaba, at sunod-sunod na pirmahan ng mga dokumento. Nanatili kami sa safehouse sa Tagaytay habang si Kuya Gab at ang mga abogado ang lumilipad pabalik-balik ng Singapore upang ayusin ang pormal na turnover ng mga testimonya at mga nakalap na ebidensya. Hindi talaga naging madali ang bawat araw dahil kailangan pa ring manatiling mababa ang aming profile upang hindi maunahan ng media o ng mga galamay ng natitirang kalaban ng pamilya Montecillo ang opisyal na prosekusyon ng batas.Isang Biyernes ng hapon, habang abala ako sa pagre-review ng ilang mga disenyo sa aking laptop sa sala, pumasok si Alistair mula sa balkonahe. Nakasuot na siya ng kaniyang pamilyar na pormal na polo, malayo sa simpleng puting t-shirt at apron na nadatnan kong kasuotan niya noong nasa Mindanao siya. Hawak niya ang kaniyang phone, at sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng napakahabang panahon, nakita ko ang isang malaking ngiti na gumuhit sa kaniy

  • Ninong Stranger (TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 67

    Naging mabilis ang mga sumunod na araw pagkatapos ng gabing iyon sa Mindanao. Sumama nga sa akin si Alistair pero hindi naging madali ang pagbabalik namin dahil kinailangan naming maging maingat kahit may ebidensya na. Pormal pa rin kasing dawit ang pangalan niya sa listahan ng mga awtoridad hangga't hindi natatapos ang pormal na turnover ng kaniyang testimonya.Sinalubong kami nina Ate Claire at Kuya Gab sa isang pribadong safehouse ng pamilya sa Tagaytay. Doon muna namin pinatuloy si Alistair habang ang mga abogado ay abala sa pakikipag-ugnayan sa Singaporean Embassy."Mabuti naman at natauhan ka na, pinsan," bungad ni Kuya Gab sabay tapik sa balikat ni Alistair nang magkita sila. "Masyado mong pinahirapan si Chloe. Kung alam mo lang kung ilang gabi 'yang umiiyak sa library ko habang tinitingnan ang mga lumang blueprints mo."Bahagyang sumulyap sa akin si Alistair, may bahid ng paghingi ng paumanhin sa kaniyang mga mata. "I had to do it, Gab. I thought cutting all ties was the only

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status