Share

Chapter 3

Nadagdagan na naman ang mga iniisip ni Andrea kinagabihan dahil sa panibagong suggestion sa kanya ng kaibigan niya na si Gretta. Kung ayaw nga niya na mag-asawa ay puwede naman na magkaroon siya ng anak. May mga pagpipilian siya; mag-adopt o kailangan niya na magkaroon ng sperm donor na puwede na artificial insemination o natural method. Kailangan lang ay pumili ng isa ni Andrea. Gusto rin niya na mag-adopt ng dalawang bata ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niya na magkaroon ng anak na mula talaga sa kanya. May dalawang pagpipilian siya kung gusto niya na magkaroon ng anak na sarili niya ngunit kailangan niya ng sperm donor and it's either artificial insemination or natural method ang kanilang gagawin.

May punto naman ang kaibigan niya na si Gretta na kung artificial insemination ang pipiliin niya ay mapapagastos siya at marami pang proseso ang gagawin kumpara sa natural method na mapapatipid siya at kaunti lang ang proseso na gagawin lalo na kung nagkakatugma sila ng lalaki na napapayag niya na mag-donate ng sperm cells nito in natural method. They'll have sex.

Nalilito si Andrea sa pipiliin niya. Ayaw naman niya na mapagastos siya ng malaking halaga ng pera. Baka nga ay kulangin pa ang savings niya sa bangko kapag nagkataon. Kung natural method ang pipiliin niya ay hindi siya mapapagastos ng bongga. Kailangan lang niya na makipag-sex sa lalaki na mapapayag niya na mag-donate ng sperm cells nito. Nasusuka siya habang iniisip na nakikipag-sex siya sa isang lalaki. Andrea is a virgin and she hasn't experienced yet to have sex with someone before. She has no experience when it comes to sex. Kaya ganoon na lang ang pandidiri niya habang iniisip ang bagay na 'yon.

"Nakapag-decide ka na ba kagabi? Ano ang pinipili mo sa mga pagpipilian na sinabi ko sa 'yo? Handa ko ikaw na tulungan, Andrea," tanong ni Gretta sa kanya kinabukasan.

Ipinikit muna ni Andrea ang kanyang mga mata ng ilang segundo at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga pagkatapos. Dahan-dahan niya na ibinuka ang mga labi upang magsalita sa kaibigan na si Gretta na naghihintay na sa sagot niya.

"Masarap ba makipag-sex?" tanong ni Andrea kay Gretta na ikinalaki ng mga mata nito. Hindi makapaniwala si Gretta na itatanong 'yon ni Andrea sa kanya.

''A-ano? Ano ang tanong mo sa akin? Maaari ko bang marinig muli sa 'yo?" pang-uulit na tanong ni Gretta kay Andrea dahil gusto lang niya na makasigurado na tama talaga ang narinig niya.

Andrea sighed deeply. "Ang tanong ko sa 'yo ay kung masarap ba makipag-sex? Gusto mo ba na palakasin ko pa ang pagkakatanong ko sa 'yo para marinig ng lahat dito sa opisina, ha?" tanong muli ni Andrea kay Gretta na natatawa sa kanya. Malinaw na kay Gretta na 'yon talaga ang tanong ng kaibigan niya na kung masarap ba na makipag-sex. Naalala niya tuloy ang mga sandaling pinagsasaluhan nila ng boyfriend niya ang napakasarap na ligaya.

Mabilis na tumango siya sa harap ni Andrea.

"Oo. Masarap makipag-sex, Andrea. Para lang 'yan nakakain ka ng napakasarap na pagkain, nakakalimutan mo lahat at tanging nais mo lamang ay ang kaligayahan na 'yong nalalasap. Masarap na masarap. Bakit mo ba naitatanong 'yan, ha? Gusto mo na bang makipag-sex, ha?" natatawa na sagot ni Gretta kay Andrea na nakanguso sa kanya.

"Curious lang ako, 'no? Kaya ako nagtatanong sa 'yo ay dahil gusto ko na malaman, eh. Alam mo naman ako na never been kissed and never been touched—"

"And never been fucked by someone," pagtatapos ni Gretta sa sinasabi ni Andrea na tumawa nang malakas kaya tinginan tuloy ang mga katrabaho nila sa kanila. Itinigil muna nila ang pag-uusap at nagkunwaring nagtatrabaho na ngunit nang hindi na sa kanila nakatingin ang mga katrabaho ay pinagpatuloy muli nila ang pag-uusap. Hinihinaan lang nila ang kanilang mga boses para wala silang maistorbo na katrabaho sa loob ng opisina.

"Talaga lang ba, ha? O kaya ay nag-iisip ka na maghahanap ka na lang ng sperm donor at natural method ang gagawin n'yo para tipid sa malaking gastos kapag pinili mo ang artificial insemination? Tama ba ako sa sinasabi ko, Andrea? Would you please tell me the truth now?" tanong ni Gretta sa kanya.

Mahigit limang minuto ang lumipas bago nagsalita si Andrea sa kanya. Nahihiya man siya na aminin ang totoo sa kaibigan na tama nga ito ng sinasabi sa kanya na nag-iisip siya na pipiliin na lang niya ang maghanap ng sperm donor para magkaroon siya ng anak at gagawin nila 'yon in natural method. They'll have sex.

Dahan-dahan na tumango siya sa harap ni Gretta na kagat-kagat ang mga labi.

"Siguro nga ay tama ka sa sinasabi mo na 'yon nga ang iniisip ko kaya naitanong ko 'yon sa 'yo kung masarap nga ang makipag-sex. May mga choices ako na puwedeng pagpipilian sa mga sinabi mo ngunit sa naiisip ko ay 'yon ang pinakamadali na hindi ko kailangan na gumastos ng malaking halaga dahil baka nga kung gagastos ako ng malaking halaga ng pera ay maubos ang savings ko na nasa bangko at baka nga ay kulangin pa ako n'yan, eh," mahinang paliwanag ni Andrea kay Gretta na naging seryoso ang mukha.

"Kung 'yon nga ang pipiliin mo ay desisyon mo 'yan, Andrea. I won't judge you, anyway. Kung ako ang nasa sitwasyon mo n'yan ay 'yan rin ang pipiliin ko dahil mas madali, eh. Hindi ka pa masyadong mapapagastos ng malaking halaga ng pera. Magagastos mo na ang pera na 'yon sa panganganak mo just in case na successful ang ginawa mo, 'di ba? Mas gusto mo ang magkaroon ng anak na galing talaga sa 'yo kaysa mag-adopt na lang kaya hindi kita huhusgahan sa desisyon na 'yan. Instead na husgahan kita, tutulungan na lang kita sa desisyon mo na 'yan, okay? You don't have to worry, Andrea. Nandito ako sa tabi mo. I won't leave you no matter what happens," nakangising sagot ni Gretta kay Andrea at hinawakan ang mga kamay nito.

Muli nilang dalawa pinagpatuloy ang pag-uusap sa bagay na 'yon habang kumakain sila ng lunch sa cafeteria na nasa loob ng kompanya na pinagtatrabauhan nila.

"Sigurado ka na ba talaga d'yan, ha? Iyan na ba talaga ang desisyon mo, Andrea? Gusto ko na marinig mula sa 'yong bibig ang desisyon mo na gagawin, okay? Hindi na ba magbabago ang isip mo? You'll choose the natural method than the artificial insemination, ha? Handa ka na bang makipag-sex, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea na nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga bago sumagot.

"Ayaw ko naman na magpaligoy-ligoy pa sa sagot ko. Alam mo naman na rin kaso nga lang ay gusto mo talagang makasigurado mula sa akin, eh. Kaya ka nagtatanong sa akin, 'di ba? Iyon na ang desisyon ko. Hindi ko na babaguhin 'yon kahit nakakatakot. Bahala na talaga si Batman sa akin. Basta tulungan mo ako at huwag mo akong pababayaan sa gagawin ko na 'to, okay?" pangungumpirma na sagot ni Andrea kay Gretta.

"Oo naman, Andrea. Hindi kita pababayaan at mas lalong hindi kita iiwan, palagi mong tatandaan 'yan. Now I know," sagot ni Gretta kay Andrea na hawak-hawak ang isa niyang kamay at pinipisil-pisil 'yon. "Tutulungan kita. Hahanap tayo na magkaroon ka ng sperm donor. Kailangan maganda ang lahi ng mahanap natin. Kailangan mo rin na ipaalam 'to sa mga magulang mo. Hindi puwede na hindi nila alam 'to na gagawin mo. Kailangan ay alam nila 'to."

Mariing tumango si Andrea sa kanyang kaibigan na si Gretta. Buo na ang desisyon niya na gawin 'yon. Maghahanap siya ng magiging sperm donor para magkaroon siya ng anak, hindi nga lang artificial insemination kundi natural method. Kahit ayaw niya ay 'yon ang mas madali at hindi siya mapapagastos ng malaking halaga ng pera para magkaroon lang ng anak. Kailangan na paghandaan niya 'yon kung saan makikipag-sex siya sa lalaki na mapapayag niya na maging sperm donor niya. Nakakatakot at nakakakaba ngunit kailangan niya na gawin para magkaroon siya ng anak kahit hindi na siya mag-aasawa pa.

Kinagabihan ay kinausap ni Andrea ang kanyang mga magulang tungkol sa plano na gagawin niya. Hindi kaagad sumang-ayon sa kanya ang kanyang mga magulang ngunit nang mapagisip-isip nito ang kahalagahan ng desisyon niya na gawin 'yon ay sumang-ayon rin naman ito sa kanya.

"Kung hindi rin naman po ako mag-aasawa ay 'yon na lang po ang gagawin ko para magkaroon ako ng anak. Sana po ay maintindihan n'yo po ako," wika ni Andrea sa kanyang mga magulang.

"Nauunawaan naman kita sa desisyon mo na 'yan, eh. Basta nandito lang kami sa tabi mo, susuportahan ka namin sa bawat hakbang na gagawin mo basta alam namin na ikauunlad mo ito at para sa ikabubuti mo," sagot ni Roberto sa kanyang anak na si Andrea.

Ngumiti naman si Andrea sa ama niya at nagsalita, "Salamat po, papa. Salamat sa pag-unawa mo sa akin. Sana po ay maging successful po ang gagawin ko na 'to. Kailangan ko po na maghanap ng sperm donor para magkaroon ako ng anak."

"Basta't ikabubuti mo ay mauunawaan namin 'yon. Ipapanalangin namin ng papa mo na maging successful ang lahat at magkaroon ka ng lalaki na magiging sperm donor mo. 'Wag kang mag-alala dahil tutulungan ka namin. Maghahanap rin kami ng papa mo. Tanggap na namin na ayaw mo na talagang mag-asawa. Hindi naman na namin mapipilit ikaw kung ayaw mo, eh. Hindi naman masama ang naging desisyon mo, 'di ba? Kaya doon ka na lang namin ng papa mo susuportahan sa desisyon mo na 'yan, Andrea. Mahal ka namin kaya hindi ka namin pababayaan sa bawat desisyon na gagawin mo. Mahal ka namin!" wika naman ni Merla kay Andrea na anak niya.

"Maraming, maraming salamat po sa inyo ni papa! Maraming salamat po sa 'yo mama!" naluluha na sagot ni Andrea sa kanyang mga magulang. Nagpasalamat siya dahil sa mga sinabi nito na pag-uunawa sa kanya. Nangako rin ito na tutulungan siya sa naging desisyon niya.

"Walang anuman 'yon, Andrea. Nandito lang kami para sa 'yo. Wala ka dapat na ipag-alala. Susuportahan ka namin ng papa mo sa desisyon mo. Mahal ka namin, eh. Lahat naman ng aming ginagawa ay para sa inyo ng mga kapatid mo at lalo na sa 'yo, eh," sabi pa ni Merla sa anak niya.

"Opo. Maraming salamat po sa inyo ni papa. Mahal ko rin po kayo. Maraming salamat po talaga," sagot ni Andrea.

Nawala ang bigat sa dibdib ni Andrea matapos 'yon. Naging magaan na ang kanyang pakiramdam na para bang nabunot ang napakalaking kutsilyo na nakatarak sa kanyang dibdib. Mabilis na niyakap niya nang napakahigpit ang kanyang mga magulang. Niyakap rin siya nito nang napakahigpit pabalik.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status