Share

Chapter 2

"Ba't ka nakabusangot, ha? Biyernes santo ba ngayon, ha? Malayo-layo pa ang Holy week, Andrea. 'Wag kang ganyan. May problema ka ba, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea na kaibigan niya sa opisina. Napansin kasi nito na malungkot siya. Napangiwi si Andrea sa kanyang kaibigan na naghihintay sa isasagot niya.

"Wala akong problema," mahinang sagot ni Andrea kay Gretta. Sa sagot niya na 'yon ay hindi kumbinsido si Gretta sa kanya.

"Talaga ba? E, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang inutangan nang Biyernes santo, eh. Ano ba ang nangyari, ha? Kilala kita, Andrea. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin kaya sabihin mo na ang totoo. Hindi ko naman sasabihin kahit kanino, eh. Kaibigan mo ako, 'di ba?" pangungumbinsi na sagot ni Gretta kay Andrea.

Umupo muna si Andrea sa kanyang upuan. Magkatabi ang desk nilang dalawa ng kaibigan niya na si Gretta kaya nakakapagdaldalan sila sa oras ng trabaho. 'Wag lang talaga sila magpapahuli sa boss nila na nagdadaldalan habang nagtatrabaho dahil talagang lagot silang dalawa. Bumuntong-hininga muna siya at dahan-dahan na ibinuka ang bibig upang magsalita kay Gretta na kaibigan niya.

"Naiinis na kasi ako kay mama, eh," mahinang usal niya sa kaibigan na nakakunot ang malalapad na noo.

"Huh? Bakit ka naman naiinis sa mama mo? Dahil pa ba 'yon sa mga sinasabi niya sa 'yo na—"

"Oo. Iyon nga 'yon, eh. Palagi na lang niya akong sinasabihan na mag-asawa na dahil matanda na ako. Araw-araw 'yon ang naririnig ko mula sa bibig niya. Hindi na siya nagsasawa, eh. Tinatanong pa niya ako kung may balak pa ba akong mag-asawa. Ayaw raw niya akong maging kagaya ng tita Sonia ko na kapatid niya na tumandang dalaga," kuwento ni Andrea sa kanyang kaibigan na si Gretta na natatawa sa kanya.

Gretta gasped loudly and crossed her arms and looked at her frowning face. She could understand what her mother wants for her.

"Nauunawaan ko ang mama mo kung bakit ganoon siya na palagi ka niya na tinatanong at sinasabi 'yon sa 'yo. May punto rin naman siya, eh. Tumatanda ka na rin naman, tumatanda na tayo, 'di ba? Ba't hindi ka na lang kasi mag-asawa, Andrea. Masarap raw ang may asawa. Gusto ko na maranasan natin 'yon. May boyfriend akong tao. Ikaw na lang ang wala, 'di ba? Gusto mo ba hanapan kita ng magiging boyfriend mo na mapapangasawa mo, ha?" sagot ni Gretta kay Andrea na nakanguso pa rin. "Wala namang masama sa sinasabi niya, eh. Ang mga sinasabi ng mga magulang mo sa 'yo lalo na ang mama mo ay para lang naman sa kinabukasan mo. Ayaw niya na tumanda ka na mag-isa sa buhay, Andrea. Iyon dapat ang maintindihan mo sa kanya. Hindi ka naman niya sinasabihan ng ganoon kung makakasama 'yon sa 'yo. Mag-asawa ka na kasi, eh."

Napapakamot tuloy si Andrea sa kanyang ulo matapos sabihin 'yon ng kanyang kaibigan na si Gretta. Wala rin naman na pinagkaiba ang sinasabi nito sa kanya kagaya ng ina niya.

"Saan naman ako kukuha ng mapapangasawang lalaki, ha? Wala nga akong boyfriend, magkakaasawa pa kaya? Sa tingin mo ba ay madali ang bagay na 'yon, ha?!" reklamo ni Andrea sa kanyang kaibigan.

"'Wag kang masyadong negatibo sa mga bagay-bagay, Andrea. You have to think positive. Kung gusto mo magkaroon ng asawa ay magkakaroon ka. Palibhasa ay hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend kaya ka ganyan. 'Wag kang mag-alala dahil tutulungan kita na magkaroon ng boyfriend," nakangising sagot ni Gretta sa kanya.

"Ayaw kong mag-asawa, okay? Ayaw ko maitali sa isang tao habambuhay," protesta ni Andrea sa kanyang kaibigan.

"E, ano ang gusto mo? Gusto mo ba na tumandang dalaga, ha? Iyon ba ang gusto mo? Gusto mo na tumandang mag-isa sa buhay? Ganoon ba, Andrea? Bilang kaibigan mo ay nagmamalasakit lang naman ako dahil ayaw ko na dumating ang panahon na mag-iisa ka sa buhay. Magisip-isip ka mamayang—" mabilis na sagot ni Gretta.

"Huh? Ano'ng pag-iisipan ko, ha?" tanong ni Andrea na nakangiwi. Gretta took a very deep breath.

"Pag-isipan mo kung gusto mo na hanapan kita ng magiging boyfriend mo na magiging asawa mo na rin. I'm always willing to help you, Andrea. Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa 'yo. Ayaw ko na may pagsisisihan ka sa bandang huli, okay? 'Wag ka nang magreklamo pa. I won't listen to your complains. Do you understand me, Andrea?" sabi ni Gretta kay Andrea.

"Ewan ko sa 'yo! Magtrabaho na lang kaya tayo. Ayaw ko na pag-usapan pa 'yan, eh. Naririndi na ako sa mga bagay na 'yan," reklamo pa ni Andrea sa kaibigan niya sabay iwas dito at humarap sa computer na nasa harap niya.

"'Wag kang marindi, Andrea. Pasalamat ka dahil may mga taong nagpapaalala sa 'yo at nagbibigay payo sa dapat mong gawin. You're very lucky, Andrea. Basta mamayang gabi ay pag-isipan mo ang sinabi ko sa 'yo," sambit ni Gretta kay Andrea na nakangiwi habang binubuksan ang kanyang computer para magsimula na magtrabaho.

Pinag-isipan nga ni Andrea ang sinabi sa kanya ng kaibigan niya na si Gretta kinagabihan. Hindi siya sang-ayon sa gusto nito na hanapan siya ng boyfriend na magiging asawa na rin niya. Kung gusto man niya na magkakaroon ng boyfriend ay ang tadhana ang may gawa hindi ang kung sino pa man 'yan kahit kaibigan niya. Nagkikibuan na rin silang dalawa ng kanyang ina na si Merla ngunit hindi na ito nagtanong pa sa kanya kagaya ng madalas nitong tinatanong sa kanya. Nakapagtataka nga lang para kay Andrea ngunit pasalamat na rin siya.

"Kumusta? Napag-isipan mo na ba kagabi 'yong sinabi ko sa 'yo?" tanong ni Gretta kay Andrea kinabukasan.

Huminga muna si Andrea nang malalim na buntong-hininga at saka sumagot sa kaibigan niya.

"Oo,'' maikling sagot niya.

"Ano'ng desisyon mo, ha? Pumapayag ka na ba na hanapan kita ng boyfriend na magiging asawa mo, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea.

Andrea rolled her eyes and sighed deeply.

"Hindi. Hindi ako pumapayag sa 'yo," mabilis na sagot niya. Nanlaki kaagad ang mga mata ni Gretta sa sagot ni Andrea sa kanya.

"Ano?! Bakit hindi ka pumayag, ha? Ayaw mo ba talaga, ha?" usisa pa ni Gretta sa kaibigan.

"Hindi naman sa ayaw ko, eh. Hindi lang talaga ako sang-ayon sa nais mo. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, ang gusto ko ay tadhana ang may gawa hindi kung sino-sino d'yan," sagot ni Andrea.

"Ang arte mo talaga, Andrea. Maghihintay ka pa ba na tadhana ang gumawa, ha? Pero para sa akin, tayo ang gumawa ng mga bagay-bagay sa buhay natin, hindi ang tadhana na 'yan. Nasa atin ang bawat desisyon, eh. Talikuran mo na kasi ang paniniwala na 'yan dahil wala naman 'yan na silbi. Pumayag ka na kasi na hanapan kita ng boyfriend na magiging asawa mo na rin para masaya na ang lahat at lalo na ang mga magulang mo. Ayaw mo na talaga? Kung ayaw mo na talaga na mag-asawa, baka naman magkaroon ng anak ay gawin mo. Puwede ka na mag-adopt kahit dalawa para pagtanda mo ay may kasama ka sa buhay at mag-alaga sa 'yo. Iyon na lang gawin mo kung ayaw mo na talaga mag-asawa. Naririndi na rin ako kakasabi sa 'yo, Andrea. Agree ka ba sa sinabi ko?" wika ni Gretta kay Andrea na biglang napaisip-isip sa sinabi niya.

Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot sa kaibigan niya. Gusto niya ang narinig na suggestion na 'yon mula sa kanyang kaibigan na si Gretta.

"I like your suggestion, Gretta. Kung ayaw ko na talaga na mag-asawa, ba't hindi na lang kaya ako mag-adopt, 'no?" sagot niya kay Gretta.

"Magandang marinig 'yan sa 'yo o kaya ay kung gusto mo talaga na magkaroon ng anak kahit wala kang asawa na mula talaga sa 'yo ay puwede rin naman, eh," suggestion pa ni Gretta kay Andrea.

"Huh? Paano naman 'yon, ha? Gusto mo na magpabuntis ako sa isang lalaki, ha?" nakakunot ang noo na tanong niya sa kanyang kaibigan na si Gretta.

"Parang ganoon na nga pero sa magandang proseso," sagot ni Gretta.

"Paano? Hindi kita maintindihan sa sinasabi mo. You have to explain it very clear, Gretta," reklamo ni Andrea.

"Kailangan mo na maghanap ng sperm donor, Andrea. May dalawang paraan, eh. Kung ayaw mo ng artificial insemination ay puwede na natural method ang gagawin. Kung artificial insemination ang gagawin ay mapapagastos ka at kung natural method naman ay hindi na masyado. Gagastos ka pa rin naman lalo na during donation moments n'yong dalawa ng lalaki na mapapayag mo na magdonate ng kanyang sperm sa 'yo through natural method. Depende pa rin' 'yon sa mapag-uusapan n'yong dalawa. In short, magse-sex kayong dalawa at kapag nalaman mo na buntis ka na nga ay tapos na 'yon, hanggang doon na lang 'yon. Ano ang desisyon mo? Pag-isipan mo, Andrea. Kung ayaw mo na mapagastos ng maraming pera ay doon ka na lang sa natural method," sagot ni Gretta kay Andrea na mas lalong lumaki ang dalawang mga mata sa narinig niya.

"Gusto ko rin naman na mag-adopt pero mas gusto ko rin na magkaroon ng sariling anak na mula talaga sa akin pero—''

"Ano?!"

"Ayaw ko 'yong sinasabi mo na natural method na kailangan makipag-sex ako sa lalaki na napapayag ko na maging sperm donor ko. Hindi ako ready sa bagay na 'yan, Gretta. I'm a virgin and I don't want to give it to anyone," nakangiwi na sagot ni Andrea kay Gretta.

"E, kung ayaw mo ay doon ka sa artificial insemination kaso nga lang ay mapapagastos ka ng malaking halaga ng pera. At kung ayaw mo talaga sa dalawang sinabi ko na puwede mo na pagpilian ay mag-adopt ka na lang," sagot ni Gretta.

"Pero mas gusto ko kung galing talaga sa akin 'yong bata, eh," nakangusong sagot ni Andrea.

"E, kung gusto mo na galing talaga sa 'yo ay mamili ka sa dalawang sinabi ko. It's either artificial insemination or natural method. Iyang dalawa ang pagpipilian mo at wala nang iba pa. Willing ka naman siguro gumastos ng malaking halaga ng pera para sa artificial insemination pero kung ako ang tatanungin ay ang natural method. Hindi sa masasarapan ka pa during intercourse, makakatipid ka na rin sa gastos. Pag-isipan mo muli ang mga sinabi ko sa 'yo, Andrea. Hindi na kita pipilitin pa na magkaroon ng boyfriend na mapapangasawa mo dahil ang suggestion ko na lang ang gawin mo. Wala ka naman ng balak na mag-asawa pa, eh. Magkaroon ka lang ng anak ay matatahimik na ang kaluluwa ko. Hindi ko lang alam ang mga magulang mo at lalo na ang mama mo," sabi pa ni Gretta kay Andrea na napaisip-isip muli.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pacita Gabriel
tama ang kaibigan makipagkaibigan k s mga malay isa doon m fall in love s u how romantic
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status