Share

Chapter 4

Maagang pumasok si Andrea kinabukasan na may ngiti sa mga labi. Akala niya ay wala pa ang kanyang kaibigan na si Gretta ngunit nagulat siya pagkakita rito na nakangiti sa kanya.

"Good morning!" nakangising bati ni Gretta sa kanya na mabilis naman niya na binigyan ng tugon.

"Good morning rin sa 'yo! Himala na maaga ka ngayon na pumasok," sagot ni Andrea sa kaibigan niya na si Gretta na kinunutan tuloy siya ng noo.

"For your information maaga naman akong pumapasok, 'no? Hindi naman ako palaging late kagaya ng iba d'yan na pagaling late," maarteng pagkakasabi ni Gretta sa kaibigan niya na si Andrea. Napatawa tuloy si Andrea sa facial expression ng kaibigan niya.

"May pinaparinggan ka ba, ha? Hindi naman ako palaging late, 'no? Palagi nga akong nauuna na pumasok sa 'yo," nakangiwing sagot ni Andrea.

"I know. Relax ka lang dahil hindi naman ikaw ang pinaparinggan ko, eh," sagot ni Gretta kay Andrea.

"E, sino ang pinaparinggan mo kung hindi ako, ha? May kaaway ka na naman ba?" nagtatakang tanong ni Andrea sa kaibigan na humaba ang nguso.

"Wala. Wala naman akong kaaway, eh," sagot ni Gretta na nakatakas ang dalawang mga kilay.

"Sino kung ganoon? Sino ang pinaparinggan mo? Don't tell me nababaliw ka na naman," sagot ni Andrea na natatawa sa kaibigan.

"Hoy! Hindi ako nababaliw ha! 'Wag mong sabihin 'yan. Enough of this, okay? Kilala mo naman siguro ang pinaparinggan ko," sagot ni Gretta.

"Sino? Sino nga kasi?" Napapakamot tuloy sa ulo si Andrea.

"Kilala mo siya. Kilala mo si Clarissa na suplada! Siya ang pinaparinggan ko at wala nang iba pa!" naiinis na sagot ni Gretta.

Pinaparinggan niya ang katrabaho nila na si Clarissa na palaging inaaway silang dalawa na nasa katabing desk lang nila. Palagi kasi itong late ngunit hindi naman napapagalitan ng kanilang mga boss dahil sa malakas ang kapit nito sa taas. Unfair naman sa kanilang iba na mga empleyado na malate lang ng isang beses ay ipapatawag na ng kanilang mga boss sa opisina nito.

Napangiwi si Andrea pagkasabi ng kaibigan niya sa pangalan ng pinaparinggan nito. "Iyan ka naman sa mga pagpaparinig mo. D'yan na naman magsisimula ang away n'yan. Alam mo hindi ka naman maririnig ng babaeng 'yon dahil wala pa siya. Late na naman 'yon as always. Look, wala pa siya sa desk niya at mamatay pa 'yon papasok na tanghali kapag malapit na ang lunch break," seryosong sagot ni Andrea kay Gretta.

"Huh? Wala pa ba ang bruha? Akala ko ay nandito na kanina. Nakita ko kasi, eh. Baka namamalikmata lang ako o baka ang nakita ko lang ay si Ella Marie na kaibigan niya. Baka nga wala pa ang bruha. I'm sorry. Akala ko kasi nandito na 'yon kaya pinaparinggan ko na," nakangusong pagliwanag ni Gretta kay Andrea na natatawa.

"Ano ka ba? Hindi ka pa nasanay sa babae na 'yon. As expected, late na naman 'yon ngayon papasok. Wala pa siya ngayon. Suntok sa buwan kung makita mo 'yon nang ganitong kaaga sa opisina. Wala pa ang pinaparinggan mo kaya tumigil ka na n'yan," sabi ni Andrea sa kaibigan na nakataas pa rin ang dalawang mga kilay. Mainit kasi ang dugo niya sa babaeng 'yon. Hindi muna nagsalita si Gretta pagkasabi ng kaibigan niya na si Andrea. Hinayaan na muna niya itong ayusin ang mga papeles na nasa desk niya bago nakipag-usap sa kaibigan.

"Nasabi mo na ba sa mga magulang mo ang gagawin natin na paghahanap ng magiging sperm donor mo para magkaroon ka ng anak? Ano'ng sabi nila sa 'yo? Pumayag ba sila sa gagawin mo na 'yon? Hindi ka ba nila pinagalitan, ha?" sunod-sunod na tanong ni Gretta kay Andrea.

Bago sagutin ni Andrea ang mga katanungan na pinupukol sa kanya ng kaibigan niya na si Gretta ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga.

"Oo. Sinabi ko na 'yon sa kanila,'' mahinang pagkakasabi niya.

"O, tapos? Ano'ng sinabi nila sa 'yo? Ano ang naging reaksiyon nila sa sinabi mo, ha? Natuwa ba sila o kaya ay nagalit? Pumayag ba sila sa gagawin mo na 'yon? Naintindihan ka ba nila kung bakit ganoon ang gagawin mo, ha?" tanong pang muli ni Gretta kay Andrea na nagpakawala ulit ng malalim na buntong-hininga.

"Sinabi ko nga sa kanila kagabi ang plano kong gagawi na 'yon. Hindi sila kaagad sumang-ayon pagkasabi ko ngunit napagisip-isip siguro nila na hindi naman masama ang gagawin ko dahil para sa ikabubuti ko naman 'yon kaya ay sumang-ayon na rin silang dalawa. Natapos ang pag-uusap namin kagabi na sinabi nila sa akin na susuportahan nila ako sa desisyon ko na 'yon. Tutal ayaw ko rin naman na mag-asawa kaya mas mabuti na rin 'yon na magkaroon man lang ako ng anak dahil pagtanda ko ay may mag-aasikaso sa akin kapag mahina na ako at hindi na makagalaw, 'di ba? Napagtanto ko rin naman na tama ang mga sinasabi nila, eh. Kahit na may mga kapatid ka, iba pa rin kasi kapag may sarili kang anak," seryosong sagot ni Andrea sa kaibigan niya.

Tumango kaagad si Gretta sa sinabi niya.

"Very good. Masaya ako na sumang-ayon naman sa plano mo na gagawin ang mga magulang mo. Masaya ako para sa 'yo dahil nakahanda silang suportahan ka sa desisyon mo na 'yon. Nakahanda rin naman ako na suportahan ka, eh," masayang sabi ni Gretta kay Andrea.

"Maraming salamat sa 'yo! Tunay ko talaga ikaw na kaibigan, handa kang tumulong sa akin,'' nakangising sagot ni Andrea.

"Of course, yes. Palagi akong handa na tumulong sa 'yo, 'no? Ganoon ang essence ng pagkakaroon ng kaibigan. Masayang-masaya na talaga ako para sa 'yo. Sana ay maging successful ang gagawin mo na 'to. Hindi na kami mamroroblema sa 'yo dahil hindi ka na tatandang mag-isa, magkakaroon ka na ng anak na mag-aalaga sa 'yo pagtanda mo," sabi pa ni Gretta sa kanya na mabilis naman niya na ginawaran ng matamis na ngiti.

"Sa wakas ay matitigil na rin ang mama ko sa pagtatanong sa akin kung kailan ako mag-aasawa dahil alam niya na hindi naman na ako mag-aasawa pa. Rinding-rindi na talaga ako sa mga katanungan na 'yon niya araw-araw. Kung may mauuwian ako ay hindi na ako umuwi sa bahay namin dahil sa ayaw ko na marinig ang mga katanungan na 'yon na nakakarindi pero ngayon ay kailanma'y hindi ko na maririnig 'yon sa kanila at lalo na ang mama ko,'' sabi ni Andrea sa kaibigan na inaalala ang mga sandaling rinding-rindi na siya sa kanyang ina sa pagtatanong kung kailan siya mag-aasawa. Humagalpak ng tawa si Gretta sa sinabi niya.

"Sinabi mo pa. At least ngayon ay hindi mo na maririnig ang mga katanungan na 'yon, 'di ba? Instead na maririnig mo sa kanila ay kailan ka mag-aasawa ngayon ang maririnig mo ay iba na," sabi ni Gretta.

"E, ano na ba? Ano sa tingin mo, ha?" nakakunot ang noo na tanong ni Andrea sa kaibigan.

"Ang maririnig n'yo na ngayon sa kanila ay may nahanap ka na ba na lalaki na magiging sperm donor mo. Iyon ang maririnig mo sa kanila. Baka marindi ka pa sa tanong nila na 'yan," sagot ni Gretta.

Ngumiwi si Andrea. "Sa tingin mo ba ay itatanong 'yon nila sa akin, ha?''

"Oo. Itatanong at itatanong nila 'yon sa 'yo. Kailangan nila ng update sa plano mo na gagawin na maghanap ng lalaki na magiging sperm donor mo para magkaroon ka ng anak. Hindi imposible na hindi nila 'yon itanong sa 'yo. Kaya ay kailangan natin na simulan na ang paghahanap ng lalaki na mapapayag mo na maging sperm donor para magkaroon ka ng anak. Kailangan gumalaw na tayo," sabi ni Gretta sa kaibigan na si Andrea na nakanguso.

"Paano at saan naman tayo maghahanap ng lalaki na mapapayag natin na maging sperm donor ko ha? Napakahirap naman siguro ang maghanap ng lalaki na mapapayag natin, eh," tanong ni Andrea kay Gretta.

Gretta let out a deep sigh before she speaks to her friend. "Hindi ko masabi sa 'yo kung saan tayo maghahanap ng lalaki na mapapayag natin pero alam ko kung paano tayo maghahanap," sagot ni Gretta.

"Paano tayo maghahanap, ha?" tanong ni Andrea sa kaibigan.

"Syempre maghahanap tayo. Iyon ang sagot kung paano tayo maghahanap, 'di ba? Paano ka magkakaroon ng lalaki na mapapayag mo na maging sperm donor kung hindi ka maghahanap? The only thing we can do is maghanap. Iyon ang gagawin natin," sagot ni Gretta kay Andrea na nakanguso pa rin. "Maghahanap tayo, okay? Iyon ang gagawin natin simula sa araw na 'to. Kahit nga mamayang hapon pagkalabas natin sa opisina na 'to ay maghanap na tayo pero hindi ko alam kung saan tayo maghahanap basta maghahanap tayo. Period."

Napakagat-labi si Andrea pagkasabi ni Gretta sa kanya. "Kinakabahan ako sa gagawin natin na paghahanap ng lalaki na mapapayag natin na maging sperm donor," mahinang sabi ni Andrea sa kaibigan na napanguso.

"Bakit ka naman kakabahan, ha? Hindi pa naman kayo magse-sex. Maghahanap pa lang tayo ng lalaki na mapapayag natin na magdonate ng sperm cells sa 'yo para mabuntis ka. 'Wag mo munang isipin ang mga kaba na 'yan dahil hindi naman 'yan importante, eh. Kakaba-kaba ka wala pa nga tayong nahahanap na lalaki, eh. Ang kailangan natin ngayon ay maging masipag sa paghahanap, remember?" sabi ni Gretta kay Andrea na napangiwi muli.

"Oo na! Hindi na ako kakabahan, okay? Maybe you're right. Kailangan natin na sipagan ang paghahanap ng lalaki na mapapayag natin na maging sperm donor ko,'' sabi ni Andrea sa kaibigan.

"Iyon ang dapat natin gawin. Kaya huwag ka nang kabahan, kailangan natin ang magiging masipag. 'Wag ka na rin maging negatibo sa mga bagay."

"Hindi naman ako negatibo sa mga bagay-bagay," reklamo ni Andrea kay Gretta.

"May ugali kang ganyan, nakakalimutan mo na ba, ha? Kaya pinapaalalahanan kita na huwag kang maging negatibo. Kilala kita, Andrea. Hindi madali ang gagawin natin na 'to pero magtiwala ka lang na magkakaroon ka ng lalaki na magiging sperm donor mo. Tiwala't tiyaga lang ang kailangan."

Hindi na nagsalita si Andrea pagkasabi ni Gretta sa kanya. Well, may tama naman ang kaibigan niya sa sinabi nito. May ugali siyang ganoon na pagiging negatibo minsan sa mga bagay-bagay. Hindi naman niya minamasama ang sinabi na 'yon ni Gretta.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status