Share

Chapter 129

Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin umuusad ang mahabang pila ng mga sasakyan sa kalsada. Traffic na naman. Naipit sa mahabang traffic si Andrea patungo sa restaurant na kakainan nila ng dinner ni Martin. Napapamura na lang sa inis si Andrea. Naiinip na siya. Tinatawagan niya rin si Martin ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto lang niya na sabihin dito na naipit siya sa mahabang traffic ngayong gabi. Siguradong-sigurado siya na nandoon na sa restaurant na 'yon si Martin at naghihintay na ito sa kanya. Hindi na siya mapakali.

"Manong, ano po ba'ng nangyayari at parang hindi umuusad ang mga sasakyan?" tanong ni Andrea sa taxi driver na nasakyan niya.

"Ma'am, pasensiya na po kung hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan na nasa unahan natin dahil may bangaan po kasi doon sa unahan natin," sagot ng taxi driver sa kanya. Napatango na lang siya at napabuntong-hininga nang marinig niya ang sinabi na 'yon ng taxi driver. Hindi naman nagreklamo pa si Andrea
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status