Share

Chapter 5

"Nagugutom na ako. Hindi ka pa ba nagugutom, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea pagkalabas nila sa company building na pinagtatrabauhan nila. Gabi na nang makalabas sila kaya dahil sa iba't ibang mga ilaw sa paligid ay hindi gaanong madilim. May tinapos pa kasi silang urgent documents sa opisina.

"Nagugutom na rin ako, eh," mahinang sagot ni Andrea. "Saan mo gusto kumain? Dinner na rin naman na, eh."

Hindi muna sumagot si Gretta sa kaibigan niya. Nag-iisip muna ito ng puwede nila na kainan bago sila umuwi sa kani-kanilang mga bahay. Naisip niya ang bagong bukas na kainan na malapit lang sa pinagtatrabauhan nila.

"Alam ko na kung saan tayo kakain ngayon," nakangising wika niya sa kaibigan na si Andrea na seryosong nakatingin sa kanya.

"Saan ba? May naiisip ka na ba kung saan tayo puwede na kumain ngayon? Iyong mura lang na puwede natin kainan. Mahirap na sa panahon ngayon na gumastos nang gumastos. Mahirap at nakakapagod kumita ng pera lalo na sa panahon ngayon na lahat ng mga bilihin ay nagsisitaasan ang mga presyo. Ano na lang ba ang hindi nagtataas ang presyo, ha? Lahat naman, eh," sabi ni Andrea.

"I agree with you. Lahat ng mga bilihin ngayon ay nagsisitaasan ang mga presyo. Kawawa naman tayong mga mahihirap, kaya kailangan talaga na magtipid sa panahon ngayon. Mahirap at nakakapagod kumita ng pera, sinabi mo pa 'yan," sagot ni Gretta na sumang-ayon naman sa sinabi ng kaibigan. "Doon tayo kakain sa bagong bukas na kainan ngayong gabi na 'to. Mura lang naman doon. Sabi pa nila ay masasarap raw ang mga pagkain na nandoon sa bagong bukas na kainan na 'yon, eh. Gusto mo ba doon, ha?"

"Oo. Gusto ko na subukan na kumain doon ngayon,'' sagot ni Andrea sa kaibigan. "Ano pa'ng hinihintay natin, ha? So, tara na para makauwi kaagad tayo pagkatapos."

"Ah, okay. Good to hear it," sagot ni Gretta na nakangiti at nagsimula na silang maglakad patungo sa bagong bukas na kainan na 'yon na malapit lang naman.

Um-order kaagad sila ng kanilang makakain na dinner sa bagong bukas na kainan na 'yon. Maraming mga customers ang mga kumakain doon.

"Nakakatakam talaga ang mga pagkain dito, 'no? I can't wait na matikam ang order natin lalo na 'yong bulalo na sa tingin ko ay napakasarap," natatakam na wika ni Gretta sa kaibigan niya na si Andrea.

"Same with me. I can't wait na matikam ang mga in-order natin na pagkain," mabilis na sagot ni Andrea kay Gretta.

"In a few minutes ay darating na rin ang order natin na 'yon. Kaunting tiis lang at darating na 'yon. Nakikita mo ba ang nakikita ko, ha?" sabi ni Gretta sa kaibigan sabay turo sa matangkad na lalaking waiter na abala sa pagseserve ng mga order sa mga customers. Tumingin rin naman si Andrea sa lalaki na 'yon.

"Oo. Nakikita ko ngayon dahil itinuro mo. Bakit mo siya itinuro, ha? Kilala mo ba siya?" tanong ni Andrea na nakanguso.

"Hindi. Hindi ko siya kilala," sagot ni Gretta.

"Huh? Hindi mo naman pala kilala ang lalaki na 'yan, eh. Bakit mo naman tinuturo, ha? Gusto mo ba, ha? Hoy, may boyfriend kang babae ka, remember? Bakit ka ganyan?" nakangiwing tanong ni Andrea kay Gretta.

Umasim ang mukha ni Gretta pagkasabi ni Andrea na kaibigan niya. "Ang OA mo, Andrea! Hindi ko gusto ang lalaki na 'yan. Hindi ko siya type at lalong hindi ko ipagpapalit ang boyfriend ko sa kanya. Guwapo at matangkad siya pero mahal na mahalin ko ang boyfriend ko," maarteng pagkakasabi ni Gretta.

"Ganoon naman pala, eh. Bakit mo naman tinuturo ang lalaki na 'yan. 'Wag mo na kasing pansinin, eh. Hindi naman siya importante sa buhay natin at saka nagtatrabaho 'yung tao," reklamo ni Andrea.

Gretta sighed deeply. "Ayaw mo ba sa kanya? Ayaw mo ba na maging sperm donor ang lalaki na 'yan. Guwapo. Matangkad. Malaki ang katawan. Masipag. Mukhang mabait naman siya, tingnan mo," sabi ni Gretta kay Andrea na dahilan upang mapabusangot ang mukha niya. "Perfect ang lalaki na 'yan sa 'yo dahil kapag nagkaroon ka ng anak ay wala kang masasabi. Hindi mo naman kailangan na tumingin sa katayuan ng buhay ng isang lalaki, 'di ba? Ang kailangan mo lang ay ang sperm cells niya. Mahirap o mayamaya basta napapayag mo na maging sperm donor mo ay go ka na, Andrea. 'Wag mo nang pakawalan pa ang lalaki."

"Alam ko naman 'yon pero—"

"Pero ano, ha? Ayaw mo ba sa kanya?" tanong ni Gretta kay Andrea na nakasimangot. Andrea took a deep breath before she speaks to her friend.

"Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, hindi nga tayo sigurado kung gusto niya, eh. Sa tingin mo ba ay papayag 'yan? Mukhang hindi naman, eh. I can feel it, trust me. 'Wag na natin siyang guluhin pa, okay?" mapait na sagot ni Andrea kay Gretta.

Gretta clears her throat before she speaks to her.

"Hindi pa naman tayo sigurado na ayaw nga niya. Nakausap na ba natin, hindi pa naman, 'di ba? So, huwag kang mawalan ng pag-asa. Hangga't may araw pang sumisikat sa silangan tuwing umaga ay may pag-asa. 'Pag lumapit ang lalaki na 'yan mamaya ay kakausapin ko siya," wika ni Gretta kay Andrea na nanlalaki ang dalawang mga mata.

"A-ano? Ano'ng sinabi mo? Kakausapin mo siya kapag lumapit sa atin mamaya?!" singhal ni Andrea sa kaibigan niya.

"Oo," nakangising sagot naman ni Gretta at nakaramdam kaagad ng kaba si Andrea sa planong gagawin na 'yon ng kaibigan niya sa lalaking waiter.

"'Wag mong gagawin 'yon, please. Nakakahiya kung gagawin mo 'yon. Nasa oras ng trabaho siya, hindi mo ba nakikita, ha? Makakasagabal lang tayo sa kanya. 'Wag na lang siya, please. Ibang lalaki na lang," pakiusap ni Andrea kay Gretta.

"Bakit ba ayaw mo, ha? Hindi naman natin tatagalan ang pakikipag-usap sa kanya, eh. Minuto lang naman," sabi pa ni Gretta sa kanya na may kasamang paghirit. Tinaasan tuloy ni Andrea ang kaibigan niya na si Gretta.

"Kahit na, nakakahiya sa kanya na nagtatrabaho siya tapos gagambalain lang natin sa nais natin na gawin. 'Wag na please. 'Wag na lang siya. Matangkad siya. Guwapo. Malaki ang katawan ngunit iba na lang dahil—"

"Dahil ano, ha? Ayaw mo sa kanya? Hindi mo siya type, 'no?" giit pa ni Gretta kay Andrea.

"Hindi naman sa ganoon, eh. Pero huwag na lang siya. Maghahanap na lang tayo ng iba. Mahirap ba na intindihin 'yon, ha?" pakiusap ni Andrea kay Gretta na napilitan na lang na tumango sa kanya ngunit nang lumapit ito sa kanila upang i-serve ang kanilang in-order na pagkain ay hindi naman nito napigilan ang bibig.

Bumulis ang tibok ng puso ni Andrea sa kaba sa ginagawa ng kaibigan niya na akala niya ay hindi na gagawin nito ngunit nagkamali siya.

Nakipagkamayan pa si Gretta sa guwapong waiter na pilit naman na ngiti ang iginanti sa kanya. Hiningi pa nito ang pangalan ng lalaki na kaagad naman binigay nito sa kanila. Ang pangalan ng waiter ay Marlon. Isa siyang single parent na nagtatrabo para sa kanyang minamahal na anak. Wala rin naman siyang mga magulang. Ulilang lubos na rin siya.

"May ibang kailangan po ba kayong iba sa akin?" naghihiyang tanong ni Marlon sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sina Andrea at Gretta sa kanya.

"A, wala naman na, eh. Wala naman na kaming ibang kailangan sa 'yo. Ang guwapo mo kasi, eh,'' nakangising sagot ni Gretta.

"Ah, ganoon po ba? Maraming salamat po kung ganoon," nahihiya pa rin na sagot ni Marlon sa kanila. "O, sige po. Maiwan ko na po kayo. May trabaho pa po ako. Enjoy your food po."

"Okay. Thanks for letting us know your name, Marlon. Nice meeting you tonight," sabi ni Gretta kay Marlon na mabilis naman na tumalikod sa kanila para ipagpatuloy nito ang pagtatrabaho.

Ilang minuto muna ang lumipas bago magsalita ang isa sa kanilang dalawa.

"O, ano na? 'Di ba tama ako sa nararamdaman ko na hindi siya ang lalaki na 'yon. Kaya hindi mo na dapat kinausap pa siya, eh. Hindi siya 'yon, Gretta," seryosong sabi ni Andrea sa kaibigan.

"Wala naman na masama sa ginawa ko, 'di ba? Sinubukan lang naman natin kaso nga lang ay hindi na natin pinagpatuloy pa ang pagtatanong tungkol sa kanya, eh. May anak na kasi siya at sigurado ako na hindi 'yon papayag sa nais natin dahil mas uunahin pa niya ang anak niya kaysa sa 'yo, 'di ba? Wala naman na masama na sumubok. Parte na 'yon sa proseso ng ating paghahanap. Palagi mo 'yan pakatantandaan. Ngayon pa lang ay nakita na natin kung gaano kahirap ang gagawin natin ngunit kailangan lang talaga natin ng sipag at tiyaga. Kailangan na mapagpasensiya tayo at huwag maging mainipin. Naiintindihan mo ba, ha?" paalala ni Gretta kay Andrea na napaismid pagkasabi niya.

"Alam ko naman 'yon, sinabi mo na rin 'yon sa akin, 'di ba? Mahirap talaga ang ginagawa natin na 'to," nakangusong sagot ni Andrea.

"Ayaw mo naman na mag-asawa kaya kailangan na pagtiyagaan na lang natin 'to. Magiging successful rin itong ginagawa natin ngayon, magtiwala lang tayo. Kumain na muna tayo dahil mas kailangan natin ito," nakangising sabi ni Gretta kay Andrea.

"Sinabi mo pa 'yan, kumakain na nga lang tayo. Paano tayo makakahanap ng lalaki na magiging sperm donor ko kung gutom at wala na tayong lakas, 'di ba?" sabi ni Andrea sa kaibigan.

"Very good answer, Andrea," tugon ni Gretta kay Andrea na sumisimsim ng malamig na iced tea.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status