Share

No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman
No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman
Author: Middle Child

1. Misteryosong Lalaki

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-06-06 18:10:32

Isang mamahaling sasakyan ang sumisibad sa madilim at tahimik na kalsada ng isang exclusive subdivision. Parang may hainahabol, pero wala naman. Sa sobrang ingay ng makina, parang sinasadya nitong i-announce sa buong lugar: “Padaan ang mayaman!”

Pagkapasok nito sa isang private cellar ng isang mala-palasyong mansiyon, biglang tumahimik ang lahat. Welcome sa tahanan ng mga Andrade.

Sa isang silid ng mansiyon, naroon ang isang babaeng nakaupo, nakapiring, at halatang hindi pamilyar sa ganitong klaseng drama sa buhay.

Si Roselynn.

“Bakit ba kailangan pang may piring? Akala mo naman horror movie ‘to…” usal niya sa sarili habang pilit nilalabanan ang kaba. “Baka biglang may lalabas diyan na multo o kaya... mas malala—lalaking may balak!”

Huminga siya ng malalim, sabay pep talk sa sarili gaya ng ginagawa ng mga bida sa teleserye.

“Okay Roselynn, kaya mo ‘to. Para ‘to kay Papa. Sakripisyo lang ‘to, konting tiis, konting pikit, tapos sweldo agad!”

Pero bago pa man siya makapag-daydream tungkol sa bayad na matatanggap niya, may lumangitngit—bumukas ang pinto.

At ayun na nga, tumindig lahat ng balahibo niya. “Lord, kung kailan hindi ako nag-shave, tsaka pa talaga mangyayari ‘to…”

Pumasok si Asher Andrade. Tall, dark, mysterious… at mukhang bagong ligo. Ang bango. Parang may sariling soundtrack habang lumalakad. Kung action movie siya, ito na ‘yung slow-mo entrance scene.

Tahimik lang siya habang tinititigan si Roselynn.

Samantalang si Roselynn, gustong-gusto nang sumigaw ng, “Kuya, pwede bang face reveal muna bago anything else?”

“Ma-magandang gabi po...” nauutal niyang bati, na parang estudyanteng tinawag sa recitation pero walang na-review.

Gusto sana niyang magmukhang chill, pero ang tanging nagawa lang niya ay umatras ng kaunti—sapat para ‘di mahalatang nanginginig ang tuhod niya.

“Ito na ‘to… Good bye, Maria Clara mode…” bulong ng utak niya.

Si Asher, on the other hand, mukhang chill lang. Kung may kape lang siya, baka nag-sip pa habang nagsasalita.

“Anong ikinakatakot mo? Wala naman akong gagawing masama sa’yo,” ani Asher, may halong pang-aamo ang boses.

Gusto sanang sumagot ni Roselynn ng:

“Ah ganern? Edi ikaw na! E yung virginity ko? Hindi ba masama yung ipe-prenda natin ngayon gabi?”

Pero hindi niya sinabi. Sa halip, tahimik siyang nakinig—pero sa utak niya, may sariling rally ang kanyang mga thoughts.

Ang problema, na-distract siya. ‘Yung boses ng lalaki… hindi bagay sa isang “late 40s na businessman.” Bakit parang DJ ng love radio? Ang lambing. Parang may sound effect ng "ting!"

“Wag kang mag-alala,” dagdag pa nito. “Wala akong sakit. Malinis ako. Mabango rin ako kahit wala pang cologne.”

“Ay oo nga, amoy imported shampoo ka nga kuya,” bulong ng isip ni Roselynn habang pasimpleng inamoy ang hangin.

Pero bigla niyang naalala kung anong eksena ang paparating. “OMG. Bebembangin na talaga ako ng taong ‘to!”

Pakiramdam niya, para siyang contestant sa game show: “Deal or No Deal? Virginity Edition!”

Hindi pa siya nahahawakan ng kahit na sinong lalaki. Ngayon lang. Sa exclusive, air-conditioned room pa. First time, pero sosyal.

At bago pa man siya makapag-isip ng excuse, narinig niya ang boses ni Asher:

“Halika na. Maaari na tayong magsimula.”

Tumigil ang mundo niya. Sumikip ang dibdib niya. Tila gustong sumigaw ng:

“Direk, pwedeng take two muna? Di pa ako ready!”

Hindi pa siya nahahawakan ng kahit sinong lalaki. Ngayon pa lang iyon mangyayari—at hindi pa siya handa, kahit ilang beses niyang kumbinsihin ang sarili.

Paglapit ng lalaki, agad niyang tinaas ang kamay para pigilan ito. Napaatras siya, bahagya, parang tinamaan ng kuryente sa kaba.

“Wag ka nang umatras,” malamig ngunit kalmado ang tinig ng lalaki. “Ginusto mo naman na malagay sa ganitong sitwasyon. Kailangan mo ng pera, kailangan ko ng anak. Pareho tayong makikinabang dito.”

Oo nga naman. Simple lang sa logic ni kuya.

Pero kahit anong pilit niyang ipaintindi sa utak niya na “this is a business deal,” hindi mapigil ng katawan niyang umatras pa rin. Instinct? Survival? O baka dahil lang natatakot siya sa hindi niya nakikita.

Hanggang sa napikon na ang lalaki. “Ano ka ba? Ang kulit mo ha!” sabay hawak sa kanyang braso at hinila siya palapit.

Bigla siyang napahinto. Okay, okay, game na. Stop na ang drama. Pero kahit pa nagdesisyong huwag nang pumalag, sa isip niya ay siksikan pa rin ang mga tanong.

Kung mayaman ang lalaking ito, bakit kailangang umabot sa ganitong eksena? Bakit hindi na lang siya maghanap ng girlfriend, magpakasal, at bumuo ng pamilya gaya ng normal na tao?

May tinatago ba ito?

Wait… baka naman pangit. As in, ‘yung tipong makakita ka pa lang ng picture, gusto mo nang i-delete ang buong folder.

Baka kaya siya nakapiring. Para hindi siya matauhan.

“Sandali lang!” pigil niya, sabay lagay ng kamay sa dibdib ng lalaki. “May tanong ako.”

Napairap si Asher. Kita kahit hindi niya nakikita. “Ano naman ‘yon? Bilis. Magsalita ka na.”

Unti-unti na nitong tinatanggal ang butones ng kanyang blouse. Ang bilis parang may hinahabol. O may appointment after?

Hindi na siya tumutol. Mukha namang ‘di rin tatanggap ng sagot si kuya kapag nag-no siya.

“Diba dapat IVF ‘to? Bakit biglang gusto mong gawin ‘to the... uh, old-fashioned way? Anong nag-udyok sa’yo?”

Huminto si Asher. Tumayo nang tuwid. Parang may sense of pride sa sagot niya.

“Ayokong magsayang ng kahit ano,” sagot nito. “Sperm ko, eggcell mo, diretso. Mas sigurado. Mas natural. Wala nang test tube, test test, char-char. Ayoko ng komplikado. Okay na?”

Well, at least honest. Diretso. Walang pa-fall.

Hindi na nakaimik si Roselynn. Wala na rin naman siyang lusot. Pero bago pa siya tuluyang lamunin ng kaba, biglang dumampi ang palad ng lalaki sa hubad niyang balat. Napasinghap siya. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa dami ng nararamdaman: hiya, takot, at ang daming “what if” na sabay-sabay nagsisigawan sa utak niya.

Sa panig ni Asher, pinilit niyang maging mahinahon. Kung may natitira pa siyang konsensiya, ito na ‘yon—ang tratuhin nang maayos ang babaeng handang isuko ang pinakaiingatan nitong kayamanan.

Parang halaman na inalagaan sa loob ng maraming taon, at ngayon lang didiligan ng tunay na ulan.

“Kapag masakit, sabihin mo lang,” bulong niya. “Titigil ako... sandali. Pero ipagpapatuloy ko kapag okay ka na.”

At ngayong gabi... isang panibagong yugto ng kanyang buhay ang magsisimula.

Sa isip ni Roselynn:

“Goodbye, Virgin Mary... Hello, Mama!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   111. Pasaring

    "Maldita talaga ang Mildred na yan.." bulong ni Susana kay Helen. "Kahit kailan, hindi na ibinagay sa event ang kanyang outfit.. Feeling ko, ang nais niya palagi ay maging center of attraction.""Baka center of distraction. Mayaman siya, kaya kailangan natin siyang pakisamahan.." ganting bulong ni Helen, "Wag kang mag-alala.. sisiguraduhin nating mauubos niya ang salapi niya dito..""Ang talas kasi ng dila, nakakinis!" gigil subalit puno ng composure na wika ni Susana. "Parang palaging bagong hasa..""Sinabi mo pa.. alam mo naman yan, yumaman lang dahil kay Andong.. sa kasamaang palad, itinuring na lucky charm ng pamilya, lumaki tuloy ang ulo.""True.. hindi kagaya natin na likas ng mayayaman kaya pino kumilos. Ewan ko ba, talagang money can't buy class..""Class picture lang," nagakatawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Helen.Habang nag-uusap sila, lumingon si Susana sa auction stage. Nakita niya si Mildred na abala sa pagbibigay ng mga bid, tila walang pakialam sa ibang tao. Sa

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   110. Event

    SA isang gala nights!Naghanda ng isang auction si Susana. Para na rin maligtas siya sa gulong kinasasangkutan niya. Hinihintay na lang niya ang tawag ng kanyang mga tauhan upang mag update sa kalagayan ng kambal.Kasalukuyan silang nagsasaya ng kanyang mayayamang amiga.Wala sa kanyang hinala, na may aberyang naganap. Hindi siya nagbubukas ng telepono kapag nasa gala, dahil mas priority niya ang makaattract ng mga negosyanteng maaaring makasama sa negosyo.Kapag namatay ang mga anak ni Asher, sigurado siyang masisiraan ng ulo ang lalaki, at ang kanyang biyenan, ay ilalagay niya sa home for the aged hanggang bawian ng buhay.Dahil doon, tanging ang anak niyang si Simon ang may karapatan sa lahat ng kayamanang mayroon ang pamilyang Andrade!Masaya ang buong event hall.. bumabaha ng pagkain, naghahalo ang mamahaling amoy ng perfume at ang amoy ng mamahaling alak.Ang mga bisita ay kanya kanyang umpukan, at yabangan ng mga alahas na nakasabit sa kanilang mga braso at leeg.Maraming nagdo

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   109. Siya ang mommy mo

    “DADDY…” halos sumigaw si Roselle nang makita ang ama. Ang boses niya’y nanginginig, halo ng takot at pananabik. “Bakit po umiiyak si Miss Rosie?” tanong niya sa maliit na boses, habang nakatingin sa sekretarya ng kanyang ama.Lumapit si Asher, tahimik ngunit mabigat ang bawat hakbang, at hinawakan ang maliit na kamay ng anak. “Anak…” ang tinig niya’y puno ng lungkot at pagsisisi. “Anak… siya ang— siya ang mommy mo…”Tumigil si Roselle sa paghinga. Nakatitig siya, parang hindi makatanggap ng katotohanan. Totoo ba? Ang sekretarya ng kanyang daddy… ang babaeng palaging nakangiti, laging mahinahon… siya pala ang mommy niya? Paano nangyari iyon? Bakit hindi niya ito nalaman noon?Hinawakan ni Asher ang kanyang mukha, pinatingkad ang bawat salita. “Walang kasalanan si mommy sa paghihiwalay niyo. Hindi niya alam na nag-eexist kayo… Ako, ako ang nagkamali. Matagal ko na pinagsisisihan, pero hindi ko na nahabol ang lahat. Nakaalis na siya ng bansa noong mga oras na iyon…”Napahinto si Roselle

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   108. Paglayo ni Drake

    HABANG nakahiga sa kama si Roselle, si Roselynn ay nakahawak sa maliliit na kamay ng bata. Nais niya ipadama dito ang init ng kanyang pagmamahal. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng pagkakataong bitawan ang bata.Patuloy ang kanyang pag iyak.Dumating sina Simon, Becky at Drake. Nakita nila ang kaawa awang lagay ng bata."Kumusta daw si Eli?" tanong ni Simon."Tinatahi na ang kanyang sugat." si Asher iyon. "Nabaril siya habang papatakas.""Oh my God!" natutop ni Becky ang kanyang bibig matapos marinig ang sinabing kalagayan ng bata."Matapang talaga si Eli.." huminga ng malalim si Simon, "wag kang mag alala kuya, sisiguraduhin kong mapaparusahan si mommy. Hindi ko kayang tanggapin na maaatim ng kanyang konsensiya na manakit ng mga inosenteng bata.""Salamat naman, Simon, at hindi mo pinapanigan ang mommy mo.." sabi ni Asher."Kuya, ikaw ang nagturo sa akin, na kapag mali, wag nating piliting tuwidin ang naging baluktot. Tama lang na malaman niya, na walang kama kamag anak kapag nagkasala

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   107. Nabaril si Elijah

    Dahan dahan ang takbo ni Eli, na tila may iniinda. Bigla niyang napansin na basa ang kanyang damit. Ng hawakan niya ang kanyang bandang tiyan, at nahawakan ang mainit init na likidong tumutulo mula doon. Hanggang sa tuluyan na siyang mapaluhod.Natakot si Roselle at akmang babalikan ang kapatid, subalit marahas na sumigaw si Eli."Wag kang babalik! tumakas ka na!""Pe- pero--" nagdadalawang isip ang bata kung susundin ang iniuutos ng kapatid."Takbo!!!" may bahid ng galit sa tinig ni Eli, "kahit anong mangyari, wag kang lilingon!"Sinunod ni Roselle ang utos ng kapatid. Pinahid niya ang kanyang mga luha, saka nagmamadaling tumakbo. Ang determinasyong makatakas at makahanap ng tulong ay nag uumapaw sa kanyang puso.Sa pagtawid niya sa mga barb wire na bakod, nasabit ang kanyang binti, at tuluyan na iyong nasugatan. Hindi niya ininda ang sakit. Sa kanyang murang edad, malinaw na ang nasa isip niya, kailangan niyang humingi ng tulong!Isang putok ng baril, at daplis ng hangin ang naramda

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   106.Ang pagtakas

    "Eli.. natatakot ako.." ang tinig ni Roselle ay talagang tinig ng isang batang nawawalan na ng pag asa, "gutom na gutom na ko.. ayaw tayong pakainin ni Lola..""Wag kang kakain ng ibibigay niya.. baka mamaya, lasunin niya lang tayo.." bulong ni Eli, "isa pa, wag kang matakot, hindi kita pababayaan.." niyakap niya ang umiiyak na kapatid.Para sa isang limang taong gulang na bata, si Eli ay mas matured mag isip. Kuhang kuha niya ang ugali ng ama, na parang isang matanda.Ayaw niyang kakaawaan siya ng iba, at ayaw niyang magmukmok lang sa isang tabi at hintayin na lang ang kanyang kamatayan.Para sa kanya, kung hindi ka lalaban at magpapatalo ka na lang, wala kang silbi sa mundo!Iniikot niya ang kanyang mga mata sa paligid, at nakakita ng isang ref.Binuksan niya iyon. Kahit paano, buhay naman pala ang ref, at maraming tubig na selyado pa. Subalit hindi siya nagtangkang kumuha ng isang inumin. Para sa kanya, sa lugar ng isang kaaway, walang safe kainin, o kahit tubig na inumin."Wow! ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status