Home / Romance / Not Your Wife Anymore / 10 - COUPLE'S WATCH BA YAN?

Share

10 - COUPLE'S WATCH BA YAN?

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-09-14 12:35:04

Hinintay muna ni Ingrid na makaakyat si Raven at Maddison sa itaas na bahagi ng bahay at saka nagsalita. 

“Parang galit pa rin yata sa akin si Raven…” sabi ng babae kay Caleb

Muling itinuloy ni Caleb ang paglalagay ng gamot sa mga galos ni Ingrid sa mukha. “Huwag mo siyang intindihin,” malamig na sabi nito.

Malakas ang paniniwala ni Caleb na kahit pa umuwi si Raven sa mga magulang nito ay hindi ito makakatiis na hindi bumalik sa bahay nila. Paniguradong hindi makakatiis ang babae at tiyak na magmamakaawa ito sa kanya para bumalik.

“Hmp! Kasalanan ni Maddison. Si Maddison ang may kasalanan kung bakit hindi kita naipagtanggol, Auntie. Kung hindi niya sana ako hinila kanina….” sabat naman ni Mason.

Palibhasa ay mas malaking

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore   11 - BURN OUT

    Ngumisi si Raven.“Ganun ba? Eh, kung gusto mo talaga nung kuwintas, kunin mo dun sa basurahan,” nang-aasar na sagot ni Raven sa kapatid.“Bakit ka ba nag-iinarte? Makipagbalikan ka na kay Caleb kung makikipagbalikan ka. Huwag mong idamay ang kuwintas!” Lubos na ang pagkainis ni Ingrid. Hindi lang niya gusto ang kuwintas, kung hindi gustong-gusto. Pero paano pa niya isusuot iyon kung galing na sa basurahan?Unti-unting hinubad ni Ingrid ang pekeng kuwintas. Alam niyang hindi magtatagal ay magkakaroon na iyon ng allergic reaction sa balat niya."For your information, my dear sister... hindi ako nagpunta rito para makipagbalikan kay Caleb.” Pagkasabi nun ay

  • Not Your Wife Anymore   10 - COUPLE'S WATCH BA YAN?

    Hinintay muna ni Ingrid na makaakyat si Raven at Maddison sa itaas na bahagi ng bahay at saka nagsalita.“Parang galit pa rin yata sa akin si Raven…” sabi ng babae kay CalebMuling itinuloy ni Caleb ang paglalagay ng gamot sa mga galos ni Ingrid sa mukha. “Huwag mo siyang intindihin,” malamig na sabi nito.Malakas ang paniniwala ni Caleb na kahit pa umuwi si Raven sa mga magulang nito ay hindi ito makakatiis na hindi bumalik sa bahay nila. Paniguradong hindi makakatiis ang babae at tiyak na magmamakaawa ito sa kanya para bumalik.“Hmp! Kasalanan ni Maddison. Si Maddison ang may kasalanan kung bakit hindi kita naipagtanggol, Auntie. Kung hindi niya sana ako hinila kanina….” sabat naman ni Mason.Palibhasa ay mas malaking

  • Not Your Wife Anymore   9 - NANIWALA

    Ipinarada ni Raven ang sasakyan niya sa harapan ng gate ng eskwelahan. Oras na ng uwian ni Maddison. “Mama!” Nakangiting hinalikan ni Raven ang anak pagkasakay nito sa kotse. “Alam mo ba, Mama… nagkagulo kanina sa room namin nung dumating si Auntie Ingrid. Sinaktan siya ng ibang mga nanay doon kanina!” “Ow? Talaga?”Sa totoo lang, inasahan na ni Raven na ganun nga ang mangyayari. Pero kailangan niyang magpanggap sa anak na nabigla siya sa ibinalita nito sa kanya. “Oo, Mama! Dapat nga tutulungan siya ni Mason. Pero hinila ko si Mason palayo roon sa bugbugan. Biro mo, ang payat-payat niya tapos sasali pa siya run?” “Kumusta naman si Ingrid?” “Ayun! May sugat-sugat siya sa mukha saka sa mga braso niya. Mabuti na lang Mama, ang galing ni teacher! Naawat niya ‘yung mga nanay! Tapos pinaalis na niya agad si Auntie Ingrid saka si Mason.” Tumango-tango si Raven, at saka binuhay na ang makina ng sasakyan niya. “Pero alam mo, Mama… naririnig ko nagsasabi ng bad words ‘yung mga nanay ka

  • Not Your Wife Anymore   8 - ANG NANAY NI MASON

    Si Dean Jose Mercader ang tumayong advisor ni Raven sa kolehiyo. Istrikto ito pero alam ni Raven na gusto lang naman nito na maging matagumpay siya sa kursong pinili niya. Nang lihim siyang nagpakasal kay Caleb, sinadya niyang hindi ipaalam iyon kay Dean Jose. Hindi siya huminto sa pag-aaral at desidido siyang tapusin ang kurso. Kahit pa nung i-enroll siya ng biyenan sa mga kurso ng culinary, flower arrangement at appreciation classes, hindi niya pinabayaan ang pag-aaral niya. Pinilit niyang hatiin ang oras niya sa mga kursong nabanggit. Pero ng nabuntis siya at minsang nagkaroon ng spotting, inutusan siya ng biyenan na mag-drop out na sa kolehiyo. Walang magawa si Raven, gusto man niyang mag-aral pa at nanghihinayang dahil halos isang taon na lang ang kailangan niyang bunuin para matapos ang kurso, pero kailangan niyang iprayoridad ang pamilyang binubuo nila noon ni Caleb. Dahil wala namang alam sa totoong sitwasyon niya, hindi nagustuhan ni Dean Jose ang desisyon niyang huminto s

  • Not Your Wife Anymore   7 - ERIS MERCADER

    Nahalata ni Raven ang pagpa-panic sa boses ng guro. Pero kalmado niya itong sinagot. “Teacher Mye, sorry. Pero hindi na ako ang tumatayong nanay ni Mason. Kung ano man ang concern mo ngayon diyan, ang tatay niya ang tawagan mo.”“Hindi na ako makikialam sa kung ano mang problema ni Mason. Si Maddison na lang ang responsibilidad ko,” pahabol pa ni Raven.[“Ha?”] Hindi malinaw kung nabigla o naguguluhan ang guro sa mga sinabi ni Raven sa kanya. [“Pero, Mrs. Go. Ikaw daw ang nagbigay nung mga candy na iyon kay Mason, kaya nararapat lang na pumunta ka rito ngayon. Mabuti na lang at naagapan namin ang mga bata, kung hindi, baka kung ano pa ang nangyari sa kanilang lahat!”]Narinig ni Raven ang tila sabay-sabay na mga boses na nagsasalita sa background ng kausap. May ilan pa ngang tila galit at pasigaw ang pagsasalita. [“Naririto lahat ang mga magulang ng mga bata. Ini-insist nila na pumunta ka ngayon din dito, Mrs. Go. Please po, pakiayos n’yo po ito. Ngayon din.”]“Teacher Mye, si Mrs

  • Not Your Wife Anymore   6 - CANDIES

    Kasalukuyang nasa meeting si Caleb ng mag-vibrate ang telepono niya. Raven calling…Napaismid si Caleb ng nakita ang pangalan ni Raven sa screen ng telepono niya. Hindi siya nagkamali ng hula.Kinansela niya ang tawag ni Raven. Sa totoo lang, pangatlong beses na pagtawag na ni Raven iyon at sa tuwing tatawag ito ay kinakansela niya ang tawag. Alam na alam naman ni Raven ang patakaran niya. Hindi siya pwedeng tawagan kapag oras ng trabaho niya. Pero nakalipas lang ang ilang minuto ay muling tumawag si Raven. Sa halip na mainis sa asawa dahil sa pagsira sa patakaran niya, nakangising dinampot ni Caleb ang telepono niya para sagutin ang tawag nito. “Kumain na ako ng lunch, huwag ka ng mag-abalang magdala ng lunch ko,” may pagyayabang sa boses na sabi ni Caleb sa kausap.Napahinto sa pagsasalita ang manager na kasalukuyang nagbibigay ng report niya. Ang ibang naroroon sa meeting ay hindi napigilang mapalingon sa gawi ni Caleb ng bigla itong nagsalita ng pagalit. Ang iba ay hinulaan pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status