Share

172 - CUPCAKE

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-12-15 12:40:15

Tanghali. Magkasamang kumain sina Raven at Eris. Dinala siya ng lalaki sa isang Italian restaurant.

Habang nakayuko si Eris at nakatingin sa menu, napatingin si Raven at nakita si Caleb kasama ang isang batang babae na nakaupo sa di-kalayuan. Kahit wala namang ginagawa si Caleb, ang makita lang niya ito na nakaupo roon ay nakakapagparamdam na ng pagkahilo kay Raven.

“Raven, ano ang gusto mong kainin?”

Narinig niya ang malinaw na tinig ni Eris. Agad na iniwas ni Raven ang kanyang tingin kay Caleb.

Nagtaka naman si Eris, at itinaas ang isang kilay.

“Akala ko ba gusto mo rito? O nagbago na agad ang isip mo?”

Gusto sanang kunin ni Raven ang table napkin upang takpan ang kanyang mukha, pero nag-aatubili naman siyang gawin iyon. Magmumukha lang siyang tanga.

“Nakita ko si Caleb!”

Natigilan si Eris.

“Sorry. Kasalanan ko, mali ang napili kong restaurant. Gusto mo bang magpalit tayo ng upuan?”

Nakatago kasi ang puwesto ng upuan ni Eris likod ng screen, kaya hindi siya nakikita ni Caleb mula s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore   175 - SINO ANG MAS GUWAPO?

    Nakatuon si Raven sa pagtulong kay Eris na tanggalin ang mga butones ng kanyang polo. Dahil nababalutan ng liquid soap, mahirap itong alisin. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Caleb, nagpatuloy lang siya sa ginagawa.Bahagyang tumagilid ang ulo ni Eris, puno ng pang-iinis ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Caleb.“Ano bang masama kung tinutulungan ako ng girlfriend ko na hubarin ang polo ko?”Binigyang-diin pa ni Eris ang salitang girlfriend.Biglang naningkit ang mga mata ni Caleb, daig pa niya ang sinampal sa narinig.“Alam mo ba ang sinasabi mo?” tanong ni Caleb sabay pagak na tumawa. “Raven, gaano lang ba katagal mula nang maghiwalay tayo?”Sumagot si Raven pero ni hindi man lang tumingin kay Caleb.“Kailangan ko bang magluksa muna para sa iyo?”Matapos tuluyang mabuksan ang polo, ayaw niyang madumihan pa si Eris, kaya si Raven na rin mismo ang naghubad nito sa lalaki.Maganda ang pangangatawan ni Eris, hindi sobrang maskulado, ngunit may manipis at malinaw na hubog ng kal

  • Not Your Wife Anymore    174 - CROSSING THE LINE

    Para bang tinamaan ng kidlat si Caleb. Hindi siya dapat nahulog sa bitag ni Eris. Pero nang ipinagtanggol ni Raven ang lalaki, para bang may matalim na tumusok sa kanyang dibdib.Tumingin si Eris kay Raven habang may tahimik na ngiti sa kanyang mga labi.Alam naman ni Raven na sinadyang galitin ni Eris si Caleb. Pero gusto niyang ipakita kay Caleb na wala na siyang pakialam pa sa damdamin at sa mararamdaman pa ni Caleb.Samantalang para kay Eris, ang pakiramdam naman ng pinapaboran ay napakasarap. Muli siyang tumingin kay Caleb, puno ng lantad na pang-iinsulto ang kanyang mga mata.Masuyong hinatak ni Eris si Raven at saka inilagay sa likuran niya ang babae para protektahan ito. “Baka ihagis niya rin sa iyo ang liquid soap.”Uminit lalo ang ulo ni Caleb; hindi pa siya kailanman natrato nang ganito sa mundo ng negosyo. Bukod pa rito, nasa men's restroom sila. Walang security camera, at hindi niya mapapatunayan ang kanyang sarili kay Raven.“Caleb Go, alam ko ang sa ugali mo, kahit pat

  • Not Your Wife Anymore   173 - ANO ANG KASALANAN?

    Nakita ni Caleb ang mga larawan ni Eris. Merong habang nakahiga siya sa bathtub at nakataas ang damit. May iba pang mga larawan na kuha si Eris. Basa ang buhok niya, may mga patak ng tubig sa mukha, at sa manipis niyang mga labi. Aminado si Caleb, nakamit ni Eris ang nakakaakit ngunit hindi malaswang anyo.Parang biglang isang kumukulong takure ang ulo ni Caleb, bumubuga ng mainit na singaw. Pero si Eris ay may kaswal pa ring ekspresyon.“Oo, sobrang pink ano? Kasing pink ba nung sa akin ‘yung sa ‘yo?”Biglang lumaki ang mga mata ni Caleb. Pinigil niya ang likas na pagnanasang tingnan uli ang telepono ni Eris. Pink ba talaga o hindi?Biglang tumalim ang tingin ni Caleb kay Eris, ngunit malamig na tumingin si Eris sa kanyang dibdib. Kinabahan si Caleb, at biglang namutla ang mukha.Ngumisi si Eris nang may tagumpay, na para bang nanalo siya sa isang paligsahan!Nanikip ang lalamunan ni Caleb; ayaw niyang umamin ng pagkatalo sa labanang ito.Umubo siya, nag-ipon ng lakas, at saka sumago

  • Not Your Wife Anymore   172 - CUPCAKE

    Tanghali. Magkasamang kumain sina Raven at Eris. Dinala siya ng lalaki sa isang Italian restaurant.Habang nakayuko si Eris at nakatingin sa menu, napatingin si Raven at nakita si Caleb kasama ang isang batang babae na nakaupo sa di-kalayuan. Kahit wala namang ginagawa si Caleb, ang makita lang niya ito na nakaupo roon ay nakakapagparamdam na ng pagkahilo kay Raven.“Raven, ano ang gusto mong kainin?”Narinig niya ang malinaw na tinig ni Eris. Agad na iniwas ni Raven ang kanyang tingin kay Caleb.Nagtaka naman si Eris, at itinaas ang isang kilay. “Akala ko ba gusto mo rito? O nagbago na agad ang isip mo?”Gusto sanang kunin ni Raven ang table napkin upang takpan ang kanyang mukha, pero nag-aatubili naman siyang gawin iyon. Magmumukha lang siyang tanga.“Nakita ko si Caleb!”Natigilan si Eris.“Sorry. Kasalanan ko, mali ang napili kong restaurant. Gusto mo bang magpalit tayo ng upuan?”Nakatago kasi ang puwesto ng upuan ni Eris likod ng screen, kaya hindi siya nakikita ni Caleb mula s

  • Not Your Wife Anymore   171 - ANG RECORDING

    Isang nakaposas na Ingrid ang humarap kay Caleb.Napansin ni Ingrid ang perpektong pagkaka-plantsa ng kwelyo ng polo ng lalaki, at ang madilim na patterned tie ay akmang-akma sa kanyang custom-made suit.Nakaharap si Caleb kay Ingrid. Malamig ang tingin nito at walang emosyon ang mukha.“Gising na si Mason,” mayamaya ay sabi ni Caleb.Naglaan ng malaking halaga ang pamilya Go para sa buhay ni Mason sa pagkakataong ito.Nakipagsanib ang Go Prime Holdings at ang First Hospital upang bumuo ng expert team overnight para gamutin ang kondisyon ni Mason, at nag-imbita pa ng mga nangungunang international surgeon.Matapos magkamalay si Mason, agad na nagsimula ang rehabilitation team upang tulungan siyang makabalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.Nang narinig ang balitang ito, desperadong gustong lumapit ni Ingrid kay Caleb. Pero nakakahiya ang itsura niya. Mukha siyang gusgusin at walang ayos.“Gising na si Mason, ibig bang sabihin hindi na ako makukulong? Caleb, kailan mo

  • Not Your Wife Anymore   170 - GIRLFRIEND

    Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang huminto sa harap ng gusali ng Santana Technology ang isang magara at custom-made na sasakyan.Bumukas ang pinto, at unang lumabas ang mahahaba at makikinis na mga binti. Ang makintab na leather shoes na may tatlong pulgada ang heels ay dahan-dahang tumama sa marmol na sahig.Lumabas din si Eris mula sa kotse, nakasuot siya ng dark gray na terno na perpektong-perpekto ang sukat sa kanyang matipunong pangangatawan. Paglingon niya, iniabot ni Raven ang kanyang kamay.“Girlfriend, let’s go?”Ngumiti si Raven, tapos ay magkasabay silang pumasok sa gusali kasama ang pinuno ng acquisition project ng Lurara Corporation, pati na rin ang mga tauhan nito mula sa auditing at finance.Dumiretso si Raven at Eris sa elevator. Dalawang beses na siyang nakapunta sa kumpanya nila kaya pamilyar na siya sa layout nito.“Hoy!”Nagmamadaling lumapit sa kanila ang receptionist. Hirap na hirap ito sa paglakad nang mabilis dahil sa suot nitong high heels.“Bakit ka pumipind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status