MasukNapansin ni Raven ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Maddison kaya napatingin siya sa screen at nakita nga niya na nakapatay iyon. Akmang lalakad na siya para puntahan ang technical committee sa gilid ng stage pero may humarang sa kanya, ang kanyang biyenang babae.
“Mrs. Go… / Mama!” halos sabay na pagtawag nila Raven at Ingrid.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Barbara Go kay Raven.
“Irereklamo ko lang po ‘yung TV, namatay. Nagpi-presenta na po si Maddison, eh.”
“No need. Ako ang nagpapatay ng TV,” sagot ni Barbara.
Nagulat si Raven sa narinig. “Po? Bakit?”
Tumaas ang isang kilay ni Barbara Go. “
“Simula ngayon, walang sinuman ang dapat magsuot ng mga high heels na ganyan sa harapan ko!”“Ayaw mo sa mga high heels na ganito?” bulong ni Ingrid. Nang bigla siyang may naalala. Ang video na ipinadala sa kanya ni Raven. “Dahil ba may suot na ganyan si Raven?”Napaisip si Ingrid. Paano nga ba nagustuhan ni Caleb ang isang babaeng probinsyana na si Raven? Tiyak naman niya na madidismaya at mandidiri siy Caleb sa ganung babae!Pinakalma ni Ingrid ang boses niya at saka masuyong sinagot si Caleb. “Pinapahubad mo sa akin ang high heels, ano ang isusuot ko pauwi? Caleb! Hindi mo naman siguro ako hahayaang maglakad ng nakapaa, hindi ba?!”Nag-utos si Caleb sa mga tao sa tabi niya. “Hanapan n’yo nga siya ng pares ng tsinelas.”Agad namang nagreklamo si Ingrid sa narinig. “Bakit mo ako pinapasuot ng tsinelas?! Nawala ang sapatos ko! Kailangan mo akong bilhan ng kapalit!”Nagtawanan ang mga binata mula sa mayayamang pamilya. “Ang malalaki mong paa ay bagay lang sa tsinelas, Ingrid! Bilisan
Kinagabihan, sa isang pribadong silid sa isang private club.Nakaupo si Caleb sa sofa, nakabuka ang mga binti, at ibinagsak ang basong kakainom lang sa mesa.“Salinan n’yo pa ng alak ang baso ko!” utos niya. Kinuha naman ng isang kaibigan niya ang bote ng whiskey at nagbuhos ng kalahating baso.“Caleb, naubos mo na ang buong bote ng whiskey!”May isang naglakas-loob na nagtanong. “Ano’ng nangyari sa iyo? Heartbroken ka ba?”Itinaas ni Caleb ang ulo at ininom ang whiskey ng isang lagok. Gumalaw ang kanyang matalas na Adam’s apple. Nang ibaba niya ang baso, ang kanyang madidilim na mata ay malalim at may bahid ng lungkot.Ngumisi si Caleb, “Heartbroken? Ako, heartbroken?”May isang nagkomento, “Ang huling beses na uminom ka ng ganito karami ay noong araw ng iyong pakikipaghiwalay,"Bago pa matapos magsalita ang taong iyon ay may isa roon na pasimpleng tumapik sa kanya.Ang salitang iyon ay bawal banggitin kay Caleb. Ang sinumang bumanggit nito ay makakatanggap ng malamig na pagtrato mu
Nagulat din si Barbara. Karaniwang hindi man lang binabanggit ni Caleb ang pangalang iyon.“Caleb, nakita mo ba si Raven nito lang?”Bahagyang naging hindi natural ang ekspresyon ni Caleb. Kahit sa harap ng kanyang ina, nanatili siyang malamig at malayo ang loob.“Hindi.”Naramdaman din ni Barbara na imposibleng magkaroon pa ng anumang kaugnayan ang kanyang anak kay Raven.“Nakinabang pa siya sa nangyari, naging acting president pa siya ng Santana Technology!” pagtutuloy ni Barbara.Halata ang pang-uuyam sa tono ng matandang ginang; hindi niya sinasang-ayunan ang pagiging acting president ni Raven.“Ni hindi nga niya kayang pamahalaan ng maayos ang mga gawaing-bahay dito sa pamilya natin, tapos magtatangka pa siyang pamunuan ang isang kumpanya? Hah!”Hindi napigilan ni Barbara ang mapatawa nang malakas, hindi tuloy niya napansin ang pagkunot ng noo ni Caleb.“Tutal, ibebenta rin ang Santana Technology, hayaan mo na siyang maging presidente ng ilang araw at magpakasaya.”Ramdam ni Cale
Naguluhan si Celia sa tanong ni Caleb. “Sir, nag-business trip po kayo, di ba?”Si Caleb naman ang nabigla. Nag-ipon ng malamig na aura sa kanyang mukha.“Sino ang nagsabi sa iyo na nag-business trip ako?”Ang tanong ni Caleb ay nagdulot ng kakaibang kaba kay Celia.“Ha? Ang natanggap kong abiso ay nag-business trip kayo nitong mga araw.”Ngayon ay naunawaan na ni Caleb. Ito ay tiyak na palusot na ginawa ni Elcid para sa kanya.Sa loob ng pitong araw na siya’y nakakulong, walang nakapansin sa pamilya Go na siya ay nawala. Ang akala ng lahat ay nasa business trip siya.Tumalikod na si Caleb at pumasok na sa kanyang study room. Binuksan niya ang surveillane footage mula sa harapang gate at nakita na madaling-araw kagabi, inalalayan siyang bumaba ng sasakyan ni Uncle Li.Sinalubong siya nina Celia at ng ibang mga katulong, ngunit wala silang napansin na kakaiba kay Caleb.Lubos na lasing si Caleb, pero alam niyang hindi maaaring manghimasok si Celia sa mga gawain ng kanyang amo.Pagkatap
“May lagnat si Sir Caleb.”“Binigyan mo na ba siya ng gamot?” malamig ang tinig na tanong ni Raven.Sumagot ang bodyguard. “Ayaw niyang inumin. Pinilit namin, pero kinagat niya ang kamay ng isang kasamahan namin.”Idinagdag pa ng bodyguard. “Paulit-ulit siyang humihiling na makita ka.”Maliban sa pagdala ng pagkain nung isang araw matapos niyang ikulong si Caleb, hindi na muling nakita ni Raven ang lalaki. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang lalaki.“Dinadalhan namin siya ng pagkain nitong mga nakaraang araw, ngunit hindi siya kumakain. Paulit-ulit niyang hinahanap ang lugaw na dinala mo noon, Mam.”Napamura si Raven sa isip niya.“Gumaling na ba ang mga sugat niya?”“Yes, Mam.”“Wala nang bakas?” pagkumpirma ni Raven.“Opo, kahit gamitan pa ng medikal na pamamaraan, mahirap ng makita ang anumang bakas ng sugat sa kanyang katawan.”Sa mga nakaraang araw, upang mabilis na gumaling ang mga sugat ni Caleb, ipinag-utos ni Raven na luwagan ang posas sa kanyang mga pulso.Noong una, na
Samantala, sa presidential suite ng isang five-star hotel, nakasandal si Annabel sa leather sofa. Isang lalaking walang suot na pang-itaas ang nakaluhod sa harapan niya.Ipinatong ni Annabel ang kanyang mga paa sa hita ng lalaki, at ang matipunong lalaki ay yumuko. Gamit ang nail file, nagsimula na siyang asikasuhin ang kuko ng babae.Nakaramdam ng antok si Annabel. Hanggang sa isang tunog mula sa kanyang bluetooth earpiece ang nagpagising sa kanya.“Si Raven na ba ang kumikilos bilang presidente ng Santana Technology?”May sumagot sa earpiece. [“Oo, inaprubahan ng mga shareholder ang desisyong iyon. Pero acting president lang. Kapag humupa na ang gulo, babalik si Noel.”]Bahagyang hinaplos ni Annabel ang kanyang pisngi, at ngumisi ng mapanukso.“Hah! Umaasa pa si Noel na makakabalik pa siya?”Kapag nawala na ang epekto ng iskandalo kay Noel, tiyak na nabili na ang Santana Technology.["Kung gusto ni Noel na maibalik sa posisyon, anong uri ng pagbabalik iyon? Wala siyang paraan upang







