Agad na tinakpan ni Ingrid ang bibig ni Mason.
“Mason! Tumahimik ka! Ano ba’ng saysay ng paghahanap mo sa nanay mo? Kaya ba niyang magikin na maging first place ka ngayon? Hindi naman, di ba?”
Sasagot sana si Mason nang bigla siyang napatingin sa stage. Nakita niya ang kakambal na si Maddison, na nasa gilid ng stage para susunod na magpi-presenta ng proyekto niya. Nagkaroon ng pagkakataon si Mason na mapagmasdan ang proyekto ni Maddison, at hindi niya maalis na hindi mainggit sa ganda nun.
“Si Maddison na ngayon ang tinutulungan ni Mama. Si Maddison na ngayon ang magiging first place na lagi-lagi, hindi na ako!” pagmamaktol ni Mason.
Nilingon ni Ingrid ang tinitingnan ni Mason. Nakita niya ang pamangkin na si Maddison na st
Ang mga telepono sa opisina ng National Math Olympiad ay walang tigil sa kakaatunog mula ng lumabas ang anunsiyo ng ranking. Idagdag pa ang naging usapin tungkol sa diumano ay pandaraya ni Raven at Jose. Dahil dito, nagpatawag ng emergency meeting ang committee. Bumuo na rin sila ng grupo na nag-imbestiga kay Raven. At wala silang nakitang pandaraya sa parte ng babae. “Bukas na bukas din, ilalabas natin ang surveillance video ni Raven Santana habang sumasagot sa exam para matigil na ang mga maling balita tungkol kay Raven, Jose Mercader, lalo na sa ating organisasyon,” pahayag ng presidente ng National Math Olympiad.NAKATANGGAP rin ng tawag si Raven mula sa babaeng reporter ng ABS TV. [“Ms. Raven, alam mo bang nasa hot search ang pangalan mo ngayon?”]“Oo, alam ko.”[“So, totoo ba na sa bahay ni Jose Mercader ka sumagot ng exam para sa olympiad?’]“Oo, totoo.”[“Pero ang sinasabi ng mga tao ay nandaya daw kayong dalawa ni Mr. Mercader.”]“Ano ba ang ebidensya nila na nandaya ako?
Itinaas ng nasa unahang pulis ang tsapa niya at saka nagsalita. “Mam, kailangan n’yo pong sumama sa amin sa presinto. May mga katanungan lang kami. Idinadamay ka ni Mrs. Anita de Villa na kasangkot ka niya sa corruption and bribery sa Northford School.”SA opisina ni Caleb. Tahimik na nakaupo ang lalaki sa swivel chair niya habang nakapikit. Ang daming gumugulo sa isip niya. Nakabinbin ang alok ng ilang investor na magpondo. Nagbabanta ang ilang investor na mag-pull out. Dismayado sa kanya ang mga shareholder. At iyon ay dahil kay Raven. Hindi alam ni Caleb kung ano ang sasabihin niya sa mga taong iyon. Kung muling makapasa at masama sa Top 20 si Raven, sa tingin ni Caleb ay kailangan na niyang suyuin ang babae para sa ikatatahimik ng mga shareholder at investor ng Go Prime Holdings. Nagdilat ng mga mata si Caleb at saka humugot ng malalim na hininga. Dinampot niya ang telepono niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa niya. Gusto niyang malibang kaya binuksan niya ang group chat nila ng
“Preliminary lang ‘yun. There’s no reason to celebrate. Malamang na malalamangan na siya ng mga kalaban niya sa finals. Iyon ang mali niya. Ibinuhos na niya agad lahat sa umpisa.”Nagtatakang nagkatinginan ang mga naroroon pero hindi sila nagpahalata sa harap ni Caleb. “Wait, nai-save ko ang interview sa kanya kanina ng ABS TV. Iko-connect ko sa screen, sabay-sabay nating panoorin,” suhestiyon ng isa. “I-connect mo na rin ang audio para dinig na dinig nating lahat ang interview,” suhestiyon pa ng isa.“Okay, okay!”Ibinuka ni Caleb ang mga labi niya. Gusto niya sanang pahintuin ang gusto nilang panonood sa interview, pero nag-aalangan din siya. Natatakot siya sa maaari niyang mapanood at marinig sa interview. Pero ano nga ba ang ikinatatakot niya? Ang dahilan naman ng pagsali ni Raven sa Math Olympiad ay para may mapatunayan sa kanya. Marami ng sumali at nasa Top 20 ng Math Olympiad ang nasa kumpanya na nila. Hindi nila pinapalagpas ang mga katangi-tanging mga indibidwal na galing
“Kilala ko ‘yan!” sigaw ng isa sa mga empleyadong naroon, “hindi ko malilimutan ang pangalan na ‘yan.”Ang nagsalita ay si Donald, ang head ng Internal Audit Department. Naglingunan sa kanya ang lahat ng naroroon sa loob ng elevator. “Personal mo siyang kilala?” “Hindi naman, pero matunog na matunog ang pangalan niya sa San Clemente Science & Technology kung saan din ako nag-aaral. Ahead siya sa akin ng ilang taon sa SCST.” “Ahead? Pero mas bata siya sa iyo,” protesta ng isa. “Yes. Paano kasi pumasok siya sa SCST nung twelve years old lang siya. Accelerated kasi siya.” “Meaning, ganun siya kagaling!” sabi ng isa.“Nung nasa SCST pa siya, lagi siyang sumasali sa International Math Olympiad. Kung hindi ako nagkakamali, 16 years old siya nung nanalo ng first place sa limang subject. Math, Physics, Chemistry, Biology at Information Science. Kaya hindi ko siya pwedeng malimutan.”“Wow….”“Maraming nag-offer sa kanya nun na mga sikat na mga unibersidad mula sa ibat ibang panig ng mundo
Nakangiti ang lalaki ng kinawayan nito si Raven, kaya walang nagawa si Raven kung hindi ang lumapit sa sasakyan ng dating guro. “Salamat po, Sir Nilo,” nahihiyang sabi ni Raven. “Nabalitaan ko na ikaw ang nakakuha ng unang puwesto sa ranking ng National Math Olympiad.”“Prelims pa lang po iyon, meron pa pong finals,” nahihiyang sagot ni Raven.“Congrats pa rin. Masaya ako para sa ‘yo, Raven. Dahil nakikita ko na gusto mo pang may marating at hindi maging maybahay na lang habambuhay.”Nahihiyang tumango-tango si Raven kay Nilo habang nakangiti. Binalingan ni Nilo ang mga reporter na nakamasid sa kanila. “Kung gusto ninyong mas lalo pang makilala si Raven Santana, pwede n’yo akong interview-hin. Dati niya akong guro sa San Clemente Science & Technology.”Natuwa ang mga reporter. Ika nga, hitting two birds in one stone. Hindi na sila mahihirapan maghanap ng makakapanayam para sa mga balita na may kinalaman kay Raven Santana, ang una sa ranking ng National Math Olympiad.Samantala, sa
“Mrs. de Villa!”Lahat ay napalingon sa baritonong boses. Nasa pagkapasok ng gate nakatayo ang District Superintendent na si Nilo Hernandez. Agad na inayos ni Mrs. de Villa ang mukha. Pinilit niyang ngumiti, sinalubong ang bagong dating. “Sir Nilo! Hello! Naligaw ka po sa Northford?” Kakamayan sana ni Mrs. de Villa ang bagong dating pero sa halip ay may inabot ito sa kanyang nakatuping papel.“A-Ano ‘to, Sir?”“Nagpunta ako rito para sabihin sa iyo na kailangan mo ng mag-resign sa posisyon mo. Ngayon din!”Kasabay ng pagkakasabi ni Nilo ay nabasa na rin ni Mrs. de Villa ang nilalaman ng sulat. Nanlaki ang mga mata niya pagkabasa roon, kasabay ng kabang naramdaman. Pero pinilit niyang maging normal at kaswal. “B-Bakit po, Sir? Sa ano’ng grounds? Wala akong alam na ginawa kong lalabag sa school regulations and policies.”Dahil sa nakita nilang itsura ni Mrs. de Villa, naging alerto ang nasa paligid na mga reporters at itinutok ang mga telepono at camera nila kay Mrs. de Villa at Nil