Home / Romance / Not Your Wife Anymore / 56 - HINDI NA SIYA SI MRS. GO

Share

56 - HINDI NA SIYA SI MRS. GO

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-10-09 11:47:49

Nagulat na lang ang lahat ng mga bata ng sinugod ni Maddison si Mason. Hinawakan niya ang damit nito at saka pinitsarahan.

“Bakit ayaw mo akong palaro kay Mishel?! Best friend ko siya!” galit na tanong ni Maddison sa kakambal.

“Eh, gusto ko, eh! Bakit ba?” sagot naman ni Mason habang pilit kumakawala mula sa pagkakahawak ni Maddison.

“Kapatid mo ako, Mason. Kakambal. Pero bakit mo ako tinatrato ng ganito?!”

“Bastarda!”

Nagsalubong ang mga kilay ni Maddison. “Ano’ng sabi mo? Ano’ng itinawag mo sa akin?”

“Ang sabi ni Grandma, wala ka raw utang na loob pagkatapos ka niyang pakainin at bihisan. Hindi na raw tayo magkapatid! Ikaw at ang mapagpanggap na babaeng ‘yon ay mga patay-gutom! At ayaw naming magkaroon ng kaklaseng patay-gutom kaya hindi ka na kikibuin at lalapitan ng buong klase mula ngayon!”

“Maddison, bitiwan mo na si boss Mason!” sigaw ng ilang kaklase na nasa likuran ni Mason.

“Oo nga! Bitiwan mo na si boss Mason! Hindi ka na namin ka-lebel!” sigaw pa ng isa.

“Tama. Ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore   57 - ABS TV

    Dahil dito, nagsunurang magkomento ang ilang mga magulang na naroroon. Isang miyembro ng pamilya Go ang nangunang itakwil sila Raven at Maddison kaya malakas na ang loob nilang magsalita.“Ms. Santana, pinaalis na kayong mag-ina sa bahay ng mga Go. Paano mong naa-afford na pag-aralin si Maddison sa mahal na eskwelahang ito?” tanong ng isang magulang.“Kaya naman pala ganyan si Maddison, nagmana sa ‘yo. Palaaway!”“Ngayon lang ako nakakita ng batang babaeng ganyan! Natakot tuloy ako na baka pati ang anak kong lalaki masaktan niya!”“Paalisin na ‘yan dito sa Northford School!” “Oo nga, bakit ba nandito pa rin ‘yang batang ‘yan? Nagdadala lang siya ng gulo rito!”Isa-isang tinitingnan ni Raven ang mga nagsisipagsalita. Pilit niyang tinatandaan ang mga mukha nila at kung sino-sino sila. “Ano’ng kaguluhan ‘to?” Lahat ng mga naroroon ay nagsilingunan sa direksyon ng bagong dating. “Mrs. de Villa, eto kasing batang ito. Sinaktan si Mason. Gusto naming paalisin na siya rito sa Northford

  • Not Your Wife Anymore   56 - HINDI NA SIYA SI MRS. GO

    Nagulat na lang ang lahat ng mga bata ng sinugod ni Maddison si Mason. Hinawakan niya ang damit nito at saka pinitsarahan. “Bakit ayaw mo akong palaro kay Mishel?! Best friend ko siya!” galit na tanong ni Maddison sa kakambal. “Eh, gusto ko, eh! Bakit ba?” sagot naman ni Mason habang pilit kumakawala mula sa pagkakahawak ni Maddison. “Kapatid mo ako, Mason. Kakambal. Pero bakit mo ako tinatrato ng ganito?!”“Bastarda!” Nagsalubong ang mga kilay ni Maddison. “Ano’ng sabi mo? Ano’ng itinawag mo sa akin?” “Ang sabi ni Grandma, wala ka raw utang na loob pagkatapos ka niyang pakainin at bihisan. Hindi na raw tayo magkapatid! Ikaw at ang mapagpanggap na babaeng ‘yon ay mga patay-gutom! At ayaw naming magkaroon ng kaklaseng patay-gutom kaya hindi ka na kikibuin at lalapitan ng buong klase mula ngayon!” “Maddison, bitiwan mo na si boss Mason!” sigaw ng ilang kaklase na nasa likuran ni Mason. “Oo nga! Bitiwan mo na si boss Mason! Hindi ka na namin ka-lebel!” sigaw pa ng isa.“Tama. Ang

  • Not Your Wife Anymore   55 - DISKRIMINASYON

    Maangas na bumaba mula sa motor ni Ingrid si Mason. “Good morning, boss Mason!” Halos sabay-sabay na pagbati ng mga kaklase ni Mason na nakakita sa kanya sa may gate ng eskwelahan. Natuwa si Mason sa pagkakatawag sa kanya ng mga kaklase. Taas-noo itong naglakad papasok ng gate. Si Ingrid ang nagturo sa mga bata na tawagin siya ng ganun.Nang bigla na lang sumigaw ang isa sa mga bata at tila may kamangha-mangha itong itinuro sa labas ng gate. “Tingnan n’yo si Maddison!”Sinundan ng tingin ni Mason at ni Ingrid ang itinuro ng kaklase ni Mason. Kitang-kita nila habang bumababa ng taxi ang mag-inang Raven at Maddison. “Bakit naka-taxi si Maddison pagpasok sa school?” tanong ng isa sa mga bata, habang takang-taka ang iba.Normal sa mga batang nag-aaral sa eskwelahan na iyon ang ihatid at sundo sila ng mga magagarang kotse ng mga magulang nila, at hindi sila sanay na sumasakay ng pampublikong sasakyan. “Yuck… malamang ang baho ni Maddison niyan kasi sumakay siya ng taxi…” komento ng is

  • Not Your Wife Anymore   54 - FIRST PLACE

    “Huwag kang mag-alala, Caleb… sa susunod, doon na ako matutulog sa kuwarto ni Coleen.”Nang narinig ni Caleb ang pangalan ng kapatid, biglang lumambot ang itsura nito. Best friend ni Ingrid ang kapatid niya noong nabubuhay pa ito. Hanggang maaari, ayaw niyang may pumapasok sa kuwarto ng kapatid. Ayaw niyang may magalaw na mga bagay doon. Pero ibang usapan na siguro kapag si Ingrid ang papasok doon, tutal naman ay kaibigang matalik ito ng kapatid. Hindi na sumagot si Caleb. Sa halip ay lumabas na siya ng kuwarto ni Raven at dumiretso sa kuwarto niya. Nagbihis na rin siya ng damit pamasok. Nang makabihis ay agad na siyang bumaba sa unang palapag. Nadatnan niyang kumakain na ng almusal sila Ingrid at Mason. Nang nagising si Mason at nakita si Ingrid, natuwa siya.“Dude, titira ka na ba dito sa bahay namin simula ngayon?”“Ay, hindi naman. Kailangan ko lang dito matulog kagabi.”“Ganun? Saan ka natulog?”“Sa tabi ng Papa mo.”Namilog ang mga mata ni Mason na agad napansin ni Ingrid. “

  • Not Your Wife Anymore   53 - NAGBALIK NA SI RAVEN

    “Ha? Hindi kita pwedeng iwan ng ganyan. Aalis ako, bibili lang ako ng gamot mo para sa sakit ng tiyan. Babalik din ako agad.”Hindi na hinintay ni Ingrid na sumagot si Caleb. Agad siyaang tumalikod at nagmamadaling lumabas. Pagkalipas ng halos isang oras, bumalik si Ingrid na may dalang gamot. Inakyat niya si Caleb sa kuwarto ng huli. “Caleb? May dala na akong gamot.”Binuksan ni Ingrid ang ilaw, nakita niya ang groge pang si Caleb. Pupungas-pungas na bumangon ito. Nang nakaupo na siya, napansin niya ang damit niya na basa ng pawis. Kung nandito lang si Raven, papalitan nun ang basa kong damit. Hindi siya aalis sa tabi ko hanggang hindi ako komportable at nakakatulog…“Caleb, alin sa mga gamot na ito ang gusto mong inumin? Hindi ko kasi alam kung ano’ng brand ang iniinom mo. Kung may allergy ka sa gamot na ito, or what…” sabi ni Ingrid ng ibuhos niya ang laman ng plastic na dala niya na puro gamot. Isa-isang dinampot at tiningnan ni Caleb ang mga gamot. Pagkatapos ay nakasimangot n

  • Not Your Wife Anymore   52 - MASAKIT ANG TIYAN KO

    Pumarada ang itim na sasakyan ni Caleb sa harap ng bahay niya. Bumaba si Ingrid at saka hinawakan sa braso niya si Caleb para tulungan itong bumaba. Pero agad na pinalis ni Caleb ang kamay nito.“Ako ‘to, si Ingrid. Tutulungan na kitang bumaba.” “Hindi na,” paos na sagot ni Caleb at saka hirap na bumaba ng sasakyan. Agad na umalalay si Ingrid sa paglalakad ni Caleb hanggang sa makapasok ito ng bahay. “Dahan-dahan lang, Caleb. Marami kang nainom,” sabi rito ni Ingrid nang napansin niya ang pasuray-suray na paglakad nito. Nang makapasok, agad na umupo sa sofa si Caleb. “Bigyan mo ako ng lemonade,” halos pabulong na sabi ni Caleb habang nakapikit. Ang nakasunod na si Ingrid ay hindi naintindihan ang sinabi nito kaya tinanong niya si Caleb. “Ano’ng sabi mo?”Nang narinig ni Caleb ang boses ni Ingrid, agad itong nagmulat ng mga mata. Hinanap niya sa paligid si Raven. Ilang araw na nga palang wala si Raven sa bahay niya, pero parang hindi pa rin siya sanay.Nang bigla na lang dinakl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status