LOGINBiglang tumayo si Ingrid at sinita si Raven.
“Raven! Bakit ganyan ka makipag-usap kat Caleb? Ang yabang-yabang mo na, iyan pa lang namang Math Olympiad ang nararating mo!”
“Sa totoo lang ang mga sinasabi ko!”
Pagkatapos ay tumayo si Raven at saka lumapit kay Caleb, dala-daa ang kahon ng damit. Iniitsa niya ito sa lalaki.
“Sa iyo na ‘yang damit mo!”
Nang nakita ng inang si Anna na ibinalik ni Raven ang damit kay Caleb, mabilis itong tumayo at kinuha ang kahon. Inilabas niya ang damit at itinapat sa katawan niya na tila isinusukat niya iyon. Nakangiting tiningnan niya ang asawa.
“Sweetheart, parang mas bagay sa akin ito kaysa kay Raven, oh!”
![]()
![]()
![]()
![]()
Biglang tumayo si Ingrid at sinita si Raven.“Raven! Bakit ganyan ka makipag-usap kat Caleb? Ang yabang-yabang mo na, iyan pa lang namang Math Olympiad ang nararating mo!”“Sa totoo lang ang mga sinasabi ko!”Pagkatapos ay tumayo si Raven at saka lumapit kay Caleb, dala-daa ang kahon ng damit. Iniitsa niya ito sa lalaki.“Sa iyo na ‘yang damit mo!”Nang nakita ng inang si Anna na ibinalik ni Raven ang damit kay Caleb, mabilis itong tumayo at kinuha ang kahon. Inilabas niya ang damit at itinapat sa katawan niya na tila isinusukat niya iyon. Nakangiting tiningnan niya ang asawa.“Sweetheart, parang mas bagay sa akin ito kaysa kay Raven, oh!”
“Hindi pa ba tayo kakain, sweetheart? Gutom na ko, eh…” parang bata na sabi ng ina ni Raven.“Wala pa si Professor Elcid,” ang ama ni Raven ang sumagot, at saka nito tiningnan si Caleb, kung humihingi ng pahintulot ang ama na kumain na ay hindi niya alam.Parang bata na humikbi-hikbi ang ina.“Gutom na ko…” sabi nito sa tila batang tinig.Pinilit ni Raven na hindi mag-react sa arte ng ina, kinontrol niya ang sarili.Nang biglang may pumasok na waiter sa loob ng kuwarto nila at nilapitan si Caleb.“Sir, may tumawag po sa telepono, Isa ring Mr. Go. Made-delay lang daw po siya ng dating. Pwede n’yo na raw umpisahang kumain.”
Ibinigay ni Raven ang pangalan ni Caleb sa waiter na sumalubong sa kanya at mabilis siya nitong inihatid sa isa sa mga VIP room. Nakangiting binuksan ni Raven ang pintuan ng kuwarto para masayang batiin sana si Elcid pero napahinto siya ng nakita kung sino ang nasa loob ng kuwarto. Ang ngiting nakapaskil kanina lang sa mga labi niya ay unti-unting nawala.“Dude Ingrid!” Nang nakita ni Mason ang tiyahin ay agad siyang tumakbo palapit dito at yumakap. Katabi ni Ingrid sa upuan ang mga magulang nila.Sinamantala iyon ni Ingrid na naroroon si Raven. Gumanti siya ng yakap kay Mason at saka ito pinupog ng halik sa mukha pagkatapos, na siyang dahilan para humagikgik ng tawa ang bata. Pero sa kasamaang palad, ni hindi sila tiningnan man lang ni Raven. Kaya balewala ang ginawa nitong pagpapanggap.Pero hindi naniniwala si Ingrid na hindi apektado si Raven. Sino ba namang ina ang hindi maaapektuhan kung ang sarili mong dugo at laman ay walang amor at walang pakialam sa iyo?“Teka, bakit may
“Papa!” sigaw ni Mason ng nakita ang kotse ng ama. Mabibilang lang sa mga daliri ni Mason ang mga araw na sinusundo siya mismo ng ama sa eskwelahan. Kaya ng nakita niya ang sasakyan nito sa labas ng gate ng eskwelahan ay nagmamadali siyang lumabas. Samantala, kandahaba ang leeg ng mga nanay na naroroon para masilip si Caleb sa loob ng sasakyan. Minsan lang din kasi nilang makita ang guwapong mukha nito sa personal, at kalimitan ay sa mga magasin at online lang. Napahinto sa paglapit si Mason ng nakita niyang lumabas ang sekretarya ni Caleb mula sa sasakyan at nilapitan si Raven. “Mam Raven, pinapasakay po kayo ni boss sa kotse niya.” Mabilis na tumanggi si Raven. “Hindi na, magta-taxi na lang kami ni Maddison papunta sa restaurant.” Ayaw niyang makasama sa isang sasakyan ang lalaki.Tipid na ngumiti ang sekretarya. ”Mam, sinadya ni boss na sunduin kayo ngayon ni Maddison.”Nakulitan si Raven sa sekretarya kaya inilabas niya ang telepono niya para mag-book ng taxi. Hindi naman na
Pagkagaling mula sa paligsahan, sinundo na ni Raven si Maddison sa eskwelahan. Nadatnan niya si Edward na sinusundo rin ang anak na si Odette. “Raven!” pagbati ni Edward, “ano na ngayon ang plano mo pagkatapos mong mag-rank one sa National Math Olympiad?”Nahimigan ni Raven na gustong malaman ng lalaki ang mga plano niya at hindi iyon simpleng pagtatanong lang. Naisipan niyang ibalik ang tanong ni Edward sa kanya.“Professor, ano ba sa tingin mo ang una kong dapat gawin?”Tumawa si Edward, “wala ako sa lugar para magbigay ng advice sa iyo. Pero naalala ko, nung nanalo ka ng first place nung preliminary, maraming kumwestiyon sa iyo sa online. Nung mga panahon na iyon, nag-alala ako sa iyo na baka hindi mo kayanin ang mga pangba-bash at bullying.”Matiim na tiningnan ni Raven ang lalaki, pilit na pinag-aaralan ang mukha nito at kung ano ang maaaring binabalak nito.“Raven, sasabihin ko ito sa iyo dahil pinapahalagahan ko ang talento mo. Pero kung gusto mong malinya sa mga scientific re
Halos lahat ng shareholder at senior executive ay sabay-sabay na nagsasalita kay Caleb. Nakita nila sa live broadcast na pinagkakaguluhan ng iba’t ibang mga kumpanya at eskwelahan si Raven. Natatakot sila na maunahan sila sa pag-recruit sa babae. “Caleb! Tawagan mo na si Raven ngayon! Bilis! Siguraduhin mo na o-oo siya sa iyo sa pagsali sa Go Prime Holdings.”Madilim ang mukha ni Caleb. Pero wala siyang magawa sa mga sinasabi ng mga kasama. Pasimple niyang tiningnan ang sekretarya niya. Naintindihan naman iyon ng sekretarya, kaya inilabas niya ang isa pa niyang telepono na hindi naka-block ang numero sa telepono ni Raven. Hinanap niya ang numero ni Raven sa CONTACTS, at saka inabot kay Caleb ang telepono. Agad namang tinawagan ni Caleb si Raven. Hindi niya gustong makausap si Raven, pero alam niyang siya lang ang pwedeng gumawa nun. Mabilis namang nasagot ang tawag. [“Hello.”]Isang pamilyar na boses ang narinig ni Caleb mula sa kabilang linya, kaya agad na napangiti siya. “Ako







