Share

Chapter 3 

last update Last Updated: 2022-02-09 18:06:02

KUNG kanina'y malakas ang loob ni Jornaliza ngayon ay parang umaatras siya ng paunti-unti, paano'y nasa loob na siya ng L's at nakapagpalit na rin siya ng outfit. Sports bra na kulay maroon at yoga trousers na hakab na hakab sa kanyang harapan at puwitan. 

Shucks, naibulalas niya. Hindi naman talaga siya nagsusuot ng ganoon ka-fit. Mas gusto talaga niya iyong maluwag kaso nga sa panahong ito, hindi ang gusto niya ang mahalaga kundi ang nais ng taong tina-target niya para tulungan siya sa kanyang pangarap. --her best friend Luigi. 

Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan dahil sa dalawang araw ay iniiwasan siya ni Luigi at iyon ang nagpapabigat sa kanyang kalooban. Kahit hindi ito nagsasalita, parang sinasabi nito sa kanyang pinandidirihan nito ang ideya na tuturuan siya nitong h*****k man lang.

Talaga naman kasing hindi rin niya maaatim na lalapat ang labi nito sa kanyang labi. Ang nais lang naman niya ay iyong paraan pakiramdam kapag lumalapat na ang labi ng isa lalaki sa labi ng isang babae. Kung paanong nag-iinit ang pakiramdam ng isang babae sa haplos at halik ng isang lalaki. 

Para kasing wala siyang anumang naramdaman noong manood siya ng porn. Hindi lang talaga niya naiwasan ang manggilalas ng todo nang makita niya kung gaano pala kalaki iyon. 5 inches yata iyong nakita niya sa video. Samantalagang nang magdaiti ang mga balat nila ni Luigi nung nakaraan at nagtama…

Stop! Inis niyang sabi sa kanyang sarili. Hindi kasi niya dapat pang ipagpatuloy ang kanyang naiisip dahil mali. 

Oo nga't hindi naman sila magkadugo ni Luigi at boto naman ang mga magulang nila kung sila ni Luigi ang magkakatuluyan pero hindi nila gustong baguhin ang kanilang relasyon. Masaya na silang maging matalik na magkaibigan. 

No more, no less. 

Kaya, nagbago na ang kanyang isip na magpaturo pa kay Luigi. Pakiramdam niya ay tuluyang masisira ang kanilang pagkakaibigan at magandang samahan kapag nagpumilit pa siya. Gayunpaman, hindi pa rin nagbabago ang isipan niya na maghahanap ng magtuturo sa kanya. Marahil, iyon ang rason niya kaya naisipan niyang magpunta rito sa L's. 

Hindi man siya tulungan ni Luigi ng 'kamanyakan', naisip niyang may iba pa namang maaaring magturo sa kanya. Maaari ring iyon na ang pagkakataon niya para ma-in love at kapag nangyari iyon ay sigurado siyang may maganda na siyang maisusulat sa kanyang libro. 

"DAMN it, shit!" Bulalas ni Luigi habang nakatitig sa babaeng nagngangalang Pau, short for Paula.  Mala-barbie doll ang ganda kayo todo-todong nagpapa-cute ng husto sa kanya. Nagpapa-beautiful eyes din ito. 

Normal siyang lalaki kaya kapag may nagkakagusto sa kanya, agad niyang sinusunggaban. Gayunman, sinisiguro niya palaging hindi siya magiging ama. Wala siyang ambisyon na magpakalat ng bastardo at lalong hindi siya magpapakasal dahil lang nakabuntis siya. 

Ang kasal ay para lang sa dalawang taong nagmamahalan. Marami man ang hindi naniniwala na naniniwala siya sa pag-ibig, umaasam siya na tulad ng kanyang mga magulang ay matatagpuan din niya ang kanyang destiny. 

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ni Pau. Sa pagkakataong iyon ay may takot na siyang naaaninag sa mukha nito. 

Kung hindi niya napigilan ang sarili, napamura na naman siya. Sa hitsura kasi ni Pau ay parang iniisip nito na magagawa niya itong saktan. Hindi rin naman niya ito magawang sisihin, ang lutong at ang lakas naman kasi ng murang pinawalan niya, habang nakatitig sa maganda nitong mukha. 

Bigla kasi'y para siyang nabulag dahil hindi ang kanyang kaharap ang nakikita niya kundi si Jornaliza. Dahil doon, hindi niya maiwasan ang magalit sa kanyang sarili. Nagkaroon kasi sila dati ng deal ni Jornaliza na kahit na anong mangyari ay hindi nila hahayaan na masira ang kanilang pagkakaibigan. 

Ngunit, anong ginagawa niya? Buwisit niyang tanong sa sarili. 

Dalawang araw na niyang iniiwasan si Jornaliza. Naka-schedule itong mag-gym ngayon at dapat ay isasabay niya ito pero parang hindi pa bumabalik sa normal ang nararamdaman niya sa matalik na kaibigan. Nangangamba siya na kapag napalapit siya ritong muli ay hindi na niya mapigilan ang sarili na yakapin ito at halikan. Kaya nga, maging sa sarili ay nabigla siya ng sabihin nito sa kanya Turuan mo ako ng kamanyakan. 

Shit, talagang tumayo si 'junior' ng oras na iyon. 

"Nothing," inis na naman niyang sabi. Ilang sandali siya nitong tinitigan saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Gusto mo ba ako yayaing mag-lunch?"

"Katatapos mo lang mag-gym, pagkain na ang aatupagin mo," asar niyang sabi ngunit alam koniyang hindi siya sa babae naaasar kundi sa kanyang sarili.

Dati rati kasi ay agad niyang tinatanggap ang offer kapag may nagyayaya ng lunch sa kanya lalo na kung type niya rin, pero ngayon, wala siyang gana. Para ring hindi na-excite ang kanyang 'junior' kahit pa maputi at sexy si Pau. Sa isipan kasi. Iya ay parang may isang babae na nagaasabi ng 'hi'.

"Kaya nga kailangan ay kasama kita para alam ko kung ano lang ang pwede kong kainin," wika nito saka nagpa-beautiful eyes. 

"Alright," sabi niya. Sa tingin naman kasi niya'y hindi titigil ang babae hanggang sa hindi nakukuha ang gusto kaya naisip niyang pagbigyan na lang ito. Saka, gusto niyang ibaling sa ibang babae ang kanyang isipan tulad ni Pau dahil ayaw niyang kay Jornaliza iyon manatili. Para kasing may bahagi ng vital organ niya ang nagsasabing, ito ang babaeng gusto niyang mahalin. 

Napapalakpak ito sa kanyang sinabi bago ibinulalas ang katagang ang katagang 'Great'. 

"Ten min…" Napahinto siya sa kanyang pagsasalita dahil natuon ang pansin niya sa babaeng nasa isang panig ng gym. 

Pamilyar sa kanya ang galaw nito pero parang hindi niya maisip kung kilala ba niya talaga ito. Nakatalikod ito kaya hindi niya kita ang mukha. Gayunman, hindi sapat na dahilan iyon para di mag-react ang i abang bahagi ng kanyang katawan. Para nga iyon sundalong biglang sumaludo. Kitang-kita naman kasi ang kaputian nito sa suot na sports bra. Dark color pa kaya parang mas nakakasilaw ang kinis nito. Ang yoga trouser namang suot nito'y hapit na hapit sa katawan kaya kita ang kaumbukan ng p***t nito.

"Mas sexy pa rin ako dyan," wika ng babae sa kanyang tabi. Hindi lang niya mapagdesisyunan kung nagbibiro ito o naiinis dahil may ibang nakatawag sa kanyang atensyon. 

Gusto na sana niyang magsabi ng 'let's go' kung hindi lang biglang humarap sa kanya ang babae at makilala niya -- si Jornaliza.

"KUNG titigan mo naman ako parang hindi mo ako kilala, ah," sarkastikong sabi ni Jornaliza kay Luigi. Sinadya pa niyang itaas ang kanyang kilay para makita nitong mabuti ang bagong ahit niyang kilay na ubod ng nipis. 

"Jornaliza…." wika nito. 

Bigla siyang natigilan kaya ang plano niyang pagtataray rito ay hindi na niya nagawa pa. Ang lamig kasi ng boses ni Luigi. Parang nagyeyelo. Buong tiim din ang tingin nito sa kanya na para bang hindi nagugustuhan ang nakikita sa kanya. 

"Why?" Kunwa'y takang tanong niya sa sarili. 

"Anong klaseng suot 'yan?" Buwisit nitong tanong sa kanya. 

Kumunot ang noo niya sa klase ng pagtatanong nito. Pagkaraan ay napangiti siya nang ibaba niya ang mga mata niya sa kanyang suot. "Sports bra at yoga trouser, hindi mo ba alam?" Kunwa'y gulat niyang tanong. 

Hindi lang matalik na kaibigan ang tingin sa kanya ni Luigi, para pa silang magkapatid kaya naman masyado itong protective sa kanya. 

"Hubarin mo nga 'yan," inis na sabi ni Luigi. 

Nanlaki ang mga mata niya nung humakbang itong palapit sa kanya. Sa pagkagulat naman niya'y bigla siyang napaatras. Hanggang sa maramdaman niyang may malamig na metal soyang sinasandalan. Maaaring ang exercise machine na nasa tapat niya kanina. 

"Wala akong balak na mag-viral dahil sinunod ko ang pinagagawa mo," inis niyang sabi rito.

"Ano?"

"Kung huhubarin ko't may nakatutok sa aking camera, anong mangyayari?" Pabulong niyang tanong pero ang puso niya'y pumipintig ng sobrang bilis ng mga sandaling iyon. Ewan niya kung dahil kita pa niya ang kaseryosohan sa mga mata nito o dahil malapit na malapit ang mukha nila sa isa't isa. 

"Magpalit ka ng damit pero hindi ko sinabing dito ka mag-bold. Baka makasapak ako kapag may lalaking tumingin aa'yo ng may pagnanasa."

Kung hindi lang niya napigilan ang sarili, baka napaainghap na aiya. Kung magsalita naman kaai ai Luigi ay daig pa ang lalaking nagseselos. 

Huh?

Ilang ulit itong kumurap-kurap bago nagsalita. "Para na rin kasi kitang kapatid kaya ayokong mabastos ka."

Matagal na rin namang ganoon ang kanilang turingan pero parang may sumuntok pa rin aa kanya nang marinig niya ang mga salitang iyon kay Luigi. 

SIYA si Paula Seldon, 21, nag-iisang anak kaya sanay siyang nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Mayaman naman kasi siya. Super yaman actually. Ang mga magulang niya ang nagmamay-ari ng Super Mall. Kung gutuusin ay kayang-kaya niyang angkinin ang lahat sa isang pitik ng kanyang daliri kung nais niyang makuha ay mga materyal na bagay. 

Ngunit, hungkag na hungkag pa rin ang nararamdaman niya kahit balutin pa ng ginto at brilyante ang kanyang katawan. Ang ibig niya noong maliit siya ay ang pagmamahal at atensyon ng kanyang mga magulang pero hindi iyon naibibigay ng kanyang Papa at Mama. 

Ang Papa niya ay abala lagi sa kanilang negosyo, ang Mama naman niya'y mas gustong makipagsosyalan kaysa bigyan siya ng oras. Kung hindi nga siya nagkakamali, sinisisi siya nito dahil nasira ang katawan nito ng siya'y ipinanganak. 

Nang nasa eskuwelahan na siya'y inakala naman niyang kapag inilibre niya ang kanyang mga kaklase ay ituturing na talaga siyang kaibigan ng mga ito pero nagkamali siya. Karamihan sa mga ito ay ginagamit lang siya para mabusog at makalibre. At ang talagang nagpasakit sa kanyang kalooban ay nu'ng main love siya. Akala niya ay talagang minahal siya ni Yael pero isa palang ilusyon lang ang lahat sapagkat niligawan lang siya nito at pinaibig dahil sa isang pustahan. 

Nang mga sandaling iyon pakiramdam niya'y mababaliw siya. Mahal na mahal niya si Yael. Inakala niya na ito na ang makakasama niya sa habambuhay, magmamahal ng tunay at tapat sa kanya.Ngunit, nabigo siya at hindi niya halos kinaya. Gayunpaman, hindi naman sapat na dahilan iyon para hindi na niya aaamin na hindi na siya makakakita pa ng lalaking para sa kanya. 

At malaki ang paniniwala niya na si Luigi Chances na ang ang lalaking itinadhana sa kanya. Unang kita pa lang niya rito ay bumilis na ang tibok ng kanyang puso. Kaya, nagmistulan siyang stalker sa pagsubaybay sa buhay nito. Ito ang rason kung kaya kahit sexy na siya ay pinili pa rin niyang mag-enroll sa L's. Siyempre nais niyang mapalapit dito kaya nga lahat ng pagpapa-cute ay ginagawa niya para mapansin ni Luigi. 

Naningkit lang ang kanyang mga mata dahil kahit nakuha na niya ang atensyon ng lalaki ay bigla itong nawala dahil sa pagsulpot ng isang babaeng sa tingin niya ay hindi naman kagandahan. 

Ah, hindi niya mapapayagan na maaagaw pa sa kanya si Luigi. Mahal na mahal na niya ito kaya sa kanya na ito. Kahit na anong mangyari ay hindi na niya ito hahayaan pang mawala sa kanyang piling. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jewiljen
jelly pa more
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 50

    MALAYO pa lang si Jornaliza ay natanaw ng niya si Jewel sa coffee shop na pagtatagpuan nila. Nakapuwesto naman kasi ito sa may bintana para agad niya itong makita. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kanyang pagtingin ang pagsimangot nito. Nakita na kasi nitong hindi siya nag-iisa. Kahit naman hindi niya kinumpirma rito na wala siyang isasama, alam niyang ini-expect ni Jewel na siya lang ang makikita. Iyon nga lang, tiyak niyang hindi siya papayagan ng asawa na lalabas mag-isa. Kahit alam niyang kaya niyang protektahan ang sarili, tiyak niyang hindi ito basta hahayaan ni Luigi. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang makaramdam ng kilig. Pakiramdam niya ay napakaimportante niya sa buhay ni Luigi. Kunsabagay, kahit naman noong mag-best friend pa lamang sila ni Luigi, ay dama na niya na importante siya rito. Subalit, mas dama niya ngayon dahil nga iba na ang level ng kanilang relasyon. "Hello," masiglang bati sa kanya ni Jewel nang makaharap na niya ito. Abot tenga na ang ngiti n

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 49 

    KUNG noong sinabi ng mga magulang nila na may regalong ipinadala sa kanila ni Luigi na patay na pusa, kinabahan na siya. Higit ngayon ang naramdaman niya. Paano ba naman kasi, kitang-kita niya ang hitsura ng pusa. Ng kaawa-awang pusa. May tali ito sa leeg. Obviously, sinakal ito kaya lumawit ang dila. Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagulgol. Pakiramdam niya kasi'y siya ang dahilan kaya pinatay ang pusa. Dahil gustong ipaalam sa kanya ng nagbigay na iyon ang matinding galit sa kanya. Ano bang ginawa niya? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Nagpakasal ka kay Luigi, Jornaliza! Wari'y sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. "Jornaliza…""Ako ang may kasalanan nito," wika niya. Kumunot naman ang noo ni Luigi. Alam niyang labis itong nagtataka sa kanyang sinabi. "Wala kang ginawang mali." Mariing sabi ni Luigi. "Nagpakasal tayo," wika niya. Kumunot ang noo ni Luigi nang pakatitigan siya ng husto. "Pinagsisisihan mong…""Nakasakit ako. Tayo. Iyon ang sinasabi ko," mariin niyang

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 48

    "BIRTHDAY ko?" gilalas pang sabi ni Jornaliza. Napa-'oh my' pa siya dahil napagtanto niyang kaarawan nga niya. Wala kasing ibang laman ang utak niya ng mga nagdaang araw kundi ang kanyang pagsusulat."Okay lang na makalimutan mo na kaarawan mo ngayon pero huwag na huwag mo sanang kalilimutan na may pogi kang mister," wika ni Luigi sabay kawit sa kanyang beywang. "Happy Birthday," wika naman ng iba. Talaga kasing kapag napapatitig siya kay Luigi ay talagang nawawala siya sa kanyang sarili. Parang nakakalimutan niya ang lahat gayung nang buksan niya ang pintuan kanina ay kita niyang maraming tao. Kabilang na roon ang kanyang ama, mga biyenan at ilang kasamahan sa pagsusulat kabilang na ang kanyang editor. "Kaya pala ayaw mo akong palabasin ng kuwarto kanina," wika niya. Natawa si Luigi. "Para namang gustong lumabas."Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng kanyang mister, lalo't tinudyo siya ng mga nakapaligid sa kanila, unang una na siyempre ang kanilang mga magulang. Magkaka apo n

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 47

    INSPIRED na inspired si Jornaliza kaya mabilis na mabilis ang pagtipa niya sa kanyang laptop. Siyempre, spg scenes ang kanyang ginagawa kaya naman dalang-dala siya sa eksena. Sa kanyang isipan din ay naaalala niya ang mga nangyayari sa kanila ni Luigi. Bukod sa gusto niyang magkaroon ng inspirasyon ng kamanyakan, nais din niyang matutunan ang iba't ibang style sa pakikipag-sex dahil ayaw naman niyang pagsawaan siya ni Luigi. Hindi nito sinasabi sa kanya ang magic words na I love you kaya naiisip niyang kapag hindi niya ginalingan sa pakikipagtalik ay bigla na lamang siya nitong iwanan. Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nu'ng maalala niyang sabi ni Luigi na siya ang gusto nitong makasama sa habambuhay. Kaya, pinatutunayan lamang nito sa kanya na wala itong balak na iwanan siya. "Wala ka na bang gagawin diyan kundi magsulat?" Tanong sa kanya ni Luigi. Maang siyang napatingin dito. "Nagagalit ka ba?" "Bakit naman ako magagalit?" Sarkastikong tanong nito. "Sunday ngayon, dapat nagba

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 46 

    HINDI ito ang unang pagkakataon na inangkin si Jornaliza ni Luigi pero pakiramdam niya'y napakaespesyal ng naging halik, yakap, haplos at pag-angkin nito sa kanya ng mga sandaling iyon. Dahil nagawa na niyang aminin ang kanyang nararamdaman, hindi lang kay Luigi kundi maging sa kanyang sarili. Mahal niya si Luigi Chances. Hindi lang bilang kababata o matalik na kaibigan kundi bilang isang lalaki. Bilang kanyang asawa. At hindi niya kayang pigilan ang kanyang emosyon. Umiibig na siya kay Luigi kaya gusto na niya ito makasama sa habambuhay. Well, noon pa naman ay talagang ayaw na niyang mahiwalay pa rito. Hindi nga niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag naiisip niyang isang araw ay magseseryoso ito sa pag-ibig at mag-aasawa. Alam niya kasing kapag nangyari iyon ay hindi na sila magiging tulad ng dati. Hindi lang niya napigilan ang mapangiti sa labis na kasiyahan dahil nasa kanya na ang kanyang bestfriend. Kasal na sila kaya hindi na ito maaagaw ninuman sa kanya. "Huwag mo nga a

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 45 

    KUNG hindi lang nagtanong agad si Luigi ng, "Anong iniisip mo?" Mapapasigaw na sana siya. Bigla kasing pumulupot ang bisig nito sa kanyang katawan at naramdaman din niya ang katawan nitong dumikit sa kanyang katawan. Ang takot na nararamdaman niya kani-kanina ay biglang napawi. Pakiramdam niya kasi ay may magpuprotekta na sa kanya. Ngunit, siyempre, hindi naman niya gugustuhing mapahamak ang mahal niya. Mahal niya? Gilalas niyang sabi sa kanyang sarili kaya naman nanlaki ng husto ang kanyang mga mata. Hindi niya kasi inakala na maiisip niya iyon. Mahal na niya si Luigi?Ang lakas pa ng kanyang pagsinghap na para bang talagang gusto niyang siguraduhin na talaga ngang mahal niya si Luigi. Well, totoo naman iyon. Matalik nga silang magkaibigan kaya talagang may pagmamahal siya rito. Hindi lang kayo basta magkaibigan ngayon, mag-asawa rin kayo, buong diin niyang sabi sa sarili. Pagkaraan ay biglang pumasok sa isip niya ang mga pinagsaluhan nila ni Luigi sa kama. Naisip niya kasi na kun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status