HUWAG kang OA, gigil na sabi ni Jornaliza sa kanyang sarili. Pakiramdam niya kasi'y nilapirot ng husto ang kanyang puso ng sabihin ni Luigi na, ayaw nitong mabastos siya dahil para na silang magkapatid.
Hindi tayo magkadugo, gusto sana niyang ipaalala rito pero alam niyang magmumukha lang siyang tanga kapag ginawa niya iyon. Talaga naman kasing hindi sila magkadugo at pinakadiinan din nito sa kanya ang katagang parang. Ibig sabihin, alam din nitong wala silang kaugnayan sa isa't isa. Gayunman, hindi sapat na dahilan iyon para maisip nito na maaaring mag-level up ang kanilang relasyon.
Gusto mo ba? Tanong niya sa sarili.
No way! mariing sabi niya. Umiiling-iling pa siya dahil talagang tumatanggi ang isip niya. Hindi niya dapat magbago ang tingin nila sa isa't isa. Ngunit, bakit parang dinudurog ngayon ang kanyang puso?
"Ehem….ehem…." Narinig niyang wika ng isang boses.
Kahit na gustung-gusto na niyang malaman kung sino ang tumabi sa kanya, hindi niya magawang iwanan ng tingin si Luigi hanggang hindi ito nawawala sa kanyang paningin. Ngunit, kay Luigi nga lang ba siya nakatingin? Hindi nga ba't nakatuon din ang tingin niya sa babaeng dinaig pa ang anaconda kung makapulupot sa braso ni Luigi.
Kung may kapangyarihan lamang niya ay siguradong kanina pa nagmistulang uling ang kamay ng babaeng iyon. Para kasing gusto niyang sunugin iyon sa pamamagitan ng kanyang pagtitig.
Why? Tanong niya sa sarili pagkaraan.
"Hindi ako nagseselos," wala sa loob niyang sabi. Talaga naman kasing hindi niya dapat isipin na nagseselos siya dahil hindi naman talaga.
Ngunit, bakit parang gusto niyang ngumawa? Ang sakit-sakit kaya ng dibdib niya ng mga oras na iyon. Bigla'y nag-flashback sa kanyang isipan ang mga pinagsamahan nila ni Luigi.
"Really?"
Noon siya biglang natauhan kaya agad niyang nilingon ang may-ari ng boses sa kanyang tabi. Awtomatiko tuloy na tumaas ang kanyang kilay. Hindi lang dahil sa pagkapahiya kundi sa inis. Hindi naman kasi niya ito kilala para magkomento ito sa kanyang sinabi. Saka, hindi niya hinihingi ang opinyon nito kaya walang dahilan para may lumabas na anumang kataga sa labi nito.
"Mind your own business," pasinghal niyang sabi rito pero alam niyang hindi naman kalakasan ang kanyang pagsasalita. Kahit naman kasi naiinis siya ay ayaw niyang mamahiya ng tao. Hindi siya ganoon kasama.
Bahagyang tawa ang pinawalan nito.
Gusto sana niya itong tarayan pero hindi na niya nagawa nang harapin niya ito. Abot tenga kasi ang pagkakangiti nito sa kanya. Parang bituin na nagniningning ang mga mata kaya parang natulala siya.
Para kasing may guwapong anghel na bumaba sa langit para i-meet siya.
Lumapad tuloy ang ngiti niya nang mga sandaling iyon. Bigla kasi niyang naalala na ang tipo ng lalaking kaharap niya ang tipo ng lalaking gustung-gusto niyang maging boyfriend.
"Yael. Yael Gomez," wika nito sabay lahad ng kamay.
Kung kanina'y gusto niya itong tarayan sa pagiging pakialamero. Ngayon ang lapad-lapad nang ngiti niya rito. Kaya, kung kasama lang niya si Luigi, baka binatukan na siya nito.
Go away, wika niya sa sarili. Nang mga oras na iyon, mariin niyang sinabi sa kanyang sarili na dapat muna niyang kalimutan ang matalik na kaibigan.
Kaya, agad niyang tinanggap ang kamay nito. "Jorna, short for Jornaliza. Smith naman ang apelyido ko," wika niya pagkaraan.
Gosh, bakit ba siya natataranta? Nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili.
Kasi type mo siya, wika ng puso niyang parang gustong kiligin.
"Ang kamay ko," wika niya pagkaraan ng ilang sandali.
Mala-Prince Charming man ang anyo ng kanyang kaharap pero parang hindi tumigil ang pag-inog ng kanyang mundo tulad ng nababasa niyang sinusulat ng ibang manunulat. Ngayon tuloy ay parang napatotohanan niya na kasinungalingan lang iyon parang nakukuryente….
Hindi na niya nagawang ituloy ang kanyang iniisip dahil parang tuksong ipinaalala sa kanya ng utak niya na naramdaman naman niya iyon itilang araw na ang nakakalipas. Kay Luigi nga lang.
Magtigil ka! Singhal niya sa kanyang sarili. Kailangan na kasi talaga niyang makalimutan ang naramdaman niya sa kanyang matalik na kaibigan. Kung palagi pa kasi niya iyong aalalahanin, malaki ang posibilidad na maging dahilan lang iyon para masira ang kanilang pagkakaibigan.
May sakit na nga siyang naramdaman nu'ng iwasan siya ni Luigi na para bang nandidiri sa kanya. Well, hindi naman kataka-taka na makaramdam ito ng pandidiri dahil gusto niyang magpaturo rito ng kamanyakan.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Wala naman kasing tumatakbo sa isipan niya ng mga sandaling iyon kundi ang makapagsulat ng maganda para may nobela na siyang pumasa. Kung mangyayari iyon ay hindi na siya pipilitin pa ng kanyang ama na masteral.
Dahil wala siyang boyfriend, alam niyang si Luigi lang ang makakapagturo sa kanya ng mga gusto niyang malaman.
"Pasensiya ka na, hindi ko lang kasi napigilan," wika ng lalaki.
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi niya kasi na-gets kung ano ba ang ibig nitong sabihin.
Tiyak niyang nakalarawan sa kanyang mukha ang kanyang pagkalito kaya naman lumapad ang ngiti nito sa kanya na para bang nasiyahan sa kanyang ekspresyon.
"Ang ganda mo kasi," anitong matamis na matamis ang ngiti sa kanya.
Dati kapag may lalaking nagsasabi ng ganoon sa kanya ay agad siyang nagri-react. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng galit. Hindi naman kasi siya nakasisiguro kung bukal nga ba talaga sa loob nito ang sinasabi. Kaya, sa inis niya ay napapamura pa siya.
Ngunit, sa pagkakataong ito ay wala siyang galit na naramdaman. Para ngang biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. At kahit hindi siya nakaharap sa salamin ay alam niyang ang pula-pula ng kanyang mukha.
"Pare-pareho talaga kayong mga lalaki, ang galing ninyong mambola," wika niya pagkaraan ng ilang sandali. Ayaw naman kasi niyang isipin ng kanyang kaharap na masyado siyang naapektuhan sa sinabi nito.
Hindi nga ba? Tanong niya sa sarili.
"Wala bang salamin sa inyo?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Yael.
"Ha?"
"Harap ka sa salamin," turo nito sa kanyang likuran.
Ayaw sana niyang maakusahan na siya'y uto-uto pero nag-about face pa rin siya para sundin ang sinasabi nito. At ngayon ngang nakatitig na siya sa kanyang sarili, hindi niya naiwasan ang mapalunok. Masyado kasing daring ang kanyang hitsura.
Oh, para tuloy gusto niyang magsisi na nagsuot pa ng ganoong outfit. Hindi naman kasi siya nagtagumpay na makuha ng todo ang atensyon ni Luigi dahil nasa piling ito ng ibang babae ngayon.
"Siguro naman ngayon ay nakikita mo na kung gaano ka kaganda at kaakit-akit kaya hindi mo na maiisip pang nagsisinungaling ako. Kahit kailangan naman kasi, hindi pambobola ang pagsasabi ng totoo," wika nitong ang lapad-lapad ng ngiti kaya maging ang mga mata nito ay parang kumikinang din.
Bigla tuloy naisip niya, ang lalaking ito na ba ang magbibigay sa kanya ng inspirasyon para sa kanyang pagsusulat?
MALAYO pa lang si Jornaliza ay natanaw ng niya si Jewel sa coffee shop na pagtatagpuan nila. Nakapuwesto naman kasi ito sa may bintana para agad niya itong makita. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kanyang pagtingin ang pagsimangot nito. Nakita na kasi nitong hindi siya nag-iisa. Kahit naman hindi niya kinumpirma rito na wala siyang isasama, alam niyang ini-expect ni Jewel na siya lang ang makikita. Iyon nga lang, tiyak niyang hindi siya papayagan ng asawa na lalabas mag-isa. Kahit alam niyang kaya niyang protektahan ang sarili, tiyak niyang hindi ito basta hahayaan ni Luigi. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang makaramdam ng kilig. Pakiramdam niya ay napakaimportante niya sa buhay ni Luigi. Kunsabagay, kahit naman noong mag-best friend pa lamang sila ni Luigi, ay dama na niya na importante siya rito. Subalit, mas dama niya ngayon dahil nga iba na ang level ng kanilang relasyon. "Hello," masiglang bati sa kanya ni Jewel nang makaharap na niya ito. Abot tenga na ang ngiti n
KUNG noong sinabi ng mga magulang nila na may regalong ipinadala sa kanila ni Luigi na patay na pusa, kinabahan na siya. Higit ngayon ang naramdaman niya. Paano ba naman kasi, kitang-kita niya ang hitsura ng pusa. Ng kaawa-awang pusa. May tali ito sa leeg. Obviously, sinakal ito kaya lumawit ang dila. Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagulgol. Pakiramdam niya kasi'y siya ang dahilan kaya pinatay ang pusa. Dahil gustong ipaalam sa kanya ng nagbigay na iyon ang matinding galit sa kanya. Ano bang ginawa niya? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Nagpakasal ka kay Luigi, Jornaliza! Wari'y sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. "Jornaliza…""Ako ang may kasalanan nito," wika niya. Kumunot naman ang noo ni Luigi. Alam niyang labis itong nagtataka sa kanyang sinabi. "Wala kang ginawang mali." Mariing sabi ni Luigi. "Nagpakasal tayo," wika niya. Kumunot ang noo ni Luigi nang pakatitigan siya ng husto. "Pinagsisisihan mong…""Nakasakit ako. Tayo. Iyon ang sinasabi ko," mariin niyang
"BIRTHDAY ko?" gilalas pang sabi ni Jornaliza. Napa-'oh my' pa siya dahil napagtanto niyang kaarawan nga niya. Wala kasing ibang laman ang utak niya ng mga nagdaang araw kundi ang kanyang pagsusulat."Okay lang na makalimutan mo na kaarawan mo ngayon pero huwag na huwag mo sanang kalilimutan na may pogi kang mister," wika ni Luigi sabay kawit sa kanyang beywang. "Happy Birthday," wika naman ng iba. Talaga kasing kapag napapatitig siya kay Luigi ay talagang nawawala siya sa kanyang sarili. Parang nakakalimutan niya ang lahat gayung nang buksan niya ang pintuan kanina ay kita niyang maraming tao. Kabilang na roon ang kanyang ama, mga biyenan at ilang kasamahan sa pagsusulat kabilang na ang kanyang editor. "Kaya pala ayaw mo akong palabasin ng kuwarto kanina," wika niya. Natawa si Luigi. "Para namang gustong lumabas."Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng kanyang mister, lalo't tinudyo siya ng mga nakapaligid sa kanila, unang una na siyempre ang kanilang mga magulang. Magkaka apo n
INSPIRED na inspired si Jornaliza kaya mabilis na mabilis ang pagtipa niya sa kanyang laptop. Siyempre, spg scenes ang kanyang ginagawa kaya naman dalang-dala siya sa eksena. Sa kanyang isipan din ay naaalala niya ang mga nangyayari sa kanila ni Luigi. Bukod sa gusto niyang magkaroon ng inspirasyon ng kamanyakan, nais din niyang matutunan ang iba't ibang style sa pakikipag-sex dahil ayaw naman niyang pagsawaan siya ni Luigi. Hindi nito sinasabi sa kanya ang magic words na I love you kaya naiisip niyang kapag hindi niya ginalingan sa pakikipagtalik ay bigla na lamang siya nitong iwanan. Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nu'ng maalala niyang sabi ni Luigi na siya ang gusto nitong makasama sa habambuhay. Kaya, pinatutunayan lamang nito sa kanya na wala itong balak na iwanan siya. "Wala ka na bang gagawin diyan kundi magsulat?" Tanong sa kanya ni Luigi. Maang siyang napatingin dito. "Nagagalit ka ba?" "Bakit naman ako magagalit?" Sarkastikong tanong nito. "Sunday ngayon, dapat nagba
HINDI ito ang unang pagkakataon na inangkin si Jornaliza ni Luigi pero pakiramdam niya'y napakaespesyal ng naging halik, yakap, haplos at pag-angkin nito sa kanya ng mga sandaling iyon. Dahil nagawa na niyang aminin ang kanyang nararamdaman, hindi lang kay Luigi kundi maging sa kanyang sarili. Mahal niya si Luigi Chances. Hindi lang bilang kababata o matalik na kaibigan kundi bilang isang lalaki. Bilang kanyang asawa. At hindi niya kayang pigilan ang kanyang emosyon. Umiibig na siya kay Luigi kaya gusto na niya ito makasama sa habambuhay. Well, noon pa naman ay talagang ayaw na niyang mahiwalay pa rito. Hindi nga niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag naiisip niyang isang araw ay magseseryoso ito sa pag-ibig at mag-aasawa. Alam niya kasing kapag nangyari iyon ay hindi na sila magiging tulad ng dati. Hindi lang niya napigilan ang mapangiti sa labis na kasiyahan dahil nasa kanya na ang kanyang bestfriend. Kasal na sila kaya hindi na ito maaagaw ninuman sa kanya. "Huwag mo nga a
KUNG hindi lang nagtanong agad si Luigi ng, "Anong iniisip mo?" Mapapasigaw na sana siya. Bigla kasing pumulupot ang bisig nito sa kanyang katawan at naramdaman din niya ang katawan nitong dumikit sa kanyang katawan. Ang takot na nararamdaman niya kani-kanina ay biglang napawi. Pakiramdam niya kasi ay may magpuprotekta na sa kanya. Ngunit, siyempre, hindi naman niya gugustuhing mapahamak ang mahal niya. Mahal niya? Gilalas niyang sabi sa kanyang sarili kaya naman nanlaki ng husto ang kanyang mga mata. Hindi niya kasi inakala na maiisip niya iyon. Mahal na niya si Luigi?Ang lakas pa ng kanyang pagsinghap na para bang talagang gusto niyang siguraduhin na talaga ngang mahal niya si Luigi. Well, totoo naman iyon. Matalik nga silang magkaibigan kaya talagang may pagmamahal siya rito. Hindi lang kayo basta magkaibigan ngayon, mag-asawa rin kayo, buong diin niyang sabi sa sarili. Pagkaraan ay biglang pumasok sa isip niya ang mga pinagsaluhan nila ni Luigi sa kama. Naisip niya kasi na kun