Share

Chapter 49 

KUNG noong sinabi ng mga magulang nila na may regalong ipinadala sa kanila ni Luigi na patay na pusa, kinabahan na siya. Higit ngayon ang naramdaman niya. Paano ba naman kasi, kitang-kita niya ang hitsura ng pusa. Ng kaawa-awang pusa. May tali ito sa leeg. Obviously, sinakal ito kaya lumawit ang dila.

Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagulgol. Pakiramdam niya kasi'y siya ang dahilan kaya pinatay ang pusa. Dahil gustong ipaalam sa kanya ng nagbigay na iyon ang matinding galit sa kanya.

Ano bang ginawa niya? Naguguluhang tanong niya sa sarili.

Nagpakasal ka kay Luigi, Jornaliza! Wari'y sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak.

"Jornaliza…"

"Ako ang may kasalanan nito," wika niya.

Kumunot naman ang noo ni Luigi. Alam niyang labis itong nagtataka sa kanyang sinabi.

"Wala kang ginawang mali." Mariing sabi ni Luigi.

"Nagpakasal tayo," wika niya.

Kumunot ang noo ni Luigi nang pakatitigan siya ng husto. "Pinagsisisihan mong…"

"Nakasakit ako. Tayo. Iyon ang sinasabi ko," mariin niyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status