Share

Chapter 5 

last update Terakhir Diperbarui: 2022-02-20 00:18:04

NANINGKIT bigla ang mga mata ni Luigi sa eksenang kanyang naabutan. Si Jornaliza ay mayroong kausap na lalaki. Hindi lang basta kausap. Nakikipagtawanan pa ito sa lalaking parang isinubsob sa arina. 

Hindi tuloy niya napigilan ang mapamura. Paano ba naman kasi, naalala niyang ang ganoong klaseng lalaki nga pala ang tipo ni Jornaliza. 

Maputi lang pero hindi naman Mala-Prince Charming ang dating, inis niyang sabi sa sarili. Unang tingin pa lang niya kasi ay masasabi niyang hindi naman ito mayaman dahil simpleng t-shirt at short lang ang suot nito samantalang siya, puro signature ang suot mula ulo hanggang paa. Naka-Armani outfit siya. 

Ibig niya kasing ipakita sa lahat na nakakaangat siya. Hindi naman iyon isang kayabangan dahil can afford naman siyang bumili ng mamahaling kagamitan at kasuotan. Hindi dahil sa mayaman ang pamilya niya kundi dahil sa pinaghirapan niya ang mga iyon. Nagawa niyang makapagpatayo ng gym hindi dahil sa tulong ng kanyang mga magulang kundi dahil pinaghirapan niya iyon. Bago siya nakapagpundar para makapagpatayo ng gym ay isa rin siyang graphic artist. At dahil nagtatrabaho siya noon online, hindi lang mga Pinoy ang boss niya pati rin taga-ibang bansa ay kliyente niya. 

Tulad ni Jornaliza, AB Masscommunication din ang kanyang kinuha. Nang panahon kasi na iyon ay hindi pa noya alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay samantalang si Jornaliza ay matindi na ang paghahangad na maging sikat na manunulat. 

Malalim na buntunghininga na naman ang pinawalan niya ng mga oras na iyon. Para kasing nakaramdam siya ng guilt. Pakiwari niya kasi'y hindi siya mabuting kaibigan dahil iniiwasan niya ngayon si Jornaliza. Muli napabuntunghininga na naman siya dahil sa palagay naman niya'y tama lamang ang kanyang ginagawa. Kung hindi muna siya iiwas ay baka hindi na niya mapanghawakan ang pangako niya kay Jornaliza na mananatili silang magkaibigan hanggang wakas. 

Pero, hahayaan ba niyang may ibang magtuturo rito ng kamanyakan? Tanong niya sa sarili. 

Wala sa loob na natikom niya ang kanyang kamao. Ang isipin pa lamang na mayroong lalaking hahalik at yayakap kay Jornaliza, parang gusto na niyang manuntok. Wala sa loob na napamura siya nang matitigan na naman niya si Jornaliza at ang lalaking iyon na nagtatawanan. 

"Kailangan na nating umuwi," mariin niyang sabi nang nagmartsa siya palapit sa dalawa. Kahit gustong-gusto niyang titigan si Jornaliza nang mga sandaling iyon, nagdesisyon siyang panatikihin ang tingin sa lalaki. Gusto niya kasing maramdaman nito na may say siya sa buhay ni Jornaliza. 

Ang isang bahagi ng atribida niyang kaisipan ay parang gustong magsabi na bestfriend lang niya si Jornaliza kaya huwag siyang umastang boyfriend. Paulit-ulit ngang sinabi sa kanya noon ni Jornaliza na hindi siya nito magugustuhan kahit kailan. Nasaktan man siya ng sabihin nito iyon sa kanya na parang diring-diri, mariin din niyang sinabi rito na hindi rin naman niya ito magugustuhan. Kaya nga mabilis niya itong tinanggihan nang magpaturo ito sa kanya ng kamanyakan.

Kumunot ang noo ni Jornaliza nang ibaling ang tingin sa kanya. "Why?"

"Mag-lunch daw tayo sa bahay ninyo sabi ni Dad," wika niya. Hindi naman siya nagsisinungaling ng sabihin iyon dahil talaga namang tinawagan siya kanina ng ama para sabihing doon sila kumain sa bahay ng mga Smith. 

Kahit kailan ay hindi niya gustong pasamain ang noob ng kanyang ama kaya kahit na gusto niyang iwasan si Jornaliza ay hindi niya makuhang tanggihan ito at mabuti na lang din na hindi siya tumanggi dahil may dahilan siya para ilayo si Jornaliza sa lalaking kasama nito. 

Kahit sa tinggin niya ay bagong miyembro pa lang ang lalaki sa kanyang gym, parang may nagsasabi na sa kanya na kailangan niyang ilayo si Jornaliza rito. 

Isa rin siyang babaero kaya alam na alam niya ang aksyon ng lalaki kapag gusto nitong pormahan ang isang babae. Sa kaisipang bobolahin lamang nito ai Jornaliza ay umiinit na ang kanyang ulo. Parang gusto niyang sunggaban ang t-shirt nito at saka pagsusuntukin sa mukha. Parang gusto niyang lagasin nag ngipin nito para hindi man lamang maisip ni Jornaliza na ito ang type nitong lalaki. 

Mahirap na kasing maisipan pa ni Jornaliza na ito ang alukin nito ng…

"Damn," hindi siya palamurang tao pero ng mga oras na iyon ay gusto niyang paliguan ng mura ang lalaki. Baka sa pamamagitan noon ay matakot ito at hindi na gambalain si Jornaliza. 

"Anong problema mo?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Jornaliza. 

Ikaw, gusto niyang sabihin pero hindi niya magawa. "Kailangan nga nating umuwi."

"Tatawagan ko na lang…"

"No," mariing sabi niya. "Uuwi tayo at makikipag-lunch sa ating pamilya," mariin niyang sabi na hindi na tinitingnan ang lalaki. Talaga kasing nag-iinit ang ulo niya sa pagmumukha nito. 

Dati'y kinaiinisan niya ang kanilang mga magulang kapag pinagpa-partner sila ni Jornaliza. Para kasi sa kanilang dalawa ni Jornaliza, matalik na magkaibigan lang sila kaya hindi dapat umasa ang kanilang mga magulang na magkakaroon sila ng happy ending. 

Alright, ibig nila nila ni Jornaliza na maging mag-bestfriends sila habambuhay pero hinding-hindi niya gugustuhin na maging more than friends sila. Tiyak kasing kapag nangyari iyon ay masisira lamang ang kanilang pagkakaibigan na dalawang dekada na nilang binuo. 

Ngunit, kahit nama. Hindi nila gustong maging friends to lovers sila hindi nangangahulugan na hahayaan na lamang niya si Jornaliza makipagtawanan sa lalaking hindi naman niya alam ang pagkatao. 

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagsisisi na umalis ng hindi nasisiguro na magpapalit nga nv damit si Jornaliza dahil hindi naman ito ginawa iyon kaya alam niyang maraming lalaki ang nagpipiyesta ngayon sa kagandahan at kaseksihan ng kanyang matalik na kaibigan. Para tuloy gusto niyang magwala sa sobrang inis dahil pagiging gentleman niya masyado. Nang hilahin kasi siya kanina ni Paula ay wala na siyang nagawa kundi magpatianod na lang. May isa siyang salita kaya hindi niya nagawang sabihin dito na cancel na ang kanilang lakad. 

"Hindi ka pa ba nabusog?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. 

Lalo siyang napasimangot nang pumasok sa kanyang isipan si Paula. Kahit sinabi niyang puwede itong kumain ng heavy ngayon ay mas pinili nitong mag-order ng spaghetti with garlic bread at pineapple juice. Wala naman sanang problema sa gusto nitong kainin pero wala naman itong ginawa kundi ang titigan siya. Kung hindi nga niya sinabi ritong kailangan nilang magmadali dahil babalik pa siya sa gym ay parang hindi pa ito kikilos para kumain nang kumain. 

"Uuwi na tayo," sabi niya sa halip na sagutin ang tanong nito. Sa inis niya kasi sa kaartehan ni Paula, parang hindi aiya nabusog kahit na naubos naman niya ang kanilang kinain. At bago pa ito nakapagsalita pa ay kinuha na niya ang kamay nito para hilahin ito. Ayaw na niya talagang makitang magkasama pa ito at ang lalaking iyon. 

Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay napahinto na siya sa paglakad dahil napatigil din siya. Nang tumingin siya kay Jornaliza ay nakahinto rin ito. Ang dahilan ay hawak ng lalaking iyon ang isang kamay ni Jornaliza kaya nagdilim na ang kanyang paningin. Binitawan niya ang kamay ni Jornaliza at sinuntok ito. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 50

    MALAYO pa lang si Jornaliza ay natanaw ng niya si Jewel sa coffee shop na pagtatagpuan nila. Nakapuwesto naman kasi ito sa may bintana para agad niya itong makita. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kanyang pagtingin ang pagsimangot nito. Nakita na kasi nitong hindi siya nag-iisa. Kahit naman hindi niya kinumpirma rito na wala siyang isasama, alam niyang ini-expect ni Jewel na siya lang ang makikita. Iyon nga lang, tiyak niyang hindi siya papayagan ng asawa na lalabas mag-isa. Kahit alam niyang kaya niyang protektahan ang sarili, tiyak niyang hindi ito basta hahayaan ni Luigi. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang makaramdam ng kilig. Pakiramdam niya ay napakaimportante niya sa buhay ni Luigi. Kunsabagay, kahit naman noong mag-best friend pa lamang sila ni Luigi, ay dama na niya na importante siya rito. Subalit, mas dama niya ngayon dahil nga iba na ang level ng kanilang relasyon. "Hello," masiglang bati sa kanya ni Jewel nang makaharap na niya ito. Abot tenga na ang ngiti n

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 49 

    KUNG noong sinabi ng mga magulang nila na may regalong ipinadala sa kanila ni Luigi na patay na pusa, kinabahan na siya. Higit ngayon ang naramdaman niya. Paano ba naman kasi, kitang-kita niya ang hitsura ng pusa. Ng kaawa-awang pusa. May tali ito sa leeg. Obviously, sinakal ito kaya lumawit ang dila. Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagulgol. Pakiramdam niya kasi'y siya ang dahilan kaya pinatay ang pusa. Dahil gustong ipaalam sa kanya ng nagbigay na iyon ang matinding galit sa kanya. Ano bang ginawa niya? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Nagpakasal ka kay Luigi, Jornaliza! Wari'y sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. "Jornaliza…""Ako ang may kasalanan nito," wika niya. Kumunot naman ang noo ni Luigi. Alam niyang labis itong nagtataka sa kanyang sinabi. "Wala kang ginawang mali." Mariing sabi ni Luigi. "Nagpakasal tayo," wika niya. Kumunot ang noo ni Luigi nang pakatitigan siya ng husto. "Pinagsisisihan mong…""Nakasakit ako. Tayo. Iyon ang sinasabi ko," mariin niyang

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 48

    "BIRTHDAY ko?" gilalas pang sabi ni Jornaliza. Napa-'oh my' pa siya dahil napagtanto niyang kaarawan nga niya. Wala kasing ibang laman ang utak niya ng mga nagdaang araw kundi ang kanyang pagsusulat."Okay lang na makalimutan mo na kaarawan mo ngayon pero huwag na huwag mo sanang kalilimutan na may pogi kang mister," wika ni Luigi sabay kawit sa kanyang beywang. "Happy Birthday," wika naman ng iba. Talaga kasing kapag napapatitig siya kay Luigi ay talagang nawawala siya sa kanyang sarili. Parang nakakalimutan niya ang lahat gayung nang buksan niya ang pintuan kanina ay kita niyang maraming tao. Kabilang na roon ang kanyang ama, mga biyenan at ilang kasamahan sa pagsusulat kabilang na ang kanyang editor. "Kaya pala ayaw mo akong palabasin ng kuwarto kanina," wika niya. Natawa si Luigi. "Para namang gustong lumabas."Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng kanyang mister, lalo't tinudyo siya ng mga nakapaligid sa kanila, unang una na siyempre ang kanilang mga magulang. Magkaka apo n

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 47

    INSPIRED na inspired si Jornaliza kaya mabilis na mabilis ang pagtipa niya sa kanyang laptop. Siyempre, spg scenes ang kanyang ginagawa kaya naman dalang-dala siya sa eksena. Sa kanyang isipan din ay naaalala niya ang mga nangyayari sa kanila ni Luigi. Bukod sa gusto niyang magkaroon ng inspirasyon ng kamanyakan, nais din niyang matutunan ang iba't ibang style sa pakikipag-sex dahil ayaw naman niyang pagsawaan siya ni Luigi. Hindi nito sinasabi sa kanya ang magic words na I love you kaya naiisip niyang kapag hindi niya ginalingan sa pakikipagtalik ay bigla na lamang siya nitong iwanan. Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nu'ng maalala niyang sabi ni Luigi na siya ang gusto nitong makasama sa habambuhay. Kaya, pinatutunayan lamang nito sa kanya na wala itong balak na iwanan siya. "Wala ka na bang gagawin diyan kundi magsulat?" Tanong sa kanya ni Luigi. Maang siyang napatingin dito. "Nagagalit ka ba?" "Bakit naman ako magagalit?" Sarkastikong tanong nito. "Sunday ngayon, dapat nagba

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 46 

    HINDI ito ang unang pagkakataon na inangkin si Jornaliza ni Luigi pero pakiramdam niya'y napakaespesyal ng naging halik, yakap, haplos at pag-angkin nito sa kanya ng mga sandaling iyon. Dahil nagawa na niyang aminin ang kanyang nararamdaman, hindi lang kay Luigi kundi maging sa kanyang sarili. Mahal niya si Luigi Chances. Hindi lang bilang kababata o matalik na kaibigan kundi bilang isang lalaki. Bilang kanyang asawa. At hindi niya kayang pigilan ang kanyang emosyon. Umiibig na siya kay Luigi kaya gusto na niya ito makasama sa habambuhay. Well, noon pa naman ay talagang ayaw na niyang mahiwalay pa rito. Hindi nga niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag naiisip niyang isang araw ay magseseryoso ito sa pag-ibig at mag-aasawa. Alam niya kasing kapag nangyari iyon ay hindi na sila magiging tulad ng dati. Hindi lang niya napigilan ang mapangiti sa labis na kasiyahan dahil nasa kanya na ang kanyang bestfriend. Kasal na sila kaya hindi na ito maaagaw ninuman sa kanya. "Huwag mo nga a

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 45 

    KUNG hindi lang nagtanong agad si Luigi ng, "Anong iniisip mo?" Mapapasigaw na sana siya. Bigla kasing pumulupot ang bisig nito sa kanyang katawan at naramdaman din niya ang katawan nitong dumikit sa kanyang katawan. Ang takot na nararamdaman niya kani-kanina ay biglang napawi. Pakiramdam niya kasi ay may magpuprotekta na sa kanya. Ngunit, siyempre, hindi naman niya gugustuhing mapahamak ang mahal niya. Mahal niya? Gilalas niyang sabi sa kanyang sarili kaya naman nanlaki ng husto ang kanyang mga mata. Hindi niya kasi inakala na maiisip niya iyon. Mahal na niya si Luigi?Ang lakas pa ng kanyang pagsinghap na para bang talagang gusto niyang siguraduhin na talaga ngang mahal niya si Luigi. Well, totoo naman iyon. Matalik nga silang magkaibigan kaya talagang may pagmamahal siya rito. Hindi lang kayo basta magkaibigan ngayon, mag-asawa rin kayo, buong diin niyang sabi sa sarili. Pagkaraan ay biglang pumasok sa isip niya ang mga pinagsaluhan nila ni Luigi sa kama. Naisip niya kasi na kun

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 44

    SUNDAY is family day, kaya, hindi lang si Luigi ang kasama ni Jornaliza, pati na rin ang kanilang mga magulang. Ngunit, dahil sa hindi naman nila sinabi ni Luigi na pupunta sila ay kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng mga magulang. Pagkagulat? Tanong niyang muli sa kanyang sarili. Para kasing kulang na kulang ang paglalarawan niyang iyon. Hindi lang kasi gulat ang nakikita niya sa mukha ng mga ito kundi takot. Gusto sana niyang magtanong kung anong problema kaso nga lang biglang nagliwanag ang mukha ng kanyang Mama Guada sabay palakpak na parang siyang-siya na nakita sila, lalo tuloy siyang napakunot noo sa ginawi nito. Para kasing mayroon talagang nais itago ang mga magulang sa kanila ni Luigi. Dama kasi niyang tensyon ng mga ito at ang palitan ng makahulugang tinginan. "Eh, kamusta naman kayo?" Tanong pa ng kanyang Mama Guada habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Luigi. Dahil nga sa pagsorpresa nila sa mga ito ay nagpasya na silang magdala ng pananghalian. "Ma

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 43 

    HINDI man sila sa fivestar hotel nag-dinner ni Luigi, pakiramdam ni Jornaliza ay pagkaganda-ganda niya sa paningin nito. Hindi kasi maalis-alis ni Luigi ang tingin sa kanya. Pakiwari niya tuloy ay magandang-maganda ang kanyang suot at naka-make up din siya gayung pol o at lipstick lang naman ang inilagay niya sa kanyang mukha. "Uy," wika niya maya-maya. Ang lakas-lakas na kasi ng tibok ng puso niya ng mga sandaling igon. Pakiramdam niya tuloy lalabas na sa rib cage niya ang kanyang puso. Sobra-sobra siyang nabibingi. "Kung titigan mo ako, parang ngayon mo lang ako nakita," nakangising sabi niha kahit ang totoo ay sobra siyang naaapektuhan sa paraan ng pagtitig nito. "Ang lakas mo kasing kumain," wika ni Luigi na manghang-mangha sa mga pagkaing nasa kanyang harapan – inihaw na pusit, inihaw na bangus, inihaw na baboy, inihaw na manok at may inihaw na hotdog pa. Para siyang biglang nahirinan sa sinabing iyon ni Luigi kaya agad niyang hinagilap ang kanyang baso saka uminom. Buong akal

  • Noted, Akin Ka!   Chapter 42

    DAHIL sa ayaw na naman siyang makita at makausap pa ni Jornaliza, naisipan ni Yael na sundan na lamang niya si Luigi. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kung saan ito matatagpuan.Siyempre, hindi naman siya nagpakita kay Luigi. Matagal na rin siyang hindi nagpupunta sa L's. Ayaw niyang makita ng lalaki dahil baka kung anong magawa niya rito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ang inaagawan at iyon ang ginawa nito sa kanya.Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang maisip niyang may pakiramdam din naman siyang hindi niya makakamit ang matamis na oo ni Jornaliza. Hindi naman siya manhid ngunit gusto pa rin niyang umasa. Naniniwala kasi siyang makukuha rin niya si Jornaliza sa tiyaga.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Talaga kasing hindi niya inakala na magiging mabilis ang pag-aksyon ni Luigi para makuha si Jornaliza.Muli, napabuntunghininga siya. Dapat nga sana ay tanggapin na lamang niyang iba na ang bu

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status