Sa daming sinabi ni Cassian ay ang ‘You can’t divorce me, I will divorce you’ ang tumatak kay Ember.
Mabilis niyang hinila ang braso mula sa pagkakahawak nito. Isa lang ang ibig sabihin sa mahaba nitong litanya, ayaw nitong matapakan ang pagkalalaki kaya kailangan siya ang maghintay kung ano ang gusto nitong kondisyon sa hiwalayan nila at magmukhang siya ang inayawan at hindi siya ang umayaw.
Binalikan ni Ember ang pangyayari two years ago, noong minamasahe niya ang kamay nito at biglang gumalaw ang hinliliit nito. Sa sobrang gulat niya ay nabitiwan niya ang kamay ni Cassian at mabilis na tumakbo palabas ng kuwarto. Agad niyang tinawag ang mama ng asawa at sinabi ang magandang balita na nag-respond na kahit paano si Cassian. Punong-puno ng pag-asa ang puso niya at nang bumalik na siya sa kuwarto ng asawa ay tuwang-tuwa siya na nakitang gising na ito.
Nang pumasok ang mama nitong si Vivienne Montgomery ay saka lang nakitaan ng recognition ang mga mata si Cassian. Nang hanapin nito ang girlfriend na si Lauren dahil ang isa ang huling nasa memorya nito ay doon napalingon sa kaniya ang mother-in-law.
Ipinaliwanag naman agad ni Vivienne kay Cassian na si Ember ang asawa nito at hindi si Lauren dahil tumakas ang isa bago ang kasal. At galit… Galit ang nakita ni Ember sa mga mata ng asawa pagkatapos malaman ang mga nangyari.
At ang galit na nakita ni Ember sa mga mata ni Cassian ay balewala sa tanong nito sa ina kasunod na kung bakit kailangan ipakasal pa ito sa iba ay si Lauren lang ang mahal nito. Tiniis niya ang kahihiyan na nararamdaman nang oras na iyon, ang importante ay gising na ang lalaking mahal niya.
“It would be the same…” mahinang usal ni Ember at humakbang palayo kay Cassian. “Ang importante lang naman ay tapusin na ang walang kwentang pagsasama natin para pareho na tayo maging malaya at masaya, ‘di ba?”
“Walang kwenta?” pagak na natawa si Cassian. “At mula pa talaga sa ‘yo ang salitang ‘yan, Ember?”
“But that’s the truth!” Asar na napapadyak si Ember. “We know that what we have is a loveless marriage from the start. I was just obligated to do my duty being my mother’s daughter. Now I want divorce and you want it too… Why not settle it once and for all? Huh? Isa pa…” Pilit siyang ngumiti para magmukhang kaswal lang sa kaniya ang mga sinasabi. “We never shared a bed, Cassian. Madali para sa atin ang maghiwalay bukas agad.”
“Loveless?” tanong ni Cassian na tiningnan si Ember mula ulo hanggang paa. “Never shared a bed?” dagdag niya. “Iyan ba ang dahilan kaya nakikipaghiwalay ka?”
Tinitigan ni Cassian ang asawa. Kung tutuusin ay wala na siyang pakialam sa dahilan nito sa diborsyong hinihingi. Mula pa noong malaman niyang ito ang asawa niya ay hindi na siya natuwa sa ginawa ng ama na ipakasal siya rito kahit si Lauren ang dapat bride niya. Kung tinakasan siya ni Lauren dahil akala hindi na siya babalik sa dati ay okay na ‘yon sana. Hindi na dapat natuloy ang kasal at gawin si Ember na bride niya.
At kung bakit naman sinigurado ng mga magulang nitong sina Ember at Lauren makasal siya sa isa sa mga ito? Simple lang, dahil sa perang mamanahin sa kaniya sakaling hindi siya nagising mula sa comatose. Alam niya iyon. Hindi siya tanga.
Pero itong si Ember? Pagkatapos nitong pumayag maging asawa niya, ngayon ay sasabihin sa kaniya na maghiwalay sila tutal naman ay hindi sila nagsama bilang mag-asawa sa tunay na kahulugan ng salita. Tama pa ba ang takbo ng utak nito? Talagang handang magpagamit lang sa mga magulang?
Totoo na walang nangyari sa kanila kahit minsan ni Ember dahil hindi ito kagaya ni Lauren na laging nakaayos at nakakaakit. Napakasimple ni Ember manamit at ang salamin nitong makapal dahil malabo ang mga mata ay nakadagdag sa pagiging nerd nito kaya mas mukha itong dapat galangin at hindi pagnasaan.
Sa madaling salita ay hindi maganda si Ember sa paningin niya una pa lang kaya wala siyang interes dito. At ngayon na parang siya pa ang pagmamalakihan nitong hiwalayan ay nakakainsulto sa pride niya.
“Oo!” mataas ang pitch ng boses na sagot ni Ember at tumingala pa na parang proud na proud sa sinabi. “Sabihin na natin na ‘yang bagay na hindi tayo nag-sex kahit kailan ang dahilan ko. Ano rin sa ‘yo? Alangan naman na palibhasa may Lauren ka na pinagbibigyan ka lagi ay ako okay lang na tumanda ako na tigang.”
Napalunok si Ember sa sinabi. Napangiwi dahil mukhang atat pala siyang maka-experience ng sex kaya nakikipaghiwalay. Pero kanina pa siya nasasaktan kaya gagawin niya ang lahat para tapusin na ang paghihirap ng kalooban sa lalaking hindi man lang siya nagawang subukan mahalin.
Inis na nilapitan ni Cassian si Ember na agad napaatras dahil ayaw mahawakan ng isa. Sa muling paghakbang paatras si Ember ay may naapakan itong gumulong at dahilan para muntik siyang mabuwal kung hindi siya naagapan saluhin ni Cassian.
Nakaawang ang mga labi ni Ember. Kunot-noong nakatitig kay Cassian kahit blurred lang ito sa tingin niya dahil natanggal ang salaming de grado mula sa mga mata niya. Itinayo siya ni Cassian at nang maramdaman niyang nakaapak na pareho ang mga paa sa sahig ay pilit niyang inaaninag sa sahig kung saan napunta ang salamin niya.
Si Cassian ay hindi maunawaan ang sarili na nakatingin sa asawang sigeng tingin sa sahig at hinahanap ang salamin. Dinampot niya ang salamin nito at hinawakan ang braso para isuot muli rito ang salamin sa mga mata nito.
Ngayon niya lang natitigan si Ember na malapitan. May kakaibang ganda pala ito. At bigla hindi niya alam kung bakit parang tinatablan siya habang nakatitig sa mga mata nito. Sa tagal nilang nagsama ng asawa ay bago niya lang napansin na natural ang pink nitong mga labi at ang mga mata ay golden brown. Naka-brace ito na hindi niya alam kung kailan aalisin ng dentista nito.
Last year, siya ang nagsabi sa assistant niya na dalhin si Ember sa dentista at ipaayos ang ngipin. Wala naman problema talaga sana ang mga ngipin ni Ember maliban sa sungki-sungki. Dahil asawa niya ito at ayaw niya makantyawan ng mga kaibigan ay sinabi niyang magpaayos ito ng mga ngipin.
Hindi matatawaran ang ganda ni Lauren pero maganda rin pala si Ember, hindi nga lang nag-aayos gaya ng kapatid nito kaya hindi halata.
“What?” tanong ni Ember na umistorbo sa iniisip ni Cassian. “Alam ko naman na hindi ako maganda kagaya ni Lauren at tama ang lagi kong naririnig sa mga kaibigan mo na hindi ako bagay sa gaya mo…” Malungkot siyang ngumiti. “At kung nakakahiya sa ‘yo na ako ang parang nakipag-divorce ay sige na, lahat sa agreement ay gawin na lang natin na puro pabor sa ‘yo.”
“Anyway,” sabi ni Adrian sabay ngisi habang naglalakd sila ni Ember pabalik sa bulwagan kung saan nagaganap ang charity event ng ina. “Ano ba talaga ang ikinagulat mo? Ang biglaang pagkakita sa ex mo rito sa charity event? O ang bagay na ngayon mo lang nalaman na matulungin pala ang ex mo at ang kaibigan niya?”Malakas na tawa ang isinagot ni Ember. “The last one! Iyon talaga, eh…” sabi niya na bumungisngis kasunod. “It really is surprising to learn that the two have that in their soul. Sa tagal ko na silang kilala ay nakakagulat talaga na malaman na may puso rin pala sila sa pagkakawang-gawa. Akalain ko ba naman ‘yon. Nakaka-worry tuloy… baka naman nakalog pala ang utak ng mga ‘yon.”“Aren’t you judgmental?” “And aren’t they already shown their colors to me before?” nakangiting balik ng tanong ni Ember sa kaibigan. “I’ve known them for a decade, Adrian. Since college pa ay kilala ko na sila kaya talagang nakakagulat for me na bigla ay may interes sila to sponsor sa charity ng mama
“You know them, right?” tanong ni Adrian kay Ember na kanina pa nakatingin lang sa mga dumadaan na sasakyan sa labas ng hotel.Nasa lobby sila ng hotel at kanina pa inoobserbahan ni Adrian ang kaibigan dahil obvious na gusto nitong iwasan ang mga guests ng mama niya na bagong dating. May tumutubo ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang isipin at baka naman mali lang siya ng kutob. Hangga’t hindi niya naririnig kay Ember kung ano ang reason nito na biglang nag-iba ng mood at tila natatakot ay hindi tama na kung ano-ano ang naiisip niya. “Hindi ka nahihilo sabi mo pero namumutla ka kanina…” turan ni Adrian nang manatiling tahimik si Ember. Nasabi ni Adrian iyon kasi paglabas nila ng bulwagan kanina ay sinabi niyang dadalhin niya si Ember sa clinic na malapit pero umiling agad ito, sinabing hindi na kailangan dahil ang gusto lang nito ay lumabas at lumayo sa ginaganap na event. That’s when he realized na may gusto lang itong iwasan na naroon. And who else kung hindi ang mga bagong dati
“Biglang sumama ang pakiramdam ni Ember, ‘Ma…” paliwanag ni Adrian sa ina nang makitang naguguluhan itong nakatingin sa kanila ni Ember. “Samahan ko na lang po muna siya pahangin sa labas…” paalam ni Adrian at dahil nakatingin sa kaniya ang dalawang bisita ng ina, na alam niyang gustong ipakilala sana siya ng ina sa mga ito ay nginitian niya na lang sabay sabing, “Welcome to Velasquez’s Charity Event! Thank you for coming!” Kasunod niyon ay tumalikod na si Adrian para alalayan si Ember na humigpit din ang kapit sa braso niya. “Let’s go…” aya niya rito. “Nahihilo ka ba? Gusto mo bang mahiga muna?” Umiling si Ember bilang tugon, ayaw niyang maglabas sana kahit anong salita lalo na at binanggit pa talaga ni Adrian ang pangalan niya pero, “Sa labas lang tayo. I just need some air.”Si Cassian na hahakbang sana para sundan ang dalawa ay naawat sa patagilid na pag-angat ng kamay ni Mathias at iharang sa kaniya. A gesture to stop him from chasing Ember.Napansin naman iyon ni Cristina, na
—AGUSTIN, SALVACION—“Let’s go,” nakangiting wika ni Adrian kay Ember nang makababa na ng hagdan ang isa. May panibagong charity event ang mama niya at mabuti pumayag si Ember na maging plus one niya sa okasyon. “Paalam lang muna ako kina auntie…” ani Ember at pumunta sa kitchen at nagpaalam. “Tara na!” aniya nang balikan si Adrian na naghihintay sa kaniya sa labas. “Salamat daw sa dala mong mga putahe…” patuloy niyang kausap sa binata. “Masyado mong ini-spoil ang mga auntie ko.”“I love seeing how they adore me…” tugon ni Adrian. “It’s not spoiling them but returning their kindness…”“Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Ember pagpasok niya sa kotse ng kaibigan. “Saan?” tanong din ni Adrian. “Sa panliligaw sa ‘yo? No. Hindi ako mapapagod. Hanggang may pag-asa pa ako ay hindi ako titigil.”Bumuntong hininga si Ember. Iyon ang hindi niya inaasahaan. Nang magtapat sa kaniya si Adrian ay hindi naman niya ito pinaasa. Inamin niyang mahal niya pa si Cassian at hindi niya gustong ipaako rito
“Buntis si Ember…” agad na balita ni Michelle kay Lauren pagkakita niya pa lang dito nang abutan niya sa gazebo at may ka-chat. Galing pang Agustin si Michelle at kararating niya lang. Ginabi na siya makabalik pero sulit naman ang mga kaganapan kanina dahil nagtagpo naman sila ni Ember at marami siyang nalaman tungkol dito. “Buntis?!” Gulat na napatayo si Lauren. Ang gulat at takot ay nasa mukha niya. Pagkadismaya na rin dahil kung buntis si Ember ay ibig sabihin wala na siyang laban dito. Siguradong kahit tingnan ay hindi na gagawin sa kaniya ni Cassian. Wala na siyang pag-asa.“Ang sabi ay hindi kay Cassian…” usal ni Michelle kasunod. Agad ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Lauren sa narinig. “Well, that’s good to know, Mama… Mukhang may nahanap na pala siyang kapalit agad ni Cassian. May simpleng kalandian din talaga ‘yang anak mo, eh.” Bumalik sa pagkakaupo si Lauren. Nakampante ang utak at nakaramdam agad ng tagumpay. “Doktor at may ospital ang nagpakilalang ama,” patuloy p
“Si Ember nga pala…” baling ni Cassian kay Mathias matapos nilang sang-ayunan ang plano na sinabi ni Willow. Napagdesisyunan nilang sila na nga lang ni Mathias ang pupunta sa event at sinabi na rin ni Mathias sa kapatid na tumawag ito kay Cristina Velasquez para ipaalam na kuya nito ang darating kasama ang kaibigan na interesado rin diumano sa pag-sponsor sa charity programs ng mga Velasquez. “May update na ba kay Ember?” tanong kasunod ni Cassian kay Mathias. “Anong pinagkakaabalahan niya? May trabaho ba siya o sa bahay lang? Sino ang kasama niya sa bahay na tinutuluyan?”“Teka…” ani Mathias at kinuha ang phone sa bulsa. “Mabuti at nabanggit mo pala ‘yan… Early this morning ay may email nga pala akong natanggap mula sa tao ko na nasa Agustin. Iyong inutusan ko roon para bantayan si Ember. Ang sabi niya ay tingnan ko na lang ang mga pinadala niyang pictures kaso tumawag bigla si Alguien kaya inuna ko ang utos ng isa. Nawala na sa isip ko at nasingit pa ang topic natin na event.” “