LOGINNakabalik na sa bahay si Ember ay hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang tagumpay na ngiti sa mga labi ni Lauren.
Angel? Boss Angel?
Napahikbi siya. Tama siya una pa lang sa hinala na si Lauren nga ang nagpadala ng mga larawan. Ito lang naman ang binansagang Angel ng mga kaibigan ni Cassian dahil mukha raw itong anghel sa ganda. At ang picture na naka-uniform ito? Iyon ang uniform ni Lauren noong college sila. Paalala lang pala iyon. Paalala at pang-inis sa kaniya.
Magkaedad lang sila ni Lauren. At mula nang magpakasal ang mama niya sa papa ni Lauren ay mas naging parang anak na ng mama niya ang isa kaysa sa kaniya. Fifteen years old sila ni Lauren noong una silang magkakilala, sa kasal na ng parents nila. Iyon din ang unang beses niyang nakilala si Cassian dahil anak ito ng kaibigan ng ama ni Lauren at kasama sa mga guest sa kasal.
Simpleng crush lang naman ni Ember noon si Cassian unang kita niya pa lang dito. Simpleng paghanga na nauwi sa puppy love. Iisa ang school kung saan sila nag-aral tatlo at syempre laging bida si Lauren Villareal bilang anak ng mayamang ama nito at may-ari ng unibersidad.
At si Ember? Dahil anak lang siya ng pangalawang asawa ni Dominic Villareal ay wala siyang karapatan maging katulad ni Lauren na laging espesyal sa lahat. Ang Universidad Villareal ang nagparanas kay Ember una pa lang kung paano siya dapat maging sunod-sunuran kay Lauren—ang queen bee ng campus.
Si Lauren ang kasintahan ni Cassian. Second year college na sila noon ni Lauren at fifth year na ni Cassian sa engineering course nito. Nang umalis papuntang America si Cassian pagka-graduate nito sa college, para sa bansa ng Amerikang ina simulan ang negosyong real estate, ay wala namang ginawa si Lauren kung hindi makipag-date kung kani-kanino.
Si Ember nang makapagtapos ay minabuting umuwi sa probinsya ng ama at doon na nag-apply ng trabaho. Twenty-two na siya at nagtuturo na sa publikong paaralan nang tawagan siya ng mama niya at sabihin bumalik ng Manila sa lalong madaling panahon.
Nasa Manila na siya nang malaman na kaya pala siya kailangan ng ina ay dahil tumakas si Lauren sa kasal nito dapat kay Cassian dahil comatose ang lalaki. Alam niyang napagkasunduan na ang kasal ng dalawa at isa rin iyon sa inuwi niya sa probinsya ng ama, ayaw na niyang masaktan makita sina Lauren at Cassian na laging magkasama.
Ang utos nina Michelle at Dominic ang nagbigay pag-asa sa puso ni Ember. Kailangan niyang pakasalan si Cassian para hindi mapahiya ang mga ito sa ginawa ni Lauren. At dahil mahal niya si Cassian noon pa ay hindi siya tumanggi. Ginawa niya rin ang lahat para tulungan ito sa tatlong taon comatose ito.
Sa bahay ng mama ni Cassian sila tumira dahil sa America naganap ang kasal niya sa groom niyang walang malay. Kasundo niya ang byenang babae dahil nakita nito ang sakripisyo niya para kay Cassian, pero ang lahat ng sakripisyo niya ay balewala mismo kay Cassian…
Nang magising si Cassian at malaman na siya ang asawa nito ay nadismaya ito. Sinabi nito agad sa ina na hindi siya si Lauren na kasintahan nito. Hindi pa gaanong magaling si Cassian at hindi pa nakakalakad pero pinilit na sa apartment lang nito sila tumirang dalawa. Alam naman ni Ember kung bakit, ayaw ng asawa niyang bigyan siya ng pagkakataon mapalapit sa kahit sino sa mga magulang nito.
Malungkot na inikot ni Ember ng tingin sa buong unit ni Cassian. Bumuntong hininga siya bago itinuloy ang pagligpit sa mga bulaklak at kandila na ginamit niyang pandekorasyon sa buong sala para sana sa birthday ni Cassian.
May bumukas ng pinto pero hindi lumingon si Ember. Ang sabi ni Lauren ay magkasama sila ni Cassian kaya ibig sabihin ay ang matandang housekeeper ang pumasok at baka may binili sa labas.
“Yaya Marietta,” kausap niya sa matandang Pilipinang yaya ni Cassian na sinadyang isama ng asawa niya sa apartment nila noong lumipat sila two years ago. Sadyang isinama ito ni Cassian para masigurado na hindi siya ang mag-asikaso ng mga kailangan ng asawa araw-araw. “Yaya…” muling tawag niya sa isa, “nasaan na po ang mga—”
Naputol ang sasabihin ni Ember nang salubungin ang mga tingin ni Cassian. Bakit narito ang asawa niya? Gusto niyang itanong kung bakit ito umuwi ay sinabi nga ni Lauren na magkasama ang mga ito.
“Nagliligpit ka…” puna ni Cassian sa ginagawa ni Ember na naabutan. “Why? Tapos na ba ang selebrasyon sa birthday ko?”
Pilit na ngumiti si Ember at sinalubong ang mga tingin ni Cassian. “Naisip ko na hindi naman ako ang gusto mong kasama ngayon kaya hindi na ito kailangan. And about your birthday… may naisip akong mas magandang regalo para sa ‘yo. Sigurado kong magiging ma—”
“Huwag ka na mag-abala,” putol ni Cassian sa sasabihin niya. “Hindi ko kailangan ng regalo mula sa ‘yo.”
Natigilan si Ember. Napakurap. Mapait na nangiti sa sarili. Paano niya bang minahal ang lalaking ito sa harap niya nang gano’n katagal? Hindi lang lima kung hindi lampas dekada na espesyal ito sa kaniya at nag-iisang itinangi.
“Promise,” muling wika ni Ember. “Promise at magugustuhan mo ang ireregalo ko. I want divorce, Cassian.”
Natigilan si Cassian at napatitig sa kaniya. “Are you pranking me?” tanong nito na kung seryoso ang tono ng boses ay nagyeyelo naman ang mga matang nakatingin sa kaniya.
Muli ay mapait na ngiti ang pinakawalan ni Ember. Pigil ang luha na muli siyang nagsalita, “Why?” tanong niya at nagpatuloy sa pagliligpit ng mga bulaklak. “Nasorpresa ka ba?” Pinasaya niya ang tono ng boses. “Dapat kasi sinabi mo agad na okay na pala kayo ni Lauren para nakaraan pa tayo nakapag-usap tungkol sa divorce.” Pilit siyang tumawa kahit ang totoo ay ang sama-sama ng loob niya.
“Nagseselos ka sa kapatid mo?” tanong ni Cassian na ikinalaki ng mga mata ni Ember. “Iyon ba?”
Hindi nakasagot si Ember at tinitigan lang ang asawa. Bakit itatanong pa iyon ni Cassian sa kaniya na parang binigyan siya nito ng karapatan magselos una pa lang? Isa lang siyang stand-in ni Lauren sa kasal na tinakasan nito dahil na-depressed ‘daw’ sa nangyaring aksidente ni Cassian noon.
Yes, iyon ang rason ni Lauren sa pagtakas nito sa kasal. Ang hindi matanggap na nangyari sa kasintahan kaya lalayo na lang ito at hindi ‘raw’ nito kakayanin kung tuluyang mawawala si Cassian.
Nilapitan ni Cassian ang asawa na hindi niya maunawaan kung bakit gusto siyang i-diborsyo. Kung gusto nito ng divorce ay pagbibigyan niya pero siya ang dapat gumawa ng agreement at sasang-ayon lang ito.
“Makinig ka, Ember.” Hinawakan ni Cassian ang braso ni Ember at hinila ang asawa palapit sa kaniya. “Alam ng lahat na si Lauren ang pakakasalan ko dapat five years ago. Siya dapat pero nawala lang siya ay pumayag ka agad na maging kapalit niya. You wanted me from the very beginning and everyone knows that well. You can’t divorce me, I will divorce you. Hintayin mo ang divorce agreement na ipapagawa ko. Huwag mo akong pangunahan!”
“Hahayaan na lang ba natin siya, boss?” tanong ng isang tauhan ni Leonard sa kaniya habang pinapanood ang mga kaganapan sa labas ng ospital. Marami nang patay na tauhan nina Mathias at Nikias ang makikita sa paligid. Leonard grinned. Hindi basta mapapasok ni Lauren ang ospital kung ito lang mag-isa, of course tumulong ang mga tao niya. Kagaya ng pangako niya. “She needs to do it alone…” mapanganib at malamig na tugon ni Leonard. Ang totoo ay ayaw ni Leonard madamay. Sakaling mabulilyaso ang gustong gawin ni Lauren ay mas okay na ito lang ang magkaproblema. Ayaw niyang madawit ang pangalan niya sakaling mahuli ito ng mga pulis na siguradong mangyayari. “Hindi ko hahayaan maikonekta sa akin si Lauren. Mainit pa sa mga balita ang nangyari sa simbahan kaya hindi tamang maiugnay sa ginawa natin doon ang kamatayan nina Cassian at Ember,” patuloy ni Leonard paliwanag sa tauhan niyang kanina pa takang-taka kung bakit si Lauren lang ang kailangan pumasok sa loob ng ospital at tumapos sa mag
Alas kuwatro ng madaling araw. Ang ospital ay tila tulog, maliban sa mga nurse na nagroronda. Ngunit mula sa likod ng emergency exit, isang maliit na ingay ang umalingawngaw—tunog ng kandadong marahang binubuksan. Si Lauren iyon. Nakapasok siya ulit, dahan-dahan, maingat. Nakasuot siya ng puting coat ng nurse, at sa unang tingin, hindi siya mapapansin. Pero ang kanyang mga mata, malamig, nakatutok sa iisang direksyon: ang ICU kung saan naroon si Ember. Habang naglalakad siya, nakasalubong niya ang isang nurse. “Miss, hindi ba dapat sa kabilang wing ka naka-assign?” tanong ng nurse. Ngumiti si Lauren. A wicked and dangerous smile. Bago pa makapagsalita ang babae, mabilis na tumarak ang scalpel sa tagiliran nito. Tahimik na bumagsak ang nurse, at itinabi niya ang katawan nito sa isang storage room. Wala man lang narinig ang iba. “See that, Ember,” bulong ni Lauren. “Gan’yan din ang ending mo mamaya…” ********* Biglang napatayo si Ember. “Cassian… may mali.” Tumingin si Cassian, a
Sa isang abandonadong sasakyan na nakaparada sa isang bahagi ng madilim na kalsada, ay may isang babaeng nakaupo, nakasuot ng mahabang coat. Si Lauren.“Hindi niyo ako tuluyang maitatapon,” bulong niya habang sinusundan ng tingin sina Cassian at Ember na palabas ng ospital. Mahina lang ang boses niya pero puno ng galit. Nakangising sinundan niya ng tingin ang dalawa. Sa kanyang isip, malinaw ang plano na huwag muna siyang aatake. Hayaan muna niyang matakot si Ember, hayaang lamunin ng paranoia at takot ang bawat segundo ng kanyang pagkatao.“Soon, Ember,” bulong niya. “I’ll take everything away from you. Cassian, your family, your life. At ako ang huling mukhang makikita mo bago ka mawala.”Ngumiti si Lauren. Sa kanyang mga palad, nakapulupot ang manipis na lubid at isang maliit na kutsilyo. Sa kanyang bulsa, may nakatuping sulat—isang peke, na nagsasaad na nagpakamatay siya sa tulay. Isang papel na papaniwalaan ng mundo. Kagaya ng sabi ni Leonard ay iyon ang kalayaan niya. Wala nang
Tahimik ang bawat segundo sa ospital, tila ba ang mismong orasan ay pinipilit pigilan ang pag-ikot. Ang mga ilaw sa hallway ng ICU ay malamlam pa rin, nagbibigay ng malamig na kulay sa mga dingding na tila ba nakikiramay din sa bigat ng sitwasyon. Sa bawat pag-ugong ng air-conditioning at sa bawat beep ng mga makinang nakakabit kay Giancarlo, ang puso ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay muling pinapaalalahanan na ang buhay niya ay nakabitin lamang sa manipis na sinulid.Nakaupo si Ember sa bench, yakap-yakap ang rosaryong ilang ulit na niyang dinaanan ng dasal. Paulit-ulit, walang humpay, na para bang ang bawat Hail Mary ay magsisilbing gamot na magbabalik sa kapatid niya mula sa bingit ng kamatayan. Paminsan-minsan, titingala siya sa pintuan ng ICU, umaasang lalabas ang doktor na may dalang mabuting balita. Ngunit sa bawat minutong lumilipas, ang katahimikan ay lalong sumasakal.Si Cassian, laging naroroon sa tabi niya, mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Ramdam niya ang pangingini
“Twenty-four hours daw ang pinakamahalaga…” mahinang bulong ni Ember, halos wala nang lakas. “Paano kung hindi kayanin ng katawan niya, Cassian? Paano kung—”Inikot ng tingin ni Ember ang hallway ng ospital ni Adrian. Wari ay naging kulungan ang bawat sulok ng hallway sa pakiramdam niya. Ang mga fluorescent light na normal na malamlam ay parang nag-aalangan na manatiling bukas. Maging ang tunog ng mga makina mula sa ICU na tanging pumupunit sa katahimikan ay parang lahat nananakot kay Ember. Sa loob, nakaratay si Giancarlo, halos wala nang malay, habang sa labas ay nagpupumilit ang kanyang pamilya na kumapit sa pag-asa.Nakaupo si Ember sa gilid ng bench, yakap-yakap ang rosaryo na iniabot ng ina. Ang mga daliri niya’y nanginginig, bawat dasal ay halos pabulong, paulit-ulit, para bang kung titigil siya kahit saglit, tuluyan nang bibitaw ang kanyang kapatid. Sa tabi niya, si Cassian ay hindi na bumitaw mula sa kanyang balikat, marahang hinahaplos ang buhok ng asawa.Hinawakan ni Cassian
Kinabukasan…Tahimik ang kuwarto ng mental hospital. Ang puting dingding ay malamig, walang laman maliban sa kama, maliit na mesa, at bintanang may rehas. Doon, nakaupo si Lauren, nakatitig sa hawak niyang matalim na piraso ng salamin mula sa basag na frame ng larawan. Ang mga daliri niya ay nanginginig, ngunit ang mga mata—hindi baliw, kundi puno ng malinaw na determinasyon.Sa labas ng pinto, dalawang nurse ang nag-uusap.“Dapat bantayan si Lauren Moretti. Napaka-delikado ng kondisyon niya,” sabi ng isang nurse.“Oo, pero wala na siyang laban. Parang wala nang pag-asa pang gumaling,” tugon ng kausap nito. Napangiti si Lauren, mapait at mapanlinlang. ‘Oo, isipin niyo na lang na baliw ako. Isipin niyo na lang na tapos na ako. Mas madali para sa akin ang makawala.’Dahan-dahan niyang nilapit ang piraso ng salamin sa pulso niya. Huminga siya nang malalim at bigla niyang hinagod ang balat—sapat para magmukhang malalim at duguan. Sumirit ang dugo, kumalat sa malamig na sahig. Kaagad siyan







