“Bakit gusto mo na lang bigla ng divorce?” tanong ni Cassian.
Napalingon si Ember at natawa ng mahina. Papasok na sana siya ng kuwarto dahil plano niyang magkulong na lang doon pero hindi pa rin pala tapos ang asawa pasakitan siya. Ang uri ng tingin ni Cassian sa kaniya kanina ay parehong-pareho sa uri ng tingin nito noong unang malaman na siya ang asawang pinakasalan. Tingin na parang diring-diri.
At ilang beses niya bang narinig na pinagtatawanan siya ng mga kaibigan nito dahil sa braces niya at salamin sa mata? Maraming beses. Ilang beses pa nga siyang kinumpara kay Lauren at sinabing ang isang ‘swan’ pala na gaya ng isa ay pwedeng magkaroon ng ‘ugly duckling’ na kapatid sa katauhan niya.
“Kailangan mo pa bang itanong kung bakit?” ani Ember kay Cassian. “May iba pa bang dapat dahilan maliban sa bumalik na si Lauren?”
Hindi sumagot si Cassian at tinitigan lang si Ember.
“Kanina ay inimbitahan ako ni Lauren…” kuwento na ni Ember para malaman ni Cassian na ang divorce ay papabor para rito. “She and our parents were there in the hotel room of Tranquil. Nalaman kong kayo na pala ulit. Hindi naman ako masamang tao na pipigilan ang kaligayahan ninyo kaya—”
“Woah…” Napailing na wika ni Cassian. “Nagdesisyon kayo ni Lauren na hindi mo ako tinatanong kung gusto ko ba ng divorce. Ano ba ako sa tingin mo?”
Mahinang tawa ang pinilit ni Ember gawin. “Ulit-ulit lang tayo, Cassian. At kailangan pa ba kitang tanungin ay si Lauren mo na ‘yong nakausap ko? Suportado pa nga siya ng parents namin, ‘di ba?”
Napatiim-bagang si Cassian na nakatitig sa asawa. “At gano’n lang talaga pala sa ‘yo ang kasal natin? Na dahil bumalik si Lauren ay ibabalik mo na ako sa kaniya? Hindi niyo ako laruang magkapatid, Ember!”
“But you are…” malungkot na tugon ni Ember.
“What?”
“You are Lauren’s toy, Cassian.” Huminga ng malalim si Ember. “You are my stepsister’s toy na pinahiram niya lang sa akin na ngayon binabawi na niya.”
Naningkit ang mga mata ni Cassian sa narinig pero hindi na ito nakasalita pa dahil pakiramdam niya ay gano’n nga ang tingin sa kaniya ni Lauren, iniwan siya tapos ngayon ay basta na lang babawiin.
Sinamantala naman ni Ember ang pagkakataon na wala ng sinabi pa si Cassian at mabilis na pumasok sa kuwarto niya.
Kuyom ni Cassian ang mga kamao at pumasok na rin siya sa sariling kuwarto bago pabalibag na isinara iyon. Kung gusto ni Ember ng divorce ay pagbibigyan niya pero matutong maghintay ito.
********
Kinabukasan ay tanghali na nagising si Cassian at masakit ang ulo sa dami niyang nainom na alak sa kuwarto niya mag-isa. Naglasing siya kagabi hindi dahil sa pagtatalo lang nila ni Ember kung hindi dahil sa sama ng loob niya sa ginagawa ni Lauren na paglalaro sa sitwasyon niya.
Inaamin niyang espesyal pa rin sa kaniya si Lauren pero hindi niya na ito mahal kagaya noon. Espesyal na lang ito sa kaniya dahil ito ang nagligtas sa kaniya noong muntik siyang malunod sa dagat eleven years ago. Mga bata pa sila noon, nineteen pa lang siya at sixteen si Lauren.
Iyon lang. Iyon na lang ang tangi niyang pinapahalagahan kaya binibigyan niya pa si Lauren ng importansya pero hindi ibig sabihin ay gusto niya pa itong balikan at pakasalan.
“Ito na ang kape mo, hijo.” Inilapag ni Yaya Marietta ang kape sa harap ni Cassian. “Ito rin ang gamot sa hangover.” Abot niya pa kasunod ng nasa garapa na gamot.
Napakunot-noo si Cassian. Lagi ay si Ember ang nagbibigay ng kape sa kaniya at lagi niyang iuutos na palitan iyon sa yaya niya. Bakit biglang wala na yatang pakialam ang isa? Baka naman nagdadrama pa dahil sa gustong divorce?
“May iniwan pala si Ember, hijo…” Tumalikod si Yaya Marietta at nang bumalik ay inilapag sa harap ni Cassian ang isang folder at iniwan na siya agad para bumalik sa kusina.
Iniwan? Umalis si Ember? Kunot-noong kinuha ni Cassian ang folder at binuklat. Agad ang pagsalubong ng mga kilay niya at asar na napabuga ng hangin sa nabasang divorce agreement na ipinahanda ni Ember.
Napailing siya sa asar. Ibig sabihin ay nakahanda na pala kagabi pa ang divorce agreement ng magaling na babae. Binasa niya ang mga content na naroon. Hinahanap niya ang clause na magpapatunay na pera ang habol nito sa kaniya.
Kung akala ni Ember na may makukuha ito ay wala itong mapapala. Sisiguraduhin niya na wala siyang alimony na ise-settle para rito. Kahit isang sentimo ay hindi niya ito bibigyan para magbago ang isip at bawiin ang divorce. Siya lang ang pwedeng makipag-divorce, hindi ito.
Patuloy na binasa ni Cassian ang agreement. Natapos na siya’t lahat ay walang clause tungkol sa akala niyang kondisyon na hihingiin ni Ember kapalit ng kalayaan nila sa bawat isa. At ang tanging rason kung bakit siya hinihiwalayan ni Ember ay…
[Due to the Husband’s physical incapacity to perform marital duties, the marriage has become unsustainable.]
Galit na isinara ni Cassian ang folder at asar na napahilamos. “Yaya…” tawag niya kay Marietta.
“Hijo?” tanong nito habang palapit.
“Anong oras umalis si Ember?”
“Maaga pa. Pagkagising ko ay paalis na siya. Mga six pa lang ng umaga, hijo.”
“Saan daw ang punta niya?” Kinuha ni Cassian ang phone at hinanap ang contact details ng asawa.
“Hindi niya sinabi pero may dalawang luggage siyang dala. Mukhang…” huminga ng malalim si Marietta, “mukhang iniwan ka, hijo…”
Namumula sa galit na tumayo si Cassian at pumasok sa kuwarto dala ang folder ng divorce agreement. Sa loob ng kuwarto ay tinawagan niya ang numero ni Ember pero hindi ito sumagot. Isang tawag pa at hindi pa rin ito sumagot. Galit na nagpadala siya ng mensahe, sinabi niyang sagutin nito ang tawag para pirmahan na niya ang iniwan nitong divorce papers na pinahanda nito, at para maproseso na ng abogado niya ang paghihiwalay nila.
Wala pang isang minuto ay tumawag si Ember.
“Bumalik ka rito,” utos ni Cassian sa asawa.
“Wow…” wika ni Ember na punong-puno ng sarkasmo. “Akala ko pa naman importante tapos pababalikin mo lang pala ako. Para ano? Sabi mo sagutin ko lang ang tawag para pirmahan mo ang agreement. Ayan at ako na mismo ang tumawag sa ‘yo. Okay na ba?”
“Bumalik ka rito at baguhin itong nilagay mong divorce reason!” napataas ang boses niyang utos. Nakakainsulto na ito sa pagkatao niya.
“Why?” Natawa si Ember. “May mali ba ‘dyan? O kailangan pahabain at paikot-ikutin pa pero ending ay ‘yan pa rin naman?”
“Ember!”
“Okay, i-record mo ito at iparinig sa abogado mo,” nakasimangot na wika ni Ember sa kabilang linya. “Cause of Divorce: The Husband has been conscious for six months following a three-year coma, yet has made no effort to engage in physical intimacy within the marriage. While his overall health appears stable, the Wife has reasonable grounds to believe that he suffers from a physical incapacity affecting his ability to fulfill marital obligations. As such, the Wife asserts that the Husband is unable to perform his essential marital duties, and she seeks a divorce on these grounds.”
Agad tinapos ni Ember ang tawag. Alam niyang mas nakakainsulto ang mga sinabi niya pero alangan naman na siya na lang ang laging mukhang kawawa.
“Anyway,” sabi ni Adrian sabay ngisi habang naglalakd sila ni Ember pabalik sa bulwagan kung saan nagaganap ang charity event ng ina. “Ano ba talaga ang ikinagulat mo? Ang biglaang pagkakita sa ex mo rito sa charity event? O ang bagay na ngayon mo lang nalaman na matulungin pala ang ex mo at ang kaibigan niya?”Malakas na tawa ang isinagot ni Ember. “The last one! Iyon talaga, eh…” sabi niya na bumungisngis kasunod. “It really is surprising to learn that the two have that in their soul. Sa tagal ko na silang kilala ay nakakagulat talaga na malaman na may puso rin pala sila sa pagkakawang-gawa. Akalain ko ba naman ‘yon. Nakaka-worry tuloy… baka naman nakalog pala ang utak ng mga ‘yon.”“Aren’t you judgmental?” “And aren’t they already shown their colors to me before?” nakangiting balik ng tanong ni Ember sa kaibigan. “I’ve known them for a decade, Adrian. Since college pa ay kilala ko na sila kaya talagang nakakagulat for me na bigla ay may interes sila to sponsor sa charity ng mama
“You know them, right?” tanong ni Adrian kay Ember na kanina pa nakatingin lang sa mga dumadaan na sasakyan sa labas ng hotel.Nasa lobby sila ng hotel at kanina pa inoobserbahan ni Adrian ang kaibigan dahil obvious na gusto nitong iwasan ang mga guests ng mama niya na bagong dating. May tumutubo ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang isipin at baka naman mali lang siya ng kutob. Hangga’t hindi niya naririnig kay Ember kung ano ang reason nito na biglang nag-iba ng mood at tila natatakot ay hindi tama na kung ano-ano ang naiisip niya. “Hindi ka nahihilo sabi mo pero namumutla ka kanina…” turan ni Adrian nang manatiling tahimik si Ember. Nasabi ni Adrian iyon kasi paglabas nila ng bulwagan kanina ay sinabi niyang dadalhin niya si Ember sa clinic na malapit pero umiling agad ito, sinabing hindi na kailangan dahil ang gusto lang nito ay lumabas at lumayo sa ginaganap na event. That’s when he realized na may gusto lang itong iwasan na naroon. And who else kung hindi ang mga bagong dati
“Biglang sumama ang pakiramdam ni Ember, ‘Ma…” paliwanag ni Adrian sa ina nang makitang naguguluhan itong nakatingin sa kanila ni Ember. “Samahan ko na lang po muna siya pahangin sa labas…” paalam ni Adrian at dahil nakatingin sa kaniya ang dalawang bisita ng ina, na alam niyang gustong ipakilala sana siya ng ina sa mga ito ay nginitian niya na lang sabay sabing, “Welcome to Velasquez’s Charity Event! Thank you for coming!” Kasunod niyon ay tumalikod na si Adrian para alalayan si Ember na humigpit din ang kapit sa braso niya. “Let’s go…” aya niya rito. “Nahihilo ka ba? Gusto mo bang mahiga muna?” Umiling si Ember bilang tugon, ayaw niyang maglabas sana kahit anong salita lalo na at binanggit pa talaga ni Adrian ang pangalan niya pero, “Sa labas lang tayo. I just need some air.”Si Cassian na hahakbang sana para sundan ang dalawa ay naawat sa patagilid na pag-angat ng kamay ni Mathias at iharang sa kaniya. A gesture to stop him from chasing Ember.Napansin naman iyon ni Cristina, na
—AGUSTIN, SALVACION—“Let’s go,” nakangiting wika ni Adrian kay Ember nang makababa na ng hagdan ang isa. May panibagong charity event ang mama niya at mabuti pumayag si Ember na maging plus one niya sa okasyon. “Paalam lang muna ako kina auntie…” ani Ember at pumunta sa kitchen at nagpaalam. “Tara na!” aniya nang balikan si Adrian na naghihintay sa kaniya sa labas. “Salamat daw sa dala mong mga putahe…” patuloy niyang kausap sa binata. “Masyado mong ini-spoil ang mga auntie ko.”“I love seeing how they adore me…” tugon ni Adrian. “It’s not spoiling them but returning their kindness…”“Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Ember pagpasok niya sa kotse ng kaibigan. “Saan?” tanong din ni Adrian. “Sa panliligaw sa ‘yo? No. Hindi ako mapapagod. Hanggang may pag-asa pa ako ay hindi ako titigil.”Bumuntong hininga si Ember. Iyon ang hindi niya inaasahaan. Nang magtapat sa kaniya si Adrian ay hindi naman niya ito pinaasa. Inamin niyang mahal niya pa si Cassian at hindi niya gustong ipaako rito
“Buntis si Ember…” agad na balita ni Michelle kay Lauren pagkakita niya pa lang dito nang abutan niya sa gazebo at may ka-chat. Galing pang Agustin si Michelle at kararating niya lang. Ginabi na siya makabalik pero sulit naman ang mga kaganapan kanina dahil nagtagpo naman sila ni Ember at marami siyang nalaman tungkol dito. “Buntis?!” Gulat na napatayo si Lauren. Ang gulat at takot ay nasa mukha niya. Pagkadismaya na rin dahil kung buntis si Ember ay ibig sabihin wala na siyang laban dito. Siguradong kahit tingnan ay hindi na gagawin sa kaniya ni Cassian. Wala na siyang pag-asa.“Ang sabi ay hindi kay Cassian…” usal ni Michelle kasunod. Agad ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Lauren sa narinig. “Well, that’s good to know, Mama… Mukhang may nahanap na pala siyang kapalit agad ni Cassian. May simpleng kalandian din talaga ‘yang anak mo, eh.” Bumalik sa pagkakaupo si Lauren. Nakampante ang utak at nakaramdam agad ng tagumpay. “Doktor at may ospital ang nagpakilalang ama,” patuloy p
“Si Ember nga pala…” baling ni Cassian kay Mathias matapos nilang sang-ayunan ang plano na sinabi ni Willow. Napagdesisyunan nilang sila na nga lang ni Mathias ang pupunta sa event at sinabi na rin ni Mathias sa kapatid na tumawag ito kay Cristina Velasquez para ipaalam na kuya nito ang darating kasama ang kaibigan na interesado rin diumano sa pag-sponsor sa charity programs ng mga Velasquez. “May update na ba kay Ember?” tanong kasunod ni Cassian kay Mathias. “Anong pinagkakaabalahan niya? May trabaho ba siya o sa bahay lang? Sino ang kasama niya sa bahay na tinutuluyan?”“Teka…” ani Mathias at kinuha ang phone sa bulsa. “Mabuti at nabanggit mo pala ‘yan… Early this morning ay may email nga pala akong natanggap mula sa tao ko na nasa Agustin. Iyong inutusan ko roon para bantayan si Ember. Ang sabi niya ay tingnan ko na lang ang mga pinadala niyang pictures kaso tumawag bigla si Alguien kaya inuna ko ang utos ng isa. Nawala na sa isip ko at nasingit pa ang topic natin na event.” “