Fourth...
Nanlaki ang mga mata ni Lauren. “No!” sigaw niya. Hindi matanggap ang narinig na sinabi ni Ember. “You’re lying!” tungayaw niya. “Cassian never dared to touch you! Ako lang ang mahal niya! And you even told mama na hindi kay Cassian ang anak mo!”Napailing na lang si Ember. Mukhang matutuluyan na si Lauren mabaliw sa tingin niya. “Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaaan, Lauren… Hindi mo man matanggap ang katotohanan ay wala akong pakialam,” aniya pa at saka tinalikuran ito.Lauren grabbed the fork na nakita sa kalapit na mesa at sasaksakin sana si Ember pero humarang si Cassian. Natigilan siya habang nakikipagtitigan kay Cassian na ang mga mata ay puno ng pagbabanta sa kaniya. Napatingin siya sa tinamaan ng tinidor. Napaatras nang makita ang dugo ni Cassian na bumabakas sa suot nito. “Cassian!” shock na hiyaw ni Ember nang makita ang dibdib ng asawa na may mga dugo na sa damit nito. “It’s fine, Em…” bulong ni Cassian sa asawa bago galit na itinulak palayo sa kaniya si Lauren. “Ho
Mapahamak? The word hits Ember. Iyon din kasi ang dating sabi ni Cassian sa kaniya sa dahilan nito kung bakit siya kunwaring diniborsyo. So, why do people think she needs to be left instead of being taken care of? Gusto siyang protektahan pero kailangan siyang iwan. The audacity!Inalis ni Ember ang kung anong negatibong namumuo sa puso at isip niya. Tinitigan niya si Melanie, ang babaeng kahit isang linggo pa lang nang makilala niya ay naging sobrang giliw na sa kaniya. Sobrang bait. Sobrang concern. Now, she knows why…Tiningnan niya kasunod ang kinilalang ina sa matagal na panahon. Si Michelle. Ang babaeng puro paggalang at respeto ang isinukli niya kahit puro sama ng loob ang ibinigay sa kaniya. Life…Ember sighed. Hindi na niya kailangan ng DNA test kung tutuusin, and not even the wisdom of Solomon. Ngayon pa lang nakikita na niya kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa. Nilapitan ni Ember si Michelle. “Gusto kong alamin ang buong kuwento kung paano kita naging ina pero al
Nanlaki ang mga mata ni Ember. Napatingin kay Michelle. Nasa mga mata niya ang tanong kung gaano katotoo ang mga sinabi ni Melanie. “Ma?” aniya rito. “Ano pong sinasabi ni Ma’am Melanie?”Nanlaki na rin ang mga mata ni Michelle sa narinig na pangalan ng pakialamerang babae. Melanie? Iyon nga ang pangalan ng ina ni Ember! Ang pangalan ng babaeng dinambana noon ni Joaquin. Amg dahilan na kahit siya ang pinakasalan ng isa ay hindi naman niya naramdaman na mahalin nito kagaya ng uri ng pagmamahal na ibinigay nito kay Melanie. Naningkit ang mga mata ni Michelle sa alaala na pumasok sa utak niya. Tanda niya ang lahat. Ang ilang ulit niyang naramdaman noon na pagkaawa sa sarili dahil itong si Melanie ang patuloy na minahal ni Joaquin kahit siya na ang kasama. She never felt loved by Joaquin as his wife. Kung may naramdaman man siyang pagpapahalaga noon kay Joaquin ay para lang sa isang kaibigan at partner sa pag-alaga nito sa anak na si Ember.Ember blinked. Cleared her throat. Nasa mukha
Tuluyan na ang kaguluhan na naganap dahil sa video na patuloy sa pag-play. Nagsisigaw na si Michelle na patayin ang projector. Galit na galit. Cassian signaled next to Nikias. Pinapatigil na niya ang video. Sapat na ang naganap. May isa pa siyang kailangan gawin at iyon ang mas importante. Tiningnan niya si Ember. “How could you do this to my daughter?!” galit na sabi ni Michelle at sasampalin sana si Cassian, na napigilan mismo nito nang hawakan ang braso niya at itulak siya. Napaatras siya at muntik matumba kung hindi siya nasalo ng asawa. “Dominic!” masama ang loob niyang tumingin sa mister. Humihingi ng tulong para sa kanila ni Lauren. “Are you not going to do something?!” “Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa…” usal ni Dominic at puno ng hinanakit ang boses para kay Cassian, “pero kung akala mo pababayaan ko ang ginawa mong ito sa anak ko ay sinasabi ko sa ‘yo na kahit kaibigan ko ang ama mo ay—”“Pakialam ko,” kalmadong putol ni Cassian sa sinasabi ni Dominic Villareal.
Napatitig si Giancarlo sa ina. Puno ng pagbabanta ang boses nito. Bihira lang magalit ang mama niya. Kaya nga nang mamatay ang papa niya ay siya na ang nag-manage ng Creed ay dahil alam niyang hindi kakayanin ng ina ang mamuno. Melanie was so soft-hearted at kung walang nakakaalam na asawa ito ng isang mafioso ay hindi iisipin na may madilim na itinatago ang katauhan nito. Nang tawagin ng emcee si Cassian ay napatingin ang lahat dito. Lahat ay sinundan ang paglalakad nito papuntang stage at naghihintay sa gagawin nitong proposal na idinaan pa sa marangyang okasyon. “And why Lauren so positive na sasama ang loob ni Ember after the stupid proposal of that man?” muli ay naisip itanong ni Melanie habang ang mga mata ay nakatingin kay Cassian. “Mukha naman naka-move on na ang kapatid mo…” Sinulyapan niya si Ember, ang mga mata nito ay nakatutok din sa dating asawa. Napakunot-noo si Melanie. Parang may mali siyang napansin bigla. Ang mga tingin ni Ember sa asawa, walang sama ng loob doo
Si Melanie ay kanina pa nakatingin kay Ember at paminsan-minsan kay Michelle. Gusto niya na pumunta sa makeshift stage at agawin ang mikropono sa emcee para ipaalam ang sadya niya. Iyon ang plano niya pagpasok pa lang pero sinabi ni Giancarlo na huwag. Mamaya na raw siya umeksena kapag nakuha na nito si Ember. Nagtalo pa sila ng anak kanina at binalikan niya sa isip ang mga pinagtalunan nila sa hotel bago pa sila pumunta sa engagement party nina Cassian at Lauren…“Anong kapag nakuha mo na si Ember?” tanong ni Melanie sa anak na panganay. Kunot-noo at may galit sa mga mata niya dahil sa narinig na ipinupunto ng anak na plano nitong gawin mamaya. “Ember is my target tonight, Mama…” amin ni Giancarlo. “Siya ang gustong ipaligpit sa akin ni Lauren.”“And why Lauren wanted that?” horrified na tanong ni Melanie. “Bakit niya pinag-isiipan ng masama ang kapatid mo?!”“Lauren is crazy to be wife of Cassian, ang ex-husband ni Ember. Ang gusto ni Lauren ay mawala sa landas nila ni Cassian nang