Share

0077

Penulis: Eve Angeline
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-25 17:33:10
“Kung may list na pala kayo ng mga guest na iimbitahan ay pakibigay mamaya kay Blaire…” ani Willow sa dalawang kaharap na ang tinutukoy ay ang secretary niya. “Mas maganda na rin masimulan na ang paggawa ng invitation para bawas na sa iisipin pa.”

“I have the list,” excited na tugon ni Lauren. Kasunod ay mabilis niyang inilabas ang naka-draft na listahan ng pangalan na in-encode niya kagabi. Nandoon na lahat ng alam niyang kanegosyo ni Cassian, mga kaibigan, at mga kamag-anak nito. Sa side niya ay nandoon na rin ang lahat ng kaibigan, dating kaklase at kakilala na gusto niyang pagmalakihan na may panibagong engagement party sa kaniya si Cassian. Sa kamag-anak ay ang parents at mga kapatid ng daddy niya at pamilya ng mga ito ang naroon.

Kinuha ni Cassian ang listahan ni Lauren. Binasa at napangiti sa dami nitong nilista. Excitement para sa maraming witness sa magaganap na party ang nasa isip niya. “Bakit wala rito si Ember?” tanong niya kay Lauren.

Si Willow na may tina-type ay natigi
Eve Angeline

Second...

| 6
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Nimpha
ano Kaya Ang Plano ni Cassian please more update madam
goodnovel comment avatar
Wellma Ancuna
bkt kaya walng update si author KY zyla at Austin
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Now He Wants Me Back   0096

    Tahimik lang si Cassian. Tahimik na nakikinig sa mga nakakairitang sinasabi ni Lauren.Si Ember ay pilit ang matamis na ngiti na ibinigay para kay Lauren. Ramdam niya na hindi natuwa si Cassian sa mga sinabi niya tungkol kay Adrian, na parang sinabing ang kaibigan ang palaging nasa tabi niya kaya appreciated niya. But who cares? Pasalamat na nga lang ang asawa sa isip niya na ahit kanina pa siya naiinis sa mga sinasabi ni Lauren ay makiki-ride on pa rin siya sa kung anong plano nito. “Siguro mabuti pang dalhin mo na sila sa table nila, Lauren…” ani Cassian at inalis ang braso ni Lauren na nakakapit sa kaniya. “The event will start any minute, so you don’t need to talk much to the guests,” dagdag niya sabi kay Lauren sabay talikod para iwan ito. He pulled out his phone from his pants and typed messages for Ember. CASSIAN: Just let Lauren’s bitchiness slide… Ako na ang bahala d’yan mamaya.EMBER: Gusto ko siya sampalin kanina pa. Pasalamat siya at naalala ko pa na fiancee mo nga pala

  • Now He Wants Me Back   0095

    “Kung iniisip mong problema ko ay mga kung sinong nakikilala ko na baka hindi ako narespeto ay nagkakamali ka…” mahina ang boses na wika ni Melanie kay Giancarlo pagkaupo pa lang nila sa sofa na nasa lobby ng hotel. “I need you here for you are the only one I know who could crash a party as you please…” patuloy niya. “And at this moment ay may party tayong pupuntahan kung saan naroon ang kapatid mo at ang kinilala niyang ina na nang-api sa kaniya.” “Kaptid ko?” medyo gulat na turan ni Giancarlo. Tumango si Melanie, “Yes, you heard me right. Ang kapatid mo nga.”“So, you found her?” tanong ni Giancarlo. Pagkaklaro. Years ago, nang mamatay ang ama ay doon lang niya nalaman ang sikreto ng ina. Nag-iisang anak lang siya sa akala niya. Sa ama ay oo iisa lang siya, but in his mother side ay may kapatid pala siya. Nagtaksil ang ina sa ama, noong una ay gusto niyang ikasama ng loob ‘yon. But, reading the diary of his mother, the regret and agony in every word his mother put on her words, d

  • Now He Wants Me Back   0094

    Engagement party…Kanina pa nakangiti si Lauren habang binabati ang mga bisitang pumapasok sa bulwagan. Masyadong pinaganda ni Willow ang engagement party nila ni Cassian, kahit saan siya lumingon ay luxury lang ang salitang maiisip niya. Napahawak si Lauren sa bracelet na suot. Napangiti. Mula pa kanina nang makita ni Cassian na suot niya iyon ay nakangiti na ito. Mukhang tuwang-tuwa na nakita siya ulit suot ang bracelet. Madami na ang dumating pero hindi pa nakikita ni Lauren si Ember. “Nakarating ba ang invitation kay Ember?” tanong niya kay Michelle nang lapitan niya ito. “Oo…” tugon ni Michelle. “Ako mismo ang naghatid sa kaniya. Nakita ko pa tuloy ang mga auntie niyang mga kontrabida sa buhay ko noon.” Kasunod ay hinanap ni Lauren si Cassian. Nilapitan nang makita itong kasama ng magkakapatid na Ivanov na sina Mathias, Nikias, at Willow. “Baka gusto mo akong samahan i-welcome ang mga guest…” ani Lauren kay Cassian. “Sige lang…” wika ni Cassian. “Ikaw na ang bahala…” aniya

  • Now He Wants Me Back   0093

    “Ma, tanda ninyo ‘yong bracelet na suot ko lagi noon?” tanong ni Lauren kay Michelle nang puntahan niya ito sa sala at abutan na nagbabasa ng magazine. “Anong bracelet?” tanong ni Michelle na hindi man lang sinulyapan si Lauren dahil ang mga mata ay nakatutok sa binabasa. “Iyong binigay mo sa akin na sabi mo paborito ni Ember,” tugon ni Lauren. “Iyong suot ko noong iligtas ko si Cassian…” dagdag pa niya. Iyon ang kasinungalingan niya na kahit ang mga ito ay hindi alam ang totoo sa kung sino ang talagang nagligtas kay Cassian noon sa pagkalunod. Noong sabihin niyang siya ay kahit ang mga ito ay naniwala. Lalo na ang papa niyang sobrang proud pa sa kaniya dahil sa akalang ginawa niya ay naging dahilan para lalong mapalapit ang ama ni Cassian sa papa niya. “Itinago ko ‘yon sa vault sa kuwarto…” ani Michelle nang maalala kung nasaan ang bracelet. “Bakit mo hinahanap? Matagal mo na ‘yon hindi naalala, ah…”“Hinahanap ni Cassian,” nakangiting sabi ni Lauren. “Gusto niya raw makitang suot

  • Now He Wants Me Back   0092

    “Mukha pong ang saya-saya niyo…” wika ni Meryll habang nakatingin kay Melanie. “Mukhang nasabi niyo na po yata kay Miss Ember kung sino talaga kayo…” dagdag niya habang tinitingnan ang masayang aura ng boss habang nag-i-spray ito sa alagang rose.Kagabi pa ito masaya. Habang pauwi nga sila galing sa bahay ng mga Vergara ay sobrang saya nito magkuwento. Kahit siya ay napapangiti habang nakikinig sa mga sinasabi nito tungkol sa mga Vergara na binisita. “Hindi pa…” tugon ni Melanie. “Hindi pa panahon. Ayoko siyang maguluhan lalo na at kakakilala niya lang sa akin. Hindi na muna…” Tumango si Meryll. “Nakakahawa po ang nararamdaman niyong saya simula mapalapit kayo sa kay Miss Ember. Siguradong kapag nalaman na po niya ang tungkol sa inyo ay mas lalo kayong sasaya lalo na kapag tinawag na po niya kayong mama kasi kinilala na po niya kayo…”Ngumiti si Melanie. Yes, anak niya nga si Ember. Ito ang bunso niya na hinayaan malayo para mapaganda ang kalagayan nito. Alam niyang kahit isama niya

  • Now He Wants Me Back   0091

    “Tuloy na lang po natin magkuwentuhan habang kumakain…” ani Ember para mayaya na ang mga kasama sa hapag-kainan. Sa isip ni Ember ay nakakahiya pala sa bisita nila na hindi na lang sila dumiretso sa mesa. Kanina pa kasi dumating si Melanie pero inubos nila ang ilang minuto na hayaan itong nakatayo palibhasa lang nagkukuwento ito tungkol sa papa niya. Kuwentuhan na pwede naman nilang gawin habang nagdi-dinner sila. “Mabuti pa nga, hija…” tugon ni Melanie. Nagpauna na si Ember at nakangiting sumunod ang mga tiyahin niya kasabay si Melanie. “Ang sabi niyo po sa akin kahapon noong nagkukuwentuhan tayo sa ospital ay may hinahanap lang po kayo rito sa Agustin kaya kayo lumipat dito…” pagkaupo ay usal ni Ember. Naalala niya kasi na kahapon ay gusto niya nga palang itanong iyon kahapon at nalimutan lang kasi lumapit si Meryll habang nagkukuwentuhan sila nito. “Matanong ko lang po…” patuloy niya. “Hindi niyo pa po ba nakikita ang hinahanap niyo kaya napirmi na po kayo ng Agustin? Kung hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status