LOGINDamien’s POV Hindi kami umalis. Hindi kami bumitaw. Kahit gaano pa katagal, hihintayin namin na ibigay nila si Bianca. Karapatan ko ‘to bilang ama at desisyon ‘yan ng korte. Matiyaga kaming nakaupo ni Fia sa sala, hinahayaan lang ang oras na lumipas hanggang sa sa wakas... bumaba rin ang mga katulong. Bitbit nila si Bianca at ang mga gamit niya. Hindi bumaba si Andrea kaya wala na rin kaming nagawa. Kinuha ko ang anak ko at agad kaming umalis. Habang nasa sasakyan, tuwang-tuwa ang bata. Kilalang-kilala niya ako. Niyakap niya ako nang mahigpit at paulit-ulit akong hinahalikan. "Daddy!" ang tanging sigaw niya. Masaya ako. Sa wakas, makakasama ko na ulit ang prinsesa ko. Akala ko magiging maayos ang lahat. Pero pagdating namin sa mansyon... parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Pagkababa niya, bigla na lang itong humikbi. Nawala ang ngiti sa labi niya. Tinitignan niya ang paligid, ang malaking bahay na hindi naman niya nakasanayan, at doon nagsimula ang walang tigil na pag-iy
Damien’s POV Sinama ko si Fia dahil gusto kong maramdaman niya na wala na siyang dapat ipag-alala. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang ang mahal ko at ang pagpunta ko dito ay para sa iisang dahilan lang—para sa anak namin ni Andrea. Gusto ko ng assurance. Gusto ko ng maayos na transaksyon. Ayokong magkaroon ng isyu o malisya. Kaya dinala ko siya, para makita niya mismo na wala akong tinatago at ang pagkikita namin ni Andrea ay puro tungkol lang kay Bianca. Pero sa totoo lang... sobrang sabik na sabik na akong makita ang anak ko. Gabi-gabi ko siyang naiisip. Miss na miss ko na ang yakap niya, ang halik niya, at ang tawag niya sa akin na "Daddy". Kaya kanina, ang aga-aga ko nang dumating dito. Akala ko ay gigisingin na nila kami o handa na sila, pero ilang oras akong nakaupo sa sala... naghihintay. Nainip ako. Sobrang nainip. Pati si Fia alam kong naiinip na rin. Ilang beses ko tinignan ang orasan. Wala pang gumigising. Wala pang bumababa. Dahil sa inis at dahil na
Andrea’s POV Umuwi ako... pero pakiramdam ko ay wala akong uuwian. Bigo. Lubog na lubog sa pagkabigo. Ni hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap nang maayos. Ni hindi man lang niya ako pinakinggan. Ang akala ko kasi, once nagkita kami, may mababakas man lang na awa o kahit kaunting pagtingin pa rin. Pero wala. Wala talaga. Yung tingin niya sa akin kanina... I almost died. Yung mga mata na dati’y puno ng pagmamahal at paghanga, ngayon ay naging manhid at walang pakialam. Para akong basura na tinapakan. Para akong hangin na dumaan lang. Sa bawat sulyap niya, parang sinasabi niyang tapos na. Wala na talaga. tumigil na! At doon ko tuloy tinanggap ang katotohanan. Wala nang pag-asa para sa aming dalawa ni Damien. Patay na ang lahat. Ang puso niya para sa akin ay matagal nang nagyelo at hindi na muling matutunaw. Pero ang mas masakit pa sa lahat... ang desisyon ng korte. Dahil sa kagustuhan kong makausap siya, naging daan pa ito para mawala sa akin ang anak nami
Andrea’s POV Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, ayaw talaga akong kausapin ni Damien. Kahit yata mamatay pa ako sa harap niya kaya niya akong tiisin. grabe, sana all madaling maka-move on. Dalawang araw akong naghintay sa labas ng mansyon nila. Umulan man o sumikat ang araw, nandoon lang ako. Sumigaw ako, nagmakaawa ako, ginawa ko lahat para mapansin niya lang ako. Nandoon na nga at nahimatay pa ako. Pero ni isang anino niya, hindi ko man lang nasilip. Ni isang salita, wala akong narinig mula sa kanya. Suko na ako. Oo, tanggap ko na. Ramdam na ramdam ko na ngayon yung klase ng sakit na pinaranas ko sa kaniya noon. Yung sakit na binalewala, yung sakit na itinakwil at ipinagpalit. Dati, siya yung nasa pwesto ko. Siya yung lumalaban, siya yung nagmamakaawa habang ako yung nanigas at nanlamig. At ngayon... ngayon, binaliktad na ng tadhana ang mundo namin. Ako na yung naghahabol, ako na yung gutom sa atensyon niya, at siya na yung matigas at walang pakialam. Dahil sa s
Damien’s POV I see her. I saw how she breaks down and cry. Nakatayo lang ako sa gilid ng aking kwarto, nakadungaw sa bintana habang pinagmamasdan siya sa gitna ng ulan. Kitang-kita ko ang bawat paghikbi niya, ang bawat pagyugyog ng balikat niya habang yakap ang sarili. Every muscle in my body screams to run down there, to pull her inside, to wrap her in a warm blanket and hold her. But I stay frozen where I am, my hands clenched so tight my knuckles turn white. I watch it all – every tear, every shiver, every moment she looks up at the window as if hoping I’ll come for her. Tiniis ko. Tiniis ko lahat ng sakit na nakikita ko. Kahit na alam kong basang-basa na siya sa ulan, kahit na alam kong nilalamig na siya at maaari siyang magkasakit hindi ako bumaba. Hanggang sa nakita ko ang pagbagsak ng katawan niya. Nahimatay siya. Doon muntik nang masira ang pagiging matigas ko. Nanlaki ang mga mata ko at akmang bubuksan ko na ang pinto para lumabas pero pinigilan ko ang sarili ko
ANDREA'S POINT OF VIEW What I hate the most is... even it hurts me so much, I still wanna see him. Gustong-gusto ko siyang makita kahit na alam kong lulurayin lang ako ng sakit. Kahit na alam kong bawat tingin ko sa kaniya ay parang libo-libong kutsilyo ang tumatarak sa dibdib ko. Pero umaasa pa rin ako. Umaasa ako na baka sakaling magkausap kami, baka sakaling mahawakan ko ang kamay niya at makita niya ang luha ko... magbago ang isip niya. Baka sakaling maalala niya kung gaano kami kamahal noon at bawiin niya ang lahat. Pero hindi. Wala na. Because he blocked me too! after I finally found the courage to open the door and reach out to him again, hoping we could talk things through… he was the one who shut it in my face and locked it tight. he blocked me! Sa lahat ng social media, sa chat, sa tawag... tinanggal niya ako nang tuluyan. Parang hindi ako umiiral. Parang never naging parte ako ng buhay niya. Gumaganti siya! Yan lang ang pumapasok sa isip ko habang nangin







