ANMELDENDAVID POINT OF VIEW Ilang taon na ang lumipas, pero parang kahapon pa lang ang lahat sa alaala ko. Ang huling sandaling nakita ko siya, ang huling ngiti, ang huling halik—lahat 'yun ay nakaukit nang malalim sa isipan ko, at tila ba ayaw nang maglaho kahit anong gawin ko. It feels like time has stopped since she lleft. Pero ang pinaka masakit na katotohanan ay noong mula noong araw na isinakay siya sa eroplano at dinala palayo patungo sa ibang bansa, wala na... wala na akong natanggap ni isang mensahe, ni isang tawag, not even a single word na nagsasabing buhay pa siya o ano. Nakaugalian ko nang hawakan ang telepono ko sa lahat ng oras, nakatitig sa pangalan niya sa listahan ng mga kontak ko, naghihintay na sana anumang oras ay tumunog ito, o lilitaw ang pangalan niya sa aking screen. Araw-araw, gabi-gabi, ginagawa ko 'yun. Nagbabasa ako ng mga lumang mensahe namin, binabalikan ang mga panahong puno pa ng kulay at saya ang buhay namin. Those memories are the only things keeping m
Lalong lang lumala at naging kumplikado ang sitwasyon nang matuklasan ng mga doktor na hindi na sapat ang kakayahan at kagamitan ng kasalukuyang ospital para maagapan at gamutan nang maayos ang malubhang kalagayan ni Bianca. Napakalalim ng tama sa ulo nito, maraming Internal hemmorage na kailangan ng espesyal na atensyon, at kritikal pa rin ang bawat tibok ng puso na tila anumang oras ay maaaring huminto. Wala nang ibang naging pagpipilian ang mga doktor kundi ang tapatin si Damien na kailangang-kailangang ilipat ang dalaga sa mas malaki at mas may kakayahang pasilidad, at sa lala ng pinsala, iminungkahi nilang sa ibang bansa na lamang ito dalhin kung nais talaga niyang mabuhay ang anak.Hindi naman nalalayo ang kalagayan ni Damien. Matapos ang malagim na pambubugbog sa kanya ni Mijo, puno na rin ng pasa at galos ang kanyang buong katawan. May mga butong sumakit at nabali, may mga ugat na namaga at napisa, at hirap na hirap siyang gumalaw at huminga. Kailangan din niyang isalang sa ga
Agad na nakarating kay Mijo, ang ama ni David, ang balita tungkol sa naganap na aksidente at ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang anak. Sa sandaling malaman niya ang pangyayari, tila tumigil ang mundo niya at napuno ng matinding pangamba at takot ang kanyang buong pagkatao. Hindi na siya nag-aksaya pa ng kahit isang segundong pag-aalinlangan; agad siyang sumakay ng sasakyan at buong-bilis na tinungo ang ospital kung saan dinala si David. Habang nasa daan, halo-halong emosyon ang naglalaban-laban sa kanyang dibdib—takot para sa kaligtasan ng anak, panghihinayang, at unti-unting pagkulo ng galit habang kanyang inaalam ang bawat detalye ng nangyari. Pagdating niya sa ospital, agad niyang hinanap ang kinaroroonan ni David. Sinabihan siyang kasalukuyang nasa loob pa ng Operating Room ang anak niya at masusing ginagamot ng mga doktor, kaya’t hindi niya ito maaaring makita o makausap pansamantala. Ang tanging nakaharap at nakausap niya ay ang doktor na namamahala sa kaso ni David. Mahaba
Mabilis na binuhat ng mga tauhan ng ambulansya si Bianca at isinakay sa sasakyan, habang si David naman ay inalalayan nila kahit pa paulit-ulit itong tumatanggi at pilit na kumakawala para sumama sa sinasakyan ng dalaga. Halos wala na sa sarili si David habang tinatakpan ng kumot ang katawan, ang tanging laman ng isip ay ang imahe ni Bianca na puno ng dugo at wala ng kibo. Sa buong biyahe papunta sa ospital, hindi siya tumigil sa pagdasal, pero kahit siya ay hindi na alam kung paano at ano ang tamang sabihin sa Itaas. Halo-halong takot, panghihinayang, at matinding takot ang bumabalot sa kanya. Ang bawat segundong lumilipas ay parang mga taon para sa kanya, at sa bawat paggalaw ng sasakyan ay lalong tumitindi ang kaba sa kanyang dibdib. Pagdating sa ospital, agad na dinala si Bianca sa Emergency Room habang si David naman ay naiwan sa pasilyo, nakatayo sa isang sulok at tila ba nawawala sa katinuan. Sobrang balisa siya, pabalik-balik na naglalakad, hindi mapakali, at paulit-ulit na h
Gusto na lang sana nilang dalawa na huwag nang matapos ang oras. Bawat segundo, bawat minuto, at bawat oras na magkasama sila ay punong-puno ng saya at kagalakan. Para silang mga ibon na matagal nang nakakulong, at sa pagkakataong ito ay nakawala na at malayang-malaya sa himpapawid, walang humpay na lumilipad kung saan man nila naisin. Si Bianca, sa kaniyang puso, wala na siyang pakialam kung saan man siya dalhin ni David—malayo man o malapit, kilala man o hindi ang lugar. Ang tanging mahalaga at laman ng kaniyang isip at damdamin ay ang magkasama silang dalawa, magkahawak-kamay at magkaakbay sa bawat hakbang. Kagaya ngayon, nag-sesex sila habang umaandar ang sasakyan. Puno ng kapusukan. Gusto nilang subukin ang mga ibang bagay-bagay na makakapagpasaya sa kanila. "Baby, baka mabangga tayo niyan! loko ka talaga! Nagsesex tayo tapos nag-dadrive ka! ughhh!" wika no Bianca habang nasa ibabaw ng nagmamanehong si David. Pinaghalong takot at kilig ang nararamdaman niya ngayon. Yung
DAVID POV Nakasandal lang ako sa sasakyan habang nakatago sa dilim sa dulo ng kalsada, mga ilang metro lang mula sa tarangkahan ng mansyon nila. Kanina pa ako rito, matiyagang naghihintay kahit alam kong napakahirap para sa kaniya ang makalabas ngayon. Alam ko kung gaano kahigpit ang pagbabantay ng ama niya—si Damien—at ng mga tauhan nito. Alam kong ikinulong nila siya sa loob, parang isang prinsesang nakakulong sa tore, pero alam ko rin ang katangian ni Bianca. Kilala ko ang tapang niya at ang tindi ng pagmamahal niya sa akin. She will find a way... she always does. Pero aaminin ko, habang tumatagal ang oras, nagsisimula na ring kumabog nang mabilis ang dibdib ko sa kaba. Paano kung mahuli siya? Paano kung maparusahan siya dahil sa akin? Ang daming tumatakbo sa isip ko, pero nanatili lang akong nakapwesto, nakatitig sa malaking gate na iyon at nagbabantay sa bawat galaw sa paligid. Maya-maya pa, nakita kong bumukas nang bahagya ang likurang tarangkahan. May lumabas na isang tao—isa







