ANMELDENDon Roberto's Point of View Sapat na sana ang mga impormasyong hawak ko para ilayo agad si Andrea sa halimaw na si Damien Cojuangco. Sapat na sana ang malaman na dalawang babae na ang nasira at nawasak ang buhay dahil sa kanya. Pero hindi mapalagay ang sistema ko. Kailangan kong marinig mismo. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan. Kaya dinala ako ng mga paa ko sa kung nasaan ang pangalawang asawa niya. Kay Samantha. Pumunta ako sa mental hospital na iyon. Tahimik, malamig, at nakakapanindig-balahibo ang paligid. Dito nakakulong ang babaeng minsan nang naging asawa ng doktor. Dito niya tinatapos ang mga araw niya... wala sa sarili, nababaliw. Naabutan ko siyang nakaupo malapit sa bintana, nakatulala at nakatingin sa kawalan. Payapa ang itsura pero alam kong nasa ibang mundo ang isip niya. Nang maramdaman niyang may tao, dahan-dahan siyang lumingon. Nanliit ang mga mata niya habang tinititigan ako. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" malamig at parang batang tanong
I know my gut feeling isn’t wrong. I can feel the shift in Don Roberto’s demeanor like a cold wind cutting through the air. The way he looks at me, the tone of his voice, the icy aura that surrounds him whenever we’re in the same room... something’s off. I don’t know how to explain it, but I have a strong feeling he knows. He knows everything about my past – about what happened with my previous wives. Yung klase ng tingin niya... kilalang-kilala ko 'yon. Iyon yung tingin ng taong nakadiskubre ng katotohanan, yung tingin ng taong nakakita ng halimaw sa anyong tao. Alam ko sa sarili ko na may plano siya. Sigurado akong gagawin niya ang lahat para ilayo sa akin ang anak niya. And I’ll never let that happen. Hinding-hindi ko hahayaang mawala ulit sa akin si Andrea at si Bianca. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, ngayon lang ulit naging buo ang mundo ko. Hindi ako papayag na sirain lang ito ng takot at maling akala ng ama niya. Samantala, habang naguguluhan at nababahala ako,
Don Roberto's Point of View Nakaupo ako sa malaking swivel chair sa loob ng aking opisina, hawak ang makapal na folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol kay Dr. Damien Cojuanco. Ang doktor na gustong pumasok sa buhay ng anak ko. Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may mabigat na bagay na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong siguraduhin na ligtas ang anak ko. Dahan-dahan kong binuksan ang folder at sinimulang basahin ang bawat pahina.DR. DAMIEN COJUANCO FILES Unang bumungad sa akin ang impormasyon tungkol sa pinagmulan niya. Galing daw ito sa mayamang angkan, matagumpay na negosyante at kilalang doktor. Maganda ang reputasyon, malinis tingnan sa panlabas na anyo. "Hmmm, mukhang maayos naman ang estado niya," bulong ko sa sarili. Kapwa kami bilyinaryo kaya hindi ko iisipin na isa sa mga habol niya ay pera. Akala ko ay simpleng lalaki lang na may gustong manligaw, pero hindi pala—isa palang malaking tao sa lipunan.
Umalis na si Don Roberto at dumiretso sa kanyang opisina, naiwan ang dalawa sa hapag-kainan na tila nabigatan pa rin sa naging usapan. Napansin agad ni Andrea na nanatiling tahimik si Damien at malalim ang iniisip. Madilim ang tingin nito at halatang binabagabag ng mga salita ng ama niya. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik," malambing na tanong ni Andrea. "Iniisip mo ba ang mga sinabi ni Daddy? Huwag mong isipin 'yon. He's just being protective, gusto lang niya siguraduhin na ligtas ako." Tumingin siya nang diretso sa mga mata ng binata at seryosong nagsalita. "Ako... alam kong hindi mo gagawin sa akin ang ginawa sa akin ng dati kong karelasyon. Tiwala ako sa'yo. At tungkol naman sa nakaraan mo... tatanggapin ko 'yun. Ganoon din naman ang ginawa mo sa akin, 'di ba? Tinanggap mo ako kahit may anak ako at may amnesia." Lumapit siya at bumulong, "I love you, Damien!" "Paano kung hindi ako magustuhan ni Don Roberto?" hindi mapigil
Damien's Point of View Matapos ang binyag, lalong tumibay at lumalim ang determinasyon ko. Kailangan kong pagbutihin pa lalo. Nakikita ko kung gaano kabilis lumaki si Baby Bianca at napupuno ang puso ko ng tuwa na hindi ko maipaliwanag. Yung saya na nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang anak namin... parang nabuo na ang buong pagkatao ko. Sawa na ako na sila pa ang laging pumupunta sa opisina para lang makita ako. Oras na para ako naman ang pumunta sa kanila. Desidido akong ligawan na nang pormal si Andrea. Suot ang puting polo at itim na pantalon, bitbit ang isang bouquet ng pulang rosas, dumating ako sa mansyon nila. Alas-otso ng umaga. Akala ko ay maaga pa, pero pagdating ko, nag-aalmusal pa lang pala sila sa hapag-kainan. "Magandang umaga po," bati ko. Tinawag agad ako ng ama niya, si Don Roberto, at pinaupo sa mesa. Umupo ako at agad kong nakita ang dalawang babaeng pinakamamahal ko. Si Andrea, na agad na napangiti at namula ang pisngi nang makita ang mga bulaklak,
Mabilis ang lumipas ang mga araw at buwan, at tila kailan lang nang ipanganak si Baby Bianca, pero ngayon ay lumalaki na siya nang husto. Naging napaka-aktibo at nakakagiliw na ng bata, laging may ngiti sa mga labi na nakakahawa sa kahit sinong makakakita. Sobrang swerte ni Bianca dahil hindi lang siya mahal ng kanyang ina, kundi naging paborito rin siya ng lahat sa ospital at maging sa loob ng opisina ni Damien. Bawat pasyal nila doon, sasalubungin sila ng mga ngiti at atensyon mula sa mga staff at nurses. Si Bianca ang naging liwanag at inspirasyon sa lugar na iyon. At hindi nawawala, palaging nandoon si Andrea. Madalas siyang dumalaw kasama ang anak, hindi lang para bisitahin si Damien kundi dahil pakiramdam niya ay bahay na rin ang lugar na iyon para sa kanila. Sa bawat pagbisita, lalong tumitibay ang samahan nila, habang palihim nilang inaalagaan ang kanilang relasyon at ang maliit na anghel na bunga ng kanilang pagmamahalan. ____________________ Sumapit na ang pinakahi
DAMIEN’S POINT OF VIEW Ilang araw na ang lumipas at kitang-kita ko ang bilis ng paggaling ni Andrea. Hindi lang pisikal, kundi pati na rin ang kanyang kalooban. Mula noong mangyari ang insidente kay Aaron, mas lalong lumapit siya sa akin. Siya na mismo ang humahanap ng presensya ko. Siya na mismo
DAMIEN’S POINT OF VIEW I stood by the side of the bed, my eyes drinking in the sight before me. There she was, Andrea, resting peacefully after enduring hours of excruciating pain to bring our child into the world. Lying right next to her, swaddled in a soft blanket, was our baby girl, sleeping s
DAMIEN’S POINT OF VIEW Ilang linggo ang lumipas at naging pinakamahirap na pagsubok ito para sa akin. Araw-araw, pumapasok ako sa kwarto niya, nakasuot ng puting lab gown, may dalang stethoscope at chart, at nakangiti bilang si Dr. Damien. Hindi ako pwedeng magmadali. Alam ko iyon. Kung dati, ha
Dahan-dahang iminulat ni Andrea ang kanyang mga mata. Mabigat ang pakiramdam niya, parang pinagbagsakan ng mundo ang katawan niya, at dumadagundong ang sakit sa likod at ulo niya. Ang bawat galaw ay parang mabigat at nakakapagod. "Andrea... anak, gising ka na!" narinig niyang sigaw ng isang lalak







