ログインDumating ang pinakahihintay na araw. Ang araw na muling bubukas ang pinto ng kalayaan para kay Damien. Sa labas ng kulungan, may dalawang magandang babae, si Andrea at bianca. Nandoon siya kasama ang kanilang munting anghel na si Baby Bianca. Hinihintay nila ang lalaking pinakamamahal nila. At nang tuluyang lumabas si Damien... tila huminto ang ikot ng mundo. Payat man at pagod ang itsura niya, pero nagniningning pa rin ang tagumpay sa kanyang mga mata. Agad silang nagtungo sa isa't isa at nagyakap nang mahigpit. Isang yakap na puno ng luha, saya, at emosyon. Ang yakap na matagal nilang pinangarap. wala ng rehas, wala ng harang, at wala ng takot. "Mahal ko..." bulong ni Andrea habang umiiyak sa dibdib ng asawa. "Malaya na tayo, Andrea. Malaya na tayo," sagot ni Damien at hinalikan ang noo niya at ang maliit na noo ni Bianca. Sa gitna ng kanilang masayang pagsasama-sama, napansin nila ang isang anino na nakatayo hindi kalayuan. Si Don Roberto. Nanlaki ang mga mata ni
Damien's Point of View Para akong natulala at nanigas sa kinauupuan ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kahit paanong isip ko ay hindi ko maisip. Wala akong hint na magkakakilala sila. Inilipat ng abogado ko ang footage sa screen. Malabo man ito dahil sa anggulo o quality, pero sapat na para makita ng buong mundo ang nangyari. Kitang-kita ang pigura ni Claire at ang babaeng kasama niya. Kitang-kita kung paano siya itinulak. Sa may balcony.... Halimaw ka Samantha! Hindi ito aksidente. Hindi ito pagpapakamatay. May malakas na tulak na dumampi sa likod ni Claire dahilan para mawalan siya ng balanse at bumagsak. At ang taong gumawa noon... si Samantha. Nanlaki ang mga mata ko. Napasinghap ako at halos hindi makahinga sa gulat at sa bigat ng natuklasan. Ang tagal kong iniyakan ang pagpapakamatay ni claire. Ang tagal kong sinisi ang sarili ko. Akala ko dahil sa akin kaya nagpakamatay si claire yun pala ang pangalawa kong asawa ang may gawa. "YOUR HONOR! HINDI PO SIYA NAG
DAMIEN’S POINT OF VIEW "Mrs. Cojuangco. " bulong ko sa isip ko tuwing mag-isa ako. "Asawa ko na siya. At gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo ni Bianca." Dahil dito, mas lalong tumindi ang apoy sa loob ko. Hindi na lang ito simpleng pagtatanggol sa sarili ko. Ito ay laban para sa pamilya ko. Ginamit ko ang lahat ng koneksyon at yaman na meron ako. Pinakiusapan ko ang abogado ko na galugarin ang bawat sulok, hanapin ang bawat butas, at hukayin ang lahat ng katotohanan laban kay Samantha at sa mga kasabwat niya. Alam kong malakas ang ebidensya nila. Alam kong marami silang pera at impluwensya para dayain ang sistema. Pero hindi nila alam na mas malakas ang dahilan ko kung bakit ako lumalaban. Dumaan ang mga araw at linggo. Bawat pagdalaw ni Andrea, iba na ang saya. Hindi na lang kami magkasintahan, mag-asawa na kami. Iba ang init ng yakap, iba ang tamis ng halik, at iba ang seguridad na nararamdaman ko. Isang araw, bago ang susunod na hearing, tinawagan ako ng abogad
Damien's Point of View Pagkaalis ni Andrea, parang may bagong apoy na nag-alab sa loob ko. Ang init ng yakap niya, ang tamis ng halik niya, at ang katotohanang naniniwala pa rin siya sa akin... iyon ang naging pinakamalakas kong sandata. Hindi na ako pwedeng manatili lang dito na parang kawawa. Kailangan kong lumaban. Para kay Andrea. Para kay Baby Bianca. Para sa pamilyang bubuuin pa namin."Ako so Damien Cojuangco. Pananagutin ko ang mga nasa likod nito " Ginamit ko ang lahat ng resources at pera na meron ako. Inutusan ko ang mga tao ko na kunin ang pinakamagaling, pinakamatalino, at pinakamatapang na abugado sa buong bansa. Hindi ako papayag na manalo ang kasinungalingan. hindi ko pinatay si Claire at iyan ang katotohanan.. At dumating ang araw ng paglilitis. Nakatayo ako sa loob ng courtroom. Suot ko ang magarang damit pero ramdam ko pa rin ang bigat ng sitwasyon. Tahimik ang lahat habang ipinapakilala ang mga testigo ng kabilang panig. Nang tawagin ang pangalan niya,
Andrea's Point of View Napagtanto ko na hindi ko mapipilit si Daddy na palayain si Damien kung patuloy akong magiging matigas at pasaway sa kanya at kung patuloy kong ipipilit ang pagmamahal ko kay Damien. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong makalabas ng bahay. Hindi pwedeng ganito lang. Su Damien, alam kong miss na miss na rin niya ako. Kaya kinausap ko si daddy isang araw. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at itago ang tunay na nararamdaman. "daddy... tama po kayo. Pagod na po ako. Kakalimutan ko na si Damien. Gusto ko lang po bumalik sa dati," sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. "Pwede po ba akong bumalik magtrabaho sa opisina? Para naman may magawa ako at maibsan ang lungkot." Tiningnan ako ni Daddy nang mabuti, tila sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa wakas, tumango siya at ngumiti. "Iyan. Ganyan dapat, anak. Mabuti naman at natauhan ka na," sagot niya. "Sige, pwede ka nang bumalik magtrabaho. Basta sundin mo ang mga
Andrea's Point of View Parang binibiyak ang dibdib ko sa sakit habang pinagmamasdan ko ang pag-alis ng sasakyan ng mga pulis. Nawala sa paningin ko si Damien... ang lalaking nangako na hinding-hindi ako iiwan at pakakasalan ako. "Tay! Bakit niyo po ginawa 'to?! Bakit?!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mahigpit niyang hawak. Nanginginig ang buong katawan ko at walang tigil ang pag-agos ng luha ko. "Si Damien! Mabuting tao si Damien! Wala siyang ginagawang masama! Maniwala naman kayo sa akin. ako mismo ang patunay na mabuti siyang tao! Pinagbibintangan niyo lang siya ng mga bagay na hindi naman niya ginawa!" Hinila niya ako papunta sa kotse niya at marahas na pinasakay. Buong byahe ay wala akong ibang ginawa kundi umiyak at isipin kung nasaan na siya, kung nasasaktan ba siya o natatakot. Pagdating namin sa mansyon, agad akong humarap sa kanya. Galit, awa, at pagkadismaya ang halo sa boses ko. "Daddy, pakiusap po! Bitawan niyo siya! Alam kong mali ang lahat ng 'to! Si Da
ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Umalis ako sa opisina ni daddy na may mabigat na dibdib pero alam kong naiintindihan ko naman siya kung ganoon ang naging reaksyon niya. Ama ko siya at gusto niya ang best na lalaki para sa akin – hindi naman siya masama kung ganoon ang kanyang iniisip. Buti na lang
ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Kinabukasan ng umaga ay biglang tumawag si daddy na si Don Roberto – sabi niya ay gusto niya akong makausap sa kanyang opisina agad-agad. Ramdam ko kaagad sa boses niya na may kakaiba – parang galit siya o may bagay na hindi siya natutuwa. Pagdating ko sa kanyang op
ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW "May sakit ka ba?" tanong ni Aaron sa akin dahil bilot na bilot ang katawan ko – suot ko ang blazer na may mataas na kwelyo at inayos ko rin ang scarf para takpan ang mga kissmark sa leeg ko. "Masama lang ang pakiramdam ko pero okay naman – kaya ko namang magtraba
ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Kaagad kong tinext ang daddy nang payagan ako ni Damien magtrabaho. "Daddy, tanggap ko na po ang trabaho! Excited na po akong magsimula!" Mabilis lang ang kanyang sagot: "Napakasaya ko naman, anak! Bukas na tayo magsimula – handa na ang lahat para sa'yo!" Tuwang-tuwa







