تسجيل الدخولNakarating na sila sa isang malayong isla sa batangas. Sobrang layo kaya tinawag na secret Island. Isang paraiso ang sumalubong sa kanila. Puro puting buhangin, kristal na asul na tubig, at luntiang mga puno na tila bumalot sa buong lugar. Tila nawala ang pagod ni Andrea sa byahe sa ganda ng kabuuan ng isla. Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa ganda ng paligid. "Wow..." bulong niya habang nakatingin sa paligid. "Ang ganda... parang panaginip, Damien." "Isang magandang panaginip, Andrea! This Island is almost perfect. Perfect for the 3 of Us." Niyakap ni Damien ang mag-ina niya. Pagkatapos ay kinuha niya si Baby Bianca mula kay Andrea. l Nang makita ni Damien ang pamumula at pagod sa mukha ni Andrea, dali-dali niya itong inakay papunta sa isang napakalaking puting villa na nakatayo sa gitna ng luntiang kapaligiran. Isang malawak na istruktura na walang ikalawang palapag, tila isang paraiso mismo ang disenyo. "Kumain na muna tayo mahal. Ipagluluto ko kayo
Nagmamadaling umuwi ang Don. Halos tumakbo siya palabas ng mental hospital. Parang nagdidilim ang paningin niya habang nasa sasakyan, paulit-ulit sa isip niya ang mga kwento at sigaw ni Samantha. Ang sakit, ang takot, at ang katotohanang may isang halimaw pala na nagpapanggap na anghel. Kailangan niyang makauwi agad. Kailangan niyang iligtas si Andrea. Ayaw niyang humantong sa ganoong kalalang sitwasyon ang anak. "Paparating na tayo, Sir." wika ng driver pero hindi siya sumagot. Nakakuyom lang ang mga palad niya at puno ng pag-aalala ang puso na may kasamang galit at takot. Pagdating niya sa mansyon, halos ibalibag niya ang pinto sa pagmamadali. "Andrea! Andrea, anak! Nasaan ka?" sigaw niya habang papasok sa loob. Nakakabingi ang katahimikan ng buong bahay. Walang sumasagot. Walang tunog ng tawanan ni Baby Bianca at walang ingay. Dali-dali siyang umakyat sa kwarto ng anak niya. Pagbukas niya ng pinto... wala. Walang tao. Walang laman ang kama at kitang-kita na matagal na
Don Roberto's Point of View Sapat na sana ang mga impormasyong hawak ko para ilayo agad si Andrea sa halimaw na si Damien Cojuangco. Sapat na sana ang malaman na dalawang babae na ang nasira at nawasak ang buhay dahil sa kanya. Pero hindi mapalagay ang sistema ko. Kailangan kong marinig mismo. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan. Kaya dinala ako ng mga paa ko sa kung nasaan ang pangalawang asawa niya. Kay Samantha. Pumunta ako sa mental hospital na iyon. Tahimik, malamig, at nakakapanindig-balahibo ang paligid. Dito nakakulong ang babaeng minsan nang naging asawa ng doktor. Dito niya tinatapos ang mga araw niya... wala sa sarili, nababaliw. Naabutan ko siyang nakaupo malapit sa bintana, nakatulala at nakatingin sa kawalan. Payapa ang itsura pero alam kong nasa ibang mundo ang isip niya. Nang maramdaman niyang may tao, dahan-dahan siyang lumingon. Nanliit ang mga mata niya habang tinititigan ako. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" malamig at parang batang tanong
I know my gut feeling isn’t wrong. I can feel the shift in Don Roberto’s demeanor like a cold wind cutting through the air. The way he looks at me, the tone of his voice, the icy aura that surrounds him whenever we’re in the same room... something’s off. I don’t know how to explain it, but I have a strong feeling he knows. He knows everything about my past – about what happened with my previous wives. Yung klase ng tingin niya... kilalang-kilala ko 'yon. Iyon yung tingin ng taong nakadiskubre ng katotohanan, yung tingin ng taong nakakita ng halimaw sa anyong tao. Alam ko sa sarili ko na may plano siya. Sigurado akong gagawin niya ang lahat para ilayo sa akin ang anak niya. And I’ll never let that happen. Hinding-hindi ko hahayaang mawala ulit sa akin si Andrea at si Bianca. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, ngayon lang ulit naging buo ang mundo ko. Hindi ako papayag na sirain lang ito ng takot at maling akala ng ama niya. Samantala, habang naguguluhan at nababahala ako,
Don Roberto's Point of View Nakaupo ako sa malaking swivel chair sa loob ng aking opisina, hawak ang makapal na folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol kay Dr. Damien Cojuanco. Ang doktor na gustong pumasok sa buhay ng anak ko. Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may mabigat na bagay na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong siguraduhin na ligtas ang anak ko. Dahan-dahan kong binuksan ang folder at sinimulang basahin ang bawat pahina.DR. DAMIEN COJUANCO FILES Unang bumungad sa akin ang impormasyon tungkol sa pinagmulan niya. Galing daw ito sa mayamang angkan, matagumpay na negosyante at kilalang doktor. Maganda ang reputasyon, malinis tingnan sa panlabas na anyo. "Hmmm, mukhang maayos naman ang estado niya," bulong ko sa sarili. Kapwa kami bilyinaryo kaya hindi ko iisipin na isa sa mga habol niya ay pera. Akala ko ay simpleng lalaki lang na may gustong manligaw, pero hindi pala—isa palang malaking tao sa lipunan.
Umalis na si Don Roberto at dumiretso sa kanyang opisina, naiwan ang dalawa sa hapag-kainan na tila nabigatan pa rin sa naging usapan. Napansin agad ni Andrea na nanatiling tahimik si Damien at malalim ang iniisip. Madilim ang tingin nito at halatang binabagabag ng mga salita ng ama niya. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik," malambing na tanong ni Andrea. "Iniisip mo ba ang mga sinabi ni Daddy? Huwag mong isipin 'yon. He's just being protective, gusto lang niya siguraduhin na ligtas ako." Tumingin siya nang diretso sa mga mata ng binata at seryosong nagsalita. "Ako... alam kong hindi mo gagawin sa akin ang ginawa sa akin ng dati kong karelasyon. Tiwala ako sa'yo. At tungkol naman sa nakaraan mo... tatanggapin ko 'yun. Ganoon din naman ang ginawa mo sa akin, 'di ba? Tinanggap mo ako kahit may anak ako at may amnesia." Lumapit siya at bumulong, "I love you, Damien!" "Paano kung hindi ako magustuhan ni Don Roberto?" hindi mapigil
ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Pagdating ko sa mansyon ay agad akong pumunta sa kwarto namin ni Damien. Hindi ako makatulog ng maayos – ang mga salita ni Samantha ay patuloy na umaaligid sa isip ko. Sinubukan kong isipin na baka mga guni-guni lang iyon, baka dahil sa sakit niya ay nagbabago na an
ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko nang makita ko ang larawan ni Damien at ng ibang babae na sa tingin ko ang pangalan ay Claire. "Sino siya? Babae siya ni Damien? siya ba ang dahilan kung bakit naghiwalay si Samantha at Damien? bakit ang sabi ni Damien sa
ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Isang malakas na pagtulak ang ginawa sa akin ng mommy ni Damien. Hilam ng luha ang mata ko sa naging pagtrato niya sa akin. Hindi ko naman sadya na sumagot sa kaniya ng pabarang pero grabe niya kasi ako maliitin. Umalis na siya at naiwan ako rito na patuloy sa paglu
Galit ang naramdaman ni Andrea nang sandaling malaman niya na pinagsinungalingan siya ng Doktor na si Damien. Sinundan niya ito upang alamin kung saan ito pupunta at dinala siya nang pagsunod niya rito sa isang malaking mansyon at dito na napalitan ng pagkahiya ang kanina niyang galit. Hiyang-hiy







