LOGINANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW
Nagising ako nang sobrang sakit ng buo kong katawan. Pakiramdam ko'y akong binugbog. Ngayon ko na naramdaman yung matinding pagkapagod dahil sa pinag gagawa namin kagabi. "Hemson? kaagad kong hinanap si Afam sa kabuuan ng malaking kwarto na ito pero hindi ko siya nakita. My body is still soar and naked yet pinilit ko pa ring tumayo para hanapin siya. "Hemson?" hinanap ko siya hanggang sa banyo pero wala akong hemson na nakita. "Baka lumabas at may binili lang." sa isip-isip ko. Baka kako lumabas para bumili ng makakain namin at sakto rin at narinig kong tumunog na ang tiyan ko. Nag-intay ako kay Hemson sa pag-asang bumili lang siya ng pagkain sa labas pero inabot na ng tatlong oras ang aking pag-iintay pero wala nang hemson na bumalik. Isang staff ng hotel ang tumawag at tinatanong kung mag-eextend pa raw ba ako dahil ang binayaran lang daw ng guest na nag-occupy nito ay hanggang ngayong oras lang. "Mag-eextend pa po kayo mam?" "H-hindi ko alam, e. iintayin ko muna yung kasama ko. Siya kasi ang mag-dedecide kung mag-eextend pa ba kami o hindi na. Hindi pa kasi siya bumabalik." "Ahh, sa tingin ko po hindi na siya babalik. eto po, inabot niya sa akin itong calling card. Tawagan mo na lang daw siya para sa kabayaran daw po. Nagmamadali daw po siya kaya ibinilin na lang po sa amin na ibigay sa 'yo ito." inabot niya sa akin ang isang calling card at pagkatapos ay umalis na rin. Napangiti na lang ako ng mapait. Mukhang na-scam ako dahil iba ang pangalan na nakalagay sa calling card. Damien Cojuangco ang pangalan sa calling card at hindi Hemson. "Ugghhh! Ang tanga-tanga mo!" Halos sabunutan ko ang sarili ko nang mapagtanto ko na hindi si Hemson ang lalaking nakatalik ko matapos kong mag-backread ng aming convo ni Hemson. "Room 68 pala hindi 69." gusto kong maiyak dahil sa katangahan ko. Bakit hindi ko binasa kasing maigi? bakit hindi ko muna tinanong kung siya ba si hemson. "Haysss!!!!!" Sobrang dismayado ako dahil ako itong pumasok sa kwarto niya at naghubad. Ako itong nag-alok ng sarili ko sa kaniya. Pero kahit na. Bakit naman pumatol siya? Pakiramdam ko ay siningil agad ako ng Karma. Ayan kasi, sa kagustuhan umangat sa kahirapan mas lalo akong nalugmok. Ano pa ngayon ang ipagmamalaki ko kay Hemson ngayong sa iba ko naibigay ang virginity ko? Tuwang tuwa pa naman ako kagabi at ang sabi ko pa ay wala akong pagsisihan pero ngayon sising-sisi na ako. _____________ Dali-dali kong inayos ang aking sarili at lumabas ng kwarto. Hindi na ako sumubok na makipagkita kay Hemson na naroon lang pala sa kabilang kwarto namin at magdamag na nag-antay sa akin. Nawalan na rin ako ng gana nang mag-send siya sa akin ng picture ngayon at nakita kong sobrang tanda na pala niya. Ngayon iniisip ko kung saan ako kukuha ng pambabayad ko sa ospital. Saan ako maghahanap ng pera pang dialisys ng Inay? Kahit na masakit na masakit ang katawan ko ay dumiretso na ako sa Ospital para kumustahin ang Inay. 5 days na siyang naka-confine at naloloka na ako sa kakaisip kung saan ako magnanakaw ng ibabayad dito. "Inay, kumusta na po kayo? Laban lang po tayo, ha? lakasan niyo po ang loob niyo. May awa po ang Diyos." Nalulungkot akong makita ang Inay na nasa ganitong sitwasyon. Sobrang payat na niya at masasabi kong mahina na talaga. Pinipigilan ko lang na maiyak pero ang totoo ay ang bigat bigat ng puso ko. Bukod kasi sa sakit na bato ay may tama rin ang kaniyang atay tapos may diabetes pa siya. Nagkumplikasyon na kaya ang daming sumusulpot na sakit niya. "Anak, okay lang ako. Matanda na rin naman ako. Ikaw lang ang iniintindi ko kapag namatay ako. Ayokong lumapit ka sa mga Dela Vega para lang maipagamot ako. Mas gugustuhin ko pang namatay kesa manlimos ka sa Ama mo. Ipangako mo sa akin na kahit mamatay ako hinding-hindi ka lalapit sa kanila." Mahigpit na bilin ng inay. Maging siya mismo kasi ay naranasan ang kalupitan ng mga Dela Vega. Binuntis siya ng itay at hindi pinanagutan. Pinagbibintangan pa siya na nabuntis ng iba. "Opo, Inay. Tatandaan ko po iyan. Sa ngayon po, magpalakas kayo. Hindi ko po kayo basta-basta isusuko." Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng Inay. Tahimik ko siyang ipinagdarasal habang nakapikit ako. Ayokong isipin na isang araw ay bigla na lang niya akong iiwan. Bilang anak, gagawin ko ang lahat para mapahaba pa ang buhay niya. Nakatulog na ang Inay at lumabas na ako ng kwarto niya. Kinuha ko sa bulsa ang calling card na ibinigay ng staff hotel kanina. No choice na ako kung hindi tawagan ang lalaking pinag-alayan ko ng virginity ko. Kailangan ko siyang singilin para sa isang gabing kaligayahan na binigay ko sa kaniya. Kinuha ko rin ang cellphone ko sa bulsa at dinial ang numero na nakalagay sa calling card. Phone ringing... Sa unang tangka ko ay walang sumagot pero sa pangalawang pagtawag ko ay boses ng isang lalaki na ang sumagot na sa tingin ko ay si Damien. * * "Hello?" pambungad niya. "H-hello? S-si Damien ba 'to?" "Yes. Bakit? sino ba 'to?" Sa mga oras na ito ay namumula na ang mukha ko. Alam kong kakapalan ng mukha itong ginagawa ko pero kasi desperada na ako. Wala na akong pakialam sa iisipin niya. "Ako 'yung kagabi. Remember? kukunin ko lang sana yung bayad sa kagabi? kailangan na kailangan ko kasi ng pera." "Ah, ikaw pala. Now mo na ba kailangan? busy pa kasi ako ngayon. Kung gusto mo mamayang gabi ko na lang ibigay. Tatawagan kita kung saan mo kukunin. Bye!" at bigla na lang niya akong pinatayan ng tawag. Medyo mayabang ang tono ng pananalita niya. Medyo na-turn off na kaagad ako sa kaniya. Buti na lang guwapo siya at masarap humalik kung hindi ay ituturing kong bangungot ang nangyari sa amin. Ang importante ngayon ay may pera na akong aasahan. Iniisip ko kung magkano ko siya sisingilin. "Hindi naman siguro siya magagalit kung singilin ko siya ng 500k para sa isang gabing nangyari sa amin?"Damien’s POV I see her. I saw how she breaks down and cry. Nakatayo lang ako sa gilid ng aking kwarto, nakadungaw sa bintana habang pinagmamasdan siya sa gitna ng ulan. Kitang-kita ko ang bawat paghikbi niya, ang bawat pagyugyog ng balikat niya habang yakap ang sarili. Every muscle in my body screams to run down there, to pull her inside, to wrap her in a warm blanket and hold her. But I stay frozen where I am, my hands clenched so tight my knuckles turn white. I watch it all – every tear, every shiver, every moment she looks up at the window as if hoping I’ll come for her. Tiniis ko. Tiniis ko lahat ng sakit na nakikita ko. Kahit na alam kong basang-basa na siya sa ulan, kahit na alam kong nilalamig na siya at maaari siyang magkasakit hindi ako bumaba. Hanggang sa nakita ko ang pagbagsak ng katawan niya. Nahimatay siya. Doon muntik nang masira ang pagiging matigas ko. Nanlaki ang mga mata ko at akmang bubuksan ko na ang pinto para lumabas pero pinigilan ko ang sarili ko
ANDREA'S POINT OF VIEW What I hate the most is... even it hurts me so much, I still wanna see him. Gustong-gusto ko siyang makita kahit na alam kong lulurayin lang ako ng sakit. Kahit na alam kong bawat tingin ko sa kaniya ay parang libo-libong kutsilyo ang tumatarak sa dibdib ko. Pero umaasa pa rin ako. Umaasa ako na baka sakaling magkausap kami, baka sakaling mahawakan ko ang kamay niya at makita niya ang luha ko... magbago ang isip niya. Baka sakaling maalala niya kung gaano kami kamahal noon at bawiin niya ang lahat. Pero hindi. Wala na. Because he blocked me too! after I finally found the courage to open the door and reach out to him again, hoping we could talk things through… he was the one who shut it in my face and locked it tight. he blocked me! Sa lahat ng social media, sa chat, sa tawag... tinanggal niya ako nang tuluyan. Parang hindi ako umiiral. Parang never naging parte ako ng buhay niya. Gumaganti siya! Yan lang ang pumapasok sa isip ko habang nangin
ANDREA'S POINT OF VIEW Alam ko. Alam kong lulunurin ko lang ang sarili ko sa sakit. Alam kong bawat hakbang ko papunta dito ay hakbang palayo sa katinuan ko. Pero hindi ko mapigilan. Kailangan kong makita. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na totoo na... na wala na talaga. Hinanap ko ang video. Hinanap ko ang mga litrato at balita tungkol sa kasal nila. At nang mabuksan ko ito... parang binagsakan ako ng langit at lupa. "BONGGA." basag ang boses ko. Iyan lang ang masasabi ko. Parang Royal Wedding talaga. Puno ng mamahaling at malalaking bulaklak, puti at ginto ang tema, at ang dami ng tao. Ang ganda ng simbahan, ang gaganda ng dekorasyon, parang napunta sila sa langit. At doon... sa dulo ng altar... nakita ko siya. Si Damien. Nakasuot ng pinakamagandang suit, gwapo na gwapo, pero ang pinakamasakit... nakita ko kung gaano siya kasaya. Nakita ko kung paano siya maging emosyonal habang naghihintay. Nakita ko ang pag-aabang niya sa paparating na bride... na hindi ako. Napangi
DAMIEN'S POINT OF VIEW Habang nakatitig ako sa screen ng cellphone ko na tumigil na sa pag-ring, alam ko sa sarili ko... alam ko kung bakit niya ginawa 'yon. Alam ko kung bakit niya ako in-unblock. Alam ko kung bakit siya tumatawag ngayon. Isa lang ang ibig sabihin nito. Bumalik na ang alaala niya. Naaalala na niya ang lahat. Naaalala na niya na hindi ako ang may kasalanan. Naaalala na niya na hindi ko siya sinaktan. Naaalala na ako ang nanakit sa kaniya. Kaya niya ako tinatawagan ngayon kasi gusto niyang humingi ng tawad. Kasi gusto niyang bumawi. Kasi akala niya... babalikan pa kami sa dati. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Isang malungkot na katotohanan. Andrea... alam ko. Alam kong alam mo na ang totoo. Alam kong nagsisisi ka at gusto mo akong yakapin ngayon. Pero... huli na. Kahit na bumalik na ang alaala niya, kahit na malinis na ang pangalan ko, kahit na alam ko na mahal na mahal niya ay ako pa rin... hindi na pwedeng bumalik sa dati. The fact na divorced
DAMIEN'S POINT OF VIEW Nakahiga ako sa kama habang nakayakap si Fia at mahimbing na natutulog. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng alon ang maririnig. Dahil hindi pa ako dinadatnan ng antok, binuksan ko ang cellphone ko. Wala lang, para lang ma-check kung may importanteng mensahe man galing sa office o kay Daddy. Binuksan ko ang Messenger. At doon... parang nanigas ang buong katawan ko. Sa taas ng listahan ng mga tao, nakita ko ang pangalan niya. "ANDREA" At sa tabi ng pangalan niya... may maliit na berdeng tuldok. ONLINE. Nanlaki ang mga mata ko. Napabuntong-hininga ako nang malalim at parang bumagal ang ikot ng mundo ko. "Online siya? Buhay siya? Gising na siya?" sa isip-isip ko. Isang malaking kumpirmasyon iyon. Alam ko noon na naka-comatose siya, alam ko na nag-aagaw buhay siya, pero ngayon... nakikita ko na naka-online siya. Ibig sabihin, gising na siya. Naka-recover na siya. Pero may mas ikinagulat pa ako. Dati... matagal na akong naka-block sa k
ANDREA'S POINT OF VIEW Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang buong pagkatao ko habang naglalakad palabas ng ospital. I can't feel anything, nothing but pain. Bagsak na bagsak ang mga balikat ko. Mabigat na mabigat ang bawat hakbang ko na parang may bakal na nagpapabigat sa mga paa ko. Hindi ko maramdaman ang paligid, wala akong marinig kundi ang sarili kong hikbi at ang boses ng nurse na paulit-ulit sa isip ko... "Ikinasal na po... nasa Maldives po sila..." Ayaw tumigil ng pagtulo ng luha ko. Tuloy-tuloy, parang gripo na sira. Basang-basa ang hospital dress ko, basang-basa ang mukha ko ng luha. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit na parang dinudurog ang dibdib ko nang paulit-ulit. Huli na. Huli na pala ang lahat. Kahit na nalaman ko na ang totoo, kahit na malinis na ang pangalan niya, kahit na handa na akong lumuhod at humingi ng sorry... huli na pala. Pinili na niya akong kalimutan. Pinili na niyang bumitaw at magpatuloy. At ang pinakamasakit sa lahat... pinili na niyan







