Share

Chapter 3

Enjoy reading!

NANG tuluyan na akong makababa ng hagdan ay nakasalubong ko si Madame Helena na mama ni Governor Harley. Agad kong pinakalma ang sarili ko at sana lang ay huwag sumunod si gov dito sa baba. 

"O, hija, saan ka pupunta?" Tanong ni Madame Helena nang makita niya ako. Ngumiti ako sa kanya. 

"Uuwi lang po ako saglit. Kakain lang po at babalik din po ako kaagad." Sagot ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. 

"What? Hindi ka pa kumakain ng tanghalian? Hindi ka ba pinakain ni Harley?" Tanong niya. 

"Okay lang po ako, madam. Uuwi na lang po ako at doon na lang po kakain. Malapit lang naman po ang bahay namin dito." Sagot ko.  

"No. Halika sa kusina at dito ka na kumain. Let's go." Sabi niya at hinila ako patungo sa kusina. Nakita ko roon si mama na abala sa  paghuhugas ng mga plato. Napatingin siya sa amin nang pumasok kami sa kusina. 

"Nako, Beth, itong anak mo hindi pa nananghalian. Kaya hinila ko na rito sa kusina." Sumbong niya kay mama. Napangiti na lang si mama at huminto sa paghuhugas ng mga plato. Kumuha siya ng malinis na plato at binigay iyon sa akin. Maraming nakahain na mga pagkain sa lamesa at lahat 'yon ay masasarap at paborito ko. Kaya mas lalo akong nagutom. 

"Sige na, kumain ka na." Sabi ni Madame Helena. Agad akong nagsandok ng kanin at kumuha ng ulam na sa harapan ko. 

"Salamat po." Nahihiya kong sabi. 

"You're welcome, hija. Kumusta naman ang pagiging personal assistant mo kay Harley?" Tanong niya at ngumiti sa akin.

"O-okay naman po." Sagot ko. Okay naman talaga sana kung hindi lang umamin si gov. Hindi ko nga alam kung paano na ang pakikitungo ko sa kanya mamaya kapag magkasama kami. 

"Mabuti naman. Hindi ka ba pinapahirapan ni Harley?" Tanong niya ulit. Umiling lang ako bilang sagot. Alangan naman sabihin ko sa kanya na gusto ako ng anak niya? Na umamin sa akin si gov? Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang pumasok sa kusina si Governor Harley at diretso ang tingin niya sa akin. 

"Harley, Kumain ka na ba? Halika, sabayan mo si Jane rito." Pag-aaya ng mama niya. 

"Busog pa po ako, ma. Hihintayin ko na lang na matapos kumain si Jane. Pupunta pa kami sa kapitolyo." Sabi niya. At dahil sa sinabi niya ay binilisan ko na ang pagkain ko. Gusto ko pa sanang mag sandok ng kanin ngunit ayaw ko namang paghintayin si gov.

"Tapos na po akong kumain. Salamat po." Sabi ko at uminom ng tubig. Napatingin naman silang tatlo sa akin at halatang nagulat sa mabilis kong pagkain.

"Busog ka na ba, hija? Makakapag hintay naman si Harley kung kakain ka pa." Nag-aalalang sabi ni Madame Helena. 

"Busog na po ako. Maraming salamat po sa pagkain." Sabi ko at ngumiti sa kanya.  

"Ako na rito, anak. Sige na samahan mo na si gov." Sabi ni mama at kinuha ang plato ko. 

"Sige po." Sagot ko at tiningnan si gov na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin kaya agad kong binawi ang tingin ko sa kanya.

"Aalis na po kami, madam. Nabusog po ako. Salamat po." Paalam ko. Ngumiti lang siya sa akin. Agad namang humalik si gov sa pisngi ng mama niya. Nauna siyang naglakad palabas ng kusina habang ako ay nakasunod lang sa kanya. Huminto kami sa harap ng itim na chevrolet camaro niyang sasakyan. Agad siyang pinagbuksan ni Manong Rey ng pinto sa back seat at agad naman siyang pumasok. Tiningnan naman ako ni Manong Rey at hinihintay na pumasok ako sa loob ngunit umiling ako sa kanya. Naglakad ako papunta sa front seat at agad na binuksan iyon at pumasok sa loob. 

"Jane…" tawag ni gov sa pangalan ko. Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti. Mas mabuti ng dito ako umupo para man lang makalayo sa kanya kahit papaano. Sa pag amin niya kanina ay parang wala akong lakas nang loob na lumapit pa sa kanya. 

"Dito na lang po ako, gov." Sabi ko at inayos na ang seat belt ko. Agad namang bumukas ang pinto ng driver seat at pumasok doon si Manong Rey at pinaandar na ang sasakyan. 

Sa labing limang minuto na byahe patungo sa kapitolyo ay tahimik lang kaming tatlo. Walang nagsasalita sa amin. At nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. 

Nang huminto ang sinasakyan naming kotse sa harap mismo ng kapitolyo ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko at lumabas na ng sasakyan. Naunang naglakad si gov papasok sa loob at nakasunod lang ako sa kanya. Binabati siya ng mga tao na naroon sa loob at tango lang ang ginagawa niya. 

Nakatingin din ang iba sa akin dahil ngayon lang ako nakapasok sa loob ng kapitolyo at kasama ko pa ang governor namin. Kaya napapayuko na lang ako sa tuwing tinitingnan nila ako. 

Sumakay pa kami ng elevator dahil nasa ikaapat na palapag ang opisina ni gov dito sa kapitolyo. At pagdating namin sa labas ng opisina niya ay sinalubong kami ng isang babae na mga nasa fourthy na ang edad.

“Good afternoon po, gov. Meron po kayong bisita sa loob.” Pagbati ng babae. 

“Bakit nasa loob? Hindi ba sinabi ko na huwag kang magpapasok ng ibang tao sa loob ng opisina ko kapag wala ako?” Halata ang galit sa boses niya at napayuko na lang ang babae.

“Ayaw po kasi makinig, gov. Sorry po, ngunit hindi ko na po siya napigilan.” Magalang na sabi ng babae.

Hindi na muling nagsalita pa si Governor Harley at agad na pumasok sa loob ng opisina niya. Nanatili na lang ako sa labas at hindi na sumunod pa sa loob. Tiningnan ko naman ang babae na ngayon ay malungkot ang mukha dahil sa galit ni gov kanina.

“Okay lang po ba kayo, ate?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at ngumiti. 

“Oo, okay lang ako. Sanay na ako kay gov. Kaano ano ka pala ni Governor?” Tanong niya.

“Personal assistant po niya ako. Ako nga po pala si Jane Requez.” Pagpapakilala ko.

“Ako naman si Evelyn. Secretary ako ni gov dito.” Pagpapakilala niya.   

“Sino po ba ‘yong bisita ni gov sa loob?” Tanong ko. 

“Si Ma’am Fayette ‘yon. Ang balita nga rito ay girlfriend daw ‘yon ni Governor Harley.” Sagot niya. Kilala ko si Fayette dahil isa siyang artista at hinahangaan dahil sa ganda niya. Kung totoo man ang sinabi ni Ate Evelyn ay bakit ako ang ginugulo ni gov? At saka girlfriend niya naman pala. Pero bakit ayaw niyang papasukin sa loob ng opisina niya? 

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni gov at lumabas roon ang bisita niya. Isang matangkad, sexy at magandang babae ang lumabas at halata sa mukha niya ang inis. Malakas niyang isinara ang pinto kaya naglikha iyon nang malakas na tunog na ikinagulat namin. 

“Get out of my way!” Galit niyang sabi kaya mabilis akong tumabi.

“Lagot na. Mukhang nag-away pa sila ni gov.” Sabi ni Ate Evelyn. 

“Jane.” Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si gov na nakatayo sa may pintuan ng kanyang opisina at diretso ang tingin sa akin.

“Come here.” Sabi niya at muling pumasok sa loob ng opisina niya. Agad naman akong nagpaalam sa secretary niya at naglakad na papasok sa loob ng opisina.

“Bakit po, gov? May iuutos po ba kayo?” Tanong ko nang makapasok na ako sa loob ng opisina niya.

"Fayette is not my girlfriend." Pagsisimula niya. 

"Gov, hindi mo naman po kailangan mag explain sa 'kin. Okay na po 'yon." Turan ko. Ngunit nagulat ako nang lumapit siya sa akin. 

"No, baby. Ayokong mag-isip ka ng tungkol sa amin ni Fayette. I'm in love with you at sa 'yo lang ako." Marahan niyang sabi habang diretso ang tingin sa akin. Nakatitig ako sa mukha niya at hindi ko akalain na ang lalaking 'to ay magkakagusto sa akin. 

"Gov, gutom lang po 'yan. Ano po ang ipag-uutos mo sa 'kin?" Pag-iiba ko ng usapan at mahina siyang tinulak palayo sa akin. 

“Nothing. Just sit there and wait for me until I finish my work here.” Sagot niya at umupo sa swivel chair niya. Sinunod ko naman ang utos niya kaya umupo ako sa isang sofa at inilibot ang paningin ko sa malawak niyang opisina. 

Ilang oras din akong nakaupo sa sofa at hinintay siyang matapos sa kanyang ginagawa. Wala naman siyang inuutos sa akin at kahit ang pagbili ng meryenda ay sa secretary pa niya inutos. Ano ako rito? Hangin lang?

--

Pagsapit nang lunes ay maaga akong gumising dahil mayroon akong klase. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong pumunta sa kusina at nadatnaan ko roon si mama na abala sa paglagay ng kanin at ulam sa lalagyanan. 

"Anak, umupo ka na at kumain." Sabi ni mama nang makita ako. 

"Hindi na po ako kakain, ma. Busog pa po ako." Sagot ko. Tuwing umaga naman talaga ay wala pa akong ganang kumain. Kaya tuwing alas diez ay tumutunog na agad ang tiyan ko. 

"Ganoon ba? O, sige, ito ang baon mong kanin." Sabi niya at binigay sa akin ang baon kong kanin. Agad kong inilagay iyon sa aking bag.

"Salamat, ma. Alis na po ako. " Paalam ko. Nakita ko pa ang kapatid kong si Justin na nag-aayos ng mga gamit niya sa bag.

"Bye, ate. Bilhan mo ako ng siopao mamaya pag-uwi mo!" Sigaw niya. Tumango lang ako. 

Habang naglalakad ako papunta sa terminal ng mga jeep ay may biglang huminto na isang itim na sasakyan at alam ko kung kanino ang chevrolet camaro na ito. Bumukas ang bintana sa back seat at bumungad ang mukha ni gov at may suot na sun glasses. 

"G-good morning po, gov." Pagbati ko sa kanya. 

"Good morning. Get in." Sabi niya na ikinagulat ko. Napatingin pa ako sa paligid ko at baka may makakita sa amin at kung ano ang isipin. 

"Huwag na po, gov. Iyon po ang terminal ng mga jeep doon na lang po ako sasakay. Sige po, ingat po kayo." Sabi ko at nagmadaling naglakad patungo sa terminal ng mga jeep. Mabuti na lang at isang pasahero na lang ang kulang at aalis na. Ngunit pag-upo ko ay halos kalahati na lang ng puwet ko ang nakaupo. Tapos buo pa ang binayad ko. Mas okay na 'to kaysa sumakay sa kotse ni Governor Harley na kasama siya. 

Pagdating ko sa university kung saan ako pumapasok ay hinarang pa ako ng security guard. 

"Nasaan ang ID mo?" Tanong niya. Agad kong kinuha ang ID ko sa bag at pinakita iyon sa kanya at sinuot. Sumenyas naman siya na pumasok na ako kaya agad na akong naglakad papasok sa loob ng campus. 

Lakad-takbo na ang ginawa ko dahil limang minuto na lang ay late na ako. Sana lang ay wala pa roon ang professor namin dahil lagot talaga ako. 

Pagdating ko sa classroom ay napangiti ako dahil wala pa roon  ang professor namin para sa unang subject. Agad na hinanap ng mga mata ko si Kc Marie at kumaway naman siya sa akin. Katabi niya sa upuan si Jace na kaibigan din namin. 

"Muntik ka na ma-late." Bulong ni Kc Marie sa akin. 

"Kaya nga. Akala ko narito na si Ma'am Roselyn." Sabi ko habang hinihingal dahil sa pagtakbo. 

"Ayusin mo nga muna ang sarili mo. Agang aga ang gulo ng buhok mo." Sabi ni Kc at tinulungan pa ako sa pag-ayos ng nagulo kong buhok. Napahinto lang kami nang pumasok na si Ma'am Roselyn dala-dala ang laptop niya at libro. 

Halos dalawang oras din ang  discussion sa amin ni Ma'am Roselyn. Kaya nang nagpaalam na siya ay agad ding lumabas ang mga kaklase namin upang bumili ng makakain.  

At habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag ay biglang tumunog ang selpon ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang nag message sa akin. 

From: 0906433892*

Hi. Sunduin kita mamayang uwian mo. This is Harley.

Agad akong kinabahan sa text message niya. Talagang ayaw niya akong tigilan. Paano kung makita kami mamaya ng mga estudyante rito? Tapos kung anong isipin sa amin. Magpapahuli na lang ako ng labas upang isipin niya na nauna na akong umuwi. Iwas na nga ako nang iwas tapos siya naman 'tong lapit nang lapit. 

"Hey, Jane. Okay ka lang?" Agad kong itinago ang selpon ko at tumingin kay Jace. 

"Oo naman, Jace." Sagot ko at ngumiti. 

"Sigurado ka ba? Tulala ka kanina pa." Tanong niya. 

"Kaya nga. May sakit ka ba?" Tanong din ni Kc.  

"Oo, okay lang ako." Sagot ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Jace.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Tara, kain tayo sa canteen." Sabi niya.

"Oo nga, tara na." Sagot din ni Kc. Tumango na lang din ako at tumayo na at kinuha ang bag ko. Sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa canteen upang kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status