LOGINTahimik ang umaga sa safe house.Sa labas ng lumang bahay ay maririnig lamang ang huni ng mga ibon at ang mahinang paggalaw ng mga dahon sa tuwing hahaplos ang hangin. Matapos ang magulong gabi, tila pansamantalang tumigil ang mundo upang bigyan sila ng pagkakataong makahinga.Ngunit hindi lahat ay nakatagpo ng kapayapaan.Nakaupo si Damien sa balkonahe habang hawak ang isang tasa ng kape. Nakatanaw siya sa malawak na damuhan sa harap ng bahay, ngunit hindi talaga iyon ang nakikita niya.Ang nasa isip niya ay si Carol.At si Dustin.Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga nangyari kagabi.Ang takot sa mukha ni Carol.Ang desperasyon sa boses nito nang isigaw ang pangalan niya.At ang mahigpit na pagkakayakap nito kay Dustin na para bang handa itong ibigay ang sariling buhay para lamang maprotektahan ang anak.Hindi iyon normal.May mas malalim na dahilan.May mas malaking lihim.At alam niyang may kaugnayan siya roon.Napabuntong-hininga siya."You're thinking too much."Napalingon
Sa kalaliman ng gabi, huminto ang kotse sa isang liblib na lugar. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina at lagaslas ng ulan ang maririnig. Nasa harap nila ang isang lumang bahay na yari sa kahoy at semento, bahagyang natatabingan ng mga punong kahoy. Wala itong halatang palatandaan na may nakatira, ngunit sa mismong katahimikan at simpleng anyo nito, makikita ang esensya ng pagiging isang safe house.Dahan-dahang bumaba si Damien mula sa kotse at agad na tinakpan ng payong ang gilid kung saan naroon si Carol at Dustin. “Halika na,” maikli at mariing utos niya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses, ngunit mabigat ang bawat salita.Si Carol, yakap pa rin ang anak na nakasubsob sa leeg niya, ay tumango lamang. Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa pintuan ng bahay, ramdam niya ang lamig ng ulan na bumabagsak sa kanilang balat, parang mga daliring patuloy na nagpapaalala ng takot na kanina lang ay halos lamunin sila.Pagbukas ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang kahoy at a
Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na si Carol sa opisina. Mabigat ang bawat hakbang niya, at sa bawat galaw ay ramdam ang pagod na hindi lang pisikal, kundi mas malalim pa,isang pagod na galing sa isip at sa puso. Namumugto ang kaniyang mga mata, halatang halos walang tulog kagabi. Paulit-ulit kasi na bumabalik sa kaniyang alaala ang sulat na natagpuan niya kagabi sa pinto ng kanilang unit,isang malamig, nakakatakot, at puno ng banta.Habang umuupo siya sa mesa, parang ang bigat ng mundo ay nakapatong sa kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang laptop, pinilit na kumalma, at nagsimulang mag-type ng email.FILLING FOR LEAVE> Good morning, Ma’am.Nais ko pong mag-file ng indefinite leave simula ngayong linggo dahil sa personal na kadahilanang nangangailangan ng aking buong atensyon. Sisikapin kong maayos ang lahat bago ako bumalik sa trabaho.Maraming salamat po sa pag-unawa.– CarolPagkatapos pindutin ang send, napalunok siya nang malalim. Para bang may isang m
Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p
Sa isang mataas na gusali sa Makati, sa loob ng isang moderno ngunit simpleng opisina, nakaupo si Damien sa harap ng kanyang desk. Ang monitor ay nakabukas, naglalaman ng spreadsheet na matagal na niyang tinitigan pero hindi man lang niya nai-scroll. Ilang ulit na siyang nag-type ng mga numero at binura rin.Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok si Jayron, matagal na kaibigan at business partner ni Damien, suot ang pamilyar nitong semi-formal na polo at may hawak na dalawang tasa ng kape.“Bro, mukhang kailangan mo ‘to,” aniya habang inilalapag ang isa sa mesa.Napatingin si Damien, bahagyang nagulat sa presensya ng kaibigan.“Thanks,” maikling tugon niya.Umupo si Jayron sa visitor’s chair at tiningnan siya nang maigi. “Okay ka lang ba? Kanina ka pa parang lutang. Hindi ka sumasagot sa chat, tapos puro spreadsheet na walang laman ‘yung screen mo.”Tahimik si Damien. Ilang sandali bago siya nagsalita.“Jay… do you believe in forgotten memories?”Napakunot ang noo ni
Pagdating ni Damien sa café, agad siyang luminga-linga, umaasang makikita roon si Carol. Suot niya ang dark blue blazer na bahagyang nabasa ng ulan, at dala-dala ang kaba’t pananabik na buong gabi niyang pinasan. Pero ang inabutan niya lamang ay isang bakanteng mesa, isang tasa ng kape na kalahati na lang ang laman, at isang katahimikang nagsasabing huli na siya.Napakagat siya sa labi. Umupo pa rin siya sa upuang tapat ng iniwang tasa ni Carol, saka dumukot ng cellphone at nagbakasakaling may mensahe. Wala. Walang kahit anong paliwanag. Tumitig siya sa tasa, at parang unti-unti niyang naramdaman ang bigat sa dibdib—hindi dahil sa hindi sila nagkita, kundi dahil ramdam niyang may piniling iwasan si Carol.Samantala, sa isang apartment sa Quezon City…Pabagsak na isinara ni Carol ang pinto ng kanyang unit. Umupo siya sa sofa at hinubad ang heels habang bumubuntong-hininga. Halos sabay ang pagbagsak ng luha at ng katawan niya sa sandalan, tila gusto niyang mabura ang eksenang naganap ka
Dumating ang gabi ng event sa Pilipinas—isang engrandeng fashion gala na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Habang nasa loob ng kanyang suite, abala si Carol sa paghahanda. Suot niya ang isang eleganteng gown na siya mismo ang nagdisenyo—isang simpleng puting damit na may makabagong twist a
Nag-angat si Carol ng kilay. Ang sakit na matagal na niyang itinago ay nagsimula muling magbalik."Damien, I’m busy," mahinang sagot ni Carol. Ngunit kahit ganun, ang mga salitang iyon ay may kabuntot na isang hindi malirip na sakit."I know, but this is important," wika ni Damien. "It’s about the
FIVE YEAR LATERSa isang eleganteng fashion studio sa Paris, France, nakatayo si Carol sa harap ng isang malaking salamin habang inaayos ang isang haute couture gown na gawa niya mismo. Suot niya ang isang sleek na itim na dress, na nagpapakita ng kanyang pagiging isang ganap na fashion designer.“
Nanatiling tahimik si Carol, ramdam ang bigat ng bawat salita ni Tita Margaret. Parang unti-unting bumagsak ang mundo niya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala—hindi niya alam kung alin ang totoo at alin ang kasinungalingan. Pero isang bagay ang sigurado niya— hindi niya kayang ipagsapalaran ang
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






