CHAPTER NINETEEN Habang abala siyang naglilinis sa Male Comfort Room ay biglang pumasok si Stan."Ako na magtutuloy niyan.""Bakit?" medyo kinabahan niyang tanong."E ano pa nga ba, di tama yung sinabi ko kanina. Sabi sa'yo ipapatawag ka e. O paano, e di tama akong una at huling araw mo ito sa trabaho? Di ka kasi nag-iingat e," wika ni Stan habang hinuhugasan niya ang kaniyang kamay.Tinignan niya ang sarili sa salamin. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot na may kasamang panghihinayang. Kailangan niya ang trabahong ito. Nagsisisi siya kung bakit nagmukha kasi siyang tanga sa harap ni Gerald kanina. Alam niyang hindi siya yung kanina. Kilala niya ang sarili niya eh. Palaban, makapal ang mukha, pwede niyang idaan sa biro ang kahit anong mga awkward moment. Iyon ang pagkatao niya. Masayahin at di basta-basta nai-intimidate ng kahit sino. Kay Gerald lang siya nagkaganoon. At alam na alam niya kung bakit. Iba kasi ang tama ni Gerald sa kaniya. Ngunit kung muli silang magkakaharap, sisigu
CHAPTER TWENTYPagbalik niya ay naabutan pa niya ang paninigaw ni Gerald sa isang lalaking empleyado."Ayusin mo naman ang trabaho mo! I keep on telling you to edit this, totally delete this part regarding payment of the contractors at itong site instruction, ni hindi mo man lang nagawang dagdagan! You are giving me hard time and you are submitting the same thing over and over! Ano ba ha? May laman ba yang utak na 'yan. Can you please contribute something uselful commensurate to the salary I'm giving you!" mataas ang boses ni Gerald."Aayusin ko po sir. Paseniya na." Nakayukong paghingi ng dispensa ng pobreng empleyado."Paulit-ulit mo na lang 'yang sinasabi. Ayusin mo pero walang nangyayari. Mr. Mendoza, I'm giving you last chance on this or else, maghanap ka na lang ng lilipatan mong trabaho. Hindi ikaw ang haharap sa board kundi ako. Kaya kita kinuha sa trabahong 'yan dahil akala ko kaya mo. E, kung hindi naman pala, ako na lang gagawa kasi nagsasayang lang tayo ng panahon sa kahihi
CHAPTER TWENTY-ONE"Di mo naalala yung song na 'to, Sir? As in wala ka man lang naalala?"Napalunok si Gerald. Alam niya ang tinutumbok ni Diane. Di sinasadyang iyon ang pinapatugtog noon sa FM nang binuksan niya ang kaniyang car stereo."Wala," maikli niyang sagot sabay kuha sa isang report sa harap niya."Wala?""Wala nga! Ang kulit." Muli niyang ibinagsak ang report sa kung saan niya ito pinulot."Okey Sir, basta sa akin, meron. Kung ayaw mong aminin e, di huwag. Favorite song ko na kaya 'to." Mahina niya iyong sinabi. Parang parinig lang.Kinagat ni Gerald ang labi. Pinigilan niyang huwag mapangiti sa mga pasaring ni Diane sa kaniya. "Next time, kung papasok ka sa office ko, i-silent mo yang cellphone mo ha? Ayaw kong makarinig ng kabaduyan.""Di na mauulit, Sir.""Baduy lang kasi talaga," muling pasaring nito."Cellphone ko naman 'to e." mahina ding sagot ni Diane.Yumuko si Gerald. Itinago niya ang di niya mapigilang pagngiti.Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang sabihin
CHAPTER TWENTY-TWONang matapos niyang linisin ang buong opisina ay saka siya pumasok ng CR. Ngayon ay kumakanta na siya habang naglilinis. Inspired na muli siya sa kaniyang ginagawa. Nakasilip muli kasi siya ng dahilan kung bakit kailangan muli niyang mangarap. Lalo na siyang nagkaroon ng dahilan para di niya kasawaang pakinggan ang Closer You and I. Dahil naka-download na iyon sa kaniyang cellphone ay minabuti niyang ilagay na muna ang kaniyang earphone at pakinggan nang paulit-ulit iyon habang nililinis niya ang bowl. Nang tumayo siya ay naramdaman niyang parang may ibang tao sa kaniyang likod. Bumangga kasi ang kaniyang puwitan sa..."Gerald!" gulat niyang nasambit. "Sorry..." Tinanggal niya ang kaniyang earphone. "Sir Gerald pala."Magkaharap lang sila.Hindi siya nakakilos lalo pa't nakatingin ito sa kaniya. Habang lumalapit sa kaniya si Gerald ay wala siyang balak umatras. Ni hindi siya tatabi. Gusto niya ang ginagawa ni Gerald na paglapat sa katawan nito sa kaniyang katawan. A
CHAPTER TWENTY-THREELumapit si Diane sa kaniyang titig na titig sa kaniyang mukha. Hindi siya kumilos. Ni hindi siya nagpakita ng pagtutol. Basta ba hindi siya ang uuna. Itinaas ni Diane ang isang kamay nito at lumapat iyon sa tagiliran niya. Hindi nakuntento si Diane at inilapat nito ang katawan niya sa kaniyang katawan. Kinagat ni Gerald ang kaniyang labi pagpapakitang interesado din siya sa binabalak ni Diane. Inilapit pang lalo ni Diane ang mukha nito sa kaniya at naamoy na niya ang mabango nitong hininga. Hindi na niya matatagalan pa kaya kumilos siya para siya na lang ang hahalik kay Diane. Kailangan masimulan na ang halikang iyon bago magbukas ang elevator. Hindi na niya mahihintay pa si Diane. Ang mahalaga ay si Diane ang unang nagpakita ng motibo. Lalaki siya, walang mawawala sa kanya. Game siya kung game rin si Diane.Nang inilapit niya ang labi niya kay Diane ay saka naman umatras ito. Mabilis na itinapat ni Diane ang palad niya sa labi ni Gerald."Pipindutin ko lang sana
CHAPTER TWENTY-FOURHuminto ang kotse sa tapat niya. Kitang-kita niya ang pagsilip nito na para bang pinapasakay siya."Manigas ka diyan. Hindi kita papansinin kahit boss pa kita. Gawin mo na naman akong stress reliever mo," bulong niya sa sarili.Hindi siya nagpahalata ng kahit anong excitement. Ayaw na niyang umasa. Hindi na niya hahayaan ang sariling muling mapahiya. Kung lumapit siya at buksan nito ang kotse para sasakay baka patakbuhin ni Gerald ang kotse niya at muli siya nitong pagtatawanan. Alam niyang may pagkasalbahe ito at di siya kakagat sa simpleng paghinto at pagsenyas lang sa kaniya para lumapit. Kaya lang di niya napigilan magbigay ng sign sa sarili. Kung bababa si Gerald mula sa kaniyang kotse at lalapitan siya, hindi na siya magpapakipot pa. Sasakay siya at sasama kay Gerald. Nang una ayaw niyang patulan ito pero nang bumaba na ito sa kaniyang kotse at nakangiting lumapit sa kaniya ay di na napigilan pa ang sariling ngumiti din. Natupad na naman ang sign. Wala na sil
CHAPTER TWENTY-FIVEBumili siya ng beer at tumambay muna siya sa harap ng kanilang barong-barong pagdating niya. Nakatali ang buhok niya kaya litaw pa rin ang kanyabg ganda kahit simple lang siya. Sanay siyang nakasando lang at short na maiksi kapag nakatambay sa harap ng kanilang bahay kaya madalas din siyang lingunin at pagpantasyahan ng mga dumadaan. Sa kinis ng kaniyang katawan at kagandahan. Hindi puwedeng hindi siya mapansin lalo na ang mga binata o kahit mga may-asawa na nilang mga kapitbahay.Marami pa ring dumadaan, maingay ang buong looban ngunit pakiramdam niya wala siya sa lugar na iyon. Wala siyang ingay na naririnig, ni hindi niya napapansin ang pagbati sa kaniya ng mga dumadaan dahil ang atensiyon niya ay na kay Gerald. Masakit sa dibdib na isiping sa mga sandaling iyon, iba ang kayakap nito, iba ang kahalikan at kahit alam niyang nangyayari iyon, wala siyang magawa. Wala siyang karapatan para pigilan o pagbawalan si Gerald sa ginagawa niyang iyon. Hindi naging sila. Ni
CHAPTER TWENTY-SIX Kung busy si Gerald sa harap ng computer o kaya sa hawak niyang phone, alam ni Diane na may kausap itong i-mi-meet lalo na kung nakangiti ito at maagang aalis sa office. Nagpapakapusong-bato siya ngunit sa katulad niyang hindi naman sanay makipaglaro, nanunoot sa kanya yung sakit. Idinadaan na lang niya sa lahat sa paghinga ng malalim at pag-isip na maayos din siya. Makakalimutan din niya ang pagmamahal niya kay Gerald. Isang gabing hinihintay niyang daanan siya ni Sackey sa tapat ng kanilang Building nang binusinahan siya nang noon ay paalis na ring si Gerald. Siniguro muna niyang walang ibang tao sa likod niya bago niya ito nginitian. Siya lang ang nakatayo roon at hindi din naman siya nakaharang sa dadaanan nito dahil nasa bangketa na siya. Gusto ni Gerald na bumawi sa pagkapahiya niya kay Diane ilang araw na ang nakakaraan. Kaya nang makita niya itong nag-aabang ng masasakyan ay inihinto niya ang kotse para pasakayin siya. Kahit hanggang sa bahay pa nila ay i