Compartilhar

Kabanata 4

last update Data de publicação: 2026-06-20 10:27:28

“Ano namang ginagawa mo rito, babae ka, ha?” Galit ang tono nito. Alam na niya—talo na naman ito.

“Nanay naman, hindi ba’t binilin ko si Cyrus sa inyo? Pero anong ginawa ninyo? Mas inuna ninyo pa ang pagsusugal kaysa alagaan ang apo ninyo. Umuwi na kayo at aalis ako!”

Biglang napatayo ito dahil yata sa mga sinabi niya. Totoo naman, eh. Hindi inuna ang apo at parang mas mahal pa ang sugal. Kaya hindi sila yumayaman, eh dahil puro sugal ito at ang pera pa niya ang gamit.

“Hoy babae ka!” Dinuro-duro siya ng sarili niyang nanay. “Huwag mo akong sumbatan ng ganiyan! Anak lang kita at pagod na ako sa kakaalaga sa anak mo!” anito.

“Pero, ‘Nay! Walang magbabantay kay Cyrus ngayon at aalis ako. Kung gusto niyo, bibigyan ko kayo ng pera pero sana naman ay alagaan niyo ang anak ko. Kadugo niyo rin siya!”

Hindi muna umimik ang nanay niya. Inilapag nito ang baraha sa lamesa sabay lagok ng alak. Parang alam na niya ang isasagot nito, at iyon ay oo.

“Paano ba iyan, Matilda at mauuna na ako. Aalagaan ko pa kasi iyong guwapo kong apo.” Nakita niya ang masayang mukha nito at sabay alis sa puwesto, pinuntahan siya nito. “Tara na,” aya nito.

Napatango na lang siya. Kahit kailan ay mukhang pera itong nanay niya. Bakit ba kasi ganito sila ngayon? Biglang rumihistro ang nakaraan na kaagad niyang binura.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na sila sa bahay.

“Maya, nasaan ang pera kong pinangako mo?” Akmang uupo na siya sa kahoy na upuan nang marinig niya ang tinig nito.

Wala sa sariling napailing siya at kinuha na lang ang bag. Kinuha niya roon ang isang kulay puting sobre na naglalaman ng lilibuhing pera. Iyon ang kita niya nitong mga nakaraan at kasama pa ang bayad ng lalaki. Malaki-laki rin iyon.

Kumuha siya ng sampung libo at inabot iyon sa nanay niyang nakatayo sa harapan niya. Nang maibigay niya ay malaking ngiti ang nasa mukha nito. Ayan, nakahawak lang ng pera.

“Saan ka ba pupunta, anak?”

Ang bait niya kapag may pera, pero kapag wala ay mas masahol pa ito kung magalit dahil bubungangaan siya. Ganito parati ang takbo ng buhay niya. Ganitong-ganito.

“May pupuntahan lang ako sa bayan.” Tumayo siya at isinakbit ang bag sa balikat, sabay lumapit sa anak at ginawaran ito ng halik sa pisngi.

“Mag-ingat ka at baka magahasa ka sa daan niyan dahil sa suot mo,” rinig niyang sabi nito na hindi na lamang niya pinansin.

“Anak, magbabaet ka at huwag mong gagalitin si lola.” Kahit alam niyang hindi naman magagawa iyon ng anak dahil bata pa ito. Ang pinaparinggan niya ay ang nanay niya.

Binalingan niya ito. “Mauna na ako.” Nagmadali na siyang lumabas at hindi na hinintay pang makasagot ito.

Mahirap para sa kaniya ito, pero kailangan niyang gawin para sa kapakanan niya at ng anak niya, kasama pa ang parang walang kuwenta niyang nanay. Araw-araw ay ganito ang buhay niya.

Sayaw sa gabi, uwi sa umaga—nakaka-stress. Pero ano pa ba ang magagawa niya? Isa lamang siyang mahirap na dukha.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • ONE NIGHT WITH HIM (SPG)   Kabanata 40

    Marami mang pagsubok ang dumaan sa buhay ni Maya, hindi iyon naging dahilan para mawalan siya ng pag-asa. Sa katunayan, sa bawat problemang nalalampasan niya ay lalo siyang tumitibay.Lumipas ang ilang taon.Marami na ang nagbago.Ngayon ay masaya na siya kasama ang asawa niyang si Blight. Tuluyan na rin silang tinanggap ng mommy nito, pati na rin ang anak niyang si Cyrus.Limang taong gulang na si Cyrus, samantalang tatlo na si Kyle.Hindi na siya humihiling ng iba pa.Sapat nang makita niyang masaya at buo ang kaniyang pamilya.Katatapos lamang ng kasal nila. Sa makalawa ay lilipad sila patungong Italy para sa kanilang honeymoon, bago tuluyang lumipat ng tirahan sa United States.Napangiti siya.Sa wakas...Masaya na rin ang naging wakas ng kanilang kuwento.Marami mang nawala sa kanilang buhay, pinili pa rin nilang magpatuloy.Namatay na rin si Kim matapos masunog ang kulungang pinaglalagyan dito. Marahil ay iyon na ang naging kapalaran nito."Mommy, tingnan mo po ang drawing ko."

  • ONE NIGHT WITH HIM (SPG)   Kabanata 39

    “Mom, huwag na tayong magsisihan. Wala sa atin ang may gustong mangyari ito, so stop blaming her!” singhal ni Blight sa kaniyang ina.Muling nangilid ang mga luha ni Maya.Malas ba talaga siya?Bakit ganoon na lang ang pakikitungo sa kaniya ng ina ni Blight? Wala ba siyang halaga? Wala ba talaga siyang puwang sa mundong ito?Hindi na niya napigilan ang sarili. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ay tuluyan na ring kumawala ang matagal na niyang kinikimkim.“Bakit parang ako na lang po ang sinisisi ninyo? Dahil lang ba nagsinungaling ako, ganito na ang trato ninyo sa akin? Tao rin po ako. Nasasaktan din ako at gusto ko ring igalang.”Huminga siya nang malalim.“Siguro nga kasalanan ko. Simula nang dumating ako sa buhay ninyo, parang sunod-sunod na ang mga trahedyang nangyari. Kung ganoon ang iniisip ninyo... sige lang po. Isisi ninyo na sa akin ang lahat. Tutal, para na rin naman ninyo akong kriminal kung husgahan. Baka mas mabuti pang lumayo na lang ako para wala nang problema.”Pagkasabi

  • ONE NIGHT WITH HIM (SPG)   Kabanata 38

    Papalabas na ng department store si Light nang biglang mapunit ang paper bag na dala niya dahilan upang magkalat ang mga pinamili niya sa sahig.Napabuntong-hininga siya."Wala naman..." bulong niya sa sarili bago isa-isang pulutin ang mga nahulog. Kahit punit na ang paper bag ay pinagkasya pa rin niya ang mga gamit para lang may mapaglagyan.Nang matapos ay naglakad na siya palabas ng mall patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya.Ngunit bigla siyang natigilan.May isang itim na van ang humarang sa daraanan niya.Unti-unting bumukas ang sliding door nito at bumungad ang isang lalaking may hawak na baril.Nanlaki ang mga mata niya.Nabitawan niyang muli ang paper bag."W-What are you doing?" kinakabahan niyang tanong."Pasensya na... trabaho lang."Kasunod niyon ay sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw.Ni wala siyang pagkakataong makatakbo.Isa-isang bumaon ang mga bala sa kaniyang katawan. Bumigay ang kaniyang mga tuhod hanggang sa tuluyan siyang bumag

  • ONE NIGHT WITH HIM (SPG)   Kabanata 37

    ONE WEEK LATER...Masayang nilalaro ni Maya ang anak niyang si Kyle sa kuna. Ngayon lang niya ito muling nakasama nang ganito dahil ilang araw siyang na-confine sa ospital. Pagkauwi naman niya ay kinailangan muna niyang magpahinga."How are you, darling?"Napalingon siya nang marinig ang boses ni Blight. Kakapasok pa lamang nito sa kuwarto."Ayos naman," nakangiti niyang sagot."That's good."Ibinaba nito ang coat at bag sa couch. Bumalik na kasi ito sa kumpanya kaya hindi na sila magkasama buong araw. Kailangan na nitong magtrabaho, hindi lamang para sa negosyo kundi para na rin sa kinabukasan ng kanilang pamilya."Kumain ka na ba? Ipagluluto kita kung gusto mo.""No, I'm fine. I have a gift for you."Lumapit ito habang may hawak na pulang kahon. Nagtaka siya kung ano ang laman niyon."Ano naman iyan?" usisa niya.Pagkalapit nito ay marahan siya nitong hinalikan sa labi."I want to give you this."Binuksan nito ang kahon at bumungad sa kaniya ang isang napakagandang kuwintas."P-Para

  • ONE NIGHT WITH HIM (SPG)   Kabanata 36

    “THE patient will be fine soon. She needs to rest for her fast recovery!”“Thanks, Doc,” tugon ni Blight.“You're always welcome, Mr. Elizalde. By the way, I need to go.”Napatango na lang siya kaya pumasok na siya sa kuwarto ni Maya.Maraming nakakabit na aparato sa katawan nito. Mabuti na lang at maayos na ang lagay nito, hindi katulad kanina na kritikal. Akala nga niya ay mamamatay ito.Umupo siya sa tabi ng higaan nito. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil.“Maya, please wake up. Our sons are waiting for you,” aniya.Nakuha na si Cyrus habang si Kim naman ay nakatakas. Alam niyang hindi pa iyon titigil at anumang oras ay baka bumalik ito. Kailangan na talaga nilang magkaroon ng mahigpit na seguridad laban sa babaeng iyon dahil gagawa at gagawa ito ng paraan para matupad ang gusto nito. Pinaghahanap pa ito ng mga pulis. Sa isip-isip nga niya ay baka bali-bali na ang mga buto nito dahil tumalon ito mula sa second floor, pero nakatakas pa rin. Sana mahuli na ang babaeng

  • ONE NIGHT WITH HIM (SPG)   Kabanata 35

    Kabanata 25“MOM!”Nang makapasok si Light sa bahay ng kaniyang ina, agad niya itong tinawag. Wala pang ilang minuto ang lumipas nang lumabas ito mula sa kusina habang karga ang pamangkin niya.“Why?” tanong nito.“Nothing. I just came here to visit you.” Lumapit siya rito at pinakatitigan ang pamangking si Kyle. “He's so cute. Mana sa akin,” matawa-tawa niyang sabi.“By the way, puwede bang makisuyo?”“Sure.”“Alagaan mo muna itong si Kyle. Maliligo lang ako.”“Sure,” sagot niya kaya agad na ibinigay ng ina si Kyle sa kaniya. Hindi siya maalam magbuhat ng bata dahil wala naman siyang muwang sa pag-aalaga nito. Basta na lang niya itong kinarga na kung titingnan ay parang pinapatulog.“Thanks, Light. I'll go.”Tumango lang siya at kaagad namang umalis ang matanda. Siya naman ay kinarga ang pamangkin habang naglalakad patungo sa sala ng bahay. Nang makarating ay umupo agad siya sa sofa.“Hi, Kyle!” bati niya kahit alam niyang hindi siya nito sasagutin. Papikit-pikit pa ito na para bang

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status