ログインMATAPOS ang gabing iyon, hindi pa rin maalis sa isipan ni Maya ang lalaking kaniyang nakasama. Wild ito at ito ang nasusunod sa kanilang dalawa. Ni hindi niya naitanong ang pangalan nito. Hindi na bale, baka magkita ulit sila sa bar.
Pauwi siya sa kanilang bahay ngayon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nagmadali niyang kinuha iyon at tiningnan. Ang momshie Caren niya ang tumatawag. “Momshie, napatawag?” “Maya, may naghahanap sa iyo na lalaki,” saad nito sa kabilang linya. “Sino raw po?” “Hindi sinabi ang pangalan.” Sino naman kaya ang weirdong lalaking ito? “Naku, momshie, hindi ako basta-basta nagtitiwala sa mga lalaki. Sabihin niyo na lang pong hindi ko siya kilala at wala akong oras pumunta dahil aalagaan ko pa po ang anak ko,” paliwanag niya. Ngunit imbes na damayan siya ng momshie niya ay humagalpak ito sa tawag. “Ano ka ba naman, Maya? Ito raw iyong lalaking kasama mo noong isang gabi. Hinahanap ka niya, gaga!” wika nito na ikinalaki ng mga mata niya. “T-talaga po?” Hindi siya makapaniwala. Ang akala niya kasi ay matapos ang lahat-lahat ng iyon ay hindi na ito magpapakita, pero mali pala siya. “Oo nga, magkita raw kayo ngayon na. As in!” “Saan naman daw po?” “Sandali lang at itatanong ko.” Napangiti siya. Paniguradong hahanapin-hanapin talaga siya nito dahil sa tindi niya—este sa kotse pala. Doon kasi ang una nilang p********k. “Hoy, Maya!” Narinig niya ang tinig nito. “Saan daw po?” eksayted na tanong niya. “Doon daw sa may restaurant malapit sa bar.” “S-sige po. Pasabi pong pupunta na ako.” “Sige-sige…” At pinutol na nito ang linya. Dali-dali naman siyang naglakad patungo sa kanilang bahay. Nang nasa may pinto ay kaagad niya itong binuksan. Bumungad agad sa kaniya ang anak niyang nasa sahig habang kalat-kalat ang mga kanin doon. Nagmadali siyang pumasok at mabilis na ibinuhat ang bata, saka inilapag ito sa kuna; parang nandidiri pa siyang inilapag ito. Malinis siya, tapos malalagyan lang ng malagkit na kanin at dumi? Hindi maaari. “Baby, nasaan si lola?” Hindi siya sinagot ng anak. Paano ba naman ito sasagot sa kaniya, eh isang taon lang naman ito. Napailing na lang siya at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay, ngunit wala siyang nakita. Nasaan na naman ba ang nanay niya? Muli siyang napailing at napagdesisyunan niyang lumabas upang tingnan ito sa mga kapitbahay at baka nagsusugal na naman ito. Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang isa sa mga kumare ng nanay niya. “Nasaan po si nanay?” tanong niya. “Naku, Maya, naroroon kina Matilda ang nanay mo. Nagsusugal habang nag-iinuman!” “Salamat po…” Kahit mabato ang daanan ay tumakbo pa rin siya patungo kina Aling Matilda. Bakit pa kasi ngayon wala siya, eh sobrang excited na siyang umalis! Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang nanay niyang nakaupo habang nagsusugal gamit ang mga baraha, kasama ang mga basong may lamang alak. Dali-dali siyang lumapit dito para butastikan. “Nanay, ano na naman ba ito?” gigil na tanong niya sa nanay niya. Napataas ang tingin ng nanay niya sa kaniya na parang sinusuri siya.Marami mang pagsubok ang dumaan sa buhay ni Maya, hindi iyon naging dahilan para mawalan siya ng pag-asa. Sa katunayan, sa bawat problemang nalalampasan niya ay lalo siyang tumitibay.Lumipas ang ilang taon.Marami na ang nagbago.Ngayon ay masaya na siya kasama ang asawa niyang si Blight. Tuluyan na rin silang tinanggap ng mommy nito, pati na rin ang anak niyang si Cyrus.Limang taong gulang na si Cyrus, samantalang tatlo na si Kyle.Hindi na siya humihiling ng iba pa.Sapat nang makita niyang masaya at buo ang kaniyang pamilya.Katatapos lamang ng kasal nila. Sa makalawa ay lilipad sila patungong Italy para sa kanilang honeymoon, bago tuluyang lumipat ng tirahan sa United States.Napangiti siya.Sa wakas...Masaya na rin ang naging wakas ng kanilang kuwento.Marami mang nawala sa kanilang buhay, pinili pa rin nilang magpatuloy.Namatay na rin si Kim matapos masunog ang kulungang pinaglalagyan dito. Marahil ay iyon na ang naging kapalaran nito."Mommy, tingnan mo po ang drawing ko."
“Mom, huwag na tayong magsisihan. Wala sa atin ang may gustong mangyari ito, so stop blaming her!” singhal ni Blight sa kaniyang ina.Muling nangilid ang mga luha ni Maya.Malas ba talaga siya?Bakit ganoon na lang ang pakikitungo sa kaniya ng ina ni Blight? Wala ba siyang halaga? Wala ba talaga siyang puwang sa mundong ito?Hindi na niya napigilan ang sarili. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ay tuluyan na ring kumawala ang matagal na niyang kinikimkim.“Bakit parang ako na lang po ang sinisisi ninyo? Dahil lang ba nagsinungaling ako, ganito na ang trato ninyo sa akin? Tao rin po ako. Nasasaktan din ako at gusto ko ring igalang.”Huminga siya nang malalim.“Siguro nga kasalanan ko. Simula nang dumating ako sa buhay ninyo, parang sunod-sunod na ang mga trahedyang nangyari. Kung ganoon ang iniisip ninyo... sige lang po. Isisi ninyo na sa akin ang lahat. Tutal, para na rin naman ninyo akong kriminal kung husgahan. Baka mas mabuti pang lumayo na lang ako para wala nang problema.”Pagkasabi
Papalabas na ng department store si Light nang biglang mapunit ang paper bag na dala niya dahilan upang magkalat ang mga pinamili niya sa sahig.Napabuntong-hininga siya."Wala naman..." bulong niya sa sarili bago isa-isang pulutin ang mga nahulog. Kahit punit na ang paper bag ay pinagkasya pa rin niya ang mga gamit para lang may mapaglagyan.Nang matapos ay naglakad na siya palabas ng mall patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya.Ngunit bigla siyang natigilan.May isang itim na van ang humarang sa daraanan niya.Unti-unting bumukas ang sliding door nito at bumungad ang isang lalaking may hawak na baril.Nanlaki ang mga mata niya.Nabitawan niyang muli ang paper bag."W-What are you doing?" kinakabahan niyang tanong."Pasensya na... trabaho lang."Kasunod niyon ay sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw.Ni wala siyang pagkakataong makatakbo.Isa-isang bumaon ang mga bala sa kaniyang katawan. Bumigay ang kaniyang mga tuhod hanggang sa tuluyan siyang bumag
ONE WEEK LATER...Masayang nilalaro ni Maya ang anak niyang si Kyle sa kuna. Ngayon lang niya ito muling nakasama nang ganito dahil ilang araw siyang na-confine sa ospital. Pagkauwi naman niya ay kinailangan muna niyang magpahinga."How are you, darling?"Napalingon siya nang marinig ang boses ni Blight. Kakapasok pa lamang nito sa kuwarto."Ayos naman," nakangiti niyang sagot."That's good."Ibinaba nito ang coat at bag sa couch. Bumalik na kasi ito sa kumpanya kaya hindi na sila magkasama buong araw. Kailangan na nitong magtrabaho, hindi lamang para sa negosyo kundi para na rin sa kinabukasan ng kanilang pamilya."Kumain ka na ba? Ipagluluto kita kung gusto mo.""No, I'm fine. I have a gift for you."Lumapit ito habang may hawak na pulang kahon. Nagtaka siya kung ano ang laman niyon."Ano naman iyan?" usisa niya.Pagkalapit nito ay marahan siya nitong hinalikan sa labi."I want to give you this."Binuksan nito ang kahon at bumungad sa kaniya ang isang napakagandang kuwintas."P-Para
“THE patient will be fine soon. She needs to rest for her fast recovery!”“Thanks, Doc,” tugon ni Blight.“You're always welcome, Mr. Elizalde. By the way, I need to go.”Napatango na lang siya kaya pumasok na siya sa kuwarto ni Maya.Maraming nakakabit na aparato sa katawan nito. Mabuti na lang at maayos na ang lagay nito, hindi katulad kanina na kritikal. Akala nga niya ay mamamatay ito.Umupo siya sa tabi ng higaan nito. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil.“Maya, please wake up. Our sons are waiting for you,” aniya.Nakuha na si Cyrus habang si Kim naman ay nakatakas. Alam niyang hindi pa iyon titigil at anumang oras ay baka bumalik ito. Kailangan na talaga nilang magkaroon ng mahigpit na seguridad laban sa babaeng iyon dahil gagawa at gagawa ito ng paraan para matupad ang gusto nito. Pinaghahanap pa ito ng mga pulis. Sa isip-isip nga niya ay baka bali-bali na ang mga buto nito dahil tumalon ito mula sa second floor, pero nakatakas pa rin. Sana mahuli na ang babaeng
Kabanata 25“MOM!”Nang makapasok si Light sa bahay ng kaniyang ina, agad niya itong tinawag. Wala pang ilang minuto ang lumipas nang lumabas ito mula sa kusina habang karga ang pamangkin niya.“Why?” tanong nito.“Nothing. I just came here to visit you.” Lumapit siya rito at pinakatitigan ang pamangking si Kyle. “He's so cute. Mana sa akin,” matawa-tawa niyang sabi.“By the way, puwede bang makisuyo?”“Sure.”“Alagaan mo muna itong si Kyle. Maliligo lang ako.”“Sure,” sagot niya kaya agad na ibinigay ng ina si Kyle sa kaniya. Hindi siya maalam magbuhat ng bata dahil wala naman siyang muwang sa pag-aalaga nito. Basta na lang niya itong kinarga na kung titingnan ay parang pinapatulog.“Thanks, Light. I'll go.”Tumango lang siya at kaagad namang umalis ang matanda. Siya naman ay kinarga ang pamangkin habang naglalakad patungo sa sala ng bahay. Nang makarating ay umupo agad siya sa sofa.“Hi, Kyle!” bati niya kahit alam niyang hindi siya nito sasagutin. Papikit-pikit pa ito na para bang







