Home / Romance / ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER / ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

Share

ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER
ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER
Author: Jenielle Write's

ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

last update Last Updated: 2025-06-20 20:14:40

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako sa isang restaurant bilang isang waitress.

Ako si Ana Reyes, 22 years old. Hanggang 1st year college lang ang natapos ko dahil na rin sa hirap ng buhay kaya tumigil muna ako sa aking pag-aaral para makatulong sa lola kong may sakit. Kailangan kasi nitong maoperahan at kailangan ding matustusan ang pang araw-araw niyang maintenance.

Kasama ko sa pinapasukang trabaho ang kaibigan kong si Mica na kaedad ko lang din. Minsan tumutulong ito sa akin sa mga gastusin sa ospital ni lola dahil na rin sa awa niya sa akin. Nasa private hospital kasi si lola dahil kailangan niyang maobserbahan ng maayos na hindi magawa ng dating public hospital na pinagdalhan ko sa kaniya kaya ngayon ay mas todo pa ang pagt-trabaho ko para may pang bayad kami.

"Kamusta naman ang lola mo, Ana?" tanong ni Mica sa akin habang naghihintay kami ng mga customer.

"Okay na naman siya, nakakaraos pa naman kahit papaano," nakangiting sambit ko.

"Ehh, pano naman kasi imbes na tulungan ka ng tita mo na magtrabaho o magbantay man lang sa ospital ay hindi... Sa halip sila pa binibigyan mo ng pera pang gastos sa bahay niyo at sa mga pangangailangan ng mga ito. Isa pa 'yang pinsan mong si Monica, imbes na magtrabaho ay puro paganda lang ang alam at sayo pa kumukuha ng mga pambili ng mga keneme niya sa katawan. Hays! Kung ako ikaw matagal ko na 'yan na suntok!" Mahabang gigil na sermon nito sa'kin. 

"Hayaan mo na, ano ka ba? Okay lang 'yon!" nakangiti pa ring sabi ko.

Sumimangot siya.

"Alam mo! Ang bait mo, gurl! Kaya ka lalong gumaganda! Pero wag pababayaan ang sarili mo, huh? Baka magkasakit ka niyan." nag-aalalang sabi niya.

Ngumiti ako.

"Oo, salamat," sabi ko, at sakto naman na may pumasok na customer kaya umalis na ako para magtrabaho na.

Pagkatapos nang trabaho ay pinuntahan ko si Lola. Nandito ako ngayon sa ospital at nagbabalat ng prutas para ipakain kay lola. Nakatayo lamang ako sa harap ng side table ng kama niya.

"Apo, baka pinapabayaan mo na niyan ang sarili mo dahil sa ginagawa mong pag-aalaga at pagtatrabaho para sa'kin, sa pambiling gamot ko at pang-paopera ko," nag-aalalang sambit sa'kin ni lola. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at medyo nahihirapan pa siyang tumayo pero mas maayos na ang kalagayan niya ngayon kesa noong isang araw.

"Lola naman, 'di ko po pinapabayaan ang sarili ko. Healthy kaya ang apo niyo, Lola?" sabi ko nang nakangiti. 

"Ikaw talagang bata ka," natatawang sambit naman ni lola sa'kin pero bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha.

"Kain na po kayo, Lola," at sabay abot ko ng orange at apple na binalatan ko. 

Kinuha niya ito. At seryoso akong tinititigan.

"Apo, kung nahihirapan ka na sa pagtatrabaho, pwede naman hindi na ako magpaopera, kaya naman ng gamot ang sakit ko," sambit sakin ni lola. 

Malalim akong bumuntong hininga. Umupo ako sa maliit na kama katabi ng kama niya. "Lola, kahit magtrabaho ako sa araw at gabi para makaipon ng pera na pangpaopera sayo at pambili ng gamot mo, gagawin ko po kasi mahal na mahal ko po kayo. At isa pa po, utang ko sa inyo ang buhay ko kung hindi niyo ako pinalaki at inalagaan na parang tunay na apo niyo kaya dapat lang po akong bumawi sa inyo," nakangiting sambit ko at hinawakan ang mga kamay niya para hindi na siya mag-alala.

Nagkwentohan lang kami ni lola at pagkatapos ay nag paalam na akong uuwi na dahil may trabaho pa ako bukas, gabi na rin kasi. Dahil nga private hospital ito, may visiting hours. Bago ako umuwi sa bahay ay kinausap ko muna ang doctor ni lola.

"Doc, kumusta po ang kalagayan ng lola ko?" Mahinahong tanong ko sa doctor. Nandito ako ngayon sa opisina nito. 

"Sa ngayon, okay pa naman siya, iha. Pero kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon dahil baka kapag pinatagal pa natin ito ay mas magkaroon pa ng komplikasyon," sambit ng doctor.

Nanghina ako sa sinasabi nito.

"G-ganon po ba? Sige po. K-kaylan po ba pwedeng i-schedule ang operation ng lola ko?" mahinang tanong ko.

"Anytime ay pwede na, hija. Kung sapat na ang pera niyo sa operation, we can perform it immediately," sambit ng doctor ni lola.

Humigpit ang hawak ko sa aking kamay. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sandali akong hindi nakapagsalita.

"M-magkano po ba ang kailangan para sa operasyon ng lola ko?" nauutal na tanong ko. Ito ang tanong na sa umpisa palang ay natatakot akong harapin.

"Mas mabuti sigurong maghanda ka na ng 70k thousand, iha," sambit ng doctor na ikinatulala ko. 

Matamlay akong lumabas sa ospital. 70k thousand, saan ko naman 'yon kukunin? Eh, 10k lang nga ang ipon ko roon… Naluluha akong naglakad nang bigla akong may nakitang nakapaskil sa gilid ng isang bar. Naghahanap sila ng waitress. 

Walang pag-aalinlangan na pinuntahan ko ito at pumasok na dito. Nakausap ko ang manager at mabilis akong natanggap sa trabaho, bukas na kaagad ang simula ng trabaho ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nag-asikaso dahil may pasok pa ako. Nagdala na rin ako ng uniform ko na susuutin sa bar mamayang gabi. Na sabi ko na kay Mica ang trabaho ko at pinakiusapan ko siyang magbantay kay lola ng ilang sandali hangga't hindi pa ako nakakauwi dahil walang ibang magbabantay at alaga kay lola bukod sa akin. Nag-alala na siya para sa'kin pero sa huli ay pumayag din siya.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay naabutan ko na lasing na naman si tita. Kay aga-aga lasing, jusko Lord!

Nakahilatay siya sa sofa at ng makita niya ako ay tumaas ang kilay niya.

"Hoy babae, pahingi nga ng pera!" Bulyaw nito sa akin. Inabot niya sa akin ang kamay niya.

Kagat labing umiling ako.

"Tita, nag-iipon po ako para sa operasyon ni lola. Wala po akong pera ngayon, tita," mahinahong sambit ko dito.

Sa narinig niya ay agad nanlisik ang mga mata niya. Tumayo siya at agad na nakalapit sa akin, napaatras ako pero mabilis ang naging pagkilos niya.

"Ahh, ganon! Pinagdadamutan mo na ako ng pera ngayon, ha?!" sigaw niya sabay hablot sa buhok ko. Napadaing ako sa ginawa niya, pakiramdam ko ay makaalis na ang buhok ko sa anit ko.

"Aray, tita, nasasaktan po ako! Magt-trabaho pa po ako ngayon! Para may mabigay ako sa inyo!" Imbis na bitawan ako ay lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko. Wala akong magawa kung hindi ang sumigaw sa sakit.

Wala akong nagawa kundi bigyan ito ng pera para makaalis na ako. 

-

Nandito na ako sa restaurant na pinapasukan ko. Madami ngayong customer kaya medyo busy talaga. 

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa 5:00pm na at kailangan ko nang mag-ready para pumasok sa bar na inapplyan ko. 

"Mica.. ikaw na muna ang bahala sa lola ko, ha? Pasensya na talaga... At p'wede ba kapag nagtanong siya kung na saan ako, sabihin mo na lang na may pinuntahan lang ako.. Pakiusap 'wag mo nang sabihing pumasok ako sa bar..." mahabang sinabi ko kay Mica, ngumiti siya at saka tumungo.

"Basta mag-iingat ka, ha!" paalala niya sa akin na ikinangiti ko.

"Yes, thank you!" saad ko bago tuluyang umalis para maghanap ng masasakyan.

Nang makarating ako ay pumasok na ako sa loob ng bar na suot ang isang white longsleeve at itim na skirt.

Bumungad sa akin ang napakaraming tao at maingay na tugtog. Sari-saring alak rin ang na aamoy ko.

"Ana!" Tawag sa'kin ng manager ng bar na nakausap ko noong nag-apply ako noong nakaraang araw. Nakangiti itong kumakaway. Agad na naglakad ako patungo sa kaniya, kahit na maraming tao ay nakipagsiksikan ako.

"Good evening po, ma'am..." magalang na pagbati ko. Mabilis niya akong hinawakan at pinapasok sa loob ng counter.

"Kanina pa kita hinihintay! Heto! Ikaw ang magserve sa VIP table!" utos niya at kinuha ang tray ng mga alak at iniabot sa akin. Agad ko naman itong kinuha.

Ngumiti ako, "Sige po, ma'am," sabi ko.

Nandito ako ngayon sa VIP table, nasa ikalawang palapag ito at kumpara sa baba na magulo at napaka ingay, dito naman ay hindi masyadong malakas ang tugtugan. May kaniya-kaniyang buhay ang lahat sa bawat mesa at naglalaro ng mga baraha. Mula rito sa taas ay kitang-kita ang mga nagsasayawan sa baba.

Isang grupo ng mga lalaki kasama ang mga babaeng sa tingin ko ay empleyado rin dito sa bar, sa suot nila ay halos maghubad na sila dahil tanging mga singit na lamang nila ang natatakpan. Napangiwi ako, dala ang tray ng mga alak na in-order, lumapit ako sa kanila. 

Agad na napunta sa akin ang atensyon nila. Nangisi ang mga lalaki habang ang mga ay nasiikutan ang mga mata, iritado akong pinagmamasdan.

"Miss, bago ka ba dito?" nakangising tanong sa'kin ng isang lalaking may edad. 

"Opo," naka ngiting sagot ko. 

Tumayo ito at lumapit sa'kin.

"Alam mo, ang ganda mo," sabi niya sa akin na nakangiti nang nakakaloko at sabay hawi ng buhok ko dahil nakaponytail lang ako at may mga piraso ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Naiilang na umiwas ako sa hawak niya. 

"Here's your order, sir," sabi ko at inilapag ang tray ng mga alak para maka-alis na ngunit pinigilan ako niyo. Hinawakan niya ang braso ko.

"Umiinom ka ba, miss?" nakangising tanong niya sa'kin. Mabilis akong umiling at nagpumiglas sa hawak niya pero malakas siya at ayaw niya ako bitawan.

"Try it, masarap 'to!" sambit niya at inabot sakin ang basong may lamang tequila, hawak pa rin ako.

"Hindi po talaga ako umiinom, sir." seryosong pagtanggi ko. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha nito. Ang akala ko ay makakaalis na ako, pero hinablot nito ang buhok ko at pilit na pinahawak sa'kin ang glass ng tequila.

"Sir, ayoko nga po! Bitawan niyo po ako!" sigaw ko at itinulak siya pero hindi siya nagpatinag, itinaas niya ang baso ng alak at pilit na ipinainom sa akin, isinarado ko ang bibig ko pero dahil masyado siyang malaki at malakas kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala. Pinanood lamang kami ng lahat at walang may planong tumulong sa akin. Hindi ko na napigilan at kusang bumukas ang bibig ko kaya nalagok ko ang alak. Mabilis na gumuhit ang mapait at mainit na likido sa lalamunan ko, halos malunod ako sa alak kaya buong lakas akong nagpumiglas kaya nabitawan niya ako kasabay no'n ang pagkahulog ng hawak niyang baso.

Galit na hinila niya ulit ako at ngayon ay mas mahigpit na ang hawak niya kaya napadaing ako.

"Alam mo bang wala pang tumatangging babae sa akin? Ikaw pa lang!" Sigaw niya at itinaas ang isa niyang kamay. Akmang sasampalin niya na ako nang may lalaking humawak sa kamay niya at sabay no'n ay ang paghila sa'kin ng lalaki papunta sa likod niya.

Nangbitawan ng lalaki ang kamay ng matandang lalaking bastos ay nanlaki ang mga mata niyo at agad itong lumuhod at humingi ng tawad sa lalaking may hawak sa akin. He seems scared with this guy.

"Drag this asshole out of here." malamig na sinabi ng lalaking may hawak sa akin pagkatapos ay lumapit ang mga nakaitim na lalaki at hinila ang lalaki palabas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Chapter 5"Akala mo hindi ko malalaman! Ang damot mo namang bata ka! Napakalaking halaga no'n, saan mo 'yon nakuha?" bulyaw niya. Hawak niya pa sa kanang kamay ang bote ng alak habang dinuduro ako."N-nasaan po ang pera tita?" nauutal na tanong ko.Sumimangot siya."Ayon, natalo ako sa sugal, pinangbayad ko muna!" asik niya.Tila gumuho ang mundo ko.No, it can't be..."Tita, hindi po sa akin ang pera! Ibalik niyo po 'yon!" pagmamakaawa ko, ngayon ay hindi ko na napigilan ang luha ko."Critical po ang lagay ni Lola, kailangan niya nang maoperahan ngayon! Iyong pera na 'yon ang kailangan niya para mabuhay siya! Kaya pakiusap po tita! Ibalik niya na po ang pera!" kulang nalang ay lumuhod ako para maawa siya sa akin ngunit umiling lamang siya, halatang-halata na lasing na lasing na siya at kinakain na ang utak niya ng alak."Eh sa natalo ko nga sa sugal at pinangbayad ko na ro'n sa pinagkakautangan ko, eh? Pag 'di daw ako nagbayad papatayin daw ako no'n! Gago talaga, haynako! Ang malas!"

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Chapter 4Natigilan ako sa sinabi ni Mica. Paano nga kung magbunga ang nangyari sa amin?No, impossible. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Walang namamagitan sa amin at hindi namin mahal ang isa't isa. Hindi p'wedeng makabuo kami dahil lamang sa isang gabing pagkakamali."Hindi pwedeng may mabuo sa amin, Mica." Mariing sabi ko. Ngumuso naman siya at napatango-tango."Hayst, paano 'yan besh? Pero ano, pogi ba?" nanunuyang tanong niya. Kumunot ang noo ko at bahagyang nagulat sa tanong niya. Bakit kailangan niya pang itanong 'yon?!Sumimangot ako at inirapan siya. "Ayaw ko nang pag-usapan 'to, besh. Marami akong problema na mas dapat ko pang alalahanin kesa d'yan." nakangusong sabi ko. Yes... He's handsome...Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mica ay nagpunta ako sa drugstore para bumuli ng contraceptive pills. Kailangan kong masiguro na walang mabubuo.3 weeks had passed simula nang may mangyari sa amin ng lalaking 'yon sa bar. Nandito ako ngayon nagt-trabaho sa restaurant na pinapasukan

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Chapter 3Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa bukas na bintana ng silid. Agad akong napabalikwas at mabilis na bumangon nang maalala ang nangyari kagabi at nanlamig ako nang makita ang sarili kong wala nang saplot. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang paglabas ng isang pamilyar na lalaki mula sa banyo, tanging ang nakatapis na towel lamang sa kaniyang baywang ang suot niya at sa pang itaas ay wala na. Napatili ako sa gulat, mabilis kong hinila ang kumot sa kama at tinakpan ang sarili ko. Habang siya naman ay walang emosyon.Medyo basa pa rin ang kaniyang buhok at mula rito ay tumutulo ang ilang drops ng tubig na lumalandas sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang mabatong tiyan, halatang katatapos lamang niyang maligo. Agad akong nag-iwas nang tingin nang nagkasalubong ang aming mga mata.Siya iyong lalaking tumulong sa akin kagabi!"You're awake," malamig na sabi niya at naglakad papunta sa akin. Napalunok ako at muling binalik ang tingin sa k

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Nakaupo ako sa harapan ng lalaking tumulong sa akin kanina. Dahil sa nangyari kanina ay umakyat rito si Manager pero hindi niya ako pinababa at sinabing samahan at i entertain ko muna itong lalaki. Pumayag ako dahil sa tingin ko ay mabait naman siya at.... Hindi ko maiwasang mapatulala habang pinagmamasdan siya.Napaka gwapo nito, parang isa itong artista at modelong nakikita ko sa magazine at TV. Matipono at para siyang ideal man ng lahat ng maga babae."Done staring at me?" malamig na tanong niya. Nanlaki ang mata ko at napabalik ako sa wisyo, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Oh my gosh!"May kailangan pa po ba kayo, sir?" nahihiyang tanong ko, pakiramdam ko ay pulang-pula na ngayon ang mukha ko. Buti nalang at madilim ang lightning ng ilaw dito sa bar.Hindi siya sumagot at pinagpatuloy ang paglagok ng black label sa kaniyang glass.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Gosh, ba't 'di siya nagsasalita?"Tawagin niyo nalang po ako sir, kapag may kailangan po kayo. And thank you po s

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako sa isang restaurant bilang isang waitress.Ako si Ana Reyes, 22 years old. Hanggang 1st year college lang ang natapos ko dahil na rin sa hirap ng buhay kaya tumigil muna ako sa aking pag-aaral para makatulong sa lola kong may sakit. Kailangan kasi nitong maoperahan at kailangan ding matustusan ang pang araw-araw niyang maintenance.Kasama ko sa pinapasukang trabaho ang kaibigan kong si Mica na kaedad ko lang din. Minsan tumutulong ito sa akin sa mga gastusin sa ospital ni lola dahil na rin sa awa niya sa akin. Nasa private hospital kasi si lola dahil kailangan niyang maobserbahan ng maayos na hindi magawa ng dating public hospital na pinagdalhan ko sa kaniya kaya ngayon ay mas todo pa ang pagt-trabaho ko para may pang bayad kami."Kamusta naman ang lola mo, Ana?" tanong ni Mica sa akin habang naghihintay kami ng mga customer."Okay na naman siya, nakakaraos pa naman kahit papaano," nakangiting sambit ko."Ehh, pano naman kasi imbes na tulung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status