Home / Romance / ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER / ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

Share

ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

last update Last Updated: 2025-06-20 20:15:48

Chapter 3

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa bukas na bintana ng silid. Agad akong napabalikwas at mabilis na bumangon nang maalala ang nangyari kagabi at nanlamig ako nang makita ang sarili kong wala nang saplot. 

Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang paglabas ng isang pamilyar na lalaki mula sa banyo, tanging ang nakatapis na towel lamang sa kaniyang baywang ang suot niya at sa pang itaas ay wala na. Napatili ako sa gulat, mabilis kong hinila ang kumot sa kama at tinakpan ang sarili ko. Habang siya naman ay walang emosyon.

Medyo basa pa rin ang kaniyang buhok at mula rito ay tumutulo ang ilang drops ng tubig na lumalandas sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang mabatong tiyan, halatang katatapos lamang niyang maligo. Agad akong nag-iwas nang tingin nang nagkasalubong ang aming mga mata.

Siya iyong lalaking tumulong sa akin kagabi!

"You're awake," malamig na sabi niya at naglakad papunta sa akin. Napalunok ako at muling binalik ang tingin sa kaniya nang magsalita siya. Nilagpasan niya ako at nagtungo sa side table ng kama, binuksan niya ang unang drawer at kinuha ang isang maliit na papel ro'n.

"Here," seryosong sabi niya at hinarap ako, inabot niya sa akin ang piraso ng papel. Bumaba ang tingin ko rito.

"A-ano 'yan?" nauutal na tanong ko. Alam kong cheque ito. But why he's giving it to me?

"Money." Mariin niyang sabi gamit ang malamig niyang boses, ngayon ay nagbibihis na siya.

Tila binuhasan ako ng malamig na tubig. Sari-saring tanong at konklusyon ang pumasok sa isip ko. 

Iniisip niya bang bayarang babae ako? 

Gosh! Of course, Ana! Sino bang matinong babae ang basta nalang manghihila at papatong sa lalaki?

"N-nagkakamali ka... I'm sorry... H-hindi ako gaya ng iniisip mo—" bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay pinutol niya na ako.

"Huwag ka nang magpaliwag, take this money and keep to yourself what happened to us." Seryosong sabi niya, tapos na siyang magbihis. Napalunok ako at marahang umiling, hindi ko kayang tanggappin ang perang inaabot niya.

Hindi ako bayaran!

"H-hindi ko po matatanggaap ang perang 'yan." mariing sabi ko.

He sarcastically smirked, "Tsk!" 

Malamig niya akong tinititigan. Naiiling na binitiwan niya ang cheque at bumagsak ito sa sahig kaharap ko bago niya ako tinalikuran palabas ng silid.

Ilang sandali akong natigilan bago pumasok lahat sa isipan ko. Unti-unti akong nanghina hanggang sa bumigay na ang mga tuhod ko at napaupo ako sa sahig. My tears started to fell.

Ano ba 'tong nagawa ko? Ang tanga-tanga ko!

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko ay tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Pinunasan ko ang mukha ko at mabilis na tumayo para hanapin ito, nakapatong sa side table.

It was Mica.

"H-Hello, Mica? P-pasensya na hindi pa ako nakakauwi. K-kumusta si Lola?" kahit nanginginig ang boses ko ay sinubukan kong magsalita ng maayos.

"Nasaan ka ba? Kailangan kang makausap ng doctor. At bakit gan'yan ang boses mo? Umiiyak ka ba?" nag-aalala niyang tanong. Kumabog ang dibdib ko nang banggitin niya ang doctor.

"N-No, okay lang ako. B-bakit anong sabi ng Doctor? Si Lola, nasaan siya? Okay lang ba siya?" sunod-sunod na tanong ko. 

"Okay lang siya, Ana. Pero sabi ng doctor kailangan niya nang maoperahan kaagad. Teka, nasaan ka ba?"

"Hintayin mo ako d'yan sa hospital, papunta na ako." sabi ko.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko kinuha ang cheque at mabilis na nagbihis.

 Ibabalik ko ito sa kaniya. 

Bago ako pumunta sa hospital ay umuwi muna ako sa bahay. Wala roon si tita at ang pinsan ko. Naligo at nagbihis ako. Itinago ko rin ang cheque sa alkansya ko kung nasaan nakatago ang lahat ng inipon ko para sa operasyon ni Lola.

"Ano?! Paano kung mabuntis ka?!" bulalas ni Mica ng ikwento ko ang lahat nang nangyari sa akin kagabi. Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil nasa park kami ngayon malapit sa hospital kung saan nakaconfine si Lola.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Chapter 5"Akala mo hindi ko malalaman! Ang damot mo namang bata ka! Napakalaking halaga no'n, saan mo 'yon nakuha?" bulyaw niya. Hawak niya pa sa kanang kamay ang bote ng alak habang dinuduro ako."N-nasaan po ang pera tita?" nauutal na tanong ko.Sumimangot siya."Ayon, natalo ako sa sugal, pinangbayad ko muna!" asik niya.Tila gumuho ang mundo ko.No, it can't be..."Tita, hindi po sa akin ang pera! Ibalik niyo po 'yon!" pagmamakaawa ko, ngayon ay hindi ko na napigilan ang luha ko."Critical po ang lagay ni Lola, kailangan niya nang maoperahan ngayon! Iyong pera na 'yon ang kailangan niya para mabuhay siya! Kaya pakiusap po tita! Ibalik niya na po ang pera!" kulang nalang ay lumuhod ako para maawa siya sa akin ngunit umiling lamang siya, halatang-halata na lasing na lasing na siya at kinakain na ang utak niya ng alak."Eh sa natalo ko nga sa sugal at pinangbayad ko na ro'n sa pinagkakautangan ko, eh? Pag 'di daw ako nagbayad papatayin daw ako no'n! Gago talaga, haynako! Ang malas!"

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Chapter 4Natigilan ako sa sinabi ni Mica. Paano nga kung magbunga ang nangyari sa amin?No, impossible. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Walang namamagitan sa amin at hindi namin mahal ang isa't isa. Hindi p'wedeng makabuo kami dahil lamang sa isang gabing pagkakamali."Hindi pwedeng may mabuo sa amin, Mica." Mariing sabi ko. Ngumuso naman siya at napatango-tango."Hayst, paano 'yan besh? Pero ano, pogi ba?" nanunuyang tanong niya. Kumunot ang noo ko at bahagyang nagulat sa tanong niya. Bakit kailangan niya pang itanong 'yon?!Sumimangot ako at inirapan siya. "Ayaw ko nang pag-usapan 'to, besh. Marami akong problema na mas dapat ko pang alalahanin kesa d'yan." nakangusong sabi ko. Yes... He's handsome...Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mica ay nagpunta ako sa drugstore para bumuli ng contraceptive pills. Kailangan kong masiguro na walang mabubuo.3 weeks had passed simula nang may mangyari sa amin ng lalaking 'yon sa bar. Nandito ako ngayon nagt-trabaho sa restaurant na pinapasukan

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Chapter 3Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa bukas na bintana ng silid. Agad akong napabalikwas at mabilis na bumangon nang maalala ang nangyari kagabi at nanlamig ako nang makita ang sarili kong wala nang saplot. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang paglabas ng isang pamilyar na lalaki mula sa banyo, tanging ang nakatapis na towel lamang sa kaniyang baywang ang suot niya at sa pang itaas ay wala na. Napatili ako sa gulat, mabilis kong hinila ang kumot sa kama at tinakpan ang sarili ko. Habang siya naman ay walang emosyon.Medyo basa pa rin ang kaniyang buhok at mula rito ay tumutulo ang ilang drops ng tubig na lumalandas sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang mabatong tiyan, halatang katatapos lamang niyang maligo. Agad akong nag-iwas nang tingin nang nagkasalubong ang aming mga mata.Siya iyong lalaking tumulong sa akin kagabi!"You're awake," malamig na sabi niya at naglakad papunta sa akin. Napalunok ako at muling binalik ang tingin sa k

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Nakaupo ako sa harapan ng lalaking tumulong sa akin kanina. Dahil sa nangyari kanina ay umakyat rito si Manager pero hindi niya ako pinababa at sinabing samahan at i entertain ko muna itong lalaki. Pumayag ako dahil sa tingin ko ay mabait naman siya at.... Hindi ko maiwasang mapatulala habang pinagmamasdan siya.Napaka gwapo nito, parang isa itong artista at modelong nakikita ko sa magazine at TV. Matipono at para siyang ideal man ng lahat ng maga babae."Done staring at me?" malamig na tanong niya. Nanlaki ang mata ko at napabalik ako sa wisyo, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Oh my gosh!"May kailangan pa po ba kayo, sir?" nahihiyang tanong ko, pakiramdam ko ay pulang-pula na ngayon ang mukha ko. Buti nalang at madilim ang lightning ng ilaw dito sa bar.Hindi siya sumagot at pinagpatuloy ang paglagok ng black label sa kaniyang glass.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Gosh, ba't 'di siya nagsasalita?"Tawagin niyo nalang po ako sir, kapag may kailangan po kayo. And thank you po s

  • ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER    ONE NIGHT WITH MISTER STRANGER

    Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako sa isang restaurant bilang isang waitress.Ako si Ana Reyes, 22 years old. Hanggang 1st year college lang ang natapos ko dahil na rin sa hirap ng buhay kaya tumigil muna ako sa aking pag-aaral para makatulong sa lola kong may sakit. Kailangan kasi nitong maoperahan at kailangan ding matustusan ang pang araw-araw niyang maintenance.Kasama ko sa pinapasukang trabaho ang kaibigan kong si Mica na kaedad ko lang din. Minsan tumutulong ito sa akin sa mga gastusin sa ospital ni lola dahil na rin sa awa niya sa akin. Nasa private hospital kasi si lola dahil kailangan niyang maobserbahan ng maayos na hindi magawa ng dating public hospital na pinagdalhan ko sa kaniya kaya ngayon ay mas todo pa ang pagt-trabaho ko para may pang bayad kami."Kamusta naman ang lola mo, Ana?" tanong ni Mica sa akin habang naghihintay kami ng mga customer."Okay na naman siya, nakakaraos pa naman kahit papaano," nakangiting sambit ko."Ehh, pano naman kasi imbes na tulung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status