Chapter 5
"Akala mo hindi ko malalaman! Ang damot mo namang bata ka! Napakalaking halaga no'n, saan mo 'yon nakuha?" bulyaw niya. Hawak niya pa sa kanang kamay ang bote ng alak habang dinuduro ako.
"N-nasaan po ang pera tita?" nauutal na tanong ko.
Sumimangot siya.
"Ayon, natalo ako sa sugal, pinangbayad ko muna!" asik niya.
Tila gumuho ang mundo ko.
No, it can't be...
"Tita, hindi po sa akin ang pera! Ibalik niyo po 'yon!" pagmamakaawa ko, ngayon ay hindi ko na napigilan ang luha ko.
"Critical po ang lagay ni Lola, kailangan niya nang maoperahan ngayon! Iyong pera na 'yon ang kailangan niya para mabuhay siya! Kaya pakiusap po tita! Ibalik niya na po ang pera!" kulang nalang ay lumuhod ako para maawa siya sa akin ngunit umiling lamang siya, halatang-halata na lasing na lasing na siya at kinakain na ang utak niya ng alak.
"Eh sa natalo ko nga sa sugal at pinangbayad ko na ro'n sa pinagkakautangan ko, eh? Pag 'di daw ako nagbayad papatayin daw ako no'n! Gago talaga, haynako! Ang malas!" lasing na sabi niya na mas ikinalumo ko.
Kahit kailan ay hindi ako pumatol at nanlaban kay tita kahit anong sama nilang mag-ina sa akin pero ngayon ay punong-puno na ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Pinangbayad o pinang bili niyo ng mga bagong gamit ng anak niyo?! Tingnan niyo nga ang mga hitsura niyo, hindi ba kayo nakokonsensiya na nag-aagaw buhay si Lola at nagpapakahirap akong magtrabaho para sa operasyon niya pero winaldas niyo lang?! Ano nang ipangbabayad natin sa hospital ngayon?!" nanggagailiting sigaw ko.
Ngunit imbes na maawa at intindihin ang sitwasyon namin ay isang malutong na sampal ang natanggap ko sa kaniya.
"Sinisigawan mo na ako?! Ang kapal naman ng mukha mo! Baka nakakalimutan mo na sampid ka lang sa bahay na ito at kaya kitang palayasin kung kailan ko gusto! Kung hindi lang d'yan sa nanay ko, matagal ka nang wala sa pamamahay ko!" sigaw niya habang dinuduro ako.
"Huwag kang mag-alala dahil sa oras na gumaling si Lola, aalis at aalis ako rito dahil hindi ko na kayang makasama pa kayo. Halos buong buhay akong nagsibli sa inyo at kahit kailan ay hindi niyo ako itinuring na pamilya kaya sige! Aalis ako!" sumabog na ako.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, mabilis akong tumakbo palabas ng bahay para makahanap ng sasakyan papunta sa hospital.
Habang nasa byahe ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng walang humpay na luha. Napunta lang sa wala lahat ng pinaghirapan ko.
Hindi ko na alam kong kung saan ko kukunin ang perang pang pa opera ni Lola at pangbayad kay Ian.
Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko ay muling tumawag si Mica.
"M-Mica, kumusta si Lola?" tanong ko hindi ko na naitago ang paghikbi ngunit paghikbi niya rin ang naririnig ko sa kabilang linya.
"A-Ana... n-nasaan ka na?" humikbing tanong niya.
"Mica, bakit ka umiiyak? Kumusta na si Lola?" tanong kong muli pero humagulhol lang siya at namatay na ang tawag. Mas lalo akong nanlamig sa kaba.
"Manong, p'wedeng pakibilisan po pakiusap!" umiiyak na sabi ko sa driver ng tricycle, sumunod naman ito.
Nang nasa hospital na ako ay halos takbuhin ko na ang hallway patungo sa kwarto ni Lola ngunit sa labas palang ng kwarto niya ay nakita kong nakaupo siya sa bench, mag-isa at umiiyak. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya para lapitan siya.
"Mica, bakit ka umiiyak nasaan si Lola?" tanong ko ngunit mas humagulhol siya at niyakap ako. Nangunot ang noo ko sa kinikilos niya.
Niyakap ko siya at ilang sandali ay pinilit kong makawala sa mahigpit niyang yakap para tingnan sa kwarto si lola dahil hindi nagsasalita si Mica at mas lalo lamang umiiyak.
"Mica! Ano ba kasi 'yon?! Magsalita ka nga! Bitawan mo ako, pupuntahan ko muna si Lola!" naiirita nang sabi ko.
Ngunit umiiling lamang siya at patuloy sa pag-iyak at paghagulhol.
Dahil sa panghihina sa pag-iyak, nakawala ako sa yakap niya, naglakad ako papunta sa kwarto ni Lola ngunit nang pihitin ko ang doorknob ng pintuan ay nakasarado ito. Muling kumunot ang noo ko.
"Bakit nakalock 'to, Mica? Nasa'n si Lola? Inilipat ba siya ng kwarto?" tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot kung hindi ang pag-iyak niya na ikina-init ng ulo ko.
"Ano ba, Mica?! Kinakausap kita! P'wede ba sumagot ka naman! Nasaan siya! Answer me!" sigaw ko.
"Ana, wala na siya! Wala na ang lola mo!" she exclaimed.
Parang tumigil ang mundo ko.
No, hindi 'to totoo. Nagsisinungaling lang siya!
"Hindi niya na kinaya, Ana! Malala na talaga ang kondisyon niya hindi niya lang sinabi sayo! Nakiusap lang siya sa doctor na 'wag sabihin sayo!"
"No, you're lying! Hindi 'yan totoo! Mica, nasaan siya?!" haguhol ko.
Dinaluhan ako ni Mica at niyakap ako.
Hindi 'to totoo.
God, please!
"Oh my gosh, besh! Dinudugo ka!" sigaw ni Mica habang humagulhol ako sa pag-iyak. Bumaba ang tingin ko sa aking hita at nakita ko ang pulang likido na dumadaloy ro'n.
Bago pa ako makapagreact ay unti-unti nang dumilim ang paningin ko.
Nagising ako nang maramdaman ang haplos sa aking tiyan, binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting ceiling ng silid. Inikot ko ang paningin ko at kumabog ang dibdib ko ng makita si Ian sa harapan ko. Nakasuot siya ng puting damit gaya ng mga sa doctor habang hinahaplos ang tiyan ko.
"Don't move," seryosong sabi niya.
Hindi ko siya pinansin at agad na inalala ang nangyari. Si Lola...
Nangilid ang luha ko, kailangan ko siyang makita!
Gumalaw ako at pinilit kong bumangon pero pinigilan ako ni Ian.
"Damn," he whispered.
Hinawakan niya ang braso ko at pinilit akong humiga lamang.
"A-anong ginagawa mo sa'kin? Kailangan kong makita ang Lola ko..." nanghihinang sabi ko.
Umigting ang panga niya.
"Hindi p'wede. Hindi ka p'wedeng mapagod at mastress ngayon." Malamig niyang sabi at saka nilagyan ng malamig na gel ang tiyan ko kaya napatingin ako ro'n sa ginawa niya.
Gamit ang isang bagay ay sinuyod niya ang tingin ko habang nakatingin siya sa screen. Hindi ako mangmang, alam ko kung ano ang ginagawa niya.
Bakit niya ako inu-ultrasound?
"Ano'ng ginagawa mo?" ulit na tanong ko.
Seryoso siyang tumitig sa akin bago binalik ang tingin sa monitor.
"I'm checking up on our baby. Dahil sa sobrang pagod at stress mo, muntik na siyang mawala sa atin." seryosong sabi niya.
W-what? Napalunok ako. Impossibleng...
"B-baby? B-buntis ba a-ako? P-paano? Uminom ako ng gamot para w-walang mabuo sa ating dalawa—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita siya.
"And the medicine you drunk almost killed her!" asik niya.
Napalunok ako sa pagtaas ng boses niya. Nangilid ang luha ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Inilipat ko ang aking tingin sa monitor. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"I'm sorry, I didn't mean to raise my voice. Magpahinga ka muna. May gusto ka bang kainin?" banayad na sabi niya.
Chapter 5"Akala mo hindi ko malalaman! Ang damot mo namang bata ka! Napakalaking halaga no'n, saan mo 'yon nakuha?" bulyaw niya. Hawak niya pa sa kanang kamay ang bote ng alak habang dinuduro ako."N-nasaan po ang pera tita?" nauutal na tanong ko.Sumimangot siya."Ayon, natalo ako sa sugal, pinangbayad ko muna!" asik niya.Tila gumuho ang mundo ko.No, it can't be..."Tita, hindi po sa akin ang pera! Ibalik niyo po 'yon!" pagmamakaawa ko, ngayon ay hindi ko na napigilan ang luha ko."Critical po ang lagay ni Lola, kailangan niya nang maoperahan ngayon! Iyong pera na 'yon ang kailangan niya para mabuhay siya! Kaya pakiusap po tita! Ibalik niya na po ang pera!" kulang nalang ay lumuhod ako para maawa siya sa akin ngunit umiling lamang siya, halatang-halata na lasing na lasing na siya at kinakain na ang utak niya ng alak."Eh sa natalo ko nga sa sugal at pinangbayad ko na ro'n sa pinagkakautangan ko, eh? Pag 'di daw ako nagbayad papatayin daw ako no'n! Gago talaga, haynako! Ang malas!"
Chapter 4Natigilan ako sa sinabi ni Mica. Paano nga kung magbunga ang nangyari sa amin?No, impossible. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Walang namamagitan sa amin at hindi namin mahal ang isa't isa. Hindi p'wedeng makabuo kami dahil lamang sa isang gabing pagkakamali."Hindi pwedeng may mabuo sa amin, Mica." Mariing sabi ko. Ngumuso naman siya at napatango-tango."Hayst, paano 'yan besh? Pero ano, pogi ba?" nanunuyang tanong niya. Kumunot ang noo ko at bahagyang nagulat sa tanong niya. Bakit kailangan niya pang itanong 'yon?!Sumimangot ako at inirapan siya. "Ayaw ko nang pag-usapan 'to, besh. Marami akong problema na mas dapat ko pang alalahanin kesa d'yan." nakangusong sabi ko. Yes... He's handsome...Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mica ay nagpunta ako sa drugstore para bumuli ng contraceptive pills. Kailangan kong masiguro na walang mabubuo.3 weeks had passed simula nang may mangyari sa amin ng lalaking 'yon sa bar. Nandito ako ngayon nagt-trabaho sa restaurant na pinapasukan
Chapter 3Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa bukas na bintana ng silid. Agad akong napabalikwas at mabilis na bumangon nang maalala ang nangyari kagabi at nanlamig ako nang makita ang sarili kong wala nang saplot. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang paglabas ng isang pamilyar na lalaki mula sa banyo, tanging ang nakatapis na towel lamang sa kaniyang baywang ang suot niya at sa pang itaas ay wala na. Napatili ako sa gulat, mabilis kong hinila ang kumot sa kama at tinakpan ang sarili ko. Habang siya naman ay walang emosyon.Medyo basa pa rin ang kaniyang buhok at mula rito ay tumutulo ang ilang drops ng tubig na lumalandas sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang mabatong tiyan, halatang katatapos lamang niyang maligo. Agad akong nag-iwas nang tingin nang nagkasalubong ang aming mga mata.Siya iyong lalaking tumulong sa akin kagabi!"You're awake," malamig na sabi niya at naglakad papunta sa akin. Napalunok ako at muling binalik ang tingin sa k
Nakaupo ako sa harapan ng lalaking tumulong sa akin kanina. Dahil sa nangyari kanina ay umakyat rito si Manager pero hindi niya ako pinababa at sinabing samahan at i entertain ko muna itong lalaki. Pumayag ako dahil sa tingin ko ay mabait naman siya at.... Hindi ko maiwasang mapatulala habang pinagmamasdan siya.Napaka gwapo nito, parang isa itong artista at modelong nakikita ko sa magazine at TV. Matipono at para siyang ideal man ng lahat ng maga babae."Done staring at me?" malamig na tanong niya. Nanlaki ang mata ko at napabalik ako sa wisyo, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Oh my gosh!"May kailangan pa po ba kayo, sir?" nahihiyang tanong ko, pakiramdam ko ay pulang-pula na ngayon ang mukha ko. Buti nalang at madilim ang lightning ng ilaw dito sa bar.Hindi siya sumagot at pinagpatuloy ang paglagok ng black label sa kaniyang glass.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Gosh, ba't 'di siya nagsasalita?"Tawagin niyo nalang po ako sir, kapag may kailangan po kayo. And thank you po s
Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako sa isang restaurant bilang isang waitress.Ako si Ana Reyes, 22 years old. Hanggang 1st year college lang ang natapos ko dahil na rin sa hirap ng buhay kaya tumigil muna ako sa aking pag-aaral para makatulong sa lola kong may sakit. Kailangan kasi nitong maoperahan at kailangan ding matustusan ang pang araw-araw niyang maintenance.Kasama ko sa pinapasukang trabaho ang kaibigan kong si Mica na kaedad ko lang din. Minsan tumutulong ito sa akin sa mga gastusin sa ospital ni lola dahil na rin sa awa niya sa akin. Nasa private hospital kasi si lola dahil kailangan niyang maobserbahan ng maayos na hindi magawa ng dating public hospital na pinagdalhan ko sa kaniya kaya ngayon ay mas todo pa ang pagt-trabaho ko para may pang bayad kami."Kamusta naman ang lola mo, Ana?" tanong ni Mica sa akin habang naghihintay kami ng mga customer."Okay na naman siya, nakakaraos pa naman kahit papaano," nakangiting sambit ko."Ehh, pano naman kasi imbes na tulung