Share

ANG PAGKAMATAY NG KAIBIGAN

Narating ko ang isang pangpang kung nasaan nakatago ang startup damon motor ko na kulay dilaw. Ang motor na unang regalo ni Don Geralt Monro sa akin, nang mapatay ko ang dalawang drug lords sa Mindanao.

Sinoot ko ang aking long coat, na kulay itim, madulas at manipis na tela. Sumunod ay sinuot ko na rin ang helmet na kulay dilaw, maliban sa isara ang salamin nito para takpan ang aking mga mata.

"Tsog! tsog! tsog!"

Bigla akong napayuko para umiwas sa tatlong sunod sunod na putok. Ngunit hindi na ako lumingon pa para hanapin kung saan galing ang pag putok.

Ang kinaroroonan ko ngayon ay nasa matarik na bundok, na may kalsada na parang bituka ng manok, umiikot mula itaas hanggang baba.

Batid ko na may sniper ang taohan ni Kwago kaya walang ibang hahabol sa akin kundi ang kanyang grupo lamang.

Dahil sa biglang pagpapaputok sa akin mabilis kung pinatakbo ang startup damon motor at nagmamaneho ng walang tigil, nagpasuray suray sa daan, dahil kahit anong layo ko na ay nasusundan pa rin ako ng pagputok.

"Shit!"

Hanggang sa nakita ko sa side mirror ang kahihinalang dalawang tao na nakasakay sa isang motor din.

"Habulin nyo ko!" sigaw ko pa sa eri.

Hindi ako makaganti sa pagpapaputok ngunit nag isip ako ng paraan kung paano makakawala sa sniper. Tuloy pa rin ang pagpapaputok niya sa akin, swerte lang at hindi pa ako natatamaan.

"Shaaacckk." tunog ng motor ko na tumatakbong naka-tagilid. Lumukso ako ng huminto ito sa may damuhan. Mabilis kong inakyat ang may kataasan sa lugar na iyon upang magtago, na tanging kutsilyo lang ang hawak.

Nang makahanap ng mapagtaguang lugar sa likod ng isang puno, ay sumilip ako ng bahagya sa kalsada. Doon huminto ang dalawang tao na nakasunod sa akin. Sila ay bumaba sa lugar kung saan naka hilata ang aking motor.

"Nasaan na siya?" sinabi ng isa.

"Natitiyak ko na narito lang siya sa paligid" sumagot naman ang kasama nito.

Ngayon ay pareho silang naghahanap sa akin. Dahil sa hindi nila alam ang kinaroroonan ko, inaantay ko ang tamang pagkakataon.

"Maghiwalay tayo, dito muna ako sa kabila" paunawa ng isa. Hindi naman sumagot ang kasama nito ngunit inilabas niya ang calib45.

Naghiwalay ang dalawa, ngunit ang isang ito ay magaling maghanap. Parang asong inaamoy ang lupa para sundan ang kinaroroonan ng kanyang amo.

"Huwag kang kikilos kung ayaw mong madiin ko ang kutsilyo sa leeg mo."sinabi ko na nakatayo sa likod ng lalaking may hawak na baril.

"Hahahha.. di ko akalain na totoong isa kang babae" sumagot ito na binalewala ang sinabi ko.

"Sino kayo at bakit ninyo ako sinusundan?"

"Tsk. Hindi ba dapat ako ang magtatanong niyan? bakit ka nangugulo sa isla? Sino ka ba?" sagot nito.

"Wala akong pangalan" sagot ko sabay sipa ng kaliwa niyang kamay na may hawak na baril.

Mabilis din nakapaghiganti ang lalaki sa akin, natamaan niya ang ilong ko gamit ang kanyang siko. Dahilan para tumulo ang dugo sa ilong ko. Bahagya akong nahilo pero nagawa ko pa rin iwasan ang aksyong pagsuntok nya sa sikmura ko. Napasandal ako pabalik sa puno.

Ngayon nakita na ng lalaki kung saan tumilapon ang kanyang baril na hawak niya kanina. Kaya pinalipad ko na ang kutsilyo ko, at deretsong bumaon sa kanang bahagi ng leeg nya. Hindi lang sniper rifle gun ang kaya ko, kung hindi kaya ko rin ang "Darts game".

"Pare, wala dito" sigaw ng kasama nito na akmang tatawid na mula sa kabilang bahagi ng kalsada.

Kinuha ko ang baril na nasa lupa at sadyang pinaputukan ko na lamang siya sa ulo. Nang makita ko na natumba ang katawan niya, ay dito ko na inihagis ang baril sa isang malapit na sapa.

Muli, kumakaway ang dulo ng coat ko habang nagmamaneho, tila akoy isang paniki na lumilipad sa gitna ng kalsada. Parang ahas ang aking takbo, dahil sa maraming paliko na daan. Ang lugar ay nasa gilid ng bundok, na napa-gitnaan ng baybaying dagat. Katulad sa isang artista, natutuwa ang mga unggoy na makita akong dumadaan sa kanila.

Tatlong oras ang binaybay ko sa kahabaan ng kalsadang dinaanan ko, ito ay ang lugar na sakop ng Leyte. Ngunit nang malagpasan ko ang San Juanico bridge ay nakaramdam ako ng kaba sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit, kaya binilisan ko pa ang pagtakbo ng motor ko pabalik sa safe house.

Kinabukasan, bago sumikat ang araw, dumating ako sa "safe house" ng ligtas. Maayos kong ipinarada ang motor ko sa garahe, na nakaloob sa second floor. Malawak ang "safe house" maraming security sa loob at labas ng bakuran, nasa ground floor ang aming silid tulugan, second floor ang garage at leaving room, sa third floor ang mga bantay ay nakakalat at may space dila doon upang makapag pahinga, ngunit iilan lang ang nakakaakyat sa fourth floor, kung nasaan ang kwarto at opisina ng tinatawag namin na "master's space" Ang space ni Don Geralt Monro.

Mula sa second floor ay narinig ko ang isang putok ng baril. Ito ay umalingawngaw sa aking paligid. Dahil sa kabang nararamdaman ko ay nagmamadali akong alamin kung anong nangyayari sa 'safe house" sapagkat batid ko ang mga karahasan dito, ever since na nakarating ako dito.

Sa sobrang pag aalala tumakbo ako papasok sa loob ng malaking ng malawak na sala. Nadatnan ko ang ilang tauhan at hinanap ko ang iba kong pang mga kasamahan, ang lahat ay nagtipon tipon na umiiyak sa takot.

"Anong nangyari?" Tinanong ko sila ngunit ne isa sa kanila ay walang may gustong magsalita.

"Kung sino man ang may masamang balak sa bahay na ito, ay mapupugutan ng ulo!" sigaw ng isang lalaking taohan ni Don Geralt.

Napalingon ako sa kaliwa, nakita ko na kinakausap nito ang mga lalaki na kasamahan ko. Hindi nalalayo ang edad nila sa akin, ngunit mas marami sa kanila ang mas bata pa. Sila ay nagtitipon sa isang sulok at nakalagay ang mga kamay sa ibabaw ng ulo, habang nakaluhod. Ang iba ay umiiyak at ang iba naman ay tinitiis ang panginginig ng tuhod, malamang kanina pa sila nakaluhod sa sulok na iyon.

Akmang tatalikod na sana ako sa mga kababaehan na una kung nilapitan, ngunit may narinig akong boses, isa sa kanila ay biglang nagbangit ng pangalang "Lilly"

Muli, lumingon ako sa kanila at iniisa isa sila, confirmed wala nga si Lilly dito. Hindi ako nag-atubiling hanapin si Lilly.

Nagtanong ako sa ilang bantay ngunit walang sumagot ng maayos sa akin. Hanggang sa marating ko ang bakuran. Hindi ko alam kung bakit, ngunit malakas ang kutob ko na andoon si Lilly.

Lumapit ako doon upang tingnan sana ngunit may nakita ako. Kilala ko ito! kilala ko ang babaeng nakahandusay sa lupa na duguan.

"Lilly?"

Ang pagsigaw ko ng malakas, ang matalik kong kaibigan, si Lilly.

Si Lilly ang tangi kong kasama sa basement simula ng makarating ako sa impyernong na lugar na ito. ilang araw ang lumipas nadagdagan kami ng dalawang kasama, hanggang sa dumarami pa ang bilang namin. Mga batang nahiwalay sa pamilya, kinidnap at ang iba ay katulad ko, ibeninta ng sariling pamilya.

Dumiretso ako sa kanya at lumapit, sinubukan ko siyang sagipin ngunit tila huli na ako dahil mapuputol na ang kanyang may buhay na hininga.

“Ginahasa niya ak…ooo..” ang salitang naintindihan ko bago pa siya malagutan ng hininga.

"Lilly...sandali.. huwag kang ganyan..."

Ang d***g ko sa kanya na tila hindi na niya ako naririnig. Ramdam ko ang bigat sa aking puso. Itinakwil na ako ng aking sariling pamilya ngunit ngayon namatay naman ang kaisa-isa kong kaibigan.

Dahil dito hindi ko na napigilang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Sigaw ako ng sigaw habang binabangit ang kanyang pangalan.

“Sino sa inyo ang bumaril kay Lilly?”

Ang sigaw ko sa dalawang lalaki na may malaking pangangatawan, naroon sila sa bakuran, ngunit wala silang ginawa! Hinayaan nilang mamatay ang aking kaibigan. May limang kalalakihan pa na nasa taas. Ngunit ang dalawa ay hindi sumagot instead, tumawa lang ang mga demonyong ito. Balewala sa kanila ang anomang sinasabi ko.

“Bakit, anong magagawa mo?" ang sagot ng isang lalaki. Lumapit ito sa bakuran na tuwang tuwa sa nangyari. May hawak pa itong baril kaya malakas ang paniwala ko na siya nga ang bumaril kay Lilly.

Sa galit ko ay bumunot ako ng baril at itinutok sa ulo niya. Bumunot din ng baril ang lahat ng taohan na nakapaligid, pati na ang limang taohan na nasa taas.

"Hayop ka, matagal na akong nagtitiis sa mga ka-walang hiyaang ginagawa mo...Matalisod ka sana sa bangin at mahulog!"

Sigaw ko sa lalaking may lakas na loob kung tumawa. Kung wala silang tiwala sa akin mas lalo na ako, dahil matagal ko nang ninais na sunugin ang impyernong bahay na ito.

"Hindi porket ikaw ang paborito ni Boss ee. magagawa mo na ang mga gusto mo, huwag mong kalimutan na alipin ka pa rin" sinabi ng lalaking tumatawa kanina.

Narinig ko na naghiyawan ang mga kasamahan kong mga babae sa sala. Sa pagkakataong ito naaalala ko kung paano nila mino-molestya ang ilan sa amin.

"Bakit kailangan pang umabot sa ganito hayop ka?" Tanong ko sa kanya. Kahit ang pag hinga ng malalim ay hindi ko magawa dahil sa nararamdaman kong galit na umaapaw.

"Pasaway ang babaeng iyan! hindi ko sana siya binaril kung wala siyang ginawa." Ang hindi detalyadong sagot ng lalaking ito. Wala siyang takot na harapin ang baril na kasalukuyang itinutotok ko sa kanya.

Ang eksina ay biglang natigil ng biglang dumating ang leader ng safe house ngayon, si Jonathan.

“Sige! Iputok mo! kung gusto mong madamay ang lahat dito. Pag pinatay mo yan, lahat kayo ng kasamahan mo, mamatay din, mamili ka!?” ang sigaw ni Jonathan na nasa taas.

Bumaba si Jonathan sa hagdan na dinaanan ng lalaking tumatawa kanina, hindi na rin ako nagtataka kung paano niya ipagtatanggol ang kanyang mga taohan. Kahit kailan parating itong huli kung may mga eksinang nagaganap sa safe house. Kaya kahit siya, ay wala rin akong tiwala. Sa tagal kong pamamalagi sa malaking bahay na ito, alam ko na mainit ang dugo niya sa akin dahil alam niya na pinagkatiwalaan na din ako ni Geralt kaysa sa kanya. Natatakot itong mawalang ng kapangyarihan sa loob ng “safe house”

“Bakit pinatay si Lily?” ang tanong ko kay Jonathan.

“Dahil tinangka niyang patayin si Diego, natutulog siya at dumating si Lilly na may dalang kutsilyo. Buti nga sugat lang ang natamo ni Diego ee. Masamang damo yang kaibigan mo. hindi siya nararapat sa samahang ito ang sagot ni Jonathan.

“Ang sabi ni Lilly, ginahasa siya, alam mo ba kung sino ang gumawa ng walang kaluluwang iyon?" ang tanong ko sa kanya.

Inaantay ko ang sagot niya, napatulala siya na tila napapaisip. Alam kaya niya kung sino?

"Diego?" Ang tawag ni Jonathan.

"Boss?" sumagot naman ito agad.

"Iligpit niyo na ang bangkay, linisin nyo ang bakuran bago dumating si Don Monro." Utos nito na akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko. Bumalik ang mga titig niya sa akin at sinabi,

“Dito sa "safe house" walang pamilya, kamag-anak at lalo na, walang kaibigan! Dahil sa totoong buhay kahit kadugo mo pa, ay kaya kang paglaruan, pagtaksilan at kung masama pa ay kaya kang patayin. Kung sa tingin mo ay hindi ka karapat-dapat bahay na ito. Mamili ka! Pasukin ang silid ni kamatayan? o mamatay kang lumalaban?” ang matapang na paliwanag ni Jonathan.

Paki alam ko sa nakaraan niya? Kahit pa siguro papatayin ko siya on the spot, delikado din ang buhay ko dahil sa limang baril na nakatutok sa akin.

Ibinaba ko ang baril ko, naisip ko na humanap na lamang ng tiyempo, na patayin sila one by one, upang maipaghihiganti ko ang pagkamatay ni Lily, lalo na sa Diego na iyon.

"Marahil ay hindi pa ito ang oras ko, dahil kahit ang hari ng kamatayan ay hindi pa handang tanggapin ako sa kanyang silid." Ang pagbawi ko sa kanyang mga salita.

Halata ang inis sa kanyang mukha. Lumapit ito sa akin na parang pating na gusto akong lamunin. Hindi ko inalis ang mag titig ko sa kanya, na tila nagbabarilan kami sa pamamagitan ng matulis na mga tinginan. Naputol lang ito ng bigla siyang tumalikod sa akin, ang akala ko ay suko na siya, ngunit bigla akong sinurpresa ng isang malakas na suntok sa mukha.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status