Taong December 25, 2013
Anim na buwan matapos akong naibenta kay Don Geralt Monro. "Anak ng tipaklong, bilisan ninyong kumilos." ang sabi ni aling Sonya. Pinahakot kami ng mga mabibigat na gulay, tulad ng kalabasa, patatas, kamote at marami pang iba. Nasa sampo ang bilang namin, anim na babae at apat na lalaki at halos kasing edad ko lang sila na nasa labing dalawa. Ang gulay na binibitbit namin ay dadalhin sa "safe house" Ang kasalukuyan naming tahanan. May malawak na taniman ng gulay ang likod ng "safe house" na ito. Kami na rin ang nagtatanim at nagha-harvetst "Tulong!!" sigaw ng isa sa aking mga kasamahan. Gumulong siya sa lupa, kasabay ng mga patatas na tumilapon na din. Isang sakong patatas ang dala niya at dahil sa bigat nito ay na out of balance siya. "Pagod na ako...." narinig ko sa likod. "Hindi tayo pwede sumuko, alam ninyo yan" ang sinabi ko sa kanila. Tumayo ang isa, kahit kita na ang pwet nito dahil sa pagkapunit ng kanyang short pants. Pagkatapos ay nagpatuloy kami sa paglalakad na parang lasing na nagpagiwang-giwang sa daan. Madalang lang kami makakakain ng kanin, dahil puro kamote at iba pang gulay ang hinahain para sa amin. "Sa tingin mo Talya, makakatakas pa ba tayo dito?" ang bulong ni Tsinoy, na nakasunod pala sa akin habang pasan ang mga kalabasa. Nagsasalita ito bigla sa likuran ko. "Balang araw, magtiwala ka lang. Makaka alis din tayo dito" sagot ko naman kay Tsinoy. Si Tsinoy ay may katabaan ang katawan, ako ang nagbinyag sa kanya ng pangalang "Tsinoy" dahil sa masingkit ang mga mata nito na hawig sa isang Chinese. "Sana nga.." Ang huling bangit niya. Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon, nalulungkot siya at namimiss ang mga magulang, kahit naman sino sa mga batang tulad namin, ay maghahanap talaga ng "Mama at Papa". Pero ang totoo, kahit ako nawawalan na rin ng pag asa, pinapalakas ko lang ang loob nila. Bukod sa pagtatrabaho sa bukid, ay gawain din naming linisin ang malawak na mansyon. Higit pa sa katulong ang pinapagawa sa amin. Isang umaga, nakahanda na ang lahat, bitbit ang sako at bolo na gagamitin para sa pagbubungkal. Tuwid kaming magkatabi na nakatayo sa harap ng isang witch. "Sa araw na ito, may dalawampo't anim na sigundo kayo para marating ang bukid" Ang sabi ni Aling Sonya. Siya ang tinatawag naming witch. Napalingon ako sa bukid, at sa isip ko malabo naming magawa iyon dahil kung sa lakad pa lang ay inaabot na kami ng halos dalawang oras sa sobrang layo. Pero hindi kami maka react dahil pag ginawa namin iyon, mas mabigat na gawain ang kapalit. Alam naming lahat iyon. "Maliwanag ba!?" "Opo!" Sagot naming lahat. Strekta sa amin si Aling Sonya kaya ang sumunod na pangyayari ay nagbilang na siya. "Maghanda, isa,,dalawa... Tatlo!" Pagbilang niya ng tatlo sabay sabay na kaming tumakbo. Pagkalipas ng isang taon, may bagong pagsubok sa amin si Aling Sonya. Kailangan naming mag aral sa loob ng isang taon, kailangan naming matutunan ang wikang, English, Nihongo ng Japanese at Italian. "Ang apat na lengwahe ay siyang magagamit ninyo sa kinabukasan. Bukod doon, ang Italian ay siyang unang lengwahe ni Don Geralt Monro. Sa kanyang pagbabalik dito sa isla ay kailangan nyo siyang kausapin sa lengwaheng Italian o English, maliwanag ba!?" ang pasigaw na tono ni Aling Sonya. "Opo." Ang sagot naming lahat Nalampasan namin ang bigat ng mga pinapasan araw araw ngunit ngayon, sakit sa ulo na naman ang kailangan naming malampasan. "Talya, mahina ako magbasa ng salitang english." Ang sabi ng kasama kong babae, siya rin ang tinulungan ko noong natumba siya na pasan ang isang sakong patatas. "Ang sino mang bumagsak sa araw ng pagsusulit ay siyang gagawa ng paghahakot ng gulay mga sa bukid at maglilinis sa buong "safe house"!." dagdag pa ni Aling Sonya. "Kaya mo yan, maliit na bagay lang yan kaysa patakbuhin tayo sa bukid." Ang paliwanag ko sa kanya. ""O Sige nga .. basahin mo yan...?" "Da... da.. king ... ang.. kweng.." bigkas ko sa kanya habang binabasa ang ipinakita niya sa akin ang libro. "Ano ba yan Talya... The king and queen.. letter "EN".. yan ang katunog niya.." sabi ni Tsinoy. May pagka-matalino din ito si Tsinoy, sing taba niya ang utak niya. Kaming tatlo ay nagtutulungan sa pag aaral, maging ang iba pa naming kasamahan ay nahihirapan din lalo na ang pagbigkas ng Italian languages. Ang tamang pagbanggit at pagsusulat ng bawat letrang ibinigay ni Aling Sonya. Kailangan naming matutunan, dahil may ginagawang pagsusulit si Aling Sonya sa bawat paglipas ng tatlong araw. Kapag hindi nakapasa sa pasulit ay pinaparusahan niya ito at pinapaakyat sa bukid. Sa panahong ito nabawasan kami ng dalawa, ang isa ay na heat stroke, bigla nalang hinimatay sa bukid, kinuha ito ng mga taohan at hindi na namin alam kong saan siya dinala. Ang ikalawa ay dahil namatay ng matuklaw ng ahas sa bukid. Hindi siya nagamot agad dahil sinekrito niya ito, nagulat nalang kami ng hindi na siya bumangon sa higaan at wala ng malay. Dahil doon, natakot si Aling Sonya at binago niya ang schedule ng gawain namin. Sa edad na 15, Dito na kami sinanay ng mga gawaing physical, kung paano ipagtanggol ang sarili. Kahit video ng martial arts ay pinapanood na namin. Dumating ang eka-anim na buwan, natotohan na rin naming humawak ng baril. Ang kabisaduhin ang Rifle, shot gun, pistol at revolver, ito ang mga bagay na mabilis kong nakabisado kaysa pag aralan ang apat na foreign language. Kasama na dito ang pagmamaneho ng sasakyan. At 4:30 am nakapila na kami sa dalampasigan. Sa malawak na puting buhangin ng baybayin ng dagat, narito kami hindi para mangisda o panoorin ang sunrise. Kung hindi para sa isang pag iinsayo. Isa ito sa bahagi ng aming training, ang tumakbo na hindi lalagpas sa 40 minutes, ang baybaying dagat na ito ay may nakalaang 10 kilometro para sa aming pagtakbo, dalawang beses kaming iikot dito hanggang sa matapos. Matapos ng training ay babalik kami sa "safe house" upang pag aralan uli ang mga foreign language. Ngunit sa umagang ito ay may napag alaman kami. "Talya mangingisda ba iyon?" bulong ni Lilly sa akin, ang batang babae na mas bata sa akin ng dalawang taon. Siya ang unang nakakita sa isang mangingisda sa gitna ng dagat. Sa isip ko, napakalayo niya upang mapansin kami. "Oo...tama ka mangingisda nga iyon" "Baka pwede tayo humingi ng tulong, para makatakas tayo dito" bulong niya sa akin. Napaikot ang aking mga mata sa paligid, base sa aking obserbasyon, malaki ang chance na makakatakas kami dito, sa oras na ito wala kaming bantay. Wala si Aling Sonya, pati ang madalas na kasama nitong dalawang armadong gwardiya. Tama si Lilly pwedeng mangyari na makakatakas nga kami, ngunit ang bangka na sinabi niya ay napakalayo pa, maaring makikita niya kami ngunit hindi niya kami maririnig kung pipiliting naming sumigaw. Kaya nagiisip ako ng plano. Ang sumunod na umaga, ay agad naming ginawa ang planong pagtakas. Kinuha ko ang dalawang maliit na salamin sa aming kwarto inilagay ko ang mga ito sa aking bulsa ng makalabas ako ng safe house. Nang mapansin ko na halos kompleto na kami ay lima ang pinpabantay ko sa paligid upang maging tagamasid kung sakaling may darating na taohan o si Aling Sonya, samantalang ako ang magtatawag sa bangka ng mangingisda. Sinama ko ang ilan sa amin at nagpunta kami sa isang burol na mas malapit sa bangkang nakita namin. Ginamit ko ang salamin bilang komunikasyon sa bangkang nasa gitna ng dagat "Talya, wala pang senyales na parating na sila" boses ni Tsinoy na naririnig ko sa aking likuran. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa upang makarating ang masakit na silaw sa bangka at makita ang kinaroroonan namin. Nagtagumpay ako, lumukso ako at kumaway sa bangkang dahan dahang lumapit sa dalampasigan saka ako sumigaw. "Pagbilang ko ng tatlo, tatlo sa inyo ang maunang lumangoy, pilitin ninyong marating ang bangka, kung sakali man isa sa inyo ang makaligtas isumbong ninyo sa mga pulis ang mayroon dito sa isla." sabi ko sa naunang batch, at sinunod nila ang sinabi ko. Sabay silang nagtakbuhan at nilangoy ang dagat. Upang salubungin ang bangka ng isang mangingisda. "Talya, sabi nila bilisan daw baka makarating na ang bruha.." boses ni Tsinoy na nagsalita sa may kalayuan. Tinutukoy niya si Aling Sonya. Gumagamit din siya ng salamin bilang kumunikasyon at kamay bilang hand-sign para sa pag uusap. "Papuntahin mo ang mga babae, sila na ang susunod na lalangoy." sigaw ko at agad ginawa ni Tsinoy ang sinabi ko, ginamit niya ang kanyang kamay para sa komunikasyon na kami lang ang nakaka-intindi habang nakatungtong ito sa bato.Lumingon sa akin ang aking anak, pero naka kunot noo ito ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya."Mama.... ?" "Go to your room," instead na sagutin ko siya ay pina-paakyat ko na lamang sa kanyang kwarto. Sumunod naman ito na tumakbo sa hagdan."Bakit mo naman sinabi yan?" inis na tanong ko."Hahaha. sinusubukang ko lang naman tawagin niya akong papa. Gues what? Sinabi naba ni Alexa sa iyo na buntis siya?""Ee ano naman ngayon, do we have to celebrate that?" tanong ko sa kanya."Yes, kayong dalawa ni Ole ang special guest. Darating din ang ilan sa mga close friends ko sa negosyo." nakangiting sinabi ni Kuya Jayson. Naka uwi na pala siya at sa ganitong oras pa ako sinurpresa."Congratulations!" sinabi ko sa mahinanong boses."Hanggang ngayon ba ay galit ka pa din sa akin?" tanong niya at umupo sa sofa malapit sa akin."Wala namang saysay kung magagalit ako sayo. Gayong tapos na ang lahat." sagot ko sa kanya."Gaano ba talaga ka halaga sayo ang tumira sa Isla ng Siargao?""Hindi lang
"The deal is closed." sinabi ko sa dalawang negosyanteng kaharap ko."Abah.. gumagaling ka na ata sa pagnenegosyo!" sinabi ni Luciana na nagdadalang tao. Nakapangasawa siya ng isang mangingisda sa bayan ng Arayat. Limang taon matapos mamatay si Tantan. Ang akala ko noon ay silang dalawa ang magkakatuluyan, hindi pala."Kumusta naman si Candice..?" tanong ko kay Alice."Ayon, ayaw humiwalay sa afam niya. Parang pugita na parating nakapulupot.." nagtawanan kaming tatlo dahil sa pagbibiro ni Candice."Ehh ikaw Talya.. kumusta na kayong dalawa ng anak mo? Malaki na rin si Olifiano. Ayaw mo bang hanapan ng Tatay yan..?" tanong ni Luciana."Hindi na... Masaya na ako na kaming dalawa lang..""Eeh maghahanap pa rin ng tatay iyan.." bulong ni Luciana sa akin. Malapit lang kasi sa kinauupuan namin an
Ang lalaking ito ay masyadong mapangahas, magaspang, at mapuwersa. Siya ay 23 taong gulang at masyadong mapusok.Napahawak ako sa likod ng lalaki, senyales na nakikiusap ako na tigilan ang kasalukuyang ginagawa."Hmpp!!" unggol ko.Isang pagbulusok ang sumunod na pangyayari, na maramdaman ang hapdi na tumutusok sa aking private part. Mabilis ang pangyayari na hindi ko inaasahan. Ngunit nang mag-laon ay ginagawa na niya ito sa slow-motion na parang pagpa-plantsa lang ng damit."I want you more..." sinabi niya na itinigil ang kanyang paghalik at seryosong nakatingin sa aking mukha na naka-kunot noo.Nagpatuloy ang paglabas pasok ng dalawang daliri niya, hanggang sa ito ay parang nagugustuhan ko na rin, dahilan na nakita ng lalaki kung paano ako mag-moan.Ang naiinis na itsura ay napalitan ng pagmamakaawa. Kagat labi akong nakatingin sa lalaki na kasalukuyang gi
Hinawakan ko ang kanyang baba, itinaas ko ang aking mukha para mabasa ko ang bawat nuance ng kanyang ekspresyon."For the third time, why are you here?" tanong ko sa kanya.Ngunit ang kanyang kamay ay nagtagal, hinimas ang isang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Nakatingin siya sa akin na para bang may kailangang sasabihin."You know why." Bumuntong hininga siya at ibinaling ang pisngi sa palad ko. Hawak niya ang aking kamay na parang aso na nagpapa-amo."Nakapag-desisyon na ako. Tungkol sa sinabi mo noon. Hayaan mo sanang pag aaralan ko ang kaso mo.""Malaking kaso ang maari mong hahawakan, maraming kilalang personalidad ang madadamay, politiko at ibang mga opisyales na nagtatrabaho sa gobyerno. Kaya mo bang maparusahan sila?" tanong ko sa kanya."Gagawin ko.." sagot nito.
Nagliwanag ang mukha niya, unang nakita ko ang mahabang balbas niya at katangusan ng ilong. Papunta sa itaas nito, ay ang kanyang mga mata, na derektang nakatingin sa akin."From the very first, I already trust you. But my son failed to analyze how to run my business. Even though, I still hope that it will be corrected by you, but I did not expected that some of my investors has a big dream too. Big Boss is one of my top investors, but he cheat on me. And even steal something from me." paliwanag niya."Don Geralt?" bangit ko. Nagulat ako sa biglang pagkikita namin ngayon
"Take this all" sigaw ni Bigboss sa kanyang dalawang taohan. Agad kumilos ang dalawa at nilagay ang dalawang malaking bag na itim sa tabi.Marahan akong gumapang na hawak-hawak ang taenga ko sa kanan, sira pa rin ang aking pandinig. Nag-echoe lang sa akin ang mga tunog at kalaskas sa paligid. Sumunod ay hinila ako ng isa sa mga taohan at lumabas ng basement. Paglabas ng warehouse ay agad sumalubong sa amin ang malakas na pagsampal ng hangin, bumaba ang isang helicopter sa second floor at naunang sumakay si Big Boss na paika-ika, dahil hindi niya hawak ang kanyang baston.Pinasok ng mga taohan sa loob nito ang dalawang malaking bag na naglalaman ng mga kinuha nila sa