“MGA WALANGHIYA kayo! Mga manloloko! Ginawa niyo pa talagang motel itong opisina ko!” sigaw ni Saskia, sa kabila ng galit at panggigigil.
Pagbukas niya ng pinto ng opisina, nabungaran niya ang kanyang nobyong si Gerald, kasalukuyang Chief Financial Officer ng MS Wine Haven, na siyang pag-aari ng kanilang pamilya, at si Vivian, ang kanyang pinsang buo at sekretarya, na nagtatalik.
Dahil sa pagkagulat sa kanyang presensiya, agad-agad na nag-ayos ng kani-kanilang sarili ang dalawa.
“Gerald, isang buwan na lang ay ikakasal na tayo. Pero ano ‘tong ginagawa mo?!” mariing sambit niya, pilit pinipigilan ang sariling huwag maiyak. “At ikaw naman, Vivian, baling niya sa pinsan. “Paano mo nagawa sa ‘kin ito? Lahat ng ganap namin sa buhay, lahat sinasabi ko sa ‘yo! Kaya bakit? Bakit si Gerald pa?” nanggagalaiti niyang tanong sa pinsan.
Gustuhin man niyang manakit, hindi niya magawa dahil hindi siya bayolenteng tao.
“Ba-Babe, magpapali—”
Hindi na niya pinapatapos ang pagsasalita ng kanyang nobyo.
“Ito ang tatandaan mo, Gerald, wala nang kasalang magaganap! At ikaw Vivian,” dinuro niya pa ito. “Itinatakwil na kita bilang kadugo at kamag-anak! Wala kayong kasing sama! Mga taksiiil!” Halos maputol ang litid niya sa leeg sa lakas ng kanyang pagsigaw. Umaalingawngaw sa apat na sulok ng kanyang opisina ang malakas niyang boses.
Mabuti na lang at sila pa lang ang naroroon, dahil alas-siete pa lang ng umaga. Hindi talaga inaasahan ng dalawa na papasok siya sa kompanya, dahil madaling araw kanina ay tinawagan niya si Gerald at sinabing hindi siya makakapasok dahil sa masamang pakiramdam.
Pero dahil siya ang CEO ng kompanya, at the same time, COO, napilitan siyang pumasok kahit na masama ang pakiramdam, dahil malaki ang responsibilidad niya sa kompanya. At mahalaga ang presensiya niya araw-araw.
Pagkatapos niyang sumigaw, walang lingon-likod na iniwan niya ang dalawa. Akala pa naman niya ay masusurpresa si Gerald sa pagpasok niya, ngunit siya pala ang masusurpresa sa madadatnang eksena.
Dahil sa nangyari, umuwi siya sa kanilang bahay upang magsumbong sa mga magulang. Pagkababa niya ng minamanehong sasakyan, patakbo siyang pumasok sa bahay. Pagpasok niya sa pintuan, nakita agad niya ang inang prenteng nakaupo sa sofa, habang nagbabasa ng magazine.
“Mom!” tawag niya rito.
“O, bakit narito ka?” tanong nito nang hindi man lang inaalis ang mga mata sa binabasang magazine.
“Mom, si Gerald at saka si Vivian, nahuli ko silang nagtatalik sa loob mismo ng opisina ko!” sumbong niya sa ina habang umiiyak. Doon pa lang nito ibinaba ang binabasa at tumingin sa kanyang direksyon.
“Pinagsasabi mo riyan, Kia! Huwag na huwag mong ibibintang iyan sa nobyo at sa pinsan mo! Dahil kung hindi dahil sa tulong nila, hindi gagaan ang trabaho mo sa kompanya! Mahiya ka naman!” galit na tugon ng kanyang ina.
Eksaktong lumabas mula sa pintuan ng kusina ang kanyang amang may bitbit na isang tasa ng kape.
“Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ang lalakas ng mga boses ninyo? At ikaw, Kia, bakit naririto ka? Hindi ba dapat nasa kompanya ka sa ganitong oras? Alalahanin mo, bawat minuto, oras, at segundo ay mahalaga para sa kompanya. Kaya anong ginagawa mo rito?” sambit ng strikto niyang ama.
“Iyang magaling mong anak, umuwi lang rito para maghatid ng walang kakwenta-kwentang balita! Pagbintangan ba namang nagtatalik sina Gerald at Vivian sa kanyang opisina? Sa tingin mo, hindi mapapalakas ang boses ko riyan?!" sabat ng kanyang ina.
“Ano ba naman iyan, Kia? Kung sino pa iyong may malaking ambag at naitutulong sa paglago ng ating kompanya, sila pa ang ginagawan mo ng isyu. At saka, hindi ka ba nahihiya? Nagkakalat ka ng maling balita tungkol sa nobyo mo, gayong ikakasal na kayo sa susunod na buwan?” sambit ng kanyang ama.
“But, Dad, I swear, nakita ko at nasaksihan ko ang ginawa nilang pagtataksil sa—”
“Enough, Kia! Alam kong hindi lingid sa ‘yong kaalaman ang paghanga ko sa dalawa, kaya gusto mo silang sirain sa paningin namin ng mommy mo. Ayaw ko nang makarinig pa ng kung anu-ano pang kasinungalingan mula sa ‘yo!” may kalakasang sambit ng kanyang ama.
Kapag ganoon na ang tono ng kanyang ama, alam niyang galit na ito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa kanyang kwarto. Doon niya ipinagpatuloy ang walang katapusang pagluha dulot ng sobrang sakit na nararamdaman ng kanyang puso, dagdagan pa ng hindi siya pinaniwalaan ng kanyang mommy at daddy. Pakiramdam niya‘y nag-iisa siya at walang kakampi.
Maghapon siyang nagmukmok sa loob ng kanyang kwarto. Kahit pa kinakatok siya ng kanyang mommy at daddy upang piliting pumasok sa kompanya, hindi siya nagpatinag. Kinagabihan, habang tulog na ang lahat, nag-impake siya ng ilang damit. Balak niyang lumayo muna upang makapag-isip-isip at pansamantalang makalimutan ang ginawang pagtataksil ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya.
Dinala siya ng kanyang sarili sa isang private resort sa isang malayong probinsiya. Hanggang doon, ay wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.
***
“WESTON, nasaan ka ba? Kanina pa rito naghihintay sa ‘yo si Katrina! Hanggang kailan mo ba siya paaasahin at paghihintayin na pakasalan mo?” tinig iyon ng kanyang ina sa kabilang linya.
“Hanggang sa magsawa siya at kusang layuan ako. Alam niyo naman na wala akong gusto ni katiting sa babaeng iyan, pero ipinagpipilitan niyo pa rin ang gusto niyo. Kahit anong gawin niyo, at kahit anong mangyari, hinding-hindi ko magugustuhan iyan,” seryosong tugon niya sa ina.
“Aba‘t—”
Hindi na niya hinintay pang marinig ang iba pang sasabihin ng ina, kusa niyang pinutol ang tawag. Kabastusan man, pero naririndi na kasi siya sa paulit-ulit na pngungulit nito sa araw-araw.
Hanggang dito ba naman sa resort na gusto niyang mag-unwind, iniistorbo pa rin siya dahil sa bagay na iyon?
Tumayo siya mula sa kinauupuang bangko nang may marinig siyang parang umiiyak. Sinilip niya ang katabing cottage na kinaroroonan niya. Isang babae ang mag-isang nakaupo at umiiyak. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa ilaw, nakilala niya ang babae, hudyat para lapitan ito.
“Anong ginagawa mong mag-isa rito sa ganitong kalagayan, Ms. Santos?”
Iniangat ng babae ang mukha at tumingin sa kanya na nakakunot-noo, marahil nagtataka kung bakit kilala niya ito. Kahit kailan, hindi man lang nabura sa kanyang isipan ang maganda at maamo nitong mukha. Nagdadalaga pa lang ito noong una niyang makita, na alam niyang may espesyal na puwang sa kanyang puso. At masaya siya na muli itong nakita.
“Pasensiya na po, pero hindi ko po kayo kilala. Hindi ko po matandaan kung nagkita na ba tayo dati,” tugon nito habang panaka-nakang nagpupunas ng luha.
Umupo siya sa tabi nito. Pwede ka namang mag-share sa ‘kin ng problema mo kung gusto mo. Ako ma‘y naririto rin dahil may problema rin ako,” sambit niya.
Gulat itong napatingin sa kanya. Sa una‘y nakita niya ang pag-aalangan sa ekspresyon nito, pero sa huli, mas pinili nitong sabihin sa kanya ang kasalukuyang pinagdaraanan.
Nakasilip tuloy siya ng pagkakataon para maangkin ito. At isa pa, makakalaya na siya sa babaeng gustong ipakasal sa kanya ng mga magulang.
“Magpakasal tayo, Saskia,” walang gatol na sambit niya sa babaeng labis-labis ang pagkagulat na nakalarawan sa mukha. Hindi niya alam kung gulat dahil sa alok niyang kasal o gulat dahil sa pagbigkas niya ng buong pangalan nito.
PAREHO silang nakahubo’t hubad ni Vivian, habang mapusok na nagpapalitan ng mga halik sa ilalim ng shower. Tila hindi nila ramdam ang malamig na tubig na siyang bumabagsak sa kanila, dahil sa bumabalot na init sa kani-kanilang katawan.Hininaan ni Gerald ang shower, bago dinampot ang sabon, at sinimulang ipahid iyon sa katawan ni Vivian. Ganoon din ang ginawa nito, nagsabunan sila ng katawan. Pagkatapos ay sabay na silang nagbanlaw habang magkahinang ang kanilang mga kabi.Dahil sa ginawa nilang iyon ay mas tumindi pa ang init na nararamdaman nila. Isinarado niya ang takip ng toilet bowl at doon ay pinaupo si Vivian. Itinaas at ibinuka niya ang dalawang mga binti nito, at saka sinimulang lasapin ang medyo mamasa-masa na nitong hiyas.Umungol agad ito ng malakas. “Ooooh! Gerald, ito ang hinding-hindi ko sa ‘yo makakalimutaaaan!” wika nito habang nakapikit.“Do you like this? Do you like it this way?” tanong niya rito habang nasa pagitan siya ng mga hita nito.“Yes! Yes! Ooooh!” halingh
PAGPASOK ni Gerald sa kanyang apartment ay hindi niya inaasahang aabutan niya roon si Vivian, nakahiga ito sa kanyang kama sa loob ng kanyang kwarto.“Hon, bakit nandito ka? Hindi ba dapat ay nasa kompanya ka ngayon?” tanong niya rito.“Eh sa tinatamad akong pumasok, eh. At saka, may mga tao naman akong inutusan na gawin muna ang mga trabaho natin.”“Ang inaaalala ko lang naman kasi, paano kung biglaang bumisita roon sina tito at tita? Pagkatapos ay malalaman nilang pareho tayong wala roon? Paano natin sa kanila ‘yon ipapaliwanag?” problemadong sambit niya.“Alam na rin naman ng mga inutusan ko ang dapat nilang gawin at sabihin, sakali man na pumunta roon sina tito at tita. Dahil kapag hindi sila sumunod sa mga ipinag-uutos ko, ay alam naman nila kung saan sila pupulutin.”“Kahit na, mas maganda pa rin ‘yong nag-iingat tayo. At saka, bakit dito mo napiling tumambay sa apartment ko? Pwede naman sanang doon ka na lang sa kompanya, at least kahit biglaan man na bumisita sina tito at tita
MAHIGIT isang linggo ng naglalagi si Weston sa kanyang bahay sa mountain lodge. Wala siyang ibang ginawa roon kung hindi ang uminom at magmukmok. Halos maubos na ang wine na matagal ng nakaimbak sa wine rack, at alak na nasa liquor cabinet na matagal na niyang itinago roon. Marami iyon, pero dahil inaraw-araw niya ang pag-inom, ay kaunti na lang ang natira.Sa halos isang linggong pag-iisa at pagmumukmok niya roon, ay napagdesisyonan niyang lumuwas na at harapin na lang ang katotohanang iniwan na siya ng asawa at ipinagpalit sa siya nito sa pamangkin niya. Kailangan na rin niyang pumunta sa kompanya para bisitahin iyon, dahil hindi pa nagtatapos ang buhay niya sa ganitong kalungkutan at sitwasyon.Saglit niyang dinaanan ang matalik niyang kaibigan para maglabas ng sama ng loob. Ito ‘yong kaibigan niya na nakipagkita siya noong nakaraan, ‘yong galing sa U.S.“Hey, Bro! Kumusta? Napadalaw ka, ah? Mabuti na lang pala at hindi ako sumama sa outing ng pamilya ko, kaya inabutan mo ako rito.
“MABUTI naman at naisipan mo na rin na umuwi, Diana,” wika sa kanya ng asawang si William, pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa loob ng mansyon. Prente itong nakaupo sa isang mahabang sofa sa living room habang humihithit ng sigarilyo.“Bakit, masama ba na minsan ay dalawin ko rin ang anak natin na si Weston?” ganting sagot niya. Wala naman siyang balak na itago pa na nakatira siya sa poder ni Weston.“Huh, hindi mo siya basta dinalaw lang, doon ka pa talaga sa kanila tumira kasama ang hampas lupa niyang asawa. Paano ko nalaman? Kay Gerald! Isa kang kunsintidor na ina!” malakas at madiin nitong sambit.Hindi na siya magtataka kung nalaman man nito ang ginawa niyang pagtira sa bahay ni Weston, dahil isang malaking tsismosa ang babae ni Gerald na siyang pinsan ni Saskia. Malamang ay nagsabi ito kay Gerald nung magkakasama silang dumalaw nina Weston at Saskia sa bahay nina Juancho at Sania. Wala namang ibang magsasabi niyon kung hindi ang babaitang iyon.“Kunsintidor nga ako, pero nas
HABANG ABALA sina Gerald at Vivian sa pagsira sa relasyon nina Weston at Saskia, ay wala silang kamalay-malay na palihim nang pinag-aaralan ng mag-asawang Juancho at Sania ang pagpapatakbo nila sa kompanya.Wala rin silang kamalay-malay sa mga pasikretong pagpapa-install ng mga ito ng recording device sa bawat tagong sulok ng bawat opisina ng kompanya. Kaya kahit saan man sila magpunta, ay maririnig at maririnig ang anumang pag-uusapan nila. May palihim din na mga empleyadong may matataas na posisyon sa kompanya ang kinutsaba ng mga ito para mag-report sa bawat ginagawa nila.Katulad ngayon, nag-report sa mag-asawa ang Manager ng kompanya, kaya dali-daling pumunta roon ang mag-asawa.“Madalas ba sila ritong wala?” tanong ni Sania sa Manager.“Yes po, Ma’am. Madalas nga po ay sabay pa silang wala. Kaya sa ‘min na lang niya ipinapasa ang dapat na trabaho nila. Katulad po noong nakaraan, muntik na po tayong bumagsak sa audit dahil sa mga makinarya na matagal ko nang idinadaing kay Ma’am
NABABAGOT na si Saskia sa lugar na kinaroroonan nila ni Gerald, pero hindi niya iyon pinapahalata rito. Paano ba naman, limang araw na siya roon at halos paikot-ikot na lang ang kanyang ginagawa.Gigising siya ng maaga para magluto, maghugas ng mga pinagkainan nila, at maglinis sa loob at labas ng kubo, pagkatapos ay uupo at tutunganga na lang siya buong araw, nag-iisip kung paano makakatakas sa mga kamay nito.Hindi niya alam kung saang probinsiya sila naroroon, dahil iniiwasan niyang itanong iyon kay Gerald, dahil ayaw niyang makahalata ito kahit kaunti sa binabalak niyang pagtakas. Wala rin silang kapit-bahay ni isa man. Para silang nasa gitna ng kagubatan at tanging mga huni ng ibon at mga kuliglig ang siyang naririnig niyang ingay, araw man o gabi.Kapag umaalis ito ay kinakandado nito ang pintuan ng kubo sa labas, sinisiguradong hindi siya makakatakas. Pero hindi niya ito kinukwestiyon kay Gerald, dahil nga ayaw niyang makahalata ang lalaki.Ang ikinakatakot pa niya sa lahat, pa
“JU-JUANCHO, sa tingin mo ba, magagawa ito ng anak natin? Magagawa ito ni Saskia? Parang napakaimposible naman! Dahil noong ipinipilit namin si Gerald sa kanya, ay talagang ipinaglaban niya ang kanyang sariling damdamin dahil ayaw na niya talagang balikan si Gerald. Kaya nga namin siya tinanggal bilang CEO sa kompanya at pinalayas na rin dito dahil ayaw niya talaga kaming sundin,” lumuluhang wika ni Sania sa kanilang dalawa ni Juancho.“Ayaw ko nang muling magkamali sa paghusga sa ating anak, Sania. Kung may dapat man na magpatunay kung totoo ba iyan o hindi, ay siya lamang, at wala nang iba pa. Hintayin na lang natin siyang bumalik, at nasa kanya na rin iyon kung magsasabi siya ng katotohanan o hindi. Ayaw ko lang na muling maulit ang maling panghuhusga natin sa ating anak, dahil napapagod na rin ako sa bawat hindi natin pagkakaintindihan. Nag-iisa lang siyang anak natin, Sania. At ayaw kong muling lumayo ang loob niya sa ‘tin. Gumawa na lang din tayo ng paraan para matuklasan natin a
MALALIM na ang gabi nang makarating si Weston sa kanyang bahay sa mountain lodge. Wala siyang ibang naririnig doon kundi iba ‘t ibang klase ng huni na nanggagaling sa mga ibon at insekto.Nasa gitna ng kakahuyan ang mismong bahay niya, at tanging solar energy ang nag su-supply sa kanya roon ng kuryente. Matagal nang hindi siya nagagawi roon kaya alam niyang marumi na ang loob at labas nito.Pagpasok niya sa kabahayan ay agad siyang dumiretso sa wine rack at dumampot doon ng isang bote. Wala siyang balak na matulog ngayon dahil punung-puno ng sari-saring isipin ang kanyang utak at halo-halong emosyon ang kanyang damdamin.Umupo siya sa isang tumba-tumbang upuan sa balkonahe bitbit ang bote ng wine, at marahan niya itong tinutungga habang nakatitig sa bilog na bilog na buwan. Napabuntung-hininga siya kasabay ng pag-igting ng kanyang mga panga. Siguro kahit saan siya magpunta, talagang maaalala niya ang kanyang asawa.Halos mabaliw na siya kakaisip kung ano na ba ang ginagawa nito at ni
NAPASIKSIK si Saskia sa dingding nang bigla siyang lapitan ni Gerald. Napalunok siya nang hawakan siya nito sa kamay para alalayang tumayo. Sumunod na lang siya rito para hindi na maulit ang ginawa nitong pagwawala. Ayaw na niyang magsalita na makakag-trigger ng galit nito, lalo ‘t sila lang na dalawa ang magkasama. Pinaupo siya nito sa iisang kamang naroon. Pagkatapos ay ipinaghanda siya nito ng makakain. Nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay kung ano na ang gagawin nito.“Kumain ka na muna dahil baka gutom ka na. Medyo malalim na rin ang gabi,” sambit nito.“I-ikaw, hi-hindi ka pa ba kakain?” Nag-aalangang tanong niya. Bakas pa rin sa boses niya ang takot.“Gusto mo ba akong kasalo sa pagkain?” tanong nito na tila nagniningning ang mga mata. “Ibig sabihin ba niyan, ay nag-aalala ka sa ‘kin?” dugtong pa nito. Hindi maitago ang kung anong kasiyahan sa tinig nito.Doon niya napagtanto na kailangan niyang paamuhin at palambutin ito. Kailangan niyang kunin ang tiwala nito, at kapa